Tumgik
roxyvee-blog1 · 7 years
Photo
Tumblr media
Gusto ko sanang ibahagi sa inyo ang aking #ootd na gawa lamang sa lumang damit ng aking kapatid. 👯👲 Tayo ay maaaring sumunod sa uso sa fashion kahit na hindi tayo bumili ng mga mamahaling damit dahil marami namang mga alternatibo na pwedeng gamitin. Gusto niyo bang malaman kung magkano lamang ang aking nagastos sa #ootd na ito? Nasa halagang P180.00 lamang ang aking nagastos. Oo, totoo ang inyong nakita. ☺❤ Murang-mura na ang halagang ito kumpara sa iba ngunit kahit na mura lang ay kapareho naman ng kagandahan tulad ng mga mamahalin. 🌻 Ang aking suot na hikaw ay nabili ko lamang ng P10.00 sa tindahan malapit sa aming simbahan sa💞🎂 Talamban, Cebu City. Kahit na mura ay dekalidad parin at maganda. 🌻Tulad na lamang ng sinabi ko na ang sout ko na off-shoulder ay ako mismo ang gumawa gamit ang lumang damit ng aking kapatid. Kung gusto nyong makita kung paano ito gawin, i-comment n'yo lang sa comment section ang inyong request. 😉 🌻P170.00 lang ang bili ko ng aking tattered jeans sa Colon,Cebu City. Tila mamahalin diba? Marami kasing mga mura ngunit magandang mga damit. Maaari din kayo na bumili sa mga "Ukay-Ukay" (Cebuano word which means bargain). 🌻Ginamit ko rin bilang alternatibo na Choker ang ribbon ng Red Ribbon cake. ☺ *thanks Red Ribbon for the delicious cake😋 🌻Nasa iyo na rin ang desisyon kung anong sapatos ang iyong susuotin. Ang napili kong suotin ay aking wedge shoes galing sa Follie na binigay ng aking nanay ☺ salamat Ma @Lisette 💞 'Yan lamang ang mga detalye ng aking #ootd. 🌼🌻 Kung may mga tanong po kayo, magcomment lng po ☺ salamat💞💞
0 notes