Tumgik
songofrobin · 6 years
Text
Mt Halcon March 2-5 Day 0
Sit → Sleep → Walk → Eat → Walk → Drink → Eat → Walk.... ...... ohhh Life..... click... click... click...
Tumblr media
11.30 na umalis yung roro papuntang Calapan, around that time sobrang ganda ng sea of clouds aroung Halcon, kitang kita sa view from Batangas port. Sobrang hayahay lng itong day na ito, registration, kain, hintay ng matagal sa registration, picture kung saan saan around Baco. 
Tumblr media Tumblr media
Almost 7pm na kami nakarating ng jump off, kain tulog, supposedly 2am start ng trek namin na naging 6am
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Spartan Race Ph Super Open Feb 24, 2018
“I'm like you”, he said. 'I remember everything.'
Tumblr media
For the love of obstacle race course, ayun napa register ulit ako, kahit eto na pinakamahal na race na sinalihan ko. Well kukumpletuhin ko lang this year, then kung ganito pa din ka mediocre yung setup nila, sobrang tinipid, parang hindi worth it sa price, itutuloy ko pa din, for the sake of the trifecta.
Tumblr media
Obstacles
Nagsimula ang race sa maalikabok na lahar na result kapag nagsabay sabay tumakbo. Sobrang Zero Visibility, lahat nmn kame naka headbuffs, pero masakit sa mata ung alikabok, medyo sentitive pa nmn mata ko, iba ang feeling parang nasa desert yun scene. Andon na un Hurdles at OverUnder na obstacles, trapik na don, taena ang dami nmin eh. 
Well anyways, nabacklog na tong entry, at nawala na yung hype kong isulat hahaha.
Eto nlng mga Notable Obstacles na karemeremember ko :D
Atlast Carry - naiyak iyak ako after kong magawa ito, hindi ko sure kung parehas ng bigat nya last Timberland, pero solid, kayang kaya ko pala. Sobrang fullfilling, hindi ko na sya kinatatakutan hahahaha.
Rope Climb - easyng easy na saken to, dahil siguro mainit non at tuyo yung rope unlike Timberland na super maputik. At dahil na rin siguro nag grip training ako.
Bucket Brigade - grabe naman longest bucket brigade ang nangyari dito, lakad 30secs, pahinga 30secs. Yan ang routine ko non, tapos mabigat pa hahahaha.
Lahar race/walk (not obstacle) - eto yung nakakaubos ng kawarian, hahahah, sobrang mainit tapos open trail, na lahat na mainit pa hayyy. mga 80% yata nilakad ko yon :D, dito den ang unang atake ng pulikat ko  :C.
Monkey bars - medyo out of reach yung distance nya, pero kumapit pa din ako ng matatag hahaha, kahit hindi kasi kahabaan braso ko.
Twister - yeaassss, sarap sa pakiramdam na nagawa ko ito, hinintay ko talga matapos yung mga kasabay ko bago ginawa, parang solo ko yung rig non, at pakitang gilas ako habang sila nag buburpee hahahaha (yabang).
Multi Rig (Rings) - eto yung putcha, nakasabit ako tapos inaatake ako ng pulikat sa 2 calves, pero taena natapos ko. iba yun sakit non at sarap nung na tap ko yung bell :D.
Hercules Hoist - GG pa den ako dito, hindi ko kinaya, pero dahil ayaw ko mag burpee, nakita ko si Marion, nakasama ko sa ibang obstacle race (Northface Outdoor Challenge) nag tulungan kame, since 2 tao pede mag tulungan don, pero solid padin ang bigat p0t@ena talga hahahaha.
Spear Throw - p0t@ena din to haha, eto lng nag failed ako + pulikat attack hayyy.
Tumblr media Tumblr media
Problems with this race:
No marshalls for the Open Category  - dahil sa kawalan ng marshalls, nakaka walang gana mag perform, kasi dami na nag fafailed sa obstacles ay hindi nag burpee.
Traffic/Congested participant - ewan ko ba, sana yun policeman pinag sama sama nalng nila sa isang wave, wala nmn silang timing chip. (not against their race pero sana inayos nung organizer mga wave).
Cheap Finisher shirt, no freebies, lootbags etc. - sa dinami dami nilang sponsor, waley man lamang pa freebies at lootbags, sobrang cheap nun shirt, 250pesos lng un ganun with print eh, wala na ung collapsible water bottle at from Heineken to SanMig Light yung beer. Kaya sinabi kong parang hindi worth it sa price.
Special Mentions: Tin,  Kendra, Marion - bago kong kaibigan sa obstacle race!!! pareparehas kami ng tinitibok ng nagbabagang dugo at puso!! mga taong may gustong patunayan hahahahahahah. See you sa nununod na obstacle race course :D. Pareparehas den kame umaakyat ng bundok :D
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Mt. Pimmayong Feb. 17-18 2018
"Fear not. It will come. At least I hope it does. And when you least expect it. Nature has cunning ways of finding our weakest spot. Just remember: I am here. Right now you may not want to feel anything. Perhaps you never wished to feel anything. And perhaps it's not with me that you'll want to speak about these things. But feel something you did." - CMBYN
Tumblr media
Supposedly dapat Luzon 3-2 itong climb na ito, na napunta sa Tapulao na nauwi sa Pimmayong na muntikan pang macancel dahil on the last day biglang may gusto mag Kalawitan, pero ang end up Mt. Pimmayong.
Di naman ako nag eexpect ng kung anuman dito, basta chill chill lng, ang alam ko madali lang sya at overnight pa kame, kaya relax na relax lang. 
Eto talga yung therapeutic methods ko against sa sakit ko, kung last year, bigla bigla nlng ako naiiyak, lately, since nag paparticipate ulit ako, im regaining myself back. Though sobrang reserve ko pa ding tao, to the point na i cant talk, but still im trying to be one. Nature has it ways on giving us happiness, and i cant argue with that.
Kasama ko pala dito si Issai, Paul, at Darwin. Kami na ang magiting na nilalang na patuloy lumalaban hahaha. The way i see/observe it, we are all broken/damage and fragile beings escaping from toxic, hideous society,  and still standing, fighting for living life the universe had given us.
Kung ano anong entry na pinaglalagay ko dito, medyo tinamaan ako ng writer’s block(lol) as if writer ako haha, eto nlng mga malulupit na photos mostly galing lang to sa camera ko, yung iba nasa fb page ko nlng inupload.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
1st Asian Obstacle Course Race Championship January 27, 2018
The thing is, I’m quite disappointed in myself cause i haven’t trained for my endeavor, and I’ve found the silver lining. I need to remind myself that life is difficult and living is everyday training. Don’t stop if even if your will is fading. Fall multiple times, stand up every time, comeback dirtier (with muds and dirts), harder, stronger. 
Tumblr media
Obstacle race nanaman, ginaganahan talga ako pag ganito race kaysa sa normal marathon race, hindi kasi sya boring, at sobrang challenging, refreshing at iba ang enjoyment pag nagagawa mo yung obstacle.
Race Day
Eto lng masasabi ko, sobrang SOLID, ang hirap ng mga obstacles ngayon kumpara nun last conquer challenge. sunod sunod dito yung Grip challenges, twisters, grabe lng wasak na wasak upper body ko dito, tapos yung penalty 20m Lunges with 60lbs sandbag , umulan pa non kaya yung sandbag sobra sobra sa 60lbs. sobrang nakakaubos ng lakas.
Iba ang format nya kumpara sa last obstacles, dito may 3 baller ka na dapat mong ingatan, once na mag failed ka sa obstacle, i cucut nila ung baller mo, mas mataas ang ranking ng may baller with longer time, than with no/less baller na may faster time. So baller is life tlaga, mas priority is dapat ma accomplish mo yung obstacle, whch is the core nmn ng race, at yun yung rules na gustong gusto ko.
Obstacles
Wire Crawl  ✓
Hurdles  ✓
Taho Carry  ✓
6ft Wall  ✓
Monkey Bars+Tilting Bars  ✓ - eto yung simula ng grip, kinakabahan pa ako non pero kaya nman pla.
Tumblr media
-some random guy doin it, naghanap lng ako ng picture para makita nyo :D
8ft Wall  ✓
Inverted Ladder  ✗ - and pinaka una kong natanggalan ng baller :(, I almost made it, pero pag turn ko sa likod, nadulas yung grip ko huhu.
Tumblr media
 ayan, dun talga ako sa pag tuturn nadali :(
Rope Climb  ✓ - kinakabahan ako dito, sa Spartan kasi nadulas ako, pero solid, yung Abaca hindi madulas
Inverted Wall  ✓
Tilting Hexagons + Rotating Rings  ✗ - hanggang Tilting Hexagons lang ako dito :( hindi ko maabot yung Rotating Rings, kahit nag swiswing na ako, goodbye 2nd Baller.
Tumblr media
some randon from UAE guy killi’n it, kailangan tlga mahaba length ng braso mo dito. hindi ko maabot yung rotating ring :(
10ft Wall + Rolling Abaca Net Traverse  ✓
Floating Doors  ✓  - dito ako pinulikat tangina, sa uanng try, buti may medic, merong silang pang spray, pero kulang pa den, pero atleast nagawa kong matapos yun, kakaba kaba nmn ako sa 1 natitira kong baller.
Weaver  ✓ 
Tumblr media
enjoy tong weaver, susuot ka sa ilalaim w/o touching the ground
Balance Beams  ✓
Barrell ✗ - huhuhu almost made it, in just 1 swing nlng, andon na ako, pero bumigay na yung grip ko dito, at inatake na ako ng pulikat kaya hindi ko ma bend yung knee ko dito huhuhuh badtrip.
Tumblr media
yung last baller ko, nalungkot ako nun, muntikan ko na kasi magawa ito, pero bumigay na yung grip ko hayy
Net Crawl  ✓
Ring Twister  ✗ - hayyy, nasa gitna na ako dito, don na sa 2nd part bumigay yung grip ko, sobrang pagod ko na non dahil naka 3x 20m lunges with 60+
Tumblr media
solid din tong Ring Twister, lupet ng shot na to, super upper body
Dips Walk  ✓
Lift Wall  ✓
Laser Gun  ✓
Rope + Bamboo Traverse + Hanging Bridge  ✗ - hindi ko na kinaya pa, nag 1 try lng ako, sa 2nd attemp, di ko na pinilit, nag Lunges nlng ako dito.
Tumblr media
solid si kuya, may 2 pa syang baller
Tumblr media
si Ghie, ang very supportive kong friend, sya nagpautang ng pang register ko dito :D 
Tumblr media
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Mt Irid, year starter climb. January 13-14, 2018
You don’t have to think of anything, just smile, laugh and enjoy moments, and everything will be okay
Tumblr media
Nagsimula taon ko nag iinom ng alak araw araw, sa bahay bago matulog, hanggang dito sa climb. Alam ko hindi sya healthy pero controlled naman, medyo tamad lang ako mag work out, ngayong January pa, di ko pa na rerenew ung membership ko eh. Well anyways, balik tayo sa climb.
Last minute na ako nakasali, seat sale nakita ko post ni kuya danrhave sa Climber about dito, friday yon ng hapon, tapos 12am na kinagabihan yung meetup. Nanggaling pa ako non sa despedida ni Gen sa Music Bank sa may Moa, kasama ko don mga tropa kong namumundok, si Issai, James, Pauline ate Cess at si Lee. Kung hindi ko lang na control sarili ko, baka nagbackout na ako sa climb, pero dahil hindi nmn ako dancer, kahit napapasarap na sa KTV, inalala ko pa din yung climb.
Mga 3 or 4am na kami nakarating sa Brgy Sta. Ines, eh natulog muna kaming lahat, mga 6am kami nag start mag trek. Ang saya lng dito may pa tree planting yung DENR bago umakyat ng bundok, tapos meron den river crossing sa 11 sya at meron den malupit na falls.
Mga 9am na kami nakadating ng Falls, tapos don na din kami nag Camp, hahaha, first time kong mag settle ng ganon kaaga, well expected ko mga hapon 3 or 4pm pa makakapag set up ng tent. Yung umaga din yon, nag simula na ang walwalan, 10am onwards nag iinuman na kami ng empi lights, at kumakanta, at nag ssmoke, at tumatawa ng tumatawa, naligo den sa malupit na falls. Sobrang Camping is Life kami don, hahahha, pareparehas nmn kaming walang ineexpect, konti nlng naalala ko non haha, nag vivideo pa ako sa camera ko hanggang sa ma lobat (badtrip ako non, kung kailan nakaakyat ng summit saka wala akong pang picture).
Kinabukasan umakyat na kami, mga 6am den kami nag start, then mga 10am ulit naka summit, walang clearing ulet, puro fog, konti medyo sinuwerte lng ako dyan sa pa Rainbow, kase napaaga aga kami ng sandali, then nawala na yan agad.
Diko alam  kung paano ko eedit yung mga videos, pero eto muna mga pictures:
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hynoon, Kimo, Ken, Danrhave, Paopao, Labo(Jayson), Nina, Cardz at si Wel nasa likod. Wala dyan sa picture, si Carla, Marvin, Biboy, George.
0 notes
songofrobin · 6 years
Note
Are you still single?
Yes I’am, who are you? how did you find my journal :D 
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Mt. Guiting Guiting Year End Climb Dec 30 2017 Part 5
There are bad days, good days, worst days, best days. But the things is, it is what it is. Bad, worse, worst or any unfortunate things that happen, simple things can make it up to a good or even the best day before you even realize it. That’s how crazy “life” is.
Maaga na kaming gumising dito, mga 6am, at by 7am susunduin na kami ng Jeep na chinartered ni kuya Eric papunta ton sa Cajidiocan port, may byahe kasi don papuntang Romblon, kasi yung nasa Magdiwang port hindi didiretso ng Romblom City.
Tumblr media
Dito naman ang naging Host namin ay si Raphl, hindi ko sya ka grupo non, pero dito ko lng sya nakilala sa araw na ito, pero malugod pa rin kaming tinanggap na 35 mountaineers sa kanilang bahay. Taga Romblon lang sya, pero sa Manila den sya tumitira mas malapit sa trabaho, minsanan lang din syang umuuwi sa kanila. Inuman na nung gabi kami nagkausap, at nag tanong tanong ako sa mga buhay, Civil Engr. sya ng DMCI Mining company, natanong ko nga sa kanya, nasa minahan sya tapos namumundok den sya, medyo contradict nga eh. May pinakita syang mga dagat na minina nila yung Coal sa ilalim, sobrang nakaya nilang tanggalin yung tubig, iba din. Meron din syang puno ng Cacao, seryoso sya yung nag tanim non, at sakto may mga bunga, 1st time ko makatikim nun Cacao, masarap sya, sobrang matamis, namimiss ko tuloy. Sobrang maasikaso din itong si Raprap pati pamilya nya, kasama nanay nya pinapasok kami ng malugod sa bahay nila, pinaligo, pinagamit ng banyo. Pag tanda ko talga at nagkabahay ako, sobra din akong magiging hospitable sa mga mountaineer or traveller, kasi ngayon ako yung tumutuloy at kinukupkop, ako naman tutulong pag tumanda ako at nakapundar, pangako yan!.
Sidetrip namin dito yun Bonbon beach, malupit din kahit ginabi na kami, ayos ang tubig, beach life kung sakali, don nag tratraining si Raprap dati, trailrunner at road runner din sya, in which nag sisimula palang ako. Parang pag nagkasabay kame papauusukan lng ako nito hahaha, sobra akong iwan dyan, minsan matanong kung ano inspirasyon, nawala na kasi insirasyon ko eh, sobra akong tamad mag training nitong mga nakaraang araw.
Hindi na ako nakatulog nitong araw na ito, dito na ako nag inom nun gabi, hanggang 2am, mga 4am dumating yung 2Go na sasakyan namin pauwi ng Batanggas pier. 
This day sobra akong inidulo ang pagiging hospitable ni Raprap sa amin lahat, sobra kong hinangaan, na sana maing kaugaliaan ko na din. Bilahan ko din to ng beer pag nag kita kame hahaha
Tumblr media
Eto group pic namin kasama si Kuya Win :). from left to Right...
Si Mike na nalate nun unang araw, na organizer din pla, na nagalit si kuya eric dahil nauna bumaba nang iwan yung porter kase haha, na ma hyhyphotermia nung gabi haha sobrang basa nung tent nya at lahat ng gamit. Ako, then si Kuya Dav en, seaman naman ito, mabait at malupet sa buhay, maayos to kasama marami ka din matututunan. Si Raymond hahaha, ang pinaka positive sa grupo na joker, hinahangaan ko ito, saka malakas den kasabayan ko umahon. Si Dan isa den sa positibo na makulit hahaha, maligalig sila ni raymond. Si kuya Win nasa likod nya organizer nun isang grupo, di ko masyado nakausap pero malupet din sya. Rachel and miss Romblon hahaha, nakasama ko na to, ayos to kasama mabalit, malakas at bestfriend ni Deesh yun naka kulay blue, pag seryoso, seryoso talga sila kausap dalawa, may matututunan ka. si Gerard(o) naka orange, kapangalan ng lolo ko haha, eto nmn medyo tahimik, parang sobrang magkaugali kame, observant, marunong makisama,makinig, kulang lng kame sa bonding,malakas den, nakapag G2 na sya lastyear. Si kuya Eric organizer namen, sobrang idolo ko sa pagiging empathetic at maasikasuhin, sasamahan mo tlga ito, madiskarte sa buhay at marami ka matututunan. Si kuya Tydus at Mawi nmn medyo di ko nakausap pero mabait din, maganda ngiti nila, positive din. at si Taytay Willi A.K.A Triple X hahaha, hindi mo aakalain 65 na sya, living in the moment na, ika nga sabi samin, sobrang idolo ko sya, sana pag tanda ko ganun din ako :D. 
Kahit papaano sobra akong natuuto, na inspired, na feel kong may malupet na ng yari bukod sa binagyo kame, at dahil yon sa samahan. Maraming salamat sa mga nakasama ko, <3 cheers para sa clearing natin sa madami pang bundok na tatahakin at sa malupet na pag aaral sa buhay <3 hanggang sa muling pagkikita
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Mt. Guiting Guiting Year End Climb Dec 29 2017 Part 4
There are bad days, good days, worst days, best days. But the things is, it is what it is. Bad, worse, worst or any unfortunate things that happen, simple things can make it up to a good or even the best day before you even realize it. That’s how crazy “life” is.
Tumblr media
So last day, at expected na namin bumaba, pero that morning, nag sidetrip muna kami sa ViewDeck ng Mayos Peak. Don ako nag video video ng kung ano ano,at nag picture na din. 
This day, tanggap na namin, kaya sinulit na namin, mga hapon na ata kami naka baba, patungo sa bahay ni tatay Toto.
Tuloy pa din sa pag luluto si Kuya Eric, idol talga, kung organizer ka, samahan mo sya, matututo ka sa mga bagay bagay. Doon na din kami nag patuyo ng mga gamit, at naligo sa likuran. Nag inuman sila kinagabihan, hindi na ako nakisali, medyo iba pakiramdam ko nung araw na yon, lahat yata kami sinisipon, lahat ginaw eh. 
Nagka kwentuhan pa kami ng mga horror stories nun gabi na yon about Mayos peak at sa trail nya, mangilan ngilan kasi samin nakakramdam ng mga elemento pero ako hindi eh. Pero aaminin kong kinikilabutan ako non hahaha.
Tumblr media
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Mt. Guiting Guiting Year End Climb Dec 28 2017 Part 3
There are bad days, good days, worst days, best days. But the things is, it is what it is. Bad, worse, worst or any unfortunate things that happen, simple things can make it up to a good or even the best day before you even realize it. That’s how crazy “life” is.
Tumblr media
Gumising ng maginaw, at medyo moist moist yung tent, at hindi pa rin tumitigil yung ulan, medyo nag expect ako non mga araw na iyon na, baka hindi kami matuloy mag summit, or mas worst bumaba na kami.
Nag breakfast ng umaga, pag baba ko sa grupo, nag lilipat na karamihan, sina kuya Eric, sina tatay Willie, kasi, Baha baha na sa mga parte ng lugar nila, nag lalawa na, hirap ng ganon sitwasyon, hindi comfortable, at habang kumakain kami, medyo tanaw ko sa mga mata nila ang lungkot. Medyo tahimik kami noon umaga, pwera nalang kay Raymond, may mga tao talgang sobrang nag lalabas ng positive vibes, naiingit ako sa kanya, ang genuine at kusang lumalabas eh, minsan kasi ako need ko pa ipaalala sa sarili ko. Nung umaga na yon, pare parehas kami nag hahantay tumigil yung ulan, gusto namin sumibak ng akyat papuntang summit, pero nasa isip na din namin na kapag hindi tumigil ito before mag lunch, hindi tuloy, at sa ayun na nga, mas lumakas ang ulan at hangin non mga panahon na iyon. 
Sa kanya kanyang tent, tahimik ang lahat, mukang na realize na survival mode na, hindi na tuloy, feel na feel ko at rinig na rinig ko hagupit ng hangin non, bagyo na talga, un nasa isip ko, sobrang humahagupit yung hangin, medyo komportable pa ako ng kaunti non, kasi nasa taas ako, dumadaloy lng yung ulan pababa, pero sila, sobrang hindi na, sa kanila kasi naiipon yung tubig at nag gawa pa nga sila ng kanal. Nag lalabasan na mga survival instinct nila, i hope na na nakita ko mga pangyayari pero hindi eh, mas better ng hindi lumabas ng tent para hindi mabasa at lamigin. 
Nakatulog na ako non after mag basa, mga 2pm na ako nagising non, at don lng ako nag lunch. Natanghali ako ng gising, sobrang lamig eh, buti nag tira si kuya Eric ng lunch, at nakapag ayos din sila ng campsite, lumipat sila, nag gather ng mga kahoy, para pag dikit dikitin, sobra akong na mangha sa kanyan non, iwas putik ba tsaka medyo komportable kahit papaano pag kakain na kaming lahat, naka ayos din tarp non naka set up yung mga cooking set, Organizer na organizer, sobrang maasikaso, bago mo pa isipin, naayos na nya, ang sarap sakama nitong si kuya Eric, konti lng aabalahin mo. Though hindi ako nakatulong non mga panahon na iyon, sobrang si kuya Eric lahat ng nag ayos, sabi nga ni Gerard nun 1st day saken, sobrang maasikaso sya, sobra kong hinangaan sya non.
So yun na nga, matulog, kumain, matulog, ganon ang mga pangyayari nung araw na yon, nung ang dinner kami, sobrang lakas pa din ng ulan/hangin, pero si kuya Eric, tuloy pa din sa pag luto. Nag deliver pa nga yon ng pagkain sa mga tent, ayaw na kasing lumabas ng tent nung iba, pero grabe tlga empathy na taglay nya. Napag usapan din namin na kapag hindi tumigil ang ulan ng madaling araw, itutuloy namin ang akyat, pero hanggang kinabukasan, hindi tumigil. 
Eto yung mga araw na pinipilit kong humanap ng positibo sa mga nangyayari, pero buogn araw nag basa lang ako ng libro, nag soundtrip, nilamig, natulog, nanginip ng nakakatakot hayyy hahaha pero naka move on na ako don.
Tumblr media
pinakamasarap na Hand and Foot warmer, URINE :D
Tumblr media
selfie ng gabi, lagi ako nagigising ng madaling araw, may nag paparamdam daw dito
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Mt. Guiting Guiting Year End Climb Dec 27 2017 Part 2
There are bad days, good days, worst days, best days. But the things is, it is what it is. Bad, worse, worst or any unfortunate things that happen, simple things can make it up to a good or even the best day before you even realize it. That’s how crazy “life” is.
Tumblr media
Dahil na din tulog ako ng tulog sa barko, kahit sobrang lakas pa ng alon, at humihilis na yung mga gamit, pinilit ko na din matulog, kase paglapag don sa Sibuyan island, konting oras lng ilalagit namin tapos diretso akyat na patungong Mayos Peak.
Kina kuya Toto kami nag ayos ng gamit, halos lahat kame, 36 yata kaming aakyat non araw na yon, doon na din kami baba non, kaya iniwan na namin gamit namin.
Mga 1.30pm na kami nag start umakyat, saktuhan lng nmn ang trail, mahirap sya, assault hhanggang mayos peak, 7pm na ako naka summit, kasama ko si Raymond na sobrang nakangiti, consistent din itong tao na ito. Sobrang positive, medyo joker, okay kasama, hindi ka mang hihina pag kasama mo eh, sobrang masayahin, galing ako likod non, pero nahabol ko sila sa unahan, dahil na din iyon sa kapeng malamig na ininum ko kasabay ng lunch nun nag camp 2. Nasa hulihan na kasi ako non sa camp 2, eh after ko kumain diniretso ko, konting pahinga nlng sa camp 2 tapos naabutan ko sina kuya Win sa na kasama si Raymond na nauna sa grupo namin umakyat. Inabutan na kami ng dili papuntang Mayos Peak, at naligaw pa kami sa may water source sa camp 3, hangin palang non ang malakas, medyo binilisan na namin para maka pag setup na kami ng tent, pero pag dating namin Mayos peak, wala pa pla doon un porter na may dalang tent, kala namin andon na. So and ending 7:15pm kami nakarating ni Raymond, hinintay na lang namin sila mag datingan don sa camp site. 8:30 dumating sina Rachel/Deesh/ at kuya Dav non, then mga 9.30pm+ nag datingan na silang lahat. Medyo umuulan na non mga panahon na yon, malamig na malamig, mga 10pm na dumating yung porter, at hirap na din kami mag setup ng tent, umuulan na.
Pag ka setup namin lahat ng tent, kanya kanya na kaming higa at pahinga, expected namin gumising ng maaga, para makapag summit kinabukasan, pero dito talga nag start and hindi inaasahan na pangyayari, ang pagulan ng walang tigil. 
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Mt. Guiting Guiting Year End Climb Dec 26-30 2017 Part 1
There are bad days, good days, worst days, best days. But the things is, it is what it is. Bad, worse, worst or any unfortunate things that happen, simple things can make it up to a good or even the best day before you even realize it. That’s how crazy “life” is.
1st week ng December mag decide ako mag G2, dahil na din para hindi masayang bakasyon ko, wala na kasi kaming pasok ng after Christmas, Jan na yung balik.
Dec 26 2017
Sa event ni Jepoi Mansibang ako napasali, hindi ko na itinuloy mag DIY, mukang wala nmn sasama, 6.5k yung event with hosted meal, masakit sya sa bulsa pero mahal talga don. Siguro pag nag DIY ka mga 5-6k ang gastos.
Anyways, the day has come, 4pm kami nag kita kita sa Batangas pier, I thought na may ticket reserve na kami at sa 2go pero wala pa pla, at naka chance passenger kami sa Montenegro Lines. Medyo na shookt lng ako, di ko ni eexpect na sobrang daming tao non, at sobra tlagang punong puno ung barko, andon yung kaba pero, hindi ako sobrang kinakabahan unlike na nakasakay ako sa Airplane ng Cebu Pacific. Pag barko kasi tapos meron aberya, malaki pa chance mo mabuhay, eh sa Airplane, iiyak ka nalang at mapapadasal ka pa sa lahat. Mabalik tayo, una kong nakita sina Rachel at Deesh sa waiting area, kilala ko na sila kaya hindi na ako masyado nahiya,  lumapit na kami kay kuya Eric, at kay Raymond na “nakangiti”. Then pumila na kami sa Terminal na kualng kulang isang oras, pero nag ka express lane kame, nun sinabi ni kuya Eric na Mountaineers muna, haha nasa isip ko non, malakas ang kapit nito or may kaibigan ito don sa port.
Yun na nga nakasakay na kami sa Roro to Odiongan, madaming tao, sobra, kung saan san nakaupo, hindi mo orkung hindi mo pa na trytry medyo matatakot ka eh, parang overloading na, pero okay namn sa Kapitan ng barko yon, so tiwala nlng talga. Mga 1.30am kami nakarating ng Odiongan, pero 12.30am palng nakapila na kami sa labas, sabi kasi ni kuya eric para hindi makipag siksikan sa tao, which is true, yun yung unang hinangaan ko sa kanya, sobrang madiskarte sa buhay at consistent, hanggang sa day 5. 
Medyo may scene don na sobrang kong gustong gusto na sana na videohan ko, hindi ko nmn kasi ineexpect na ganon mangyayari, yun pag baba nung tail ng barko, biglang nakaabang yung mga “Porter boys”, iba yung scene na yon, Mountaineers vs Porters of Port, sa madaling araw hahaha medyo Mrt yung eksena, Spartan Arooo! Aroo!! Aroo!! hahahaha.
Well anyways, nag jeep kagad kami ng San Agustin which is isa sa mga dahilan kung bakit kami nag madali, kasi mabilis maubos un jeep, at maraming pasahero, eh need namin makasakay agad, alam na alam talga ni kuya eric ginagawa nya at tsaka pla, si kuya Eric, yung mga DIY at ibang grupo sya na din nag ayos, sobra tinawag nlng nya mga organizer, sina kuya Win / boss J at phillip para maayos mga tickets ng Roro. Highlight na highlight talga yung kalupitan nya non.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
NorthFace Philippines Outdoor Challenge Nov 18, 2017
For the first time in my life that i have to run not feeling isolated. I always have that attitude, either i feel wearing my mask or to show irritated when having endeavor with some others. This event gave birth to a new vocabulary which i really like, ‘camaraderie’. I guess, I’m back on being healthy again
Tumblr media
After ng Spartan event, biglang nakita ko sa timeline ko tong NorthFace Outdoor Challenge na obstacles run, syempre may obstacles kaya G na G nnmn ako sumali. Before you register, you need to be with a team of 3, so talagang nag hanap ako sa mga naging kaibigan ko at ang pumayag ay si James (nakakasama ko mag bundok) at Patrick(naging ka officemate ko na nag mamarathon).  Konti lng kasi tlga sa mga kaibigan ko ung may gusto ng ganito, buti nlng pumayag sila, pero sa isip isip ko, naging control freak nnmn ako, yung parehas silang nag dadalawang isip na sumama sa umpisa, kaya inagahan ko na rin ang pag reregister para pag sure na register na hindi na sila mag backout. Yun ung ugali na ni tinatanggal ko na kahit papaano pero hindi sya matanggal tanggal, well anyways, balik tayo sa event.
Tumblr media
Pareparehas kaming nag Leave ng friday, Nov 17, para byumahe papuntang Naga City, napagkasunduan naming mag rent ng AirBnB para relax na relax na at wala masyadong limits at stress free na din. 7.30am na pinaka maagang alis ng Bus from Cubao to Naga then mga 7.30pm din kami nakarating ng Naga City, sobrang naiipit lng kami ng trapik dahil sa rush hour sa Edsa ng Friday ng umaga. So pagdating namin ng Naga, nag ayos lng ng gamit, at nag lakad lakad sa Magsaysay road para kumain at bumili ng supplies para sa kinabukasan, hindi rin nag tagal natulog na din kami ng maaga, para relax na relax para sa race.
Race Day
What I love about the event:
Free pre-race buffet and Post race meal - (san ka makakakitang race na may ganito sa murang halaga, we’ve paid around 1.3k each for 22km with 20% early bird discount, nahiya ang kamahalan ng Spartan Race na wala man lang pakain)
No water cups and plenty of Hydrating Stations(every 2-3km)  - ( you have to bring your own hydration pack tapos refill refill nalang sa mga hydrating stations. nahiya ulit ang 3 water station ng Spartan race na naubusan pa ng tubig dun sa number 2, kawawa kaming mga last sa race wave)
Plenty of Marshals sa gubat gubat para mag guide at mag inspect for foul races - ( rule kasi na bawal mag kalat, Leave no Trace. This is a real big thing, sana lahat ng race sa Pilipinas mag dadala nalng ng hydration pack nila at refill refill nalng at may mga Marshals na mag iinspect kung sino ang mag kakalat para i disqualified, nahiya ulit yung Spartan dahil nga nasa last Wave na ako, Marshals are nowhere to be found in some obstacles, parang wala na silang pakiaalam sa mga nasa huli).
Discounts vouchers and +1hour free Wake boarding sa CWC at sa pag tulong ng Local Government nila dito sa event. - Buti pa si Migz Villafuerte umattend at nag bigay ng free beer sa event, syempre nakakatulong din sa promotion ng Province nila yon,  -  nakakahiya nmn kay Nini Ynares, taga Rizal ako pero sana man lamang sinuportahan nya yung First ever Spartan Event dito sa Pilipinas)
Swimming obstacle - sobrang solid non, kahit mag crocross lang kayo, ewan pero ang linis linis ng tubig don sa CWC parang ang sarap mag swimming at i try yung inflatable floating playground nila, yun pinaka favorite kong challenge :D
Suggestion to Improve : 
More and Fun/Challenging Obstacles - syempre nakapag Spartan na ako and Obstacles are insanely rad. Talagang challenging na kailangan mo mag train super hard to achieve those hurdles. Iba din kasi ang feeling pag nagawa mo yung mahirap, sobrang uplifting , penalty na 30burpees kapag hindi mo nagawa.
Obstacles and Pictures
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
After the race, mga naka 4hours kame, and pang 19th / 50 Team, lakas hahaha, pero pag si Patrick lang, kayang kaya nga maka 1 digit hahaha. Sobrang mag ka pace lang kami ni James at talagang hindi sila nagapakita ng negativity buong race. Ako pa yung inatake ng cramps pero dahil sa Electrolyte Salts naka bawi, sana lng hindi sila na asar saken non iniinda ko yung sakit nung mga time na yon, ayako kasing maging pabigat, at sana man lang nag bigay ako ng konting positivity during our race, parang wala ako matandaan :(, pero kayo ang bigay ng sobrang positivity saken, hindi ko namalayan na naka 4 hours na tayo nong tumatakbo.
Tumblr media
Nag decide kami mag gamitin yung Wake Boarding na 1hour free, sobrang medyo takot pa ako non na parang ayaw ko gawin, pero dahil napilit ni James, yon nagawa ko din for the first time at hindi tinigilan. Hindi ko akalain na magugustuhan ko sya, parang gusto ko na ngang mag ganon ulet eh haha, maraming maraming salamat tlaga at natuloy tayo mag wakeboarding, buti nalng hindi ako inatake ng katamaran ko.
Tumblr media
Hindi na rin kami nag celebration party nung gabi sa Naga, kumain nlng kami sa Biggs Diners na sikat na sikat sa Bicol, para syang 50′s Diner ng Baguio na walang milkshake, haha namiss ko yung milkshake don ng sobra. At dahil na rin nilalagnat na si Patrick hahahaha, na overfatique ata hahahahaha.
Special Thanks kay James sa pag dala nya ng Olympus Tough TG4 at nagkaron kami ng picture throughout the whole race.
0 notes
songofrobin · 6 years
Text
Naga City Tour Nov 19, 2017
You just have to make things slow, walk, conceive great thoughts, just to realize that beauty is around us, in everything.
Tumblr media
Last day na namin sa Naga City, and we’ve decided na mag lakad lakad nlng throughout the city. Though ako naman talaga nag decide hahaha.
Tumblr media
Inuna namin yung Peñafrancia Basilica kasi malapit sya sa Magsaysay road. I have this thing na kapag fist time mo makapunta sa isang simbahan, kailangan mo kumatok ng 3x sa pintuan then make a wish. Hindi ko alam kung sino nag turo saken non, mga tita ko yata, pero since then lagi ko na ginagawa yon, hindi kasi ako Katoliko pero sinasama lagi ako ng mga tita ko kapag mag sisimba sila ng simbahan. I don’t practice religion now, but still i have faith in God within me, and yun yung Culture natin dito sa Pilipinas. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
After non is nag punta kami sa Sto. Nino Memorial Cemetery sa tapat lang ng Basilica, in which doon naka himlay yung lolo at lola ni James. Bukod sa simbahan, gustong gusto ko tlaga pumunta ng sementeryo, dahil na din na Sementeryo (Sto. Rosario) yung pinaka Park namin sa Binangonan, tahimik sa sasakyan, sobrang peaceful and malinis. If ill go deep, maiiyak lng ako pag nag alalaala pa ako ng sementeryo kaya next na.
Tumblr media
Nag hahanap kami ng kainan ng Kinalas sa Dayangdang non, then natuloy kami sa Kinalas Twins, ang sarap talga nya, gusto ko bumalik at don nman kumain sa sikat na Tsa Kamot kinalas, hmm nag crave tuloy ako.
Tumblr media
After namin kumain, Cathedral de Naga naman, which is katabing katabi lng Dayangdang, ayun kumatok ulet ako at nag wish, in which yung wish ko ay nag pasalamat lang ako, kahit pla sa Basilica nag pasalamat lang ako, hindi talga ako nag wish :). Nagsindi din pla ako ng candle para mag pray, natutunan ko yan kina Ara at June nung pumunta kami ng CDO.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
After non ay traverse nman kami papuntang Centro, may simbahan den doon, kaso hindi na ako naka katok, nag picture nlng ako, then kumain kami sa 1st Centenial ng sikat na sili icecream. 
Tumblr media Tumblr media
After non umuwi na kami para mag ayos ng gamit, kasi 12nn yung checkout namin sa AirBnb, at nakapag sidetrip pa kami sa Museo ni Jessie Robredo. Sobrang cool dito, to think na Sunday nun, walang masyadong tao at sasakyan, sobrang tahimik sa mga streets nila, nag lakad lakad lng kami in which na pabirito kong gawin, at natutuwa ako kasi okay lang sa kasama ko, usually kasi ung iba kong nakakasama ayaw nila amg lakad lakad kasi nga mainit, etc, pero travel goals tong mga kasama ko, hindi ko sure kung gusto din nila or napipilitan lang pero sobrang thank you.
Tumblr media Tumblr media
Lastly pumunta na kami sa Bus terminal para umuwi ng Manila pero 6pm pa ung pinakamaagang Bus, so we’ve decided na manuod muna ng Justice League at kumain ng “Pinangat” sa SM Naga na katabi lng ng terminal at mag ubos ng oras doon. 
Sobrang buong buo na araw ko non, sa dami ng ginawa namin at napuntahan sa City, yun yung mga moment na gusto mo pa, pero kailangan mo na umuwi, sobrang stress free and positive lang. Solid na bakasyon + run ang mga nangyari, at maraming maraming salamat na din sa Team ko sina James at Patrick.
0 notes
songofrobin · 7 years
Text
Spartan Race PH Sprint (Sept 23,17)
I promise I would be better and not to think of myself all the damn time, ill invest again with other people and appreciate moments the universe had given to me. I promise.
Tumblr media
11.30am yung start time ko dito, so late na ako gumising ng umaga mga 7am. Hindi na rin ako nakipag sapalaran bumyahe kasi nakapunta na ako sa Timberland Heights nun Typhoon Heat.
Mga 10am ako nakarating ng Timberland, then as usual, sa tagal ng shuttle, nag lakad nlng ako. after mga 10mins, nakapag register na ako sa, may 1 oras pa ako bago mag race, nanuod muna ako sa mga nag Spear Throw, tinitingnan ko technique nila kung paano, kasi lastweek, failure ako sa challenge na yon. Konting stretching then good to go.
Obstacles
Uphill run muna, mga 300m ata iyon, tapos 4feet Wall Climb, pang warmp up baga. after non is Hurdles Over mga 5-6ft ata iyon, after non Over Under T? na wall. Chill chill pa dito, then proceed hangganng sa Memory Wall, dito kailangan mo makabisado yung last 2 digits ng Bib number mo (09 - Juliet 363 4113) yan tanda ko pa yung sakin, sobrang minemorize ko yan, alam kong may penalty pag nalimutan eh.  Takbo ulet ng konti hanggang makarating sa Vertical Wall, easy easy lang may net na kapitan. After a moment, medyo hard na, Bucket Brigade na yun next, buhatan na yung timba na puno ng graba, dito natauhan ako, tapos ang layo ng iikutan tapos meron pang malalim na kanal na dinaanann, na hanggang bewang yung lalim nung putik, imba yon. Dito na natetest yung physical at mental state ko. After kong maibalik yung graba at timba, narinig ko yung ibang runner na nag kakabisado ng memory wall numbers nila, biglang pumasok sa isip ko, buti naalala ko pa yung sakin. After a moment nmn ulet, 6ft Wall namn aakyatin, unang attempt ko hindi ko nakatalon, hinang hina pa non yung braso ko, then sa 2nd, boom nabuhat ko sarili ko hihi.. After non matindi, Sledge Drag, upper body nnmn, unang attemp ko uusog yung sledge, kaso nag ipon ng putik sa edges, hindi ko na mahatak kahit ibuhos ko pa 100% ng katawang lupa ko ayaw na talga, sinira na nung mga nauna yung trail nung sledge, hindi na madulas :( ayon nag Burpee na 30, naulol ulet katawang lupa ko sa burpee, mahina pa stamina ko.  
Then alay lakad na.. sobra akong hiningal sa burpee, hanggang dumating sa 7ft Wall. Lumayo pa ako ng kaunti para maka bwelo sa pagtalon, ayon unang try naakyat ko naman, tapos alay lakad ulet sa sobrang maputik na daan. Tapos mga ilang minuto pa Barbwire Crawl nmn, medyo may trauma ako dito, sinugatan ako nito ng todo nung typhoon heat, kaya pabebe ako gumapang hahaha. Pero todo hingal ko non, dala na din ng pagod. After non is 2km+ na takbo, syempre nag lakad lakad pa ako non sobrang hingal pa din ako, tapos dumating na don sa Memory Test, medyo mahaba pila non, may nakita akong grupo nasa unahan ko, tiningnan nila sa phone nila yung numbers, pinucturan, may kodiko ang mga loko, eh ganon tlga, hindi ko sila masisisi, its their game and how they would love to remember eh :), syempre pasado ako sa Memory Test, sobrang daming nag buburpee dito mga may penalty na hindi nakabisado ung numbers. After a while ulet, Sandbag Carry nmn, dito may water station, pero wala ng tubig ung naabutan ko nakakalungkot, sobra akong uhaw non, pero kinaya ko padin. Tapos mga saglit lang hanggang dumating sa Inverted Wall na easy easy nlng, tapos tinakbo ko na kasi water station na yung next.  A Frame Cargo na yung next, easy easy lng, ewan ko ba bat ambabagal nung iba. Olympus na yung next, upperbody + balance dito, which is kayang kaya ko nmn, dami na ang buburpee dito, andami ko na din nalagpasan kahit na 11.30am ako nag start. Mongkey Bar na yung next, tinapon ko na yung gloves ko puro putik na eh baka madulas pa ako, ayon natapos ko namn easy nlng sakin un monkey bar. 
Takbo ulet mga 300m+ tapos Rolling Mud at Dunk Wall, saya dito, puro putik tapos mag sisisid ka sa putik ng mga 3secs na walang hingahan, hahaha masaya sya kaso nakakalungkot wala ng photographers non, imba sana kung may picture ka nung pag ahon mo sa putik, buti pa yung iba. Multi Rig na un next, parang monkey bar kaso puro ring, jusko dapat pala tuloy tuloy dito, hindi ka titigil sa isang ring nawala ung momentum mo ng swing, eh malayo ung susunod na ring, ayon Burpee ako ulet :(.  After non Atlas Carry my nightmare. Dito sobrang haba ng pila tapos nag tutulungan na yung iba mabuhat lng yung bola, nung triny ko buhatin, putsa nag cramps yung 2 kong calves, maiiyak na ako non, tapos may tumulong saken, inistretch nya yung paa ko, tapos gumaling nga yung cramps. Yung tumulong saken sila na yung naging partial teammate ko, Burpee kami sa Atlas Carry, after non Hercules Hoist na, sobrang imba nnmn non, hindi kaya ng katawang lupa ko buhatin, syempre teammate kami, 4 kaming ang bubuhat pataas nung sand bag ♥, iba tlga pag may team mate. After non is Rope Climb. Pumwesto na ako non sa rope, try ko akyatin, nakaya ko kasi sya nung nag Conquer Challenge ako, thesame height lang, problema lang dito sobrang maputik na nung mga rope, mga pangatlong panahog ko dumulas ako pababa bwisit :(, ayon Burpee nnman. After non is Spear Throw, medyo badtrip ako non, kasi nmn yung ibang mga madaming tao na may Team, paulit ulit silang ang try, eh ang pag kakaalam ko 1 try lng, nun nag typhoon heat kame, so sobrang tagal ko nakatayo non. Parang joke time nlng non yung Spear Throw don sa ibang racers, ayaw na din amg burpee, pero ako tuloy Burpee kasi nag miss nnmn yung pag bato ko huhu. 2nd to the last obstacle is Slip Wall na wala lang sobrang easy. Pinaka last obstacles is yung Fire Jump katabi ng Finish Line. Masaya sya, tapos may photographer na don sa finish line na matagal ko ng hinahanap, iniisip ko kung na picturan ako sana oo nmn, jusko iyon nlng picture kong makikita eh.
Things i learn
Medyo snob mga tao dito lalo na yung may mga Team, para silang ewan, pero syempre bat ko ba ginawa ito “para na din sa sarili ko, in which how can i define myself, sa mga likes at trip kong i experience sa buhay ko”
Yung 3 kong naging temporary Team Mate na hindi ko man lng natanong pangalan, pero nasalubong ko sila sa labas, sorry kung medyo sabaw ako non, hindi ko na natanong pangalan nyo, nag high 5 at congrats tayo non sa labas, sorry kung hindi ko na apiran yung babaeng maganda pero naka high 5 sya. I feel guilty, pero ang totoo, kayo yung nagpasaya ng araw ko na yun, kung hindi dahil sa inyo, baka umiyak na ako nung nag cramps ako. I wish i could go back in time, para makapag invest ako ng time sa inyo to get to know you guys, pero mas piniili ko pa din yung race sa isip ko non (lesson learn).
Photos
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
yan lng, nakakalungkot kasi 11.30am ako nag start, dyan lng sa barbwire may official photos, tapos sa iba wala na. Kung sasali  kayo, laging maaga piliin nyo, wala na kayong makukuhang photos sa iba pag late na nag start
0 notes
songofrobin · 7 years
Text
Spartan Race PH Typhoon Heat
Yung 18hours tulog ko after haha, tapos para akong nabugbog sakit ng katawan ko non
Tumblr media
Maaga ako gumising, mga 3am, tapos by 4am nakipag sapalaran na ako mag commute kasi first time ko pumunta ng Timberland Heights. Sumakay ako ng Fx sa Cubao, papunta Montalban, tapos bumaba sa malapit SM SanMateo. Mga 4:45am ako nakarating don, eh walang trike na mag hahatid don sa Timberland Heights, ang Uber nlng ako, 118 Pesos, medyo paakyat sya ng bundok, kaya pla walang trike na mag hahatid sayo, its either na bumaba ka don sa baba, Aling Tina’s Eatery ata iyon, tapos maglakad ka ng uphill. 
So mga before 7am, nag start na ang pahirap, hahahaha, mga 6:45am pinag plank kame, ako nmn okay okay warm up, pero putsa, mga 2mins na d pa rin kami pinapatayo, 5mins na, nag sisigaw padin yung Krypteia namin. hahahaha, na test talaga don mental ability ko, hahaha tapos yes pina tayo na, after non, squat naman, tutupi na yng tuhod ko sa sakit ng nasa squat position ka for a long time, tapos 30 burpees namn with a duo, pag natapos ka ng maaga, hindi pa tapos yung iba, balik plank position (horror!!) hahaha, after non crunch, jump squats, lunge 30s, tapos plank. hayyyy, longest plank I’ve ever done, kahit hindi na proper. 
Tumblr media
After non, regroup nmn, to 30 per team, nagkagulo nnmn dito, balik Plank ulet hahahaha tapos nag sisigaw nnmn si Krypteia Chris. After non ang hanap nlng ako ng nakapila, na team, don ako napunta sa Team Alvin/Justine na namedic hhihi, don ko nakilala sila Gladys at Weng, na nakasama ko throughout the race. 
Plank, Squat, Burpeee, Plank Squat.. and so on..
Ganon haha Abs kung Abs ang araw na to,. After namin mag group, start na ng lakad, Walking Lunges nmn uphill. Tapos Alay Lakad downhill, need nyo lagi in 1 line, at hindi mag iwanan, para hindi maparusahan.  Yung ibang team nag bubuhat na ng wall, kami naman nag buhat ng wall nung nasa Memory Test na kami. 
Tumblr media
Tapos yung mga bucket girls nag buhat ng bucket with graba, sana tinulungan ko nalng sila, haha graba pla bubuhatin nila, nag stay nlng kasi ako don na mag buhat ng wall, mas marami kayo nag bubuhat, mas hindi mabigat.
After a moment, Barbwire Crawl na Uphill, dito na ako nag kasugat sugat, madami aksing mga bato bato, tapos yung barbwire talagang medyo dikit na sayo, may mga nasiraan nga ng damit eh mga sumabit, tapos ang haba, walang wala yung barbwire crawl ng Conquer challenge. After non takbo hanggang sa Falls, and saya may falls, naligo kami lahat don sa falls, may part na malalim, malamig na yung tubig dito, masarap maligo. Yun nag recite kami ulet ng ETHOS
I will always place the mission first
I will never accept defeat
I will never quit
I will never leave a fallen comrade behind
AROO!! AROO!! AROO!!!!
Oh diba, hindi ko nalimutan, haha talgang tumatak na sa ulo namin yan, baka mag burpee pa kami eh :D
After a while, balik barbwire crawl ulet, hahaha putek at sugat nnmn, haha nag gulong nalang mas mabilis pa eh, trapik dito sa part na ito.
Tapos yung 8-10ft ata na wall climb, akalain mo yun nakaya ko ng walang tulong, kala ko hindi ko kaya, haha, nasa upper body at tamang talon lang tlaga.
Takbo, takboo.. Olympus Wall nmn, akalain mo yun, kahit putik putik at basa kamay ko, nakaya ko, nasa upperbody ang lakas, hahaha. After non don nmn sa Muddy Dive ata tawag don, yung malalim yung mud na kumakain ng sapatos mo, haha tinipon nnmn kami ni Krypteia Chris para mag recite ng ETHOS.
After non takbo takbo takbo.., papunta sa Spear Throw, potah mabigat pla yung Spear, hahaha, pag bato ko hindi tinamaan yung target lumagpas, wala akong ka accuracy accuracy na talent. Napa 30burpees tuloy ako, tamad na tamad na ako non, pagod na pagod na, last na ay iyung Slip Wall, easy easy lng yun hahaha tapos takbo na sa finish Line.
Tumblr media Tumblr media
0 notes
songofrobin · 7 years
Text
Samal Island (Sept 4, 2017)
Good Times deserves not to be forgotten
Tumblr media
Mga 6+am umalis na kami ng Motel, at kumain muna sa 711 ng almusal, then nag taxi appunta sa port papuntang Samal Island.
Tumblr media
Mula sa Port, 10 pesos lng pamasahe, na shookt ako sa mura hihi, tapos mga 15-30mins lng byahe nasa Samal Island ka na. May contact na kami don, yung kaibigan ni kuya TJ, na ang refer samin ng trike at motor para ma i tour kami. Pinag almusal pa kami don sa Lodge nila, I forgot the name, kumuha ako calling card nawala ko pa ata.
Tumblr media
Then first stop ay yung Beach na 15 pesos, malupet kasi nag stay kami don at nag lunch sa ng fried chicken 25pesos sa labas lang non. Tapos nag inom ng Fundador care of ate Gen, chill chill lng, kwentuhan ng travel at relaxing. Grabe tanghaling tapat inuman kame hahaha. 
Tumblr media Tumblr media
Tapos after non, Hagitgit Falls nman, don an kami naligo, hindi na sa beach para hindi malagkit, medyo coffee ang color ng tubig non kasi kakagaling lng ng bagyo, syempre may alak pa, Shot pa, sarap kaya uminom ng nasa falls hahahahaha. 
Tumblr media
Last na pinuntahan namin is yung Bat Cave, na Guinness World record holder of bats, sobrang dami 2 millions daw, 2 millions din ang power ng amoy ng tae nila, hahahaha ambaho, pero sana may camera ako dito para may magandang shot ako sa kanila.
Tumblr media
Nag uwian na kami mga around 4pm, balik Davao City, nauna na sa Airport sina Ate Ces, Gen, Kuya Marlon, tapos kumain muna kami nila Kendra at Celine sa Tuna Express ata iyon, ng Tuna ulet hahaha. Tapos night market along Roxas, then bumili ng pasalubong. Nung bumibili kami ng pasalubong, ang kulit ni kuyang nag titinda hahaha, ganito kasi yon, parang andami na binili ni Celine na 3 for 100 na sweets, tapos bibili pa sya, tapos tinuro nya yung dried mangoes na medyo malaki, tapos sabi ba namn ni kuya tindero, “Ay maam mahal po yan” hahahaha tawa na kame ng tawa, sabi ni Kendra, ay nako kuya bilhin na namin lahat yan, hahahah, pinagpawisan don si kuya, sa dami ba nmn ng binili namin pasalubong hindi pa namin afford yon dried mangoes  hahahahaha.
Tumblr media
After non ang checkin sa hotel na sila ulet, bukas pa flight nila, ako naman 11pm, nung nag boarding na ako, naicheck in ko jacket ko, naka tank top lng ako non, nangisay ako sa eroplano sa ginaw hahahah, “Bugnaw kaayo“ :D 
Special Thanks ♥♥♥
Kuya Marlon at Ate Gen para sa mga malulupet na shots galing sa smartphone nila :)
0 notes
songofrobin · 7 years
Text
Mt Apo (Sept 1-3, 17)
Iba rin ang feeling kapag nasa pinakamataas kang bundok ng sarili mong bansa. With the best company ♥♥♥
Tumblr media
Nagsimula ang lahat sa pag aya ulit sakin ni Issai, nung Mt. Sicapoo. Yun pa ang last climb ko. Mga 2 months ago ako nakapag book ng ticket.
Actually sobrang mura ng gastos nmin dito, parang KKB na nga eh tulungan nlng, eh ako kapag may maitutulong akong kung ano man, nag vovolounteer nmn ako. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pag dating namin ng Davao, may sasakyan na kagad kaming jeep papuntang Sta Cruz, tapos namalengke ng pagkain nmin buong climb, nag boodle fight kame eh, ( tinolo, tuna, adobo, sinigang, spaghetti ). After non, transfer nmn sa multi cab papuntang Jump Off sa Digos na. May aberya pang nangyari, mga 1km nlng papunta kung san kami mag tretrek, d nakayanan nung milti cab sa lubak, kaya naglakad kami. Warm up kung baga, sobrang bibigat ng dala dala namin non hahaha, pero ang mura talaga ng Saging don, at puro Saging everywhere kahit saan ka tumingin. 
Mga pass 6 na kami nakadating sa community ng Cuban, don na kami nag settle down, na pa homestay ako non (200) kasi naisip ko lalamigin ako ng gabi, eh baka manghina agad ako, sobra kasi akong lamigin, kaya pinatulan ko na. 
Tumblr media
Maganda trail ng Sta Cruz, dito namiss kong mag climb, mga 3months ako natigil, medyo may gulayan sa unang part bago kami pumasok ng forest. Forest tlaga sya, kasi puro puno everywhere, malamig ang simoy ng hangin, hindi maiinit, matipid sa tubig, mga 3-4hours nakadating na kami ng Camp 1 don na kami nag lunch. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga 12.30pm nmn nag simula na kami mag trek ulet pa punta na sa campsite sa baba ng summit, mga 3-4hours nmn. Dito nmn nadaan nmin yung boulders, malupit, naexite ako don, medyo na enjoy ko yung boulders, 1st time kong maka pag trail ng ganon, parang Lord of the Rings levels, tapos may sulfuric vents pang kasama kaya maamoy :D hihi. Sobrang kakapagod yon, pero nag enjoy ako don.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nakadating kami ng campsite mga 4pm, nag settle down, latag latag ng tent, astig lang, kasi yung background namin is yung summit, tapos mga bato bato ang saya saya, hindi kami gaano nilamig non, tapos nag explore ako non ng mga sandalian sa don sa isang campsite sa baba, na may magandang view, naka sama ko si Albert dito, naka pag facebook live pa sya, may 4g don, astig din yung view namin, may sea of clouds. nag katamaran na mag summit non, pero kung nag summit kami, panalong panalo, kahit ako tinamad na non eh, pero ayus lng din panalo nmn ang view ni Apo.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
After namin mag dinner, nag socials kami, haha yung totoo konti lng naalala ko pero ang alam ko ang saya saya ko non, parang tumawa lng ako ng tumawa haha, epekto na din ng alak.
Summit
Tumblr media
umakyat kami summit ng 5am, nakadating ata kami don less 30mins, may konting pa clearing pa non, mga 5.30, bago nawala, hoping talga ako non na mag ka clearing, parang nasa isip ko paiwan nalng ako kahit mga 15mins, pero wala talga. May video ako non na nag yeyelo na ung buhok, kialy, pilik mata ko, sa sobrang lamig at lakas ng hangin non. 
Tumblr media
Mga after a while, humanap ako ng pwesto na medyo tamihim, 2 group kasi kami don, medyo maingay nga eh, nag hanap ako ng medyo malayo na pwesto, kasi nag Pray ako non. 
After a while ulet, pa balik na kami campsite, medyo lumayo ulit ako, parang i need a moment to myself lng non, tapos nag video ulet ako, medyo naiiyak nga ako non at hindi ko din malimutan yon. Tapos sumunod na ako sa kanila, pumunta don sa may crater, walang tubig sa mga panahon na iyon, kaya nakapag lakad kami sa crater, medyo silent hill na yung feeling non, nag zero visibility na yung fog.
Tumblr media Tumblr media
After non, group photo shoot muna bago bumaba, medyo rakrakan na din bumaba, mga nag mamadali nang makauwi, Camp 1 ulit ang stopover para makakain ng lunch.
Tumblr media
Hindi rin nag tagal, nag hiwahiwalay na kami sa Sta Cruz, Sina Issai/Lee/James/Pauline at Albert at pupunta ng GenSan the rest diretso Davao City. Cool lang may checkpoint ng military bago pumasok ng Davao City. Tapos nag check in kami sa Motel type, na shookt ako, expected ko kasi backpackers style, pero motel sya talga for 2 person. Naka sama ko sa room si kuya marlon, Nag night market kami nung gabi para kumain ng ihaw ihaw, tapos binagyo pa kami pag dating don, ayaw kami lubayan hahaha. muka kami kawawa habng kumakain. Kinabukasan nag Samal Island trip kami.
Special Thanks ♥♥♥
Kevin (roomate) - para sa pag papahiram ng GoPro at Tent 
June Ann - para sa pag papahiram ng 2 xtra battery ng GoPro
James & TJay - para sa malulupet na shot galing sa kanilang camera
0 notes