Tumgik
Text
DIYOS KO PO?!!
Totoo po ba yan?
Way back 2005 noong ako ay kasalukuyang sacristan  naitanong ko yan sa Pari namin, bata palang ako ang dami ko nang tanong dito sa mundo, bakit ganito? Bakit sya  ganyan? Kailan nag umpisa? Kalian matatapos? Ano tawag dito? Anong lasa nyan? Anong ginagawa natin? At PAANO KUNG HINDI PALA SYA TOTOO? At nag papasalamat ako kay father dahil ibinigay nya ang side ng pananalig nya at paniniwala sa Diyos,. At gusto nya na ganon din ang gawin ko, Sinagot ko sya ng Ngiti lang..
Naalala ko kasi noong Grade school ako nakatira kami noon sa APELO CRUZ Pasay City.. noon pa man mahilig na ako sumama sa mga gawaing banal.. (kuno) Bible study dine, Worship dito! Kanta doon..
Ako po ay Binyagang Katoliko, pero dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ng magulang ko at  mga taong nakapligid sa akin, nagawa ko po maka dalo ng ibat ibang gawain at pag sama sa ibat ibang relihiyon.. natigil lang ito ng nag trabaho na ako sa isang Malaking Mall, Pero hindi rin nag tagal bumalik din ako sa pag seserbisyo sa Simbahan dahil nagging Choir ako sa mall na yun at kailangan ko kumanta every first Friday ng Buwan.. Pero bakit sa kabila ng lahat may pag dududa padin ako, kung saan ako naka anib.. at aanib?
Honestly Speaking .. dumaan ako sa isang mahabang Proseso ng pag tangap sa Paniniwala ng mga Magulang at kamag anak ko sa mga bagay na kinalakihan na” dahil malikot ang pag iisip ko sinubukan ko umattend ng mga bible study ulit.. mag research sa internet, mag hanap ng mga BLOG na may kinalaman sa usaping Relihiyon, mga Debate at talks about faith.. and Guest what? Nakaka disappoint!
Walang kahit anong Relihiyon ang naka kumbinsi sa akin para umanib sa kanila.. Walang pag kakaiba ang mga Relihiyon sa Palengke, Groceries, at kahit sa mga TV ads, Billboard sa Edsa.. Lahat sila nakikipag agawan at nakikipag tagisan ng pananampalataya sa tinatawag nilang diyos..  
Akala ko ba na kapag Relihiyosong tao ka “;magiging mabuti ka?” “hindi ka gagawa ng mga labag sa Bibliya?” “No Bad words?” Pero anong nang yayari sa mga relihiyon na dapat nauuna mag pakita at mag paramdam ng salitang “PEACE” “LOVE”???
Hanggang sa nasabi ko sa sarili ko “LORD TULUNGAN MO NAMAN AKO MAKITA YUNG RIGHT PATH” GUSTO KONG MAGPASALAMAT SAYO NG MAAYOS , GUSTO KONG IKAW YUNG MAG GUIDE SA AKIN.
Habang nasa CR ako at nag babawas madalas akong mag Random Thoughts , habang nakaupo sa inidoro.. naisip ko na MAY DIYOS PA NAMAN AKONG KINAKAUSAP, MAY DIYOS AKO KANINA NA KINAKAPITAN” ibig sabihin, kaya ko naman pala mag dasal ng walang kahit na anong seremonya? Kaya ko naman palang maging mabuting tao kahit hindi ko sa ulo ang mga verse sa bible.. kaya bago ako mag hugas ng pwet inisip ko lahat ng mga dapat kong tangalin sa Sistema ko at isama ko na sa pag flush..
Five months ang nakalipas simula ng malalim na pag tatanong ko tungkol sa Relihiyon, at nag roroving na ako noon may mga NON BELIVERS ako na nakilala, Demo sya sa BF PARANAQUE at meron din syang kaibigan na dumalaw sa kanya sa store, pinakilala nya ako sa kaibigan nya at nag kausap kami after duty ko sa store about ATHEIST narinig ko na sya dati pero akala ko mag katulad sila ng ILLUMINATI ek ek.. yun pala ang layo nila sa inaakala ko… Hindi nya ako kinumbinsi na Sumama sa Organization nila dahil hindi nila gawain na mag BENTA ng mga salita sa tao para mabago nila ang pananaw mo sa buhay.. Hindi sapat yung Isang Oras na kwentuhan pero ang dami kong natutulan sa kanya.
Nirerespeto nya ako sa kalagayan ko, sa pag hahanap ng sagot.. at mas doble ang respeto ko sa kanya dahil kahit WALA SYANG DIYOS       napaka buting tao nya, inad nya ako sa Facebook at nakikita ko kung paano sila tumulong sa mga na ngangailangan..
Ngayon kapatid ang tanong ko sayo bilang isang relihiyosong tao, nakatulong ba sayo?
NAGING MABUTING ANAK KA BA 100%?
NAGING MABUTING MAGULANG KA BA NG DAHIL SA RELIHIYON MO?
NAGING MAGANDA BA ANG TAKBO NG BUHAY MO DAHIL SA MGA SIANULO MONG VERSE?
 Napakalalim at napaka laking usapin ang RELIHIYON.. pero kahit ba minsan naitanong mo sa sarili mo kung dapat ba na mag patali ka sa “PANINIWALA” kesa sa mga bagay na “GANAP” na?
Ang PANINIWALA ay yung mga bagay na hindi mo nakita ng personal pero dahil nakasanayan at nag salin salita na ay pinaniwalaan mona lang dahil naniniwala ka na ito ay MAJORITY BELIEVE ng SEKTA niyo.
Ang GANAP na ay mga bagay na nakikita mo at hindi na kailangan ng paliwanag.
 Para sa akin ang PANANALIG SA DIYOS ay WALANG LABEL, WALANG INUURI, at higit sa lahat WALANG DONASYON!
Makakapagdasal ka sa Diyos ng WALANG MALAKING SIMBAHAN, WALANG KAHIT NA ANONG SEREMONYA AT REBULTO..
Pumunta ka lang sa kwarto mo, pumikit kalang, mag pasalamat ka sa kanya, at humingi ng alalay sa mga panahon kailangan mo..
Kaya mong maging mabuting tao na WALANG SEKTA na kinaaniban.
Kaya mong maging magalang sa mga nakatatanda.
Kaya mong maging modelo sa iba.
Kaya mo ng walang Relihiyon..
 Wag kang umasa na magiging maganda ang tingin sayo ng tao, kung nag sisimba sa araw ng lingo kung chismosa ka naman buong buhay mo, at sinisira mo ang buhay ng ibang tao.
Wag kang umasa na dahil sa pagiging relihiyoso mo tutuparin nya na lahat ng hiling mo, MAG TRABAHO KA KAYA!!
Kung relihiyoso ka panindigan mo..
Ngayon kung idadahilan mo sa akin na “SORRY TAO LANG?!” nag kakamali din .. eh di shing…! Eh di hindi nga epektib ang relihiyon mo!!!
 Ang Relihiyon sa akin ay parang isang Negosyo na kailangang I maintain..
Oppss Reminder lang, Hindi kita kinukumbinsi, na kwento ko lang yung kalagayan ko bilang walang relihiyon. Alam ko naman na hindi ito normal na pinag uusapan sa inuman, at sa bahay.. kaya dito na lang sa social media pag usapan..
 Para sa mga RELIHIYOSONG TAO katulad ni ALEX GONZAGA paki tigil ytigilan mo yung mga NON BELIVER.. kung maka husga ka naman na naliligaw ng landas yung mga walang diyos, linisan mo muna ng holywater yung bibig mo.
 NANINIWALA AKO SA DIYOS PERO HINDI SA RELIHIYON.
Marami pa akong hindi na ilagay dito, kaya sa lahat ng mga may balak mag comment at supalahin ako, available po ang comment box ko.. usap tayo..
 Ikenthoughtsauniverse.tumblr.com
0 notes
Text
(part 03) POSSIBLE REASON BAKIT KA SINGLE
1 note · View note
Text
(part 02) POSSIBLE REASON BAKIT KA SINGLE
0 notes
Text
(part 01) POSSIBLE REASON BAKIT KA SINGLE
0 notes
Text
BARON vs UP DIL,STUDENT (on my poin of view)
0 notes
Photo
Tumblr media
LIMANG KATOTOHANAN SA MGA SOCIAL SITE!!!
Ken Ognilla
 Ang mga Millennials ay henerasyon kung saan umusbong ang ibat ibang gadget at ibat ibang Social site at Apps, ang henerasyon din natin ang matatawag na OPTIMISTIC GENERATION , dahil tayo ang mga taong may pakialam sa lahat ng bagay.   mahilig tayo mag bigay ng komento, at gumawa ng mga bagay na makapagbibigay ng atensyon sa ibang tao, tinatayang mas mataas ang bilang ng mga hindi natin personal na kilala sa friendlist natin kesa sa mga totoong kaibigan natin ng personal, mas mataas din ang bilang ng mga ACTIVE sa mga SOCIAL ACTIVITIES, na nakaka kuha ng atensyon  nating mga tao, gaya ng mga kaibigan mo sa facebook at mga follower mo sa Instagram, tumbler at twitter eto ang LIMANG KATOTOHANAN SA MGA SOCIAL SITE na kailangan mong tangapin at harapin sa araw araw J
  PANG LIMA ( 5 ) – LIKE and SHARE
May mga kaibigan ka sa Facebook at twitter na mag se-share ng mga political memes and religious staff at higit sa lahat yung mga naaksidente (bullshit), mababasa mo muna ang description ng mga larawan at kokonsensyahin ka na matapos I like pa share na lang din,   dahil kung hindi mo ishare hindi ka aakyat sa langit at hindi ka makakatulong sa mga naaksidente.  ang Malala pa din dyan mga kapatid, may mga chamber message din sa mga PM niyo na kailangan nio maipasa ang dasal na yun sa limang katao at bukas na bukas ay may milagrong darating!!
 Opinion and Tips – ang sa akin lang naman para sa mga taong mga gumagagawa nyan paki check nio muna kung credible yung mga memes na pinapakalat niyo, lalo na kung may kinalaman sa personal na buhay ng pulitiko oh ng isang tao (celebrity) baka isa ka sa makasuhan ng Libel, tapos ang sagot mo sa korte “malay ko kung totoo yun.” sasampigahin kita dyan eh.
Para naman doon sa mga taong -Please Type amen, one like one prayer!! Wala naman masama sa mga Religious staff , images, at quotes nio  basta siguraduhin nio lang din na in GENERAL yung mga staff nio ang ibig kong sabihin yung pwede sa lahat ng relihiyon, baka post ka ng post ng mga imahe ng Santo at mga Cruz dyan eh bawal naman pala yun sa relihiyon ng mga kaibigan mo, oh di naman kaya mga atheist pala sila. pwede mo naman palakasin ang pananalig namin ng hindi ka nag po-post ng mga kung ano ano dyan, tigil tigilan nio din yung mga chamber messages nio ha pakalat kayo ng pakalat ng mga ganyan, PINAPAASA nio lang yung mga tamad,  bukas mag kaka milagro at matutupad ang wish nila wag ganon MASAKIT ang UMASA SA WALA.!!
Sa mga tao naman na mga Funny- funnywalaen pwede ba, mag trabaho na lang kayo at mag pasalamat sa Diyos kesa hingi kayo ng hingi.
 PANG APAT ( 4 ) KEYBOARD WARRIOR
Eto naman yung mga tao sa mga social site na may mga PINAGLALABAN  ayon sa mga panindigan nila at mga sinusuporthan its either politician or artista, oh kung sinong kurimaw na sikat yan, eto ang makabagong aktibista, eto yung mga taong akala mo pinapalamon nong idol nya ng tatlong beses sa isang araw, akala mo din alam niya yung amoy ng hininga at utot ng idol nya, kung maka supla sa mga panget na comment ng mga haters akala mo din na tabi sila matulog ng idol nya, at masasabi mong keyboard warrior ka kapag 10 secounds after ng HATE comment sa idol mo eh nakapag reply ka kaagad, bigla ka din nagiging political analysist, nagiging Hukom at abugado para sa mga batas na nilabag ng haters ng idol mo at bigla mo na lang na babangit ang mga pwede ikaso sa kanila kahit wala naman yun sa bokabularyo nyo (wow amazing!!!) at higit sa lahat ang B.P mo ay 160 over 90.
 Opinion and Tips- (teka kuha lang ako ng salamin) para sa samahan ng MNPP (mataas na presyon ng dugo sa pilipinas) wala naman masama sapag tuwid sa mga maling akala ng ibang tao sa mga idol nio, tama naman na ipagtangol at suplahin yung mga tao na naninira ng kapwa.. pero naisip mo ba na ang sinisira mo eh yung personalidad mo para sa iba mong mga kaibigan? Maliit ang porsyento ng mga makakaintindi sayo, at mas Malaki ang porsyento ng mga ma bu-bwisit sa iyo! Ang social media ay mundo ng taong mapang husga, asahan mo  na ang mga taong mag bibigay ng masasamang komento,  kesa sa magandang sasabihin, wag ka din masyadong tanga sa mga detractor isinilang yang mga yan para manira at bayaran (mag kano kaya bigayan?) samantalang ikaw isinilang ka para ipagtangol si idol,  wag mo sabihin sa akin na may balak ka na mailagay yung pangalan mo sa Philippine history at bigyan ng titolo na BAGONG BAYANI??, kung para sa kapakanan ng bayang pilipinas go! Okay na okay yan kung usapang West Philippine sea supportahan kita.   pero kung usapang idol mo lang din wag na please dahil mas possible pa na maukit ang pangalan mo sa LAPIDA ikaw din baka matuluyan ka.
  PANGATLO ( 3 ) – ACTING WORKSHOP SA STATUS
Eto yung mga taong masarap samaplin at sikmuraan ng personal, mag po-post ng status ng
9:30 am             - GOODMORNING WELCOME NEW DAY!!! Felling inspired.
12;00 nn            -BADTRIP, BEASTMODE sa traffic,.. felling irritated.
1:00 pm             -NAG TXT NA SYA ANG SAYA .. felling inlove
4:00pm              -NGAYON MO AKO ARTIHAN SASAPAKIN KITA WAG AKO!! felling angry
7;00pm              -YEHEY SA WAKAS MAY SAHOD NA felling lucky
8:00pm             -WALA PA SYANG REPLY felling sad.
Minsan talaga nakaka irita yung mga ibat ibang fellings na mababasa mo lalo na kung isang tao lang yan sa isang araw, oras oras ang status, at ibat iba yung fellings!!
 Opinion and Tips- mga kapatid hindi ko naman kayo mapipigilan kung mag status ka pa ng 300 status a day, timeline mo yan, account mo yan eh wala naman din akong magagawa kung pinanganak ka na enthusiast ang fellings.   ang nakakapag taka lang din oras oras iba ang nararamdaman???!! ( really? ) nag pa tingin kanaba? Isipin mo na lang din yung felling ng nag babasa ng post mo, pag masaya ka masaya din sila.  pag galit ka, magagalit din sila.  pag sad ka sad din sila ganon ba gusto mo? tsaka ang status ay ginawa hindi naman para sa oras oras na fellings mo, ang status bar sa mga social site ay ginawa para sa bagay na summary ng pwede mong gawin na pwede nio pag usapan ng mga kaibigan mo at makakuha ng ibang opinion.   ginawa din ang status bar nayan para makapag post ka ng mga invitation at photo para pag usapan nio ng mga kaibigan mo “again para pag usapan ng mga kaibigan mo” minsan matuto tayong mag control sa sarili natin, kung ano ang mga dapat nating sinasabi sa status.
Tips naman para sa mga taong iritado din sa mga kaibigan mo na may balak mag artista “ unfriend”  nio na lang para tapos ang problema mo sa kanila, inaano kaba kasi ?? hahahahaha (walang basagan ng trip)
  PANGALAWA ( 2 ) – SORRY LATE UPLOAD
Eto naman yung mga kaibigan mo na humihingi ng pasensya kasi hindi nya na upload yung mga picture nya sa swimming, o kaya noong nag gala sya.. sila din yung mga tao na pinapaasa yung mga kasama sa mga lakad na isasama sa picture at mag ta tag ng picture sa account ng iba, pero kapag sinilip mo yung buong album, anak ng tokwa puro sya lang naman pala yung nandoon.
 Opinion and Tips- una sa lahat wala kang kasalanan sa amin, lalo na kung yung 3000+ mong friend list eh hindi naman kasama doon sa album mo, isa pa hindi naman namin inaantay yan picture mo, ma pwera na lang kung sinabihan oh kinulit ka namin na I upload mo na para sa GLOBAL WARMING.  wag ka na din mag paliwanag kung late upload yan, para naman kaming hindi taga pilipinas wala naman na internet provider dito na mabilis, lahat sila paasa ( may problema ako sa “paasa” pansin ko lang haha) ang tips ko sayo kapatid be specific kung kanino ka humuhingi ng “sorry” kung sino yung mga kaibigan mo na kasama mo sa picture at dahil makakapal yung mukha nila sayo na yung camera ikaw pa yung mag a-upload,. Eh mention mo na lang din sila doon sa upload mo, nakaka inis na kasi yung nag sosorry kayo sa amin, eh alam naman namin na wala kang kasalanan.. pwede mo naman din I caption na lang kung saan lugar yon tapos together with kid kulapu ,, tigil tigilan yung JEJEMOVES ha.. endanger na yang mga yan wag kana sumama sa population nila.
  UNA ( 1 ) – SELFIE PA MORE  
Excuse me lang po sa mga tatamaan mejo marami rami sila sa mga friend list ko at friend list mo!! hahaha eto yung mga klase ng behavior sa social site lalo na sa Instagram (natural Instagram yun hahah) at facebook, eto din yung mga tao na nilamon na ng Sistema ng Cellphone at ng Filter ganon na din ang mga mapang utong like at comments ng mga bestfriend at kamag anak. ( natawa po ako ng malakas talsikasan sa monitor yung laway ko).
 Opinion and Tips- well sabi nila ang pag se-selfie daw ay isang disorder na kung tawagin ay SELFITIS defined as the obsessive compulsive desire to take photos of one's self and post them on social media as a way to make up for the lack of self-esteem and to fill a gap in intimacy. At ang Malala pa dyan ginagamitan pa natin ng filter. Ginagawa natin ang habit na yan para makakuha tayo ng atensyon na hindi natin nakukuha sa reyalidad, sinusubukan natin makakuha ng magagandang comment sa mga pineke mong picture at magandang Angulo.  Wala namang pag kakaiba ang ginawa mo sa isang tao na sumigaw ng malakas sa gitna ng misa.   Hindi ka nag se selfie dahil trip mo lang, aminin mo sa sarili mo na kailangan mo ng attension at mukang totoo nga na mental disorder sya.   pero mas naniniwala pa ako na may sayad yung tao kung sasabihin nya na “selfie tayo” kahit apat sila sa frame, hindi ba “ groupie ” yun?? Ngayon po pwde niyo ako sikmuraan ng personal kung hindi totoo yung sinulat ko.
Tips ko lang sa mga selfie lord  dyan, iwas iwasan nio muna o kaya in moderate,, araw araw kasi naming nakikita ang mga mukha nio, wala naman na iba, mahal pa rin naman ang kilo bigas at singel sa kuryente, hindi rin naman nakakagaling yung sideview, front view, upper view at low view shot mo, para sa mga may karamdaman. Hindi rin naman sagot yan mukha nyo sa lumalalang EL nino. Minsan mag survey ka din sa mga kaibigan mo kung na iinspire ba sya sa paulit ulit mong mukha sa facebook, at mag ready ka sa sagot nya.  Para naman doon sa mga tao na may mga selfie lord na kaibigan dalawa lang yan its either ikaw na lang mag adjust oh I “unfriend” mo sila.
  Na ibigay ko na yung Limang katotohanan sa Social site, at eto ang aking General Thoughts, sa Blog ko.
Katulad ng sinabi ko tayo ay mga Millennials at kasama sa mga gawain natin ang mag papansin, at mapansin in our own way and battle, when it comes to social issue at kung ano ang trendings.  ang mga social site na to ay merong maganda at pangit na resulta kapag nasobrahan ka sapag gamit.  para sa akin isa itong prebilehiyo na ibinigay sa atin ng henerasyon natin para sa mga bagay na hindi kaya ibigay ng mga tv networks at mga broad sheet sa atin.   dahil sa mga site na to nagagawa natin ipakita ang mga talent natin na hindi nakikita sa national television, tanging social media lang din ang nag bigay opurtinidad sa mga hindi naman kagandahan at kagwapuhan pero may talent!!.. ang social media din ang nagiging instrument ng nasa taas para kalabitin tayo at ipaalala na hindi lang puro fame, hindi lang puro trending ang asikasuhin mo, ipakalat mo din yung mga salita ng diyos.   kung ito ang dahilan ng pag lago ng isang tao para makilala sa buong mundo, eto rin ang pwede mong gawin paraan para siraan ang isang tao, at mag pakalat ng mga maling balita..
 Ang pag gamit ng mga social site na ito ay parang PAG HUHUBAD NG DAMIT sa harap ng maraming tao, hindi lahat ng nararamdaman mo kailangan mong ipaalam sa mga tao, lalong wag mong sanayin na maging comfort zone mo ang cyber world.. alalahanin mo na mas makakabuti sayo na kausapin mo ang mga TUNAY MONG KAIBIGAN para matulungan ka nila ng maayoos sa mga problema mo, katulad nga ng nabangit ko kanina ang social site ay puno ng taong mapanghusga, ang cyber world ay isang makapangyarihan at delikadong mundo, gamitin mo to sa ikakabuti mo at ng mga taong pinili mong maging bahagi ng mundo mo ( account ) .
  For more Blog visit my Tumblr@ ikenthoughtsauniverse.tumbler.com
Follow me on twitter à @super_bisor
Add me as a friend à [email protected]
Podcast via Spreaker Listen every Saturday night 10pm What’s Up radio.ss
0 notes
Text
BOBOTANTE para sa mga PULPOLITIKO -Ken Ognilla
Alam ko naman na hindi lahat sa inyo nag babasa ng mga BLOG dahil sa pangunahin rason na tamad mag basa ang mga Pilipino, mabilis tayo mang husga agad ng konteksto at inaayon mo ito sa pamagat, pero isa yan sa mga trick naming mga blogger para malaman naming kung binasa nyo yung kabuuan ng mga kuda namin.
Ngayon ang huling araw ng mga pulitiko para mangampanya at marami pa rin sa ating mga kababayan ang nanatiling undicided. at wala pa ding kandidato ang nag mamay-ari ng kanyang matamis na OO. Uunahan ko na kayo hindi po ako mangangampanya para sa napili kong kandidato, ginawa ko tong blog na ito para matulungan ka na mag karoon ng sapat na impormasyon para sa gusto mong kandidato,  gaya ng ginawa kong pag pili sa mga tumatakbo ngayong 2016. (lakas maka political analysis )
Sa totoo lang napaka exciting ng Eleksyon ngayon sa bansa, kasabay ng pag yabong ng kasaysayan ay kasama na natin ang mga social site kagaya nito, para makibalita at makapag siyasat sa mga kandidato ngayon. may nag tanong sa akin kung sino daw baa ng pwede kong i. suggest na presidente sa kanya dahil naguguluhan na sya, lalo na ngayong papalapit ang eleksyon mas tumitindi ang bangayan ng mga partido, ganito lang naman kasimple yan.
SINO ANG DAPAT KONG IBOTO? AT BAKIT SYA?
Ang unang salita na SINO?” ay isang PANGHALIP NA PANANONG na tumutukoy sa panagalan ng TAO.
Eh “SINO” nga ba ang panagalan na pipiliin mo? Umiwas ka sa mga pangalan o apelyido na paulit ulit mo nang naririnig sa mga kampanya, mga pangalan na sinalin salin sa mga anak para manatili sa pwesto. Tandaan mo na ang Pagiging PUBLIC SERVANT ay para sa lahat ng nag nanais na makatulong sa kapwa hindi para  maka buo ng Family tree sa loob ng opesina, alamin mo kung may nagawa ang mga mokong na yun sa bayan niyo, o baka ang bayan nyo lang ang may nagawa sa mokong na yun. Malinaw sa Republic Act 7160 na bawal na bawal ang mga mag kakamag anak sa gobyerno, alamin mo din kung gaano na ba katagal namumuno ang mga hinayupak na yan sa lugar niyo.
Bukod sa tagal at nagawa nya, makakabuti din na alamin mo ang mga brighter side ng kandidato (kung meron man) sa ganoong pagsisiyasat mababalanse mo din yung mga negatibong naririnig mo sa kanya.
Ano ba sya bilang AMA / INA ?, ASAWA , KAPATID at ANAK.. Wag mo din seseryosohin ang mga naririnig mo sa mga WALANG TRABAHO at mga PABIGAT sa PILIPINAS na mga TSIMOSA,  maaring makasagap ka ng tamang tsismis (teka kailan pa nagging tama ang tsismis?) mas mabuting pag aralan mo pa din mabuti ang mga pinaparatang sa kanya in short wag kang funny, funnywalain!!
Ang Pangalawang salita ay DAPAT ( teka muna, diba ANG yung pangalawang salita? ). Tumutukoy ito sa NAIS natin mangyari.
DAPAT lang talaga na nakaayon ang mga PAngako ng kandidato sa mga kababayan nya, ang PLATAPORMA ang isa sa mga dapat mong pinakikingan sa mga tumatakbo, malalaman mo kung may VISION at MISSION ba sya at CORE VALUE para sa mga hangarin niya, hindi lang sa bayan maging sayo bilang indibidwal..
Malimit kong marinig ang mga pangakong TATAPUSIN KO ANG KAHIRAPAN tuwing mag hahalalan at araw ng eleksyon. Pero masakit man tangapin ARAW ARAW PA RIN NATIN NARARANASAN ANG KAHIRAPAN. Ang plataporma ay hindi lamang nakatuon sa kahirapan, mahalagang malaman mo kung may pakialam ba ang tumatakbo oh isang kandidato sa kinabukasan ng mga anak mo pag dating sa EDUKASYON, PABAHAY, PATRABAHO, at usaping PANG SIGURIDAD.  
Ang DAPAT na kandidato ay hindi nasusukat, sa GALING NG BUNGANGA, sa HATAW NA PAGSAYAW sa entablado, at sa pag papangap na kaisa nyo sya sa kahirapan ng bansa, ang lakas maka LECHE ng mga hinayupak na kandidato na yan.
Ang DAPAT na kandidato ay HANDANG TUMAYO SA HIGAAN KAHIT HATING GABI, HAHARAP AT MAKIKINIG SAYO, MABILIS NA TULONG NG WALANG EK-EK,. AT WALANG DRAMA.!!!
Ang DAPAT iboto “PUBLIC SERVANT” hindi “PULITIKO”.
Sa Huling tanong na BAKIT SYA?
Dahil sya ang sa tingin mo ang tama. Bumoboto ka hindi para sa ibang tao, bumoboto ka para sa sarili mo at sa bayan na tahanan mo, walang sino man ang makakapagsabi at makakapag dikta sayo kung SINO ang DAPAT , duties and responsibility natin yun bilang botante at bilang Pilipino, bumuboto tayo ayon sa PRINSIPYO (pero karamihan at sa panahon ngayon BULSA.) at KARANASAN mo sa nagdaan na anim na taon,. wag mong hayaan na LAMUNIN KA NG SISTEMANG BULOK, at MAUTO ka ng mga TRAPO.
Wag kang mag padala sa matatamis na ngiti nya sa Billboard sa EDSA tandaan mo na labag sa batas yung ganong kalaking Campaigned materials  ang standard size ng poster ay kasing laki ng long bond paper o 8 ½ by 14 inches, habang ang tarpulina naman ay two by three feet ang pinaka-maximum. Wag kang bobo nginitian mo din naman.!!
Matuto kang magsuri sa mga sagot nila sa DEBATE wag puro MEMES ang IKINAKALAT.
Alamin mo din kung sumusunod sa batas yang mga PUTANG INANG PULITIKO na yan.
Wala din sa Dumi ng bunganga ang sukatan ng kakayahan sa pagiging PUBLIC SERVANT .
Wala din sa Talino at taas ng pinag aralan kung kay BATMAN lang din iaasa ang lahat.
Wala din yun sa Dugong Aksyon star, hindi to showiness, kinabukasan mo nakataya dito.
Higit sa lahat wag ka doon sa MALABONG SUMAGOT sa ISSUE sigurado na MADILIM kinabukasan natin doon. (Makati din kamay non peste!)
 O sya wag kang maging BOBOTANTE iwasan ang mga PULPOLITIKA.
0 notes
Text
wala lng
0 notes
Text
UNDECIDED
Na gugulihan talaga ako kung aalis ako sa regular na trabaho ko may mga instances lang naman talaga na ayaw ko sa trabaho ko katulad ng pressure at iaasa sa akin ang magiging kapalaran ng branch, at kapag bumagsak yung branch, kasalanan ko yun.. bwusit naman talaga oooh.
0 notes
Text
araw ng testing
0 notes
Text
PHYSICAL EXAM
Way back 2008 yun ang first time ko mag apply sa isang malaking mall sa bansa, at ito din ang first time ko na maranasan ang lahat ng ito, palibhasa kaka graduate ko pa lang ng highschool at dahil sa hirap ng buhay hindi na ako na ka pag collage. Nakapasa ako sa lahat ng interview at bago kami umuwi sinabihan kami ng HR assistant na bumalik daw kami bukas para sa "Physical Exam" whoow! Exam???! hindi ko pinalipas ang gabi dahil maniwala kayo sa hindi nag review po ako! Yes tama kayo ng nabasa nag review po ako ng Anatomy at Physical Education seryoso ako na makapasa sa lahat ng tanong bukas, at para sigurado na makakakapasa ako gumawa pa ako ng kodigo! Kinabukasan Physical exam na at kinakabahan ako, sabi nang Guard kailangan ko daw dumeretso ng Company clinic? Bago ako umakyat kumuha muna ako ng ball pen at papel at syempre kodigo, hahaha WAIS to no!. Sa upuan sa tapat ng clinic nakita ko ang tatlong babae at dalawang lalake. Ahh excuse me mag e-exam din kayo? Sabay turo sa pinto ng clinic. Tumango naman sila ng nakita nila na naka turo sa pintuan, umupo ako na din ako sa at nag antay kung ano ang magaganap. Sa gitna ng katahimikan ng lahat bumukas ang pinto at may lumabas na lalake na ngingiti-ngiti, may binangit syang apelyido at yun daw ang sunod. Ohh pre balita ok ba? Pasado ka? Sablay pre di ko nabasa yung pinabasa sa akin! Nagulat naman ako kay kuya sa tanda nyang yun hindi pa din sya marunong magbasa?? Ohh come on, at na realize ko na may reading test din pala,sisiw lang yan hehehe ako pa! Pero ano nga bang pinabasa sa loob at mukhang nahihirapan ang iba? At para hindi ako maiinip ni review ko muna yung kodigo ko about physical. Maya maya pa eh parang nakaramsam ako ng paghilab ng tiyan nag CR muna ako at sa loob ng cubicle nag dasal na din ako na maipasa ang exam, medyo natagalan ako sa C.R, at pagbalik ko isa na lang ang nandon si Ate mukang kabado at namumutla. Hi?! Tayo na lang ba nag aantay? tanong ko sa kanya habang pa upo ako sa tabi nya. Oo. Ahh kuya may experience ka na ba sa physical exam? Tanong nya naman pabalik sa akin,napaisip ako pero di ko naman pinakita na firs time ko! At sinabi ko na "Hindi naman" sabay ngiti ng alangan sabi ko na lang sa sarili ko atleast nakapag review ako! Hindi ulit natiis ni ate at umimik ulit sya; Kasi kanina noong madami pa tayo sabi nung isa bubulatlatin daw yung pwet?! Tumawa ako ng tumawa kasi naiisip ko yung sinasabi no ate! Nagsalita ulit sya! Tapos yung ano nyo daw titimbangin yun. Tinawanan ko ng tinawanan si ate! Puro ka kalokohan sabi ko sa kanya, first time moba? Tanong ko sa kanya at sumagot sya ng Opo,sa physical exam. Pero nakita ko sa mga mata nya ang kaba at panghihina. Ano kaba dapat kasi kapag may mga exam, pinaghahandaan yan, tulad nito diba wala kang idea about sa loob ng clinic, puro kalokohan pa naririnig mo relax ka lang! At habang pinapakalma ko si ate biglang lumabas ang isang aplikante at kasunod nya ang nurse, na hindi ko po ma wariy kung masama ba ang loob oh pinaglihi sa sama ng loob?? Nakamangot kasi at mukha talagang bad hair day! May binangit syang apelyido pero wala doon ang hinahanap nya. Kayo na lang dalawa? Sino gusto mauna? Dahil kinakabahan si ate at hindi pa ready nag presinta na Lang ako ang mauna. Pagpasok ko sa loob na pasin ko ang isa pang nurse mukang bata pa sexy,at di hamak na malayo ang itsura, kaso nga lang eh may pagka madaldal, patuloy syang nagsasalita habang papasok ako sa loob may kasama pa nga na hampasan blues ang kwentuhan, dahil ata kinikilig sila sa teleserye na pinanood nila kagabi. Umupo ako sa upuan sa tapat ng table, at inabot sa akin ng matandang nurse ang dalawang papal na punong puno ng tanong, inisip ko na baka ito na yung test. Nang chineck ko ang mga tanong puro naman family background regarding sa health at kung sino yung may mga sakit sa pamilya at guess what sisiw ang tanong na binigay nila, I'm sure makaka 100 ako nito! Akala ko tapos na ang lahat nang biglang nagtanong si Godzilla " nakatulog kaba ng maayos? Nakapag pahinga? Nakakaen?" Opo bakit po? Sagot ko sa kanya. Tumingin sya sa akin ng masama at parang may nabangit akong iba eh tinanong ko lang naman sya kung bakit. Kinuha nya ang stethoscope at nilagay nya sa kamay ko ang pang BP. Nag tataka ako bakit kailangan i-check dugo ko may sakit ba ako? Matapos nya ako i.BP sinabi nya na mataas daw ang dugo ko, uulitin na lang daw nya ulit mamaya, pinatayo nya ako sa tapat nya habang nag uusap sila ni sexy, na busy naman sa mga files na inaayos, inabot sa akin ni Godzilla ang hindi ko mawariy kung pamaypay ba oh panghampas ng langaw, itakip mo yan sa mata mo tapos basahin mo yung unang letra na makikita mo! Tpos nag usap ulit Sila ni sexy. Dahil masunurin ako, tinakpan ko ang mga mata ko gamit binigay nya pumikit ako at tinanong ko si Godzilla kung saan? Sa taas sagot nya sabay usap ulit sila ni sexy! Nag concentrate ako at hinanap ko ang unang letra sa talukap ng mata ko! Dahil matagal akong makasagot nagtaka na ata si Godzilla nagulat na Lang ako ng may tumapik sa mga kamay ko,. Ano yang ginagawa mo? Hindi mo talaga makikita yan kung parehas mong tatakpan yung mata mo! Kaliwa muna bago kanan tapos basahin mo lahat ng nasa pader! Ito pa ang epic sabi nya basahin ko daw yung nasa taas. "OBSERVED CLEANLINESS" sabi ko habang dilat na dilat ang mata ko. Ano bah???!!! hindi yan yung nasa board! Ano ba tong bata na to?! Sa totoo lang hindi talaga malinaw ang instruction nya dahil daldalan sila ni sexy! Kasalanan ko ba na hanapin sa talukap ko yung letra? At basahin ang nasa taas na OBSERVED CLEANLINESS?? Matapos ang eye test kuno, sa may bandang likod ko ay may kurtinang puti, hinawi nya yun at pinapasok nya ako sa loob. Mag hubad ka lahat.sabi nya Sabay sarado ng kurtina. Nabigla naman ako at binuksan ang kurtina. Teka po pati po ba brief?? LAHAT NGA DIBA?! Sagot nya sa akin bahagya nya akong tinutulak akmang pinapalayo ako, Doon ka? Sabay Sara nya ng kurtina at kamay nya na Lang ang nakikita ko nakaturo ang mga kamay nya sa may isa pang kurtina na nakasara, at pagbukas ko isang kamang malambot at may cover na puti yung nakikita natin sa mga ospital ganon sya. Kapag OK kana sabihin mo sa akin. Paalala ni Godzilla. Habang nag huhubad ako naririndi talaga ako sa bibig nilang dalawa hindi ko alam kung may ending ba yung usapan nila. Well nang makapag hubad na ako tinupi ko ng maayos ang damit ko at inilagay ko ito sa bahagyang kanan. At humiga ako sa kama, kinakabahan ako ng mga oras na yun dahil totoo pala yung sinasabi ni ate sa labas, pinakalma ko ang sarili ko at binubulong ko "relax lang" matatapos din to,.naku kung totoo nga yung sinasabi nya ibig sabihin bubulat latin nga ang pwet,. Sabi ko sa isip ko. At eto pa may nakita akong dropstick at guantes na puti. Mas lalo po talaga akong kinabahan felling ko talaga i.da dissect ako ng mga oras na yun kaya buong puso na lang akong dumapa, "relax lang relax lang Ken" relax lang . Dinama ko na lang ang lambot ng kama at ang lamig ng lugar kung saan ako naroroon ng biglang sumigaw si Godzilla OK kanaba? Tanong nya habang nag kukwentuhan sila ng chat mate nya si sexy. Narinig ko na nagbukas ang kurtina sa labas. At sumigaw si Godzilla!! ASAN KA??! Nandito po ako! Sigaw ko din. Narinig ko na lang ang mabilis na yabag parang patakbo papunta sa akin at mabilis na hinawi ang kurtina kung nasaan ako naroon, binuksan ang ilaw.at nakita ko ang umuusok na mukha nya, at mukang na beast mode ko si madam. Naabutan nyo ako sa higaan na nakadapa at relax na relax, ANONG TINGIN MO DITO?! SPA?? MASSAGE PARLOR??!! TUMAYO KA DYAN?! KANINA KA PA AH?! na shock talaga ako sa kanya. Bigla akong tumayo, at ang sama talaga ng tingin nya sa akin. Natatawa ako pero pinipigila ko lang dahil beast mode si Godzilla. Dapa ka buka mo pwet mo ?! Hindi na ako nagtanong basta dumapa ako at binuka ang pwet at kung maalala ko pa I bat.ibang level ang ginawa Kong buka noon. Yung unang buka yung bukang pa cute,hindi sya natuwa kaya ni level 2 ko ang bukang masaya pero di parin sya naging masaya kaya ni level up pa nya level 3 ang bukang liwayway kung saan todo na talaga inisip ko kung ano ba gusto nya makita yung large intestine ko oh yung kinaen ko ng umagahan, well mukang nakita nya na yung gusto nya makita kaya pinatayo nya na ako ng normal. At sumunod pa ang ibang test, matapos ng ilang test ay pinagdamit na ako ni Godzilla. Kakaiba ang experience ko na yun di ko talaga makakalimutan. Lumabas na ako at pagbukas ko ng pintuan nakita ko si ate sa upuan at doon ko din na realize na bakit nga pala ako nag review anong konek non sa physical exam??! At ang isa sa pinaka epic na tanong ni ate ILAN ANG SCORE MO? sa totoo Lang napaupo nlang ako sa kakatawa at takang taka si ate GOODLUCK SAYO..
0 notes
Photo
Tumblr media
0 notes
Link
ganda talaga nito..
0 notes
Text
10 DEMO'S HABIT WHEN MANAGERS COMING TO TOWN!!
  #10- SWEET EFFECT
•Kapag malayo palang si Manager,ang demo inihahanda na ang matamis na ngite at bati para hindi nila mahalata na wala kang ginagawa sa oras ng trabaho.
  #09- SPLIT PERSONALITY
•Kapag na sa harap na si Manager ang demo kailangan ipakita nya na masaya sya kahit binadtrip ka ng Jeepney driver bago ka pumasok, pag tumalikod na si Manager eto na ulit yung panahon para magalit sya ulit at sumimangot at alalahanin ang jeepney driver.
  #08- ENVIRONMENT CONCERN
•Kinakailangan kapag umikot si Manager malinis ang kapaligiran. kaya kailangan linisin mo. mag pag-pag ng paulit ulit habang malayo pa sila kapag lumampas na sila relax na ulit, mag tira ng alikabok para sa susunod na pag ikot nya.
  #07- PAM-PAM
•Kapag dumating si Manager pakitang gilas si demo, kahit hindi ka tinatanong sumagot ka. kahit walang tinatanong sumagot ka, pero kapag tinanong ka nya na mag early endo kana wag kana sumagot.
  #06- STRAW-VERY!!
•Kapag tumawa si Manager tawa ka din, kahit hindi mo na intindihan yung joke,
kapag nagalit si Manager, magalit ka din ipakita mo na tama sya, kapag hinanap nya si crispin at basilyo samahan mo sya maghanap.
batien din sya sa maganda nyang ayos sa araw na yun.
yan po ang mga keyword para ma divert ang fellings nya.demo haha joke lang po.
  #05 PINOY HENYO
•Madalas din na mangyari sa sobrang busy ng iba sa pag cha-chatting nakakalimutan na nila na nasa trabaho pla sila kaya, ang iba nagiging concern citezen/look out/ taga senyas.
Demo 01 at 02 : (tsismisan)
Demo 03 : (magugulat na kita si manager) (sisitsitan ang dalwa)
Demo 01 at 02 : (lilingon kay demo 03) haaaaaaa?????? anooo????
Demo 03 : (yuyuko sa module ituturo si Manager na papalapit na) (mag sasalita ng walang boses) si maam parating naaahhh!!!!
Demo 01 : ha????? mamaya  pa ako kakaen!!!
Demo 03 : (iiling at uulitin ang pagsasalita ng walang boses) si maam paparating naaaaaahhhh !!!!!!
Demo 02 : anooo????? wala akong perahhh!! wala pa sahod.
  Hanggang sa maabutan sila ni Manager sa pag sesnyasan at gagawin nila ulit ang #10.
  #04- STOP, LOOK AND LISTEN!
•May mga pag kakataon din naman na sa sobrang sarap ng kwentuhan tawanan (w/paluan blues pa) kulang na lang po eh gawin nilang bahay ang department store sa sobrang close nila, kapag dumating si Manager biglang titigil, magmamasid kay manager kung saan pa-punta at makikkinig kung anong sasabihin. at para bang hindi na ulit mag kakilala ang kaninang nag tatawanan at nag papaluaan pa. :-)
  #03- INVENTORY TIME???
•Kapag medyo terror si Manager may mga demo na ayaw nilang mapansin, at mabati nito. kaya kapag nakita ni Demo si Manager, maiisipan nyang bilangin agad-agad lahat ng mga item na nasa paligid niya, minsan nga kapag nag over staying pa si Manager kahit hindi nya hawak na item bibilangin nya na din habang ginagawa ang #04.
  #02-CHANGE TOPIC !
•Ugali na ng mga Demo na kapag walang customer mag kuwentuhan ng mag kwentuhan, kahit araw araw po silang magkasama palaging may bagong istorya, kahit nga po mga had-had at an-an po sa katawan na iku-kwento na din, Pero ugali din ni Manager ang mang-huli ng mga nag cha-chatting.
kaya kapag nakita nila si Manager ang topic nia tungkol sa mgga inuman at kabitan ng asawa ay mapapaitan ng "Running Sales mga Product knowledge at mga Quota. hahahaha (natawa po ako dito guilty!).
  #01 - CUSTOMER SERVICE !
•Kadalasan po may mga tumpukan na nagaganap sa Department as in Metting de abanse po.. kahit po may customer sa harap wala pong pakiaalam ang lahat, kahit mag tutuwad po ang customer sa pag pili ng mga item sa paligid, kahit maka ilang ulit na tumawid at mag tagal ng dalwang oras si customer kaka pili hindi na po na papansin kahit nga siguro mag dala ng banner si customer na nakalagay "excuse me. paki a-assist ako" ay dededmahin pa din. mapakingan lang ang bangka sa kwentuhan at mga joke na walang katapusan, Pero kapag nakita nila si Manager para po silang mga bubuyog na kukuyog kay customer at i.a-assist nila ng bongga. may mga mag aalok, may mga ngingitiaan agad si customer may mambobola pa, at kulang na lang po ihatid hanggang bahay si customer sa sobrang Customer Service.
at lahat ng Demo na madadatnan ni Manager sa Area na yun ay gagawin ang #10 to #02. :-)
   Saganang akin bilang isang Demo din po, natural na nangyayari ang lahat ng yan sa loob ng Department Store, siguro maraming natuwa at naka relate at madaming tumaas ang kilay at na guilty.
   Ang blog po na to ay may dalwang mukha ng Reyalidad.
Una ang tangapin natin na hindi natin kayang iwasan ang mga ganitong insedente sa araw araw.
Pangalawa ang tangapin din sa mga sarili natin na kaya tayo na sa posisyon natin ngayon ay para gampanan din natin ng tama ang trabaho na nakaatang sa atin.
   Nakakatawa pero sa kabilang banda kailangan natin baguhin at bawasan ang mga bad habit na nakasanayan natin. eto ang bread and butter natin at Plato na kinakainan natin, wag mo hayaan mabasag..
  ***************************************************************
Credit for my Dept.Managers and Co-workers.
    Add me as a friend [email protected]
0 notes
Quote
Hindi Lahat ng Problema kailangan labanan at harapin, Minsan kailangan mong kumalma at mag isip.. dahil hindi lahat ng problema kailngan sulusyunan.. kasi minsan kailngan lang naman unawain, at gawing aral na lang.
0 notes