Tumgik
Text
030317
Idk if I'm just overthinking pero... isa lang nararamdaman ko. Natatakot ako. Natatakot akong mawala ka. Natatakot akong umalis ka. Ikaw na kasi yung buhay ko ngayon. Oo na. Mali nanaman ako kasi binibigay ko nanaman sa isang tao pero bakit ba ganto. Bakit ang sakit sa puso pag iniisip kong hindi ka na masaya. Masaya ka pa ba? Oo pag magkikita tayo, masaya pero pag di na tayo magkasama, feeling ko hindi ka na masaya. Lahat ng bagay lumilipas. Alam kong di na magiging katulad ng noon na sobrang saya at hindi araw araw magiging masaya. Pero namimiss na kita baby. Namimiss ko na yung dating ikaw. Ikaw pa din naman yan, pero namimiss ko na yung makulit. Sobrang kulit tapos lagi akong hinahanap at gusto ako laging kausap. Hindi yung ngayon na parang feeling ko... unti unting bumibitaw... yung tingin ko mas masaya pag barkada ang kasama, yung mas gugustuhing maglaro ng computer at magsugal kesa kausapin ako. Di ko alam baby pero sana wag. Wag. Ayoko eh. Sa lahat ng tao, hindi ikaw please. Sana nga overthinking lang to. Sana nga.
0 notes
Text
Finally back!
Dinelete ni ex old account ko. Lahat ba naman kasi ng blog ko eh tungkol lang sakanya. Lahat! As in. Right from the start and until the end of that relationship. Almost five years is pretty long, right? BUT. Yun nga eh, nagtapos din. Hindi kasi para sa isa’t isa kaya mabuti na ding natapos. No regrets din naman, okay na ko. Okay na din naman siya, I guess. Ay di lang pala ko okay lang. Okay na okay pala. Yes, seryoso hahaha di biro lahat ng nangyari pero masasabi kong mas naging mas okay ako after ng lahat. And after one year, ngayon na lang ulit ako  nagkaroon ng lakas para gumawa ng bagong account. Honestly, di alam ni jowa to at ayaw niya din na gumawa ko ng bagong account. Well sa tingin niya kasi eh namimiss ko si ex kasi nga diba, blogs hahaha! Pero hindi naman. Di ko din alam kung bakit pa ko gumawa ulit. Namimiss ko din siguro magsulat tsaka lahat ng memories ko don sa dati kong blog pero sabi nga ni Ryan Bang sa My Ex and Whys eh... “Move on na tayo ha!” Hahahaha so here I am again. I kinda need this blog to overcome the obstacles that I am facing right now. Syempre unang una, siya. Hindi si ex, kundi si jowa. Pangalawa, lahat ng frustrations ko sa nursing school lakas makabobo eh huhu. Bobo ba ko? Kabagsak-bagsak ba ko? Charot! Pati pagod ko sa duties at lahat mg patients ko na naantig ang aking puso. Lol. Pangatlo, pamilya. Oh... ewan magulo eh di ko keri. Pang apat, mga pangarap at maraming marami pang iba. Sana di na ulit to madelete at sana di magalit si jowa kahit malaman niyang may bago na kong tumblr account. Miss ko na magsulat eh huhu tsaka sawang sawa na ko imessage sarili ko para mag rant sa fb at nakakahiya mag drama sa twitter so yey! Mas safe siguro ngayon since bago at walang nakakakilala mwahahahaha! Magbblog nanaman ako para makapag rant. Magbblog nanaman ako ng mga walang kwentang bagay but who cares duh.
0 notes