Tumgik
random-tots · 1 year
Text
People Change
Madaming pwedeng mangyari bukas. Madaming pwedeng magbago bukas. Maganda man o hindi. Most of us laging nage-expect ng mga magagandang mangyayari para bukas, pero ako... ayaw ko na, ayaw ko na `yung pakiramdam na madisappoint.
Ang sakit kasi
Pasensya na sa mga taong iniisipan ko lagi ng masama, kung mali naman ako, mapapatunayan ko din namang mali ako...
Mas madali sa aking tanggapin lagi na mali ako kapag ganoon ang pagiisip ko, mas madali din tanggapin at mawala `yung sakit kapag napatunayan kong tama ako.
Ayaw ko ding magexpect unconsciously. Lalo na sa mga taong hindi ako sigurado kung sigurado ba sa akin.
Kahit sa sarili ko hindi na din ako tiwala... sa ibang tao pa kaya?
Gusto ko sila magpapatunay na mali `yung naiisip kong masama sa kanila.
Hindi ako naniniwala na lahat ng taong gusto ako ay tatagal na gustuhin ako, madami akong flaws, madami pa akong inaayos sa sarili ko, siguro sila nalang magpatunay kung tatagal sila, sila nalang magpatunay na kaya nila akong tanggapin, pero `di na ako mageexpect.
0 notes
random-tots · 1 year
Text
Lesson 1
Isa sa mga narinig kong magandang payo galing kay ate na nakuha niya sa asawa niya ay ang, "Magbigay ka nang hindi mo iniisip kung saan nila dadalhin yung inabot mo. Magbigay ka nang hindi nanghuhusga. Huwag ka manghinayang na baka gamitin nila sa maling gawi... ang mahalaga ay nakatulong ka at kusang loob yun, ginusto mong magbigay."
0 notes
random-tots · 1 year
Text
Awa
'Wag kang masasaktan kung hindi ka nakapagbigay dun sa pulubi na mga nadaanan mo dahil walang wala ka din, hilingin mo nalang na may ibang taong makakapagbigay sa kanila.
0 notes
random-tots · 1 year
Text
Die
Masama bang hilingin na mawala nalang ang mga palaboy na aso at pusa o mga hayop na nagugutom at nahihirapan sa mundo para lang makapagpahinga na sila sa langit?
'Yung hindi mo sila makuha kahit gusto mo kasi wala kang maayos na place para sa kanila, wala ka ding budget para may maipakain sa kanila...
Na kapag kinuha mo silang lahat baka mapuno na `yung buong bahay niyo, at baka palayasin ka na ng mga magulang mo.
0 notes
random-tots · 1 year
Text
Mali
"Unti-unti na akong nawawalan ng pakialam. Pakialam sa ibang tao, sa sasabihin nila tungkol sa akin, na kung iiwan nila ako, ayos lang?"
Mga tanong na akala ko mapanghahawakan ko, pero masakit pala kapag nangyari na, kapag narinig mo na, at kapag nawala na.
Akala ko ayos lang na iwan ako, pero kapag magisa nalang ako, para akong nalulunod. Kaya ko bang mabuhay magisa?
Akala ko wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, pero marinig ko lang ang mga ayaw nila sa akin para na akong sinaksak ng punyal. Bakit apektado pa din ako sa mga sinasabi nila?
Akala ko wala na akong pakialam sa ibang tao, pero bakit tuwing may nakikita akong mga pulubi, mahihirap na taong nagsisikap para lang may makain, at mabuhay, bakit tuwing tinitignan ko ang pamilya ko na ngumingiti kahit na nahihirapan ay nasasaktan din ako?
Akala ko nagpaka-pusong bato na ako, pero pakiramdam ko kulang ako kung hindi ko iyon nararamdaman.
Nakakamanhid, ang sakit pero kung may kapangyarihan lang talaga ako na i-absorb lahat ng hindi magandang pakiramdam ng mga tao, gagawin ko. Kung may paraan lang para matulungan ko sila, kung madali lang magbigay ng tulong sa ibang tao, kung madali lang pagaain ang loob ng ibang tao, matagal ko nang ginawa.
Hindi sapat na nakikinig lang ako, sinasamahan ko sila, binibigyan ko sila, pinapaboran ko ang mga opinyon nila tungkol sa akin na hindi nila gusto... hindi naging sapat `yun sa paningin ko. Gusto kong maging masaya sila kasi ang ayaw kong maranasan nila na mamanhid sa lahat ng bagay at pangyayari na parang patay na buhay, na parang hinihintay nalang ang sariling kamatayan.
Gusto kong mabuhay sila gaya ng ibang tao nang hindi nila kailangang pilitin o sagarin yung mga lakas nila para lang kumita ng pera, para lang may makain.
Gusto kong paboran lahat ng ideya nila at opinyon nila dahil alam ko yung pakiramdam na hindi nagustuhan o hindi tanggap ang mga ideya at opinyon. Alam ko yung pakiramdam na hindi ka napapakinggan...
Gusto ko silang samahan kasi alam ko `yung pakiramdam ng magisa, at ang dami mong naiisip na malulungkot na thoughts. Nakaka-paranoid na hindi mo alam kung sino ang nagsa-suffer sa depression, na baka huling araw na niya pala.
0 notes
random-tots · 1 year
Text
Small Changes
Small changes will never be appreciated.
I'm tired of explaining myself to others. I'm tired of being misinterpreted. But I never get tired of trying; attempting to get myself better little by little every single day, gradually trying to change myself. But it will never be appreciated.. no one will ever notice every small change.
What hurts the most? You're making small changes, but it only takes one misinterpreted thought, or one wrong move to ruin all your hard work. Everything you tried to change will be disregarded. They will continue to see you as if you have never considered improving yourself by altering your ways in accordance with what they prefer you to be because you trust their judgment, believing that they are always right and you are always wrong. (Though it never changes, I still think of myself as a failure, always wrong, lacking in good judgment and ideas in life.)
"Why are you always like that?"
They questioned me as if I had never attempted to adjust, to change, to improve my behavior and my ways. I'm not actually trying to change for my personal gain; rather, I'm trying to change so that you would accept me and I can prove that I can become the kind of person you want and expect. I want to change my ways because I know that you despise that aspect of me.
Is it wrong that I'm tired of defending myself? That I suddenly stopped trying to prove myself to others?
Is it wrong that this time I will not apologize because I'm hurt? Because I'm being misunderstood? Since no one else ever heard my side? Nobody wants to acknowledge my reason and my stand.
Mali bang hindi ako humingi ng paumanhin dahil sinubukan kong magbago pero hindi nila nakita, at hindi nila napansin dahil natatabunan ng mga maling gawi ko? Ng gawing ayaw nila?
Hindi ako galit o naiinis sa mga tanong na ito kasi gusto ko talagang malaman kung ano bang tama...
Tama bang sa pagkakataong ito... hindi ako hihingi ng tawad kasi nasaktan ako na parang hindi naman ako nagbabago? Hindi ko naman sinabi na baguhin nila tingin nila sa akin pero nasaktan ako na parang pinapamukha sa akin ng mundo na sayang ang mga ginagawa ko para lang magbago. Para bang sayang yung mga efforts ko, yung pagsubok ko na gawin ang gusto nila kasi naniniwala akong iyon ang tama, pero ni kahit minsan hindi ko sinabi sa kanila na sinusubukan kong baguhin lahat ng ayaw nila sa akin kasi ako ang may gusto nun, ako ang pumili na magadjust at hindi ko iyon kailangang ipagmalaki o sabihin sa kanila na "Uy binabago ko na `yang ayaw mo," kasi gusto ko kusa nilang makikita iyon. Mahalaga sila sa akin, kaya mahalaga ang bawat sasabihin nila tungkol sa akin.
But then again, it only takes one misinterpreted thought, or one wrong move to ruin all your hard work.
Gusto ko ding itanong... talaga bang may pagbabago sa akin na maganda? O pinapaniwala ko lang ang sarili ko sa isang kasinungalingan?
Tuwing may mga ganitong pagkakataon, pakiramdam ko hindi ako nagbabago para sa magandang kapakanan.
1 note · View note