Tumgik
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
BLOG “Pagkamit sa Makatarungang Lipunan” Buhay. Ang buhay ay ang pinakamagandang regalong natanggap natin mula sa Diyos at bilang tao ay may tungkulin tayong pangalagaan ito. Buti na lamang, kasabay ng ating kapanganakan ay ang pagkakaloob sa atin ng Diyos ng mga karapatan. Karapatan na siyang tutulong sa atin na mabuhay nang may dignidad at may pagpapahalaga sa sarili maging sa ibang tao. Hindi lang sariling kapakanan ang nakasalalay dito kundi tungkulin din natin bilang isang mamamayang Pilipino na alagaan ang karapatan ng ibang tao. Marahil, hindi ko na kailangang isawalat pa kung ano-ano nga ba ang mga karapatan natin bilang isang tao sapagkat alam ko na sa araw-araw nating pamumuhay ay natatamasa natin ang ilan sa mga ito. Ang mas lalo kong ibabahagi ay kung ano ang dapat nating gawin upang pangalagaan ito at paano ito gagamitin para sa ikabubuti ng lahat. Kung wala ang karapatan, wala ring silbi ang buhay kaya nararapat lamang na alagaan natin ito. May kasabihan tayong “Madaling maging tao pero mahirap magpakatao”. Magiging madali lang ito kung isasabuhay mo ang mga mabubuting aral sa buhay at magiging mabuting impluwensiya sa ibang tao. Ang pagsunod sa batas lalo na sa batas ng Diyos ay isa ring paraan upang mapabuti ang ating mga karapatan. Sa panahon ngayon, laganap na ang diskriminasyon. Diskriminasyon na siyang tumatapak sa karapatan ng bawat isa sa atin. Hahayaan na lang ba natin na ganito? Syempre, kailangan natin tumugon. Matuto tayong respetuhin ang pagkakaiba-iba ng lahat at unawain sila ng buong puso. Sa pamamagitan nito, ang makatarungang lipunan na siyang minimithi ng lahat ay tiyak na makakamit. Ang kapayapaan ay isa rin sa mga gusto nating mangayari. Ngunit paano kung laganap naman ang terorismo na imbes na rosaryo, ang gamit ay bala, na imbes na dasal, ang gamit ay dahas? Puro na lamang away at gulo tulad sa Marawi kung saan maraming tao na ang nadadamay at maraming tao na rin ang namamatay. Ang punto ko rito ay makakamit lamang ang kapayapaan kung sisimulan natin sa ating mga sarili at kung ibabahagi natin ito sa iba. Ang pangangalaga sa karapatang pantao at pagsugpo sa diskriminasyon ay makakatulong rin sa paglaganap ng kapayapaan. Kung lahat ng tao ay pantay-panatay, walang naapi, walang nakakaanagat, tiyak na papayapa ang mundo at lalaganap ang makatarungang lipunan para sa lahat. by. Coma
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
by. Barlaan
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Text
"Prostitusyon: Umiiral na suliranin sa Pilipinas"
Prostitusyon. Ano nga ba ito? Ito ay ang paggamit ng katawan ng isang tao upang kumita ng pera. Isa din ito sa mga suliranin ng ating bansa na ang karamihan na nabibiktima ay mga menor de edad. Ano nga ba ang mga dahilan ng iba kung bakit patuloy pa din sila sa pagsali sa prostitusyon? Ano ang mga sanhi ng paglaki nito? Paano nito naaapektuhan ang mga biktima? At ano ang mga maaaring solusyon sa suliranin na ito?
Patuloy ang paglaganap ng Prostitusyon saating bansa ito’y marahil mabilis at malaki ang kita dito kumpara sa iba. Karamihan ng mga nabibiktima dito ay ang mga hirap sa buhay o walang kaya. Siguro, ito ang paraan nila para makaasenso. Nangyayari ang prostitusyon kadalasan sa mga bar, casa at hotel sa pamamagitan ng “pagbubugaw”. Minsan nama’y lantaran din ang kanilang pagbebenta ng katawan. Hinaharang nila ang mga kalalakihang dumadaan at saka inaalok ng kanilang serbisyo.
Patuloy na lumalaki ang prostitusyon saating bansa dahil sa kahirapan; pinakamalalang dahilan ng prostitusyon. Panloloko ng mga recruiter, impluwensiya ng mga kaibigan, pornograpiya at isa din sa mga sanhi nito ay ang pagkalulong sa droga. Nakakaapekto ito sa mga nabibiktima nito sa pamamagitan ng: pagaabuso sa karapatang dignidad at seguridad, karapatan laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon, karapatang maprotektahan laban sa pang-aabuso at eksploytasyon, karapatang marinig at matulungan kapag nalalabag ang kanilang mga karapatan, karahasang seksuwal at pang-aabusong pisikal, STD’s, vaginal infections, pananakit ng likuran, hirap sa pagtulog, sakit ng ulo, sakit sa tiyan, at mga eating disorder at mental disorder. At malalabanan natin ang prostitusyon kung mapaparusahan ang mga may sala.
Ang prostitusyon ay patuloy na lumalaganap hindi lang sa bansang Pilipinas kundi na rin sa buong mundo. Dahil habang patuloy ang kahirapan, patuloy din ang ang pagtaas ng kaso ng prostitusyon. Kaya’t hangga’t maaari humanap tayo ng mga legal na trabaho. Isipin natin na marami pang oportunidad ang naghihintay saatin basta’t tayo’y matiyaga at tatagan din natin ang ating loob. Sabay sabay nating wakasan ang prostitusyon hindi lang saating bansa kundi na rin sa buong mundo.
by. Leyva
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Bullying , Child Abuse , Drug Abuse , Gay Rights , at Discrimination. Ito ay iilan lamang sa mga syung kinhaharap ng mondu sa kasalukuyan ngunit paano nga ba natin ito mapipigilan kung hindi natin ito bibigyan ng pansin at solusyon. Discrimanasyon ay ang hindimagandang pagtrato sa ating kapwa na maaaring batay sa kanilang kulay,edad,lahi,kasarian o paniniwala. Ito ang isa sa ugat ng hindi pagkakasundo ng bawat lahi dahil ang iniisip ng karamihan ay ang “kiami at sila” na kaisipan. At ang isa sa solusyon dito ay ang pagtanggap sa ating kapwa kung sino at ano ang kanilang itsura. by. Palima
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Hindi makakamit ang kapayapaan kung bawat isa’y nagpapatayan. Laging pairalin ang paggalang at pang-unawa nang magbunga ng mundong mapayapa. by. Montevirgen #32 Lorraine Montevirgen 10-9 Parusang Kamatayan = Paglabag sa Karapatang Pantao Bakit usap-usapan ang death penalty? Magiging mabisa ba ito sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa isang bansa? Ang death penalty o parusang kamatayan ay paglalagay sa buhay ng maysala bilang kabayaran sa malalang krimeng nagawa. Ito ay kinaugalian na simula pa noong sinaunang panahon kung saan ang mga tribo ay nag-aalay ng huli mula sa ibang tribo para sa kanilang diyos; pinaglalaban ng mga Romano ang mga leon at Kristiyano sa colosseum; at ang pagpatay sa mga hinihinalang mangkukulam sa Salem, Massachusetts noong ika-16 siglo. Ang pagpatay ay paglabag sa karapatan ng taong mabuhay. Maliban dito’y maaari ring malabag ng batas na ito ang karapatan ng nasasakdal na makapagsalita at maipagtanggol ang sarili sa kasong ibinibintang. Nais ng pamahalaang takutin ang mga taong gumawa ng krimen sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na ito ngunit maraming kondisyong nagdudulot sa taong ito’y pag-usapan. Maraming kasong ang nasasakdal ay naframe-up lamang tulad ni David McCallum na inakusahan ng pagpatay at napatunayang inosente pagkatapos pa ng 28 taon sa kulungan; Darryl Hunt, isang African-American, kinasuhan ng panggagahasa at pagpatay sa babaeng puti, 9 taong nabuhay sa loob ng kulungan bago napatunayang inosente nang umamin ang suspek sa nagawang krimen; at Dewey Bozella, 18 taong gulang, hinatulan ng 20 taong pagkakakulong at napatunayan lamang na inosente pagkatapos lumaya. Sila at ang marami pang iba ay napagkaitan ng malayang pamumuhay habang nasa loob ng kulungan; ng malayang pamumuhay na isa sa mga karapatang dapat tinatamasa ng bawat tao. Masuwerte pa sila at hindi ipinapatupad ang parusang kamatayan sa kanilang bansa ngunit paano kung maging pareho ang pangyayari dito sa ating bansa? Maraming maaaring mapagbintangan at mamatay na lang nang hindi nakakamit ang katotohanan. Mayroong napapatunayang sila’y inosente pagkatapos lamang ng mahigit 20 taon. Kung ipapatupad ang parusang kamatayan, ang karapatan ng taong mabuhay, magsalita ng malaya, at maipagtanggol ang sarili ay lubusang malalabag. Tayo, bilang tao, ay makasalanan. Tayo ay nagsisinungaling, nandaraya, at nagkakamali. Kung ipapatupad ang death penalty sa aking bansa, wala na ang kalayaan dahil isang maling intindi lang ng lipuna’y maaari kang mawalan ng buhay; ganoon kadali, ganoon kabilis. Hindi ako magbabanggit ng salita mula sa Bibliya o anumang salita ng sikat na tao dahil alam kong lahat tayo ay may puso, pusong nakakaramdam ng kasiyahan sa pagtulong at pusong nakakaramdam ng negatibo tuwing makakasakit ng kapwa. Kung tatanungin ako ng inosenteng bata kung paano mapapagtanto ng taong masama ang pananakit ng kaniyang kapatid, ang isasagot ko’y pag-ibig dahil ang pag-ibig ang ugat ng lahat ng mabuti at masaya.
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Video
by. Baure
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
BUHAY
 Ang mga aralin ngayon ikatlong markhan ay nagmulat ng aking isip patungkol sa isyu ng ating lipunan. May iba-iba tayong paniniwala na kailangan respetuhin, ngunit sa pagkakaiba iba ng ating opinyon ay ito ang susi ng pagtuklas ng bagong kaalaman. May isang aralin na sobra kong tinututulan, ito ay ang abortion. Ang abortion ay ang pag papalaglag ng bata sa sinapupunan ng ina. Ito ang bagay na dapat ay itigil, hindi dahil isa akong mag-aaral ng katolikong paaralan kundi bilang isang tao. Sapagkat kung ating iisipin kung ang abortion ay nalaganap na dati pa, maaring maraming sa atin ay wala na. Ang buhay ay isang magandang regalo ng Diyos at sino tayo upang kumitil ng buhay ng isang batang walang alam. Bata pa lang siya ay tinanggalan mo na agad siya ng karapatan. Karapatang mabuhay. Maaring hindi lahat ay may kakayahang magkaroon ng anak ngunit alam kong may plano ang Diyos. Sana ay bigyan natin ng halaga sila. Dapat tayong mga kabataan ang manguna sa pagtigil nito. Sa papamamagitan ng blog na ito nawa’y mamulat ang isipin ng iba kahit ang aking sinabi ay mababaw lang. lahat tayo ay magkaisa upang mahinto ito. Ang buhay ay ang pinakamagandang regalo ng Diyos.
 KAPAYAPAAN
  Ano nga ba ang kapayapaan, ang kapayapaan para sa akin ay ang pagupo at pananahimik sa loob ng simbahan. Marahil ang iba ay iba ang naiisip pagsinabing kapayapaan. Ang una nilang maiisip ay pagkamit ng kapayapaan pagkatapos ng labanan ngunit ang aking depinisyon ay iba. Ang paglapit ko sa Diyos ay nagbibigay kapayapaan sa aking puso at isipan. Nakakalimutan ko lahat ng pagod, hirap at sakit. Sa pagupo at pagluhod ko sa harap niya ay ito ay nagbibigay kasiyahan sa akin. Ang Diyos ang depinisyon ng kapayapaan para sa akin.
by. Mendoza
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Magmahalan Tayo!!!
Sa simpleng salita na lumalabas sa bibig ng tao ay maaaring maka-diskrimina. Isang napakalaking suliranin sa atin ang maling tingin at panghuhusga natin sa tao sapagkat ito'y isang bagay na hindi dapat ginagawang biro. Ang pagkaka iba-iba nating mga tao ay upang tayo ay matuto sa kung ano talaga ang karapat-dapat na trato natin sa tao iba iba man ang lahi, relihiyon, kasarian, edad, physical, mental, at intellectual na itsura ng tao. Sa paglipas ng panahon ay unti-unting natatanggap ng mga tao at mamulat sa tamang pagtrato ang mamamayan dahil nadin sa mga taong nagpakita ng katapangan at lakas ng loob na ipaglaban ang karapatan na hindi naman dapat ipinaglalaban dahil sa ito ay ibinigay na ng Maykapal sa atin. Tulad na lamang ni Nelson Mandela, ang unang naging Pangulong Itim. Dahil sa katapangan na ipinamalas niya ay namulat niya ang mga nagbubulag bulagan, at nakinig ang mga nagbibingi bingihan kung kaya't siya'y hinangaan ng karamihan. Naniniwala ako na sa kaunting katapangan na mananaig sa ating mga puso ay magkakaroon ng malaking epekto sa lahat kung kaya't gamitin natin ang kakayahan sa tama at hindi sa makakasakit ng kapwa.
by. Maligaya
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Ang tao ay nilikha ng Diyos para alagaan ang Kaniyang mga ginawa. Bilang tao, mayroon tayong responsibilidad na bigyang halaga ang mga nakikita natin sa ating paligid. Kailanman hindi magiging sagot ang pakikipag-away sa iba, at pagtapak sa kanilang pagkatao. Dahil lahat tayo ay pantay-pantay at walang sinuman ang mas nakakaangat sa atin.
by. Matanis
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Terorismo Sa aking slogan ay nais kong ipakita ang halaga ng kapayapaan. Kung ano ba talaga ang kapayapaan. Ang terorismo ay nagiging hadlang dito at nagiging panganib sa sangkatauhan. Nagbabalot ng takot at dilim sa himpapawid at nalalanghap ng lahat ang hangyod nito. Sa babaeng nakatingala na tila nakatingin sa kawalan, naghahanap ng solusyon at rason kung bakit nga ba nagsilang ang terorismo sa mundo. Sa kanyang katawan ay mga tatu, ang katawang kanyang minahal at iningatang, katawan na malaya nyang ipininta ng sining sa kanyang nais, sa leeg ay isang sirang palaso, sa balikat ay ang pangea, ating mundo noong ito’y isang kontinente pa lamang. Ang babae ay nakatingin sa isang kawalan. Iniisip na ang mga tao ay nakatira sa isang maliit na asul sa bola kabilang sa libo libong nakakalat na mga tuldok ngunit bakit nga ba sila pinalibutan ng poot at sakim? Siya ay nagtataka. Sa likod ng kanyang ulo ay ang dahon ng kapayapaan sa lahat ng pumapasok sa kanyang utak ang kahalagahan ng pagiging payapa at paguunawa ay nananatili parin sa likod ng kanyang isipan, ito ang nangunguna sa kaniyang pagdedesisyon at pagpapasya. Siya ay pinapangunahan ng katarungan. Ang kalapati, ibon ng kapayapaan ang humaharang sa bibig ng babae. Ang pagsasalita ay isa lamang sa napakaraming pandiwa. Napakaraming paraan ang maaring gawin ng babae upang siya’y makaimpluwensya at maging dahilan ng pagbabago sa mundo. Upang maging hadlang sa gulong nagaganap. Siya ay hindi kayang mapatahimik. Ang babae ay ang sangkatauhan. Bilang ako, hindi estudyante kundi tao, at isa sa bumubuo ng sangkatauhan, ang paraan ng aking pagiisip ay pangkalahatan. Ang sangkatauhan lamang ay may kayang baguhin ang mundo. Nasa kanila, o sa halip ay nasa akin na kung pano ko ito babaguhin, para ba sa masama o para sa ikabubuti ng buhay ng lahat at ng maliit na asul na bola.
by. Evangelista
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Anino
            Ang edukasyon ay susi sa kaunlaran. Iyan ang laging sinasabi ng ating mga magulang, guro o mga nakakatanda. Paano kung ang isang tao ay hindi nakapagtapos ng kanyang pinag-aralan? Paano kung walang sapat na panggastos upang matugunan ang edukasyon? May Kaunlaran pa ba na matitikman ang Pilipinas?
            Kung susuriin mayroong 5.8% o 3.4 milyong katao ang walang trabaho sa Pilipinas ayon sa International Labor Organization. Ito ay isang alarma para sa ating lahat dahil hindi biro ang laki ng populasyon ng Pilipinas at ang mga unemployed. Isa sa mga sanhi ng unemployed ay ang kawalan ng edukasyon ng mga mamamayan. Maraming mga Pilipino ang nakakaranas ng kahirapan dahil walang sapat na kakayahan na magtrabaho at walang kapasidad dahil hindi nakapag-aral. Ang edukasyon ay mahalaga para sa bawat tao dahil ito ang kayamanan na kahit kailan  ay hindi mananakaw sa atin. Isa din itong susi upang makawala tayo sa kahirapan na nadadanas natin. Maraming proyekto ang mga gobyerno para magkaroon ng trabaho ang mga Pilipino nakapag-aral man o hindi. Gaya ng mga jobfair at mga website na makakatulong upang makapaghanap sila ng trabaho. Hadlang man ang kahirapan upang hindi makatapos ng pag-aaral ngunit nasa ating mga palad kung paano natin buuin ang ating pagkato. Ang edukasyon man ang susi ng kaunlaran ngunit may mga balakid. Kaya naman bilang tao di ka man nakapatapos ng pag-aaral ngunit may mga oportunidad naman na pwedeng kuwain at gawin.
         Bilang isang mamamayan ng Pilipinas nasa ating mga kamay kung paano uunlad ang iyong sarili at susunod ang bayan. Huwag sisihin ang gobyerno kung bakit maraming mga walang trabaho dahil maraming ginagawa sila na paraan. Tanungin mo ang iyong sarili. Ikaw ano ba ang iyong ginagawa upang umunlad ang iyong pagkato at ang bayan?
by. Ramirez
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Boses ang sandata mo laban sa kasamaan ng mundo
Sa mundo natin ngayon, hindi na mabibiling sa kamay natin ang mga kalaban, kasakiman, at pagmamaltrato ng mundo. Para sakin ang ating mga boses lang ang ating armas laban sa mundo dahil palagi nating itong bitbit at kahit kalian pwede nating gamitin ito sa tama at makabubuti sa lahat. Kaya halina’t maging isa sa milyong-milyon na tao na lumalaban para maging isang katanggap-tanggap na lipunan ang ating mundo.
by. Santillan
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Text
Diskriminasyon ay hindi nararapat sa ating nasyon
Sa mundong ito isa lang kailangan mo ang matutong rumespeto dahil hindi tayo pareparehas dito maitim ka, maputi sya maputi ka, maitim sya ano bang pinagkaiba nyo? kung parehas lang naman kayong tao pagkapantay pantay ang susi dito pareparehas na karapatan lang ang kailangan nating matamo upang matigil ang lahat ng ito matigil ang pangungutya ng mga nagpapakaperpektong tao diskriminasyon ay hindi nararapat sa ating nasyon ay hindi nararapat sa mundo sapagkat dapat nagmamahalan lang tayo
by. Villanueva
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong pagkakaiba iba ngunit bakit hirap na hirap tayong intindihin na kahit anong pinagkaiba nyo ay parehas pa rin kayo ng halaga? Dahil parehas lang kayong tao. Kung ano ang karapatan na iyong natatamo ay ganun din dapat ang kanyang matamo dahil iisa lang kayo.karapatan mo ay karapatan nya rin kaya kung ikaw ay nirerespeto dapat sya rin ay nirerespeto. Magkaiba man kayo ng anyo,pinaniniwalaan at iba pa tandaan mo parehas pa rin kayong tao
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Text
Ang Diskriminasyon ay ang paghusga sa kapwa.
 Ang kadalasang diskriminasyon sa Pilipino ay madalas daw nangyayari sa ibang bansa. Ang di natin alam, ang tunay na diskrimasyon ay tayo. Di to napapansin at naitatala pagka't ayaw nating aminin na tayo rin ang humuhusga sa kapwa Pilipino. Maitim ka man o maputi, maganda o panget, sikat o hindi, mayaman o mahirap, foreigner o tambay, mataba o sexy, doctor o conduktor, lawyer o barker o kahit sino man sa atin. Sana ay ang tuwid na linya ay masunod nang tama. Ang pantay na lipunan ay di nalalayo sa isang matagumapay at masaganang bayan. Pigilan ang matagal nang sakit ng ating lipunan. Ngayon, siguro'y iniisip nyong napaka-kapal ng mukha ko at nagmamalinis ako. Di po ako nagmamalinis, ako rin nama'y di perpekto at inaamin ko na isa rin ako. Sana ang mensaheng to'y umabot sa bawat Pilipino. Di man natin mapigilan ang diskriminasyon, pero maraming paraang mabawasan ito.
by. Cadiz
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Sa panahon ngayon, lumalaganap ang karahasan, kaguluhan at kasamaan. Nangingibabaw sa ating mga puso ang galit, inggit, pagiging makasarili, pagkawalang malasakit sa iba at higit sa lahat ang hindi pagrespeto at paggalang sa ating kapwa tao. Paano natin ngayon makakamtan ang inaasam nating kapayapaan? Isa sa mga pangunahing hadlang ay ang pagpapairal sa diskriminasyon. Oo, aminin natin may mga pagkakataon na nagiging mapanghusga tayo sa ibang tao nang hindi muna inaalam ang tunay nilang pagkatao. Nagbubulagbulagan tayo sa mga bagay na walang katotohanan. Pero dapat na simulan natin sa ating mga sarili ang pagbabago. Dapat na maging magandang impluwensiya tayo sa iba lalo na sa mga susunod na henerasyon. Respeto at paggalang sa sarili ang kailangan upang nang sa ganon, maipalaganap natin ito sa lipunan at sa buong mundo. Kung lahat tayo ay may malasakit at pagmamahal sa ating kapwa, tayo ay mamumuhay ng payapa sa mundong ating ginagalawan.
by. Shey
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Text
Kababaihan ay dapat pinapahalagahan Ngunit paano kung sarili nila'y kanila naring pinapabayaan? Pangaabuso o kagustuhan? Kagustuhan o kahirapan?
Tila isang sigwa Mga kahihiyan na nagtatago sa mga matang nagbabadya ng pagbagsak ng mga luha Ipunusta ang katauhan Upang labanan ang kahirapan
Kagustuhan nga ba kung maituturing? Kung ang laban ay natakbo ng matulin? Kababaihan ang kaligayahan Ngunit naisip nyo ba ang kanilang kalagayan?
Tila gusto nalang magtago sa likod ng mundo Habang tayo'y nagpapakamanhid na meron na palang dignidad na gumuguho Kababaihan ay ginawa upang ingatan alagaan Hindi para gawing katuwaan para sa sariling pangangailangan by. Paiso
Sapat nga bang dahilan ang kahirapan upang ibenta ang sarili mong katawa para sa kanilang katuwaan? Tuloy tuloy ang paglaganap ng prostitusyon sa ating bayan tila kanila nang nakalimutan ang tunay na gawi ng mga dalagang pilipina na tila noon ay ballot na ballot na kahit anong init ang binibigay ng araw ay mas pipiliin pa rin nilang itago ang kahilang katawan sa napakakapal na mga tela upang hindi masilaw ang mta ng mga kalalakihan ngunit sa isang iglap ila ang ganung mga babae ay sa mga kwento nalang matatagpuan ngunit wala tayong magagawa dahil habang tumatagal ito’y lalong lumalaganap dahil mabilis din ang paglaganap ng kahirapan. Pero aanhin mo ang masaganang buhay kung wala ka naman ng dignidad bilang tao? Ang kahirapan ay panandalian lang tulad nga ng sabi nila ang buhay ay parang gulong minsan nasa taas minsan baba , paikot ikot lang  kaya wag mong hayaan na sa isang deisyon ay mawawala ng isang iglap ang iyong dignidad dahil walang makaaktulong sayo para ibalik ang dignidad mo pero maraming tutulong sayo para makaahon sa kahirapan. Prostitusyon ay hindi sagot sa kaharipan
0 notes
nunc-vivimus · 6 years
Photo
Tumblr media
Respeto, isang bagay na gusto ng lahat, ngunit pinagkakait ng ilan. Sa katotohanan, hindi lamang ito isang kagustuhan ng mga tao — ito ay karapatan ng mga tao.
Ang mundo natin ay may taglay na pagkakaiba-iba. Pagkakaiba-iba sa lahi, kulay, katangian, paniniwala, kultura, sekduwalidad at maging sa kasarian. Ang mga homoseksuwal ay isa sa mga pinagkakaitan ng respeto at dinidiskrimina ng ibang tao dahil sa mga paniniwala o kultura ng mga taong ito. Ngunit sa aking palagay, magkaiba man ang paniniwala o kultura natin, may suporta man tayo sa LGBTQ Community o wala, hindi pa rin natin dapat kalimutang magbigay respeto sa kanila. Iba man ang kanilang kasarian ay hindi maaalis sa kanila ang pagiging tao at ang kanilang pagkatao.
Bilang isang mabuting mamamayan, mahalagang matutunan nating umunawa kaysa humusga at tumanggap kaysa magdiskrimina dahil ang mga ito’y ilan sa mga paraan upang makamit natin ang pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran.
by. Cruz
0 notes