Tumgik
miss-tres · 10 years
Text
Tonight, I'm getting over you.
Hindi ko alam kung apektado pa rin ako sayo, ni hindi na nga kita halos naaalala, pero masaya ako ngayon sa kung anong nangyayari sayo, nag-aaral nga akong mabuti at alam kong ganon ka rin. Ewan ko, bakit nga ba to? Eh wala naman kasi talagang meron. Pero multo ka pa rin ng buhay ko. Tatapusin ko na talaga to, para sa muling pagsasalubong ng ating mga mata, hindi na awkward sa akin, wala nang butterflies o parang dagang naghahabulan, parang normal nalang, nakikita nalang kita bilang isang kaibigan :)
0 notes
miss-tres · 10 years
Text
Move On thingy
Ginawa ko na talaga lahat ng paraan para makamove-on sayo, para hindi na maalala ang kahit na katiting na detalye patungkol sayo hahahahaha kaso shet kung kailan nakapagsimula na ako saka ka biglang makikita sa mga pagkakataong hindi ko inaasahan o sa mga panahong hindi ako handa. Hayop talaga hahahaha.
0 notes
miss-tres · 10 years
Text
Gusto ko nang manahimik.
Sht. Bakit nanaman ba 'to? Nanonood ulit ako ng mga videos nung 4th year kami, nagsaslideshow ng mga pictures. May part na may side sa picture o video ako mapapatingin at mapapahinto kasi may nahagip yung mata ko tapos mapapatingin ako, at siya yun. Tapos biglang tumigil yung mundo ko at nag-iba yung puso ko. Pakshet. Wala lang may nakita kasi ako, naalala ko lang bigla yung mga akbay, pang-aasar, kamanyakan, pagiging concern, pamimilosopo at yung simpleng gestures. Pakshet anong ibig sabihin nun? Wala lang ba yun? Pakshet talaga, kilala ko kasi siya though minsan lang talaga kami maging close pero hindi lahat ng babae ganoon ang pakikitungo niya.
ANO BAAAA. Bakit hindi ako makamove-on? Kailangan ko lang siguro ng mga sagot sa maraming katanungan pati na rin siguro closure. HAHAHAHAHHAH Nyemas. Paano nagkaroon ng closure? Meron bang kami? Naguguluhan na ako pakshet. Isama pa yung fact na nasa iisang school pa rin kami, iisang hangin pa rin yung hinihingahan namin. PAKSHET TALAGA NG DALAWAMPUNG BESES.
0 notes
miss-tres · 10 years
Text
Tadhana naman oh.
Sigurado naman talaga ako eh. Simula palang sigurado na ako. Natutuwa pa ako nun dahil graduate na talaga tayo ng tuluyan, hindi na kita makikita, hindi na kita masasalubong araw-araw, hindi na rin kita makakaasaran, pero lintek naman talaga oo. Ngayon iisa pala tayo ng school na papasukan alam ko namang hindi imposible yun eh, iba naman tayo ng kurso pero sabay tayong kumikilos, sabay nagpapasa ng mga requirements, sabay nagpaenroll, hindi naman talaga tayong dalawa lang, may kasama ka at may kasama rin ako, hindi naman talaga literal na sabay talaga, pero pag nandoon ka, nandoon din pala ako o pag nandoon ako nandoon ka rin pala. Pareho tayo ng mga kaibigan, tumatawa pa rin sa iisang joke, nagkakatabi, nagtitinginan. Pucha paano ako makakamove on neto. Ang tagal kong inantay maggraduate na ng highschool kasi akala ko magiging okay na ang lahat. Eh baka araw araw pa tayo magkita neto, kung hindi man palagi pero makakasalubong kita, makikita pa rin kita, maririnig ko pa rin boses mo. At ang awkward. Oh please. Bakit hindi pa ako pinagbigyan sa pagkakataong 'to? ANG HIRAP LECHE DAHIL PAG MABABASA NILA 'TO, NAKAKATAWA PRAMIS.
0 notes
miss-tres · 10 years
Text
Jas,
April 17, 2014 - 10:30 pm Maundy Thursday
Ewan ko ba kung bakit ko biglang naisipan na magsulat sayo pero hindi ko naman talaga direkta ito ibibigay o ipapabasa sayo basta naisipan ko lang at sinisipag ang kamay ko na magtype ngayong kalagitnaan ng gabi at kung saan nagtitiis ang magaganda kong mata sa munti at makulay na ilaw na hatid ng maliit naming lampshade na korteng bulak, Pero sa pagkakataong ito, isa lang talaga ang gusto ko ang malaman mo. Nakakatawa kung bakit ko talaga gagawin ito, siguro pag balang araw ay binalikan ko ang bawat nakasulat rito ay matatawa nalang ako  at maiisip na talaga bang tinayp ko ang lahat nang ito? Osige eto na nga, ang dami ko pang paligoy ligoy eh, sasabihin ko na.
Makakamove on din ako sayo. Oo seryoso, alam kong hindi pa ngayon pero makakamove on din ako, pag nabasa mo 'to ngayon panigurado matatawa ka kasi nga bakit naman ako magmumove-on, ano bang meron? Grabe mula grade 3, at kung susumahin pitong taon na ngayon, pitong taon na kitang nakasama pero hindi naman ako pitong taon na umasa, hindi, hindi talaga. Mula Grade 3 hanggang grade 4 parang wala lang, kaklase lang kita pero naalala ko noong grade 4 nakakalat pala yung 1x1 kong ID picture na mukha akong piglet doon sa sahig tapos ikaw pa ang nakapulot at tiningnan mo muna ng maigi yung litrato saka mo iniabot sa akin, hiyang hiya ako noon sabay tago sa pangit kong larawan. Tapos meron pa pala napagkatuwaan naming gawan ka ng sulat at inilagay yun sa upuan mo pero ayun dahil dakilang mokong si denzel eh siya ang kumuha at nagbasa, siguro hiyang hiya ka na nun kaya hindi mo pinansin kasi halos lahat naintriga sa sulat at nakakatawa pa dahil bakit nga ba naging big deal yun sa room, gusto pa nilang alamin kung sino nagpadala kaya pinasulat nila isa-isa ang mga babae sa room, grabeng kaba ko nun shet, pero dahil magaling ako nakaligtas ako at makalipas ang ilang araw umamin si Elyne Mae na siya raw ang nagsulat nun sayo, grabeng tawa ko nun, kasi nga ang pagkakaalala ko kaming dalawa ni Karimae ang gumawa ng kalokohang iyon, pero hinayaan ko nalang at tinago yun magpasahanggang ngayon baka ikuwento ko nalang sa reunion, yun eh kung maaalala mo pa ba yun.
Tapos eto na, noong grade 5, yung taon na sobrang close natin, at hindi ko nga akalaing totoo pala yun, talaga palang naging kaibigan kita noon, ikaw kasi yung tipong tahimik, misteryoso, pagwapo ang dating leche ka! Hahahaha Noong mga 1st ang 2nd grading maayos lang naman yung naging takbo eh kasi diba kada grading nagpapalit palit ng upuan at yun na nga, 3RD GRADING! Napunta ako sa likod sa may right side kapag nakaharap sa board natin tapos yun nga ikaw yung nasa harapan ko, wala naman talaga akong pakialam noon, kasi nga hindi naman talaga kita crush, duh ang payatot mo kaya, at lumipas ang mga araw lagi niyo akong inaasar, HA. HA. Yan kayong tatlo ni adolp at jazzie tapos eto naman akong iyakin lalapit kila angela at doon hahagulhol, grabe niyo kabully, pero hindi ko alam na yung mga panahong iyon ang dami palang naiinis at nagagalit sakin kasi close kita, eh wala naman sakin yun kasi nga ano pala kung close kita? Eh sino ka ba? Hanggang sa may pagkakataong anu-anong pinagsasasabi mo at nakakahiya ka talaga praaaamis :D puro ka lang kasi kalokohan, may time pa na sinabihan mo yung group leader niyo na sa susunod nating groupwork ay wag raw ako pagbigyan eh tumatawa-tawa lang ako sayo kasi hindi naman tayo magkagrupo, sadyang magkatabi lang tayo ng upuan, meron pa pala, nagdrowing ka ng Halloween theme sa isang papel, basta puro mga lalake yung characters mo doon tapos mga creepy creatures sila, at ikaw ay isang bangkay na nakasabit sa isang punong may kuwago sa itaas, aba, at sino yung kuwago syempre ako. Ang bully mo. PURO LALAKE SA ROOM ANG CHARACTERS TAPOS SINALI MO KO? Okay. Tapos naalala mo pa ba nung nagconfess si Aira sayo? Grabe lang. Pagkatapos ng ilang araw, inaaway niya na ako, ikaw naman kasi! Pakipot ka! Pero sabagay, iniwasan mo kasi siya pagkatapos niyang umamin sayo at naging iba na yung pakikitungo mo sakanya, pero sabagay awkward nga naman talaga. May naalala pa pala ako, kapag TLE time nandoon tayo sa kubo kubo ni Sir Armenio diba tapos one time hindi tayo nakinig sa lecture ni sir kundi hinampas mo ako ng tingting, akala mo hindi masakit ha! At wala tayong ibang ginawa kundi naghabulan hanggang sa nadapa ka. Hays Patpatin ka na nga nadadapa ka pa.
Grade 6. Hindi na kita kaklase. At walanakompake kaso may mga pagkakataong nagtetextan at nagiging crush pala kita, kaso yun nga diba kinukuha ni Ma'am Gianan yung phone sainyo tapos kinukuha pala ni Aira yung pone mo doon at binasabasa niya kung sino yung mga katext mo, nagalit pa siya nun sakin at kay heide at marami pang iba. Jusko. Kayo pa nga ni Heide noon diba? Dakilang MU pa kayo nung grade 6 tayo. Yieeeeeh. Tapos hindi na kita napapansin nun, kasi nga, duh hindi ka naman kasi kapansin pansin, osige minsan pala. Tapos naalala ko pala! (Gahd ang dami kong naalala tapos ikaw pala wala, nakakahiya ituuu. Pero pakialam mo ba?) May nagsend sa akin ng message na may something something na kapag sinend ko raw iyon sa LIMANG CRUSH KO AT KAPAG BINALIK NILA SA AKIN IBIG SABIHIN CRUSH DIN NILA AKO. Peste childhood kalandian -___- At yun nga, sinend ko yun sayo diba? DIBA? Pero hep, wag ka munang feeler marami akong sinendan pati babae, tapos wala pang limang segundo binalik mo yung message. JUSKO BAKEEET? O baka nang-aasar ka lang nun? Pero who cares? Ako naman ang kinilig hindi naman ikaw. Tapos meron pa na pinapagawa tayo ng daisy na gawa sa parang rubber tapos ang galing nung sayo, ang galing mong gumawa pero naunahan ako ng isa sa may ultimate crush sayo, tapos basta, yuuun, may convo pa pala tayo tapos nakasulat pa yun sa isang maliit na notebook at tinatago ko pa rin hanggang ngayon. Leche naman oh. Basta, inaasar pa pala kayo ni darl noong elementary tayo, kaso wala akong pakialam kasi nga naisip ko na ang bata bata niyo pa. WAAW HAHAHAH. Pero mahal ko si darl :) Tapos ikaw pala ang kauna-unahang taong nagsabi sa akin ng "Ingat. . ." AYAN! GANYANG GANYAN! Leche talaga oo!
At first year na nga! Ikaw ang una kong nakita nung 1st day bakeeet?! At wala lang, wala akong pakialam sayo nung 1st year, tapos ang daming nagkakacrush sayo noon kasi ang gwapo mo raw, ang tahimik mo raw, SUUUS. Pero may mga pagkakataong napapansin talaga kita at natutuwa pa ako na nakakagrupo kita lalo na pag yung bilangan ay 1,2 ,3,4 kaso nagpalitan ng upuan, hindi na kita nakakagrupo. So? Ayun, wala talaga akong pake. At nalaman ko nalang na may ka-MU ka na pala, at yun si faye, Yieeeh. Tapos dati nagchachat pa, kachat kita at kachat ko siya, tawa pa ako ng tawa kapag sinasabi mong namimiss mo na siya, sobra HAHHAHAHAHHA. Napapabasa ulit ako sa chat eh, DAFACT SIYA BA TALAGA TO? SA KANYA TALAGA GALING TO? HAHAHAHHAHA K. Tapos naalala mo ba yung araw na umamin si Venus sayo, diba diba sa harap ng buong room, values time sabay sabi niya pala, "joke lang to ha" Pero totoo talaga yun, WOO KINILIG KA NOH? shet ang bakla ng dating. Tapos yun nga, syempre alam ko yung kwento niyo ni faye, nagkukwento siya sa akin eh, naging you and she pa against the world ang drama ng pag-iibigan niyo, tapos ang daming kontra, uhh siguro umabot din ako doon, pero hindi naman kontra, basta walakompake. Tapos pinagkakatuwaan ka pa naming pito nun, kung naalala mo ba yun? Ewan ko pakiramdam ko kasi pikon na pikon ka na sa amin, tapos basta crush ka naming pito, yaak Joke hahahah. Medyo medyo lang, pinagkocontesahan ka pa namin, tapos one time nakagrupo kita sa values at ang gulo gulo mo, nagbabago ka na, nagiging hyper, maingay siguro nang dahil kay Faye? Pero nakakatuwa kasi siyang lang pala makakapagpabago sayo ng ganyan :) Tapos one time pa, tahimik ang buong room, at bigla mo akong tinawag at sinabing tawag ako ni adolp pero ang totoo hindi naman, ewan ko lang kung anong trip mo. Pero inaalis ko talaga yung pagkagusto ko sayo nun, seryoso, kasi nga kaibigan ko si faye, basta ang pangit lang tignan, kaya nagtagumpay naman ako, bumalik ulit ako sa dati na wala na namang pakialam sayo. Pero nakakainis kasi, alam mo yung pasulpot sulpot na feelings? Shet kadiri. Lumayo ka nga!
AT YUN NA NGA! Ang pinakasuccessful na year, ang aking 3rd year, kasi ni hindi kita naisip, oo seryosong seryoso, parang wala ka nga lang eh, may naririnig pa akong kwento na ang sweet niyo na ni faye, pero wala talaga akong pakialam kasi nag-eenjoy ako sa section ko, pero noon pala diba nag-aaway kami ni faye? ewan ko ba, hanggang ngayon gusto ko talaga sabihin na hindi talaga ikaw yung dahilan, hindi kami mag-aaway nang dahil sa lalake duh, pero sige hinayaan ko nalang na yun ang isipin ng iba. Tapos isa pa, nandiyan pa si kuya Paul, wahahahah joke kaya ang saya. may time pala na pumunta ka ng room tapos bigla kang nangalabit tapos sabi mo si adolp yun, eh nakita ko naman na ikaw yun. Susme pero alam ko talagang umabot ka sa point na naiiinis ka na sa circle of friends namin, kasi iniisip mo kontrabida kami sa buhay mo? Well, hindi lang naman sayo, marami pa. Joke pero hindi naman, basta mahirap iexplain kapag magkakaibigan eh.
Hellyeah. Last na talaga to. Napapagod na ako at 11:22 pm na, ang bagal kong magtype peste. 4th year na. janjanjanjan. Wala na talaga akong pakialam sayo, kaso yun, nagiging close pala ng unti unti, yknow magkaibigan, shet, tapos nagCalapan pa tayo! Aminin mo ang saya nun diba? Grabe sobrang nag-enjoy ako, Calapan memories men! Tapos basta puro lang tayo laro at kalokohan doon, nanalo ka pa nga at ako ang unang bumatok sayo, naks congrats. Tapos balik puerto at parang walang nangyari, pero wait pala, natutuwa kasi ako nung sa calapan, nung naglaro ng killer eye ba yun? Basta. Sobrang nag-enjoy ako nun, tapos eto na naman sumulpot na naman si feelings, leche, crsuh na naman kita. Hays bakit? Nakakainis. Pero wala pa talaga yun, hindi kita gusto nung sa calapan tayo, nung umuwi na tayo sa Puerto saka ko narealize. kadiri. Tapos grabe pa tayo magtitigan doon, hindi lang tayo ha? I mean lahat tayo, tapos one time pa preho pala tayong killer! SHET HAHAHAHAHHA Okay ang sya, basta tapos pinapatay kita at pinapatay mo rin ako, kaya pala walang magreact sa atin kasi nga pareho nga tayong killer jusko. Tapos nung ikaw yung pulis tapos ako ang killer, shet nagkamali ako at ikaw ang kinindatan ko dahil ikaw pala yung pulis, ohala basta yun kung naaalala mo pa. Tapos puro pa tayo laro ng basketball, kayo laging magkakaampi ni Lawrence, tapos ako si Elen at si Allan pero syempre mas lagi kaming panalo. Mwahahaha tapos yun nga pagkauwi ng puerto, medyo close na pala tayo hindi na katulad dati na parang hangin lang tayo sa isa't isa. May mga pagkakataon pang ikaw yung malakas mang-asar, haynako, taypos naalala mo nung nauso ang cardgame sa Ri-Bon, basta yun tapos one time naglalaro kayo tapos nakiepal kami ni Cah at nang-aasar habang naglalaro kayong boys tapos maya-maya may dinodrawing ka na sa papel, at ako pala yun, shet ang pangit, well hindi ako yung panget, yung drowing mo praamis, at bigla pa akong nahiya sayo kasi nga nag-ayos ako ng upo sabay sabi mo "Kayo talagang mga babae itinataas niyo yung mga palda niyo kahit may mga lalake" okay awkward. Wala akong masagot, pero syempre binara pa rin kita, Tapos maya-maya naglalaro kami ni Cah ng unggoy-ungguyan tapos sumali ka, eh hindi mo alam na may sarili kaming rules ni Cah, kaya nagrereklamo ka na kasi ang daya naming dalawa dahil lagi kang nagiging unggoy. HAHAHAHAHHA Ang kj mo naman kasi eh gusto nga namin may thrill. Tsaka given na unggoy ka talaga. HAHAHAHHA 
Nasa room ako, tapos nang-eechos ng laptop ni Von basta may iba rin akong kasama sabay sabi ni Eman panoorin ko yung "Your the apply of my Eye" sabay ayoko nga kasi baka bastos. Basta eto yung convo.
Eman: Panoorin mo lang, hindi yan bastos Hahahah
Ako: Talaga ha Eman? Pag yan puro kabastusan anong gawin ko sayo?
E: Wala nga hahahah
Ikaw na epal: Paano mo malalaman kung hindi mo papanoorin.
Ako: Ah basta ayoko. Lalo na kaiba kaya pag nanonood ka ng may something tapos may kasama kang lalake basta awkaward kasi nga ayon sa p.fact pag nanonood daw ang lalake at babae, malaki raaw yung porsyento na yung lalake, basta nagakkaroon ng something.
Ikaw na epal: Anong something? Ano ba yan. bakit ganyan ka mag-isip.
Ako: Eh nabasa ko nga yun tsaka ilang beses na napatunayan. (pero ewan ko talaga kung saan ko yun nadampot)
Ikaw na epal: woo, sige tara nga manood tayong dalawa para malaman natin kung may something.
AYSHT ANG AWKWARD sa part ko. HAHAHHAHAHA Hindi ko lang talaga alam kung anong irereact ko,
Practice sa gym:
Sir Mationg: Kamay sa breast, ayy hahahahah hindi pala lahat mayroon nun. Sige kamay sa chest.
Ikaw na epal: Kamay sa  breast ng katabi. whahahahaha
ako: tse damang,
Ikaw na epal: Hahahha bakit may breast ka ba?
AWKWARD PESTE
Ikaw na epal: Huu gaya gaya ng damit. Hubad
Ako: Kapal mo, nauna ako nagbihis ng ganto at nagsuot ng ganito.
Ikaw na epal: Woo, gaya gaya ka. Hubad na. Hubad (Tawanan kayong boys)
Ako: Okay lang wala namang makikita.
SHT BAKIT KO BA SINABI YUN.
Ayy peste. ohala stop this awkward thingy. AYY naalala mo pala nung foundation, basta naging magkagrupo tayo nun kasi sumali ako sa eng club at usmali ka rin pala doon, tapos basta yung sa game na gamit ang talong tapos itutulak yung posporo sa sahig eh diba ikaw ang taga tali sa bewang nun, yung parang nakayakap ka mula sa likod tapos itatali mo sa bewang sa harap basta parang ganun yung posisyon shet. tapos 1st runner up ang eng club at may premyong pagkain, picture picture tapos maya maya may nakatapik at nakaakbay yun pala ikaw yun. jusko basta leche ka. Tapos nung farewell pala, diba naglaro tayo ng volleyball kuno gamit ang malaking bolang gawa sa papel at packing tape, tapos ang gentleman mo kasing hayop ka, joke ang hard, basta ging-guide mo ako paharap, yung hinawakan mo ako sa likod tapos itinutulak ng dahan dahan paharap gamit. RAMDAM KO YUNG KAMAY MO. SHT and I was like "buffering 1, 2, 3" Saka lang ako natauhan peste tapos basta nakakatuwa kang kalaro, kaso hindi ka nakakatuwa kalaban kasi ang hard niyo mamato sa larong bato bola, hello, nag-iisang babae lang ako tapos ang sakit niyo mamato. Tapos nung graduation pa! Nagpapicture ako, nung una nakangiti, kaso ang awkward kasi grabe natin kadikit nun tapos nung pangalawa sabi ko "wacky" nakatingin ka sakin habang todo ngiti tapos ako nakanganga at napatingin sayo, jusko buti nalang hindi yun nakunan, ang haggard ko doon,  nakakhiya ako peste. AT nung nagbasketball pa pala kayo, nung nagbibihis na yung iba naglalaro kami ng bola at paramihan ng masushoot tapos bigla ka na namang umepal, at yun nga ikaw yung taga-habol ng bola at inaabot mo sa amin. Hayss. Tawa ka pa ng tawa nun at tinuturo mo kung paano yung tamang pagshoot. Leche. Bakit ka ba ganyan? Nasayang ang mga pambabalewala ko sayo.
Pero kasi sadyang dakilang feeler lang ako kaya ganito, pero close talaga tayo, YES I DECLARE. MWAHAHAHAH Pero kasi alam mo yung feelings, basta lecheng feelings, yung parang nakaraang linggo mo ako kinausap tapos next week pa siya magsisink in, parang ganun ang slow ng emotions ko, hinayupak, tapos maiipon silang lahat hanggang sa puputok na ako sa sobrang kilig sht. Basta bigla na naman kasi kitang naisip kanina kaya nga ayoko yung tipong napapatahimik at walang ginagawa kasi nga ikaw yung pimapasok sa maganda kong brain. Lechugas. Tapos naisip kita kanina tsaka yung mga pinanggagawa mo, hayy lagi nlang ganto. at naisip ko rin si faye, well hindi naman ako updated sa buhay pag-ibig mo o kung ano pa man, pero alam kong wala nang something sainyo ni faye? Syempre ayaw naman kitang husgahan kasi hindi ko naman alam yung kwento pero ang gago mo lang, kasi nga magkaibigan din kami nun, hindi man katulad dati pero kahit na babae pa rin, ah basta ewan. Wala na nga akong pakialam sayo. Lagi nalang akong walang pakialam pero bakit ganito peste. Ah basta, tandaan mo makakamove on din ako beybeh! At pag nangyari na talaga yun, tatawanan ko nalang talaga to. Hayss Makatulog na nga, alas dose na pala, iilan lang ang pinag-eeffortan ko ng ganito at kasama ka jusko. Tapos naseenzoned mo pa ako nakaraan nung nagmessage ako, leche pero wag ka, marami akong minessage-dan hindi lang ikaw. Susme
Pero seryoso, multo ka talaga ng buhay, sa mga panahong 'to, isa ka sa mga taong hindi ko makkalimutan, pero makakamove-on talaga ako sayo, Shet. Bakit ba move on yung term peste.
0 notes
miss-tres · 10 years
Photo
Tumblr media
Oo nga naman, kung kailan kailangan niya ulit ng kakikiligan at makakausap, yung parang pakiramdam niya na gustong gusto siya sa tuwing kausap siya. Grabe lang hindi ko man lang namalayan na nagpalit na siya o baka sadyang na-overwhelm siya sa mga pangyayari kaya ganoon, alam ko namang darating sa puntong iyon at hindi ko alam kung anong sense ng mga pinagsasabi ko ngayon pero alam ko rin kasing may nakilala na naman siya kasi nga hindi lang siya literal na player at nakakainis kasi ano nga ba tong pinagsasabi ko dahil wala namang "meron" sa pagitan naming dalawa.</3
0 notes
miss-tres · 10 years
Text
Oo nga pala, hindi nga pala tayoooo, hanggang dito nalang ako, nangangarap na mapasayo~
Oo nga pala, ano nga bang karapatan ko? SHET WHAT IS THIS? </3 HAHAHAHHAHA. Kunwari ang saya ko.
0 notes
miss-tres · 10 years
Text
Ang tagal ko na palang hindi nakapagkwento rito. Masyado na akong busy sa isa ko pang tumblr at hindi ko na naaasikaso to. Pero mas masarap magkwento rito, walang makikialam, walang nakakakilala, walang magrereact. Hayyy :/
0 notes
miss-tres · 11 years
Text
Hello :)
0 notes
miss-tres · 11 years
Text
Talking about ages. seesh
Rhenasparklin~ Feeling ko, mali ako ng mundo na napasukan, weirdo. I mean, parang maling tao ang nakakasalamuha ko. Hay eto na naman ako, nakakadepress ang edad, sa sitwasyon ko. I belong in a class where, i was 1-2 years older from my classmates. Pantay pantay naman ang turingan, actually close ko naman yung karamihan. Pero naiilang ako pag edad na ang pinag-uusapan, ayoko talagang topic yan, maybe because sa dalawang ESEP CLASS, ako ang pinakamatanda. Yung naiilang ako pag sinasabing 'ay ganito na pala edad mo', parang kung pwede nalang, sa twing nagtatanong sila tungkol dyan, biglang poof! Maglalaho ako bigla, kasi nakakailang sagutin. Hindi naman ako nagparbol nor nagstop mag-aral, sadyang late lang ako nag-grade one, sa malaysia ako nagkinder, nag-aral ng kung ano ano pa, at nag-asikaso para mag-aral dito sa Pinas. Kung nakapunta ako dito ng mas maaga, baka ibang tao yung nakakasalamuha ko ngayon, wala sanang ganitong kadramahan akong iniintindi.
0 notes
miss-tres · 11 years
Text
Masaya na kayo. Sige Go :)
0 notes
miss-tres · 11 years
Photo
Tumblr media
1M notes · View notes
miss-tres · 11 years
Photo
Tumblr media
221K notes · View notes
miss-tres · 11 years
Photo
<3
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
688K notes · View notes
miss-tres · 11 years
Photo
Tumblr media
7K notes · View notes
miss-tres · 11 years
Photo
Tumblr media
yeah right..
2 notes · View notes
miss-tres · 11 years
Text
Puro ka salita. Kulang ka sa gawa.
0 notes