Tumgik
joseph25-blog1 · 5 years
Text
"Gusto kita"
Gusto kita sa pagitan ng gusto mo siya Gusto kita kahit imposibleng maging akin ka. Na kahit ikay tala. At ako ay lupa. ang hirap mong abutin malabong mapasakin. Sa araw araw kitang nakikita, mas lalo kitang nagugustuhan. mas lalo kitang minamahal na parang walang hanggan. Pero akala ko sa kalendryo lang may katapusan akala ko sa expressway lang may hangganan akala ko sigarilyo lang ang nauupos akala ko sa graduation lang may pagtatapos akala ko edsa lang ang may dulo akala ko panahon lang ang pabago bago Pagmamahal ko rin pala sayo. Ansakit isipin na bago nalang talaga ang may pag asa na 75 nalang talaga ang pwedeng pumasa Na kay Popoy at basya nalang talaga ang may 2nd chance. Tayo? wala ba tayong chance? Ang dating pagtingin na puno ng kulay. Ngayoy bigla nalang tumamlay. na parang dagat na walang alon Na parang batang nadapa na hirap bumangon. Nakakapagod! pagod nako! Pagod nako sa pambabalewala mo! Malaya kana. Ay mali, malaya na ako. papalayain ko na yung sarili ko sa salitang "sana" na sana pwede pa! na sana tayo nalang! na sana may pag asa pa. Pero tama na. Ayoko nang umasa pa. Paalam na isinulat ko itong tula para kahit papano malaman mo na GUSTO KITA..
0 notes