Tumgik
leazarjhudiel11 · 2 years
Text
"KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO"
Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobelang isinulat ni Jose Rizal, isang nobelang pampolitikong nag-aalab sa poot at paghihimagsik laban sa mga kastila. Sumasalamin ito sa Isang mapait na kasaysayang pinagdaanan ng ating lahi sa kamay ng mga mananakop na kastila.
Isinulat ni Rizal ang El Filibusterismo noong Oktubre 1887 habang nag aaral siya ng medisina sa Calamba, ngunit noong Pebrero 3, 1888 ay kinkailangan n'yang lisanin ang Pilipinas dahil nalagay sa panganib ang buhay ng kanyang mga mahal sa buhay dahil sa unang nobelang kanyang ginawa na "Noli Me Tangere" tulad rin ng El Filibusterismo, ito ay nag lalaman din ng pag rerebelyon sa mga kastila. Sa kanyang pag lalakbay sumulat Siya kay Ferdinand Bluementritt ng liham tungkol sa kanyang biglang pag alis. Ang pag sulat ng nobela ay itinuloy sa London, England noong 1890, dito niya rin nalamang na ang kanyang kasintahan ay nag pakasal kay Charles kipping. Ang masusing pag rerebisa ay natapos noong Marso 29, 1891 sa Biarritz ngunit kinakailangan niya muli lumipat sa Ghent upang makamura ng pagpapalimbag. Ang pinaka murang palimbagan ay ang F
Meyer-Van Loo na pumayag kahit sa paunting-unting pagbabayad dito. Sa wakas! Nailabas Ang unang imprenta ng El Filibusterismo noong Setyembre 18, 1891 na inialay niya sa tatlong paring martir na Kilala bilang GOMBURZA.
Ang nobelang El Filibusterismo ay tunay ngang masasabing pang political dahil nilalaman nito ang karaniwang sakit ng lipunan. Makikita rin natin na ang talino at pag mamahal ni Rizal ay ibinuhos Niya sa kanyang bayan upang ito'y ipaglaban Mula sa mga kastila.
#El Filibusterismo #Paghihimagsik
Tumblr media
0 notes
leazarjhudiel11 · 2 years
Text
Pangarap Kong maging isang Flight attendant at Gynecologist, Suntok sa buwan Kung iisipin ngunit Wala Namang Mali Kung ipipilit diba? Bakit nga ba? Siguro kaya Flight attendant dahil mahilig ako pumunta sa iba't ibang lugar dahil gusto Kong makita at mapuntahan ang kilalang Lugar sa naturang bansa at matikman rin ang kanilang ipinagmamalaking pagkain, ang sarap din sa pakiramdam na ipakilala ang sarili bilang Isang flight attendant. Obgyn naman dahil interesado akong pag aralan Ang reproductive system ng mga kababaihan at tila ba nakakagaan ng loob na tawaging doctora, mag suot ng puting coat at marinig narin ang salitang salamat galing sa mga pasyenteng natulungan mo.
Sataas ng aking Pangarap paano ko ba ito maaabot? matutupad? Upang matupad ito kailangan ko mag sumikap at mag tiyaga upang makapag tapos ng pag-aaral, kailangan ko ng kaalaman, karanasan at diploma upang makamit Ang aking pangarap. Kaalaman, kailangan ko ito dahil hindi pwedeng pasukin ko Ang Isang bagay na Wala akong kaalaman Kung paano ko ito sisimulan at gagawin. Kailangan ko din ng kaalaman mula sa opinyon ng mga taong nag ta-trabaho dito sa langarang ito, Sa aking pag-aaral dito papasok ang mga karanasan dahil dito masusubok ang aking sarili Kung paano ko maisasagawa Ang aking mga natutuhan. Pinakahuli at pinakahihintay ay ang diploma dahil susi ito upang makamit Ang aking pangarap, diploma ang bunga ng aking pag sisikap at tiyaga. Sawakas dito masasabi ko sa aking sarili na bilib ako sayo at ipinagmamalaki kita.
Para saakin ang ating pangarap Ang Isa sa dahilan Kung bakit kailangan natin mag karoon ng determinasyon at mag sumikap sa ating pag-aaral dahil Kung tayo ay willing at determinado sa ating pangarap nag kakaroon tayo ng lakas ng loob upang makamit ito, kung makamit natin ito Ang lahat ng bagay na ating pinag hirapan ay magiging worth it. Maipaparamdam natin sa ating magulang na ang kanilang sakripisyo ay sulit, Kailangan natin ng Pag sisikap, lakas ng loob at tiyaga sa mga bagay na ating ginagawa. Sa ating pag kamit ng ating pangarap normal lang na mag kamali at umulit Kaya't tanggapin natin ito at wag mag sasawang umulit!
0 notes
leazarjhudiel11 · 2 years
Text
Munting Pangarap
1 note · View note