Tumgik
lovenikoool · 5 years
Text
continuationnnn
phleb 2 ko palang gustong gusto na kitang maging patient during my practicals kaso sad to say, wala na tayo non. and this time i’ve a chance to do it kahit na walang tayo. it was planned talaga kasi isa yun sa bucket list ko na kuhanan ka. at first ayaw mo kasi di naman sa takot ka pero syempre pag kailangan lang at pag sa mommy mo. given naman na wala kang ligtas sa mommy mo tsaka super laki ng tiwala mo don eh. then tinago ko na yung lagayan ko super nanlulumo ako kasi gusto ko talaga kaya nga nagdala ako kaso ikaw na pasyente ka dami mo reklamo HAHAHAHAHAHA ANUBA. and ayoko din naman mapahiya baka sumala but nung time na nilagyan kita ng tourniquet mapapasana all nalang ako sa ugat mo, super visible kasi. kung tayo pa sana at kinuha lang talaga kitang patient non napakabasic 100 ata choz. anyways, yun na sabi mo kuhanan kita “may tiwala ako sayo” and sabi mo bat kahina ng loob ko kasi naman baka sumala eh masakit pag sa muscle naitusok yon. but then you’ve insisted na tumusok ako sabi ko pasensyahan pag sumala kasi kinakabahan ako and then you’ve said na “may tiwala ako sayo ha kasi minahal kita dati” myghad what a past tense word parang nabingi ata ako nung time na yon char. alam ko namang dati nga lang pero bakit sobrang lakas ng atake like puta???? pero di kita masisisi. thank youuuu kasi succesful yung pagkuha ko kaso di ako nakapaghanda ng bulak kaya medyo kumirot HAHAHAHAHAHAMWA :*
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
11/12/19
hello love, goodbye choz. magkasama tayo ngayon tinagpo kita, the first time i’ve saw you again nastarstruck ako ewan ko ba. damn! you look so fine. i’ve to admit na sobrang pogi mo kanina, ang linis linis mo pa tingnan dahil ng haircut mo. i was shocked syempre sobrang iba talaga eh kung pede nga lang akin ka na lang ulit eh kaso ewan. di ako masyado makaimik that time kasi sobrang nahihiya naman talaga ako eh. ikaw pa din yan, sobrang thoughtful and caring mo pa din huhu. i’m so attracted every single time around to the point na ang saya saya ko ulit kasi saglit lang yon hindi pang matagalan. sa totoo lang, ayokong matapos yung gabing yon kasi nasanay ako na lagi tayo magkasama pero wala kailangan eh. on that time, i wanted to hold your hand, to hug you tight, to kiss you hundred times, and to talk about what had happen to us before but eto ako sobrang hina, nahihiya pa di ko alam pano ba ako gagalaw kahit na matagal na kitang kilala. pinanghinaan ako ng loob you’ve told me na magcompose ako ng sasabihin ko pero tiklop na naman ako. sinayang ko yung pagkakataon na yon. and then may time na nanahimik ako na akala mo naiyak ako pero pinipigilan ko lang yon ayoko kasing sabihin mo na ang hina hina ko pa din na napakaiyakin ko ganon kasi alam mong ganon ako. sobrang sasabog na yung nararamdaman ko pero ayokong ilabas kaya naging ganto kabigat. mapapa kelan na lang ulit nalang ako ganon kasi ang saya saya ko nung mga oras na yon :):
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
September 17, 2019
random blog —
so magkachat tayo kahapon then naglinis kang kwarto mo and nakita mo yung box na binigay ko sayo nung birthday mo sabi mo ibabalik mo sabi ko itapon mo nalang and gusto mo pa syang sunugin. nung araw na yan hindi na ako nag online bcoz 2 major exams ang itatake ko. pagod na pagod yung utak at katawan ko tapos pagbukas kong messenger ganon pa pala mababasa ko. syempre masakit knowing na pinageffortan kong gawin yon tapos ganon lang sasabihin mo, sa sobrang galit ko ganon yung mga reply ko sayo kasi sobrang sagad na ang galit ko nung mga oras na yon. BUT, before that day, sunday night to be exact. after a year, tiningnan, hinawakan at binasa ko ulit yung mga sulat mo sakin yung binigay mo nung birthday ko. ewan ko pero unexpected yung parehas nating nakita yon hindi ko nalang sinabi sayo kasi wala naman akong balak itapon or sunugin yon gaya ng gusto mong gawin. and nalaman kong hindi mo pa nababasa lahat tangina para akong gumawa sa wala??? nvm. the next day, umuwi ako mag isa wala naman kasing klase tapos may nakasabay ako sa jeep parehas silang medical student. wala ang sweet lang naalala ko lang kung pano tayo umuwi non habang nasa jeep yung tipong parehas tayong pagod sa sch dagdag pa ang traffic kaya tulog tayo parehas tapos pag uwi sa bauan magsisiomai or jabee. namiss ko lang kasi nakakamiss talaga. ok walaaaaa hello na lang.
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
August 31, 2018
it was our dept acquaintance day and ikaw may pasok ka sadya ng friday. you’ve told me na mag iinom ka after class and ako nasa gym lang still updating you. then natapos na yung program sabi ko aantayin kita sa labas ng gate para sabay na tayo umuwi tapos yun pagkarating mo super okay naman although amoy na kita kasi napadami ata inom mo non. tapos wala masakyang jeep kaya naglakad lakad tayo hanggang nagdidilim na. ang ingay mo na non sobrang kulit ganon. i’ve asked you bakit ka nagpakainom ng ganon sabi mo pagod at hirap ka na sa nursing. damn!!! i want to lessen the pain you’ve had that moment. gusto kong akuin yung sakit na yon kasi hindi mo naman talaga sya gusto. tapos wala na akong magawa chinat ko na mga pinsan mo asking for help na pwede sunduin ka ganon. ang hirap kasi baka mapaaway ka pa din. tapos nagyaya ka pa sm don na tayo sasakay kaya nag abang tayong tric. sobrang lala mo that night, nilubog mo sapatos mo sa baha kahit naandar yung tric. i’m trying to calm you down sabi ko tamana kalma na. pagdating natin sm sabi mo kakain ka napaisip ako baka kung ano gawin mo sa loob but you’ve promise na hindi ka magiging makulit kaso pagdating natin don sabi mo di ka na kakain palabas na ulit tayo non pero sabi mo tara na bumalik sa jabee kaya pumila na uli ako hanggang sa umayaw ka na naman kaya wala na ako nagawa. nasa labas tayo ng sm non, we’re waiting for marshal & your dad. hanggang may tumigil na kotse sa harapan natin at pinapapasok ka. ayaw ko pa nga sumabay non gusto kong ikaw nalang makauwi muna para sure ako kaso wala ewan ko kapal ng mukha ko. tapos tanda ko yung mukha mo nung sasakay palang galit ka sakin kasi nagsabi ako pero gusto ko lang naman na makauwi ka ng safe eh kaya nagawa ko yon. hanggang sa nakatulog ka sa lap ko, nung malapit na sabi ko sa jabee nalang ako bababa kasi gusto pa nila akong ihatid pero alam kong mas kailangan mo ng umuwi. nung malapit na, dahan dahan kong inaalis ulo mo sa binti ko kasi ayokong magising ka pa. pagbaba ko sabi ko sa ama mo “kayo na po ang bahala kay Chino, pasensya na po sa abala” then nagbless din ako. ingat daw ako hihi. tapos wala ang saya ko that time knowing na safe ka nakauwi. paggising mo nagchat ka anong nangyare ganyan tsaka bakit nasa kama ka na tapos sinabihan ka pa na di ka na nahiya sakin ganon yie charrr. but bumawi ka naman kinabukasan, sakto check up ko nung hapon and pumunta ka at dumayo pa tayo ng kain sa sm hahahahahahahaha. thank you love
— it was the first time na mag alam ako ng lasing at saktong ikaw pa. i have no regrets for what had happened. actually, i’m overwhelmed na ikaw yung inalam ko, ikaw yung inalagaan ko that day. nahirapan man ako pero di ko inisip yun kasi what’s important is safe ka and okay ka. nakakamiss pala mag alaga. ikaw pa din yung una’t huli na inalam ko ng ako lang. sobrang nakakatuwa, proud na proud ako non sa sarili ko kasi may silbi pala akong girlfrend? kasi from medtech naging nurse mo ako ng mga ilang oras. i love u that night, that day & in that moment, almost every night and every minute of the day! <3
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
August 26, 2018
hi love! this day was beri unexpected to us. sa mga ate ako natulog non then aug 25 pumunta samin mga pinsan namin from laguna binibisita kami then nagyaya na din na pumunta sa kanila for my cousin’s birthday celeb. beri unusual. pagkagising di kami magkaintindihan if tutuloy or nah kasi kulang sa sasakyan at ang dami namin. then naisip ka nila if pede na magdala kang car so yun ang saya ko non biruin mo yung mga second cousins namin makikita ka ganyan. then pagkachat sayo g ka, super happy ko non nagros pa tayo ng isa bago ka pumunta dito then di mo pa alam na sa laguna ang punta. gusto mo pa nga magpalit ng car non eh yaman talaga ih. pero yun, syempre front seat pa din ako ehehehehe. andami nangyare but still we got there. alam ko badtrip ka non ayaw mo kumain di kita makausap but you’ve changed your mood right away. nag picturan tayo wt fam tapos nagstroll pa sa buong subd. tinuruan mo pa akong magdrive love, hmm shede kaya ulit :-(( nakakamiss super, sorry if sobrang hirap ko turuan but believe me i’m trying my beri best to do it. natatakot lang talaga ako tipong simpleng apak brake ekis na agad ako. thank you love!! hanggang sa pag uwi super saya lang, i remember one time nasa byahe na pauwi then you just grabbed my hand . i know na pagod na pagod ka na kung maalam lang talaga eh. nagjollibee pa tayo non with fam pero di na kami nagpahatid para makauwi ka na din kasi di mo sinabing laguna hays. but then again, it was one of the best memories i had with u, Chino. till next time 🙂
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
August 24, 2018
friday, wala ako klase pero ikaw meron pero wala ang gulo no hahaha nvm. freshmen day yorn. umuna ka na non kasi sabi mo mag aattendance kayo sa PE sabi ko tagpo nalang tayo sa campus. nag attendance lang din ako sa dept tapos nagkasalubong tayo and sumama na ko sayo. ang boring lang hahaha sumilip lang tayo sa pageant tapos tambay na sa library. hiniram ko phone mo para magros malaki laki screen nyang sayo then inantok ka non. sorry pero pakialamera ex mo nung time na yon kaya nagbukas ako ng messenger mo, ang dami ko nakita na pm sa classmate mo at don sa taga inyo. paggising mo tahimik lang ako hinayaan ko nalang pero di ka mapakali kaya sinabi ko nalang tapos nag explain ka, ayoko talaga umimik non ayoko sumama sayo non sabi ko magkanya kanya nalang muna. pero one of the best thing na nabasa ko don is yung nagchat ka sa fantasy world asking if how much ba entrance sobrang kinilig ako don. and isa pa yung nag open ka sa mame mo na wag ka pagalitan pag ginagabi ka samin kasi tinutulungan kita sa mga gawain mo. fck i’m in love wt u!!!! then nagkaayos tayo non tamang tambay sa library tamang palamig tamang wifi. then bandang 6:30 siguro umalis na tayo boring na din kasi sakto may dala ka car non di tayo mahihirapan umuwi. nagsm tayo di ko alam kung kumain tayo non. then pagbalik kotse di pa din ako maimik then you grabbed my hands and saying sorry. you’ve start to cry and shet nagulat ako sabi ko ok na tamana, di ko alam na iiyak ka that night & explained abt sa nangyare tapos oki na uli tayo. sobrang nakakabilib ka nung mga gabing yon, mahal mo pala talaga ako dati??? idk chozzzz :-))))))))))))
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
August 23, 2018
it was our second monthsary yey! first monthsary natin hindi tayo magkasama kasi may iba tayong lakad kaya sabi natin babawi tayo sa sunod so yun may pasok tayo non th non hanggang 2:30 ka lang ako hanggang 4:30 non then nag announced na walang anaphy so 11 palang labas na ako. kasi kung meron aantayin mo ako pero ako yung nag antay sayo, sabi ko sa lib na kita aantayin non nag aaral ako non then nakaramdam akong antok kaya umidlip ako. di ko na namalayan oras labas ka na pala pagmulat ko kinukulbit mo na ako yie sw8 lol. sarap sa feeling non, umupo ka muna non tapos nagpicture tayo. nagros ako sa phone mo & gamit mo phone ko etc. then sabi mo pupunta ka samin ayun g na agad bumili pa tayo patatas non hihe tapos humiram kang damit sakin kasi ambanas ng uni mo then nagluto na tayo. alam mo ba? yung damit na hiniram mo di ko pa din ulit nagagamit ngayon isang taon na sya sa lalagyan. i miss youuuuuu!
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
it’s been 3 days beb, imysm luv. i know that’s the last but still i want more & more
0 notes
lovenikoool · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
JULY 20, 2018
hi bebe ko! on this day, isa to sa pinakapaborito ko. you wanna know why? kasi pastc ako kukuha ng ipapasa sa LPU tapos ikaw uuwi palang galing Makati kasi nagpacheck up ka. tapos sabi ko ako nalang pupunta pero sabi mo sasamahan mo pa din ako kasi aabot ka naman then yun sakto umabot ka nga. after non dapat kakain tayo pero nagyaya ka magstroll hanggang nakaabot tayo sa Mabini HAHAHAHAHAHA ang layo love ha daming gas ng kotse ah choZzz. so yun nga ang sarap lang tamang stroll lang tayo tapos bukas pa bintana grabe sobrang layo at nakakahilo yung byahe kasi pataas tapos nagtanong tanong pa tayo don. tapos nung nakarating tayo umakyat tayo non sabi ko dahan dahan kasi baka hikain ako then you held my hand :-(( sabi mo kumapit lang ako huhu sakto di gaano kadami ang tao that time tapos nakaupo lang tayo love. ang ganda ganda ng view sobrang tahimik sobrang payapa lang. tapos nagpicturan pa tayong dalwa don video ganyan hay tapos maggagabi na kaya bumaba na tayo kahit nakakabitin kasi kulang na tayo sa oras tapos alam ko pagod na pagod ka na magdrive kasi ang layo non eh pero wala akong narinig na reklamo sayo sabi mo pa “matulog ka na muna gigisingin kita kapag malapit na tayo sa bauan” hay alam mong pagod ako pero mas pagod ka pa din diba?? tapos natulog nga ako tapos you’ve kissed me sa cheek :((( bebe nakakamiss yon, alam ko wala sa plano natin na maggulugod baboy pero everytime na naalala ko yung place na yon ikaw lagi yung natatandaan ko, gutom man tayo pero di ko na naramdaman yun kasi ang saya saya natin pareho.
0 notes
lovenikoool · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
JULY 15, 2018
hi love. pakwento ulit ako ha? ito yung araw na mag oouting fam namin tapos sinama ka nila. sarap sa feeling kasi yun yung isa sa gusto kong maranasan yung makasama sa family gathering yung boyfriend mo pero ito din yung araw na ihahatid namin ang daddy. ayoko maghatid pero hindi pwede eh sabi ko sayo sumama ka kahit wala ako pero ayaw mo naman. so sumama na ako sa paghahatid tapos inuupdate kita at inuupdate mo din ako sabi mo pa nga ikaw ang magdadrive ng kotse ng mga tita. (laki ng tiwala sayo diba yie) tapos  habang nasa byahe kami papunta na din kayong Lemery. nakakainggit kasi gusto ko kasama kita ng matagal pero nangyare na eh. pagkadrop namin sa daddy kumain lang tapos umuwi na, di nga ako makatulog non masyado excited ata choz! tapos nung nasa lipa na kami kasi don kami dumaan tinext na kita ganon hanggang sa malapit na kami tapos susunduin nyoko sa xentromall. tapos sakto pagkababa sakin kasunod lang namin kayo tapos bumili pa sila ng ice cream tayo nasa sasakyan lang. namiss kita non pero di ka pa nagmimiming kasi inaantay mo ako. pagkapark natin sa resort nagselfie pa tayo ugh pogi mo talaga crush. tapos yun nagpahinga lang ng konti tapos naligo na tayo kasama sila tapos pag naccr ako sinasamahan mo ako kahit di ka nan naiihi naks. pero di natin alam na may mga maganda palang picturan sa taas hays sayang tapos nabitin ako kasi ang bilis lagi ng oras tapos pauwi sa kotse ako sumakay pero di front seat (aw di ako sanay love, joke) nasa likod ako tapos yung paa ko kinikiliti likod mo hahaha sorry ha ang likot ko tapos pagkauwi natin nagpahinga ka muna kasi alam ko pagod ka na din kadadrive after non naglomi pa tayo sa landos waaa sobrang nakakamiss lang, sana naalala mo pa lahat ng ‘to. lomi tayo ulit choz iba na isasama mo hehehe :-))
0 notes
lovenikoool · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
JULY 06, 2018
it was the time nung nagpasama ako sayo sa lpu para magpasa ng ibang requirements at kumuha ka naman ng uniform mo if i’m not mistaken. sobrang bano ko pa non sa campus (hahahaha sorry love) then bago tayo umalis nagpalamig muna tayo sa kotss tapos nagvape ka sabi ko pakitaan mokong tricks. eh that time nakalipstick ako sabi ko lagyan kita sa pisnge nung una sobrang light di gaano makita tapos naglagay uli ako then yan na charaaan beki ka hahahahaha atleast game ka lagi diba?? tapos hinatid mo pa ko pauwi non, thank you love <3
0 notes
lovenikoool · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
JUNE 26, 2018
pumunta kaming st.lukes q.c. kasi magpapacheck up ang papa tapos magpapaalam na din ang mommy kasi aalis na sya sa july 2. to make the story shorter, nagtext ka nung gabi na pupunta ka sa bahay kasi pasg na ako the following day. sinabi ko yun sa mame tapos yun pumayag naman sya tapos dumating ka pinapanuod mo kami ng mame habang nag aayos ng gamit sa maleta tapos pinakita ko sayo yung album ko nung bata pa ako. tapos bigla kang tumayo love, nagtaka nga ako kung bakit. aalis ka na siguro or baka malapit na mame mo kasi alam ko susunduin mo sya non from duty. then pagharap ko sayo naluluha ka na ayaw mo akong umalis kahit 4 na araw lang yon kasi para sayo sobrang tagal non. tapos bandang 12:30AM siguro umalis ka na kasi late na din at baka andyan na mame mo pero wala pa pagdating mo don sabi mo babalik ka dito kasi miss mo na agad ako kaso sabi ko wag na at pabalik balik sya tsaka maaga pa din ako gigising pero sobrang sarap sa feeling love, ano pa kaya kung sa ibang bansa ako nagpunta lalo na’t di sa Asia. yun ngang same hours naman tayo, 3-4 hrs lang byahe pa sg pero sobrang miss mo pa din ako :(
0 notes
lovenikoool · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
                     [ the day before and after I said “YES” ]
0 notes
lovenikoool · 5 years
Text
JUNE 23, 2018
the most indelible day in that year 2018. the day i said “yes”. the day you became my boyfriend. the day we became official. 
Hi love. Ang bilis ng panahon diba? Eh di sana isang taon na tayo ngayon. Ano kaya nangyare sa mga araw at gabing yon? Para kaya tayong aso’t pusa na naman? Madami na kaya tayong napuntahang ibang lugar? Siguro? Baka? Pede? Ang dami daming tanong ang sumasagu sa isip ko. Siguro sa loob ng isang taon na yon, mas lalo nating nakilala ang isa’t isa kahit ang tagal na nating magkasama. Minsan napapaisip nalang ako na okay pa tayo tapos bigla nalang tayong magiistroll or kakain ng biglaan, ang sarap sa feeling no. Yung tipong araw araw na naman tayo magkasama or di kaya dating gawi na tuwing weekends we spend the whole day blithely. Pero ang nangyare eh, ang daya naman ng tadhana love ganito pa nangyare sating dalwa. Kung kailan nagtatagal na saka pa tumumal, saka pa nagkawalaan. Kamusta ka na kaya? Di ko alam kung may bago na ba or what pero sana masaya ka kung anong meron ka ngayon. Araw araw kitang pinagdadasal na sana wag ka nyang pabayaan kasi sa kanya ko nalang sinasabi lahat lahat ng gusto kong sabihin sayo. Ang bilis lang na parang ilang araw ka lang nawala pero 7 buwan na love, 7 months ka ng wala sakin, 213 days ko ng di nalalaman kung kamusta ka na ba, 5112 minutes na kitang inaalala na sana ikaw pa din ang kasama ko ngayon.
 Alam mo naman sana kung gaano kita kamiss diba? lagi yon kahit nakakarindi at nakakasawa pero lahat yon totoo. Corny no? sorry ha. Hindi kasi madali lahat eh. Alam ko pag nabasa mo ‘to, matagal na tayong wala. Gusto ko lang sabihin sayo lahat ng nararamdaman ko ng mga araw na yan kasi natatandaan ko pa din lahat. Basahin mo ‘to ha? Kahit dito lang love, dito lang. I miss you so much, mi amor. 
2 notes · View notes