Nilabas na yung mga QC sa office hahaha! Tangina napaka init dito sa pwesto nila. Ultimo hangin ng electric fan kainit 🥴 pero ang dalas ko naman tumambay dito 😂
QC na nga lang kagaguhan ko sa loob ng office nilabas pa sila hahaha!
Yesterday uminom kami, until 5:30pm lang ako kaya umuwi na ko kasabay ko si JM and Basi. So naiwan si Carlo and sir Hill kasama nung iba pa. Kahapon puro kalokohan pa kami, tapos niloloko ko pa yung tatlo (Carlo, Hill and JM).
6AM nagchat si sir Hill at sinabing naaksidente si Carlo. So ako hindi ako naniniwala kasi mahilig mag joke sila. Nagchat ako kay Carlo sabi ko "Hoy! Buhay ka pa ba?". Ang bilis mag seen, edi ang nasa isip ko pinagtritripan ako ng mga yon.
Pagdating ko sa office kanina sabi nila "bakit hindi mo inayang umuwi si Carlo? Naaksidente tuloy.", naniwala na ko tapos nalaman ko na mama pala ni Carlo may hawak ng phone nya, binura ko agad yung chat ko kasi nahiya na ko hehe! Nakokonsensya din ako sa part na bakit hindi ko pinilit umuwi si Carlo. Dati dati kasi pag umiinom kami tapos pag patak ng 5:30PM kukulitin ko na syang umuwi kasi di ako pwedeng gabihin, wala syang choice kahit pa enjoy palang sya nauuwi ko sya or naaaya ko syang umuwi na.
Parang nalaglag yata si Carlo sa butas na ginagawa doon sa bypass. Internal bleeding tapos may nabaling buto sa part ng tadyang? Tapos may butas sa tagiliran nya na baka daw may tumusok ba bakal.
Nahihiwagaan na din kami sa motor nya kasi palagi syang naaaksidente gamit yung motor na yon. Ngayon lang yung pinaka malalang aksidente nya and laging kanan yung may tama sa motor nya. Yung helmet nya daw wasak. Ang update kaninang morning sinalinan na daw sya ng 7 bags na dugo so need palitan yon. Buti nalang may mga puso yung mga sorters sa DC na willing mag donate ng dugo ❤️ thank you din kay Lord kasi okay na si Carlo, nailabas na daw sa ER kanina.
Eh nag inom kami. Tapos nag cr lang ako. Di ko na inopen bag ko to check. Buti nalang nag chat tong si nathaniel and tinignan ko bag ko, may bote nga ng alak 😑 tangina nyo kahirap nyo kabonding talaga.
Hihingi palang sana ko ng sunset photo pero sinend na nya yan hahaha so ayon. Ewan ko pero gandang ganda ko sa mga kuha nyang sunset/sunrise sa japs kahit di naman kita yung sun hahahaha bano! Ge
Gagi may nakalimutan akong ibilin at iwan sa guard yung mga documents na dapat dadaanan ni sir Arvin kahapon. Di naman din sya tumawag sakin 🥹 sorry na sir. Nakalimutan ko nung saturday! Shuta hahaha
Nakasakay ako sa jeep ngayon, may katapat akong babae kalong kalong nya yung baby nya (i think 1 month old). I saw her crying habang nakatitig sa baby na hawak nya. Ramdam ko sa mata nya yung sama ng loob. Idk pero yun yung nakikita ko and nararamdaman ko sa luha sa mga mata nya. :( sana mali yung nasa isip ko, sana.
Hell Office (head office) ako today for ER visit. Ma-late kaya ako? HAHA nakasalalay kay manong driver yon. 6am ako umalis sa bahay, 8:30 pasok ko. Ewan ko nalang din talaga 😂