Tumgik
tenebrisanimabydp · 8 years
Photo
Tumblr media
Status: Completed
WARNING: This literary work is R-18. Some parts may be restricted and password protected. If you believe you are mature enough to handle and understand all the restricted contents of this website [PLEASE READ THIS] to know how you can get the password.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.   Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.  I do not distribute soft copies 
Tumblr media
0 notes
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
DISCLAIMER
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.   Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.  
I do not distribute soft copies.  Report Illegal Distribution.
#uc
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
UMPISA
Mas madilim pa sa isang masamang panaginip, ang pagdadalamhati ng isang musmos na naulila’t nag-iisa; umiiyak, ngunit walang umaalo, humihingi ng saklolo, ngunit walang tulong na dumadatal.  May mas lulupit pa nga ba...
Sa malakas na bagyong tila nakikisabay pa sa kan’yang kamalasan?
Sa hanging ikinubli ang kan’yang mga hikbi?
Sa malalim na bahang lumunod sa kan’yang paghihinagpis?
At sa kulog at kidlat na tumabon sa kan’yang mga panaghoy?
Wala nang gaganda pa sa kanilang mala-kastilyong tahanan--na noo’y naging saksi ng isang masaya at masaganang pamumuhay; upang sa isang iglap lamang ay nakawin ng mga taong sakim at walang awa. Malupit at maitim ang budhi; makasarili at masasahol pa sa mga hayup sa ilang.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
Mga walang habag na mga magnanakaw, na s’ya ring walang awang nanggahis (1) at pumaslang sa kan’yang mahal na ina--at nakatatandang kapatid na babae. At mga buhong na halimaw, na s’ya ring kumitil sa buhay ng kan’yang iginagalang na ama--at minamahal na nakababatang kapatid na lalake.
Walang itinirang buhay, sa mga hardinero’t kasambahay; ang lahat ng mga kababaiha’y isa-isa rin nilang hinalay at pinatay.
Mapalad nga ba s’yang naikubli ang sarili sa isang madilim na sulok? O isang kapus-palad na naiwang nabubuhay pa sa isang malimig at madilim na mundo?
Aanhin ba n’ya ang ‘di hamak na mas marami pang kayamanang ikinubli ng kan’yang pamilya sa ilalim ng lupa, kung maging ang kabuuang halaga nito’y... hindi na makapagpapabalik pa ng buhay ng tao?
Nabibili ba ng salapi ang panibagong buhay?
May pres’yo ba ang kaligayahan?
May katumbas bang halaga ang katahimikan ng kalooban?
Nakapagpapalimot ba ng nakaraan ang ginto?
Walang panibagong buhay; walang kaligayahan. Walang katahimikan ng kalooban; at wala ring pagkalimot.  Ang lahat ay kailangan n’yang tiisin, hangga’t siya’y humihinga; maging ang kabuoan ng kan’yang puot, hangga’t siya’y nabubuhay pa.
***
Footnote:
Nanggahis (verb):  Raped in English. Other tagalog translation:  Humalay. Gumahasa.
[Itutuloy]
#UC
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 1
Angelica’s P.O.V.
“Anak, saan ka ba talaga pupunta?” Ani Inay, habang nagpapalit ako ng damit.  Hinubad ko ang uniform ko sa department store na pinagtatrabahuhan ko, para magsuot ng ordinar’yong t-shirt at pantalon. “Kauuwi mo lang mula sa buong maghapong pagtatrabaho, aalis ka na naman?”
Nilingon ko s’ya sandali.  Nang mapansin kong hindi naman s’ya nakatingin sa ‘kin, pasimple kong isinilid ang isa sa aking mga bestida–at katernong sapatos, sa maliit na paper bag na dadalhin ko.
“Ah, eh…” Med’yo kinakabahan pa ako nang humarap ako kay inay; bahagyang itinago ko naman ang bitbit kong paper bag sa aking likod. “Ipinasok po kasi ako ng isa sa mga kaibigan ko na mag-extra sa pabrikang pinagtatrabahuhan n’ya. Nightshift. Hindi regular, pero sayang din naman po ang kikitain ko ro’n sa bawat oras, kaya tinanggap ko na.”
“Anak,”  Nilapitan n’ya ako at hinawakan sa magkabilang balikat, “Masyado mo na yatang inaabuso ang katawan mo. May sakit na nga kami ng itay mo, kapag nagkasakit ka rin sa sobrang pagtatrabaho, pa’no na ang mga kapatid mo? Ikaw na lang ang maaasahan nila.”
“Inay, h’wag kayong mag-aalala. Ayos lang naman po ako.  Hindi ko naman po pinababayaan ang sarili ko. Hindi ko naman gagawin ‘to kung hindi ko kaya.  Ang mahalaga’y maipagamot ko kayo ni Itay.  Si itay, sa puso n’ya, ikaw naman, sa baga mo.  Ang sabi ng duktor, kailangan na raw isagawa ang Angiogram (1) kay itay sa lalong madaling panahon. Para malaman na raw natin kung kakailanganin ba n’ya ang Angioplasty (2), o kung mas malala, Bypass surgery (3). Kung hindi ako gagawa ng paraan para kumita ng pera, sa’n tayo kukuha ng panggastos natin,  inay? Mas’yado pang bata sina Buboy at Che-che, ako lang talaga ang maaaring magtrabaho para sa ‘ting lahat, ‘di ba?”
“Pero bata ka pa rin naman kasi anak. Desi nuwebe anyos ka pa lang ngayon, pero bugbog ka na kaagad sa pagod sa pagtatrabaho. Kung may tatanggap lang talagang muli sa ‘kin, gusto talaga kitang matulungan, kahit man lang sa pang-araw-araw nating gastusin dito sa bahay.  Pero ang hirap dito sa Pilipinas, kapag matanda ka nang tulad ko, wala na ring may gustong tumanggap kahit sa pagkakatulong, lalo na kung tulad ko pang sakitin.”
“Inay, tama na po ‘yan. Lalo lamang pong walang mangyayari sa ‘tin kung mas’yado kang nag-iisip ng tungkol sa mga bagay na hindi natin kontrolado. Basta’t hayaan n’yo lang na ako na ang gumawa ng paraan.  Tulong n’yo na po sa ‘kin ang pagsubaybay kay itay, kay Buboy at kay Che-che habang nagtatrabaho ako.”
***
Sa pabrika.  Sa pabrika nga ba ako pupunta?  
Kung do’n nga ako patungo, ano bang ginagawa ko rito sa public bathroom? Bakit ako nagmamadaling magpalit ng pinakamaayos kong bestida–at sapatos, para pagkatapos ay maglalagay naman ng kolorete sa mukha.
“Ano Anne?”  Pumasok kasi ako sa cubicle matapos kong mag-make-up, “Ready ka na ba?”
Ready na nga ba ako?
“Kinakabahan ako Melissa.” Sagot ko.
“Hay nako, sa una lang ‘yan.  Kapag naroro’n ka na, mawawala rin ‘yan.  Isipin mo na lang na hindi mo kikitain kahit saan ang kikitain mo sa pupuntahan natin.  Hindi naman chipipay ang mga kliyente ni Madame Melai. High class na bugaw ‘yun ‘no. Lahat ng mga contact no’n  mayayaman, at willing magbayad ng libo-libo para sa panandaliang aliw.”
“Natatakot ako, baka hindi ko kaya…”
“Hay nako, dinadaga na naman ang virgin mary na ‘to! Akala ko ba kailangan mo ng malaking pera para sa pagpapagamot ng Itay mo? Kaya nga ito ang inialok ko sa ‘yo ‘di ba?  Sideline ko na ‘to matagal na. Dahil kung ang kinikita lamang natin sa pagse-saleslady ang aasahan natin, kulang pa ‘yun sa pansariling gastusin. Lalo pa sa tulad mo.  Ikaw lang ang breadwinner sa pamilya n’yo, ‘di ba?  Kung hindi mo lalakasan ang loob mo, sa’n mo kukunin ang pagpapagamot sa Itay mo? Ano? Tara na!  Baka ma-late pa tayo, pareho tayong sisantehin ni Madame Melai.  Napakasungit pa naman ng matandang ‘yun. Baka pati ako mawalan ng raket sa ‘yo eh!”
Nagbuntong-hininga muna ako’t pumikit saglit, bago ko napagdesisyunang lumabas na cubicle.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
“Ano ba ‘yan Anne?!”  Salubong n’ya sa akin, “Ano ba naman ‘yang suot mo?  Bakit ka nakapangsimba? D’yos ko! Ako na ang nagsasabi sa ‘yo na pauuwiin ka ni Madame Melai kapag nakita n’ya ‘yang suot mo!”
“Eh ito lang ang matino kong damit eh.”
“Hay nako! Hindi p’wede ‘yan.  Baka pati ako masira ang reputas’yon kay Madame Melai kapag inireto kita na gan’yan ang hitsura mo.  Halika nga… heto.”  May dinukot s’ya sa paper bag n’ya, “Hiramin mo muna ‘tong extra ko. Isuot mo na dali,” tumingin s’ya sa relo, “Mahuhuli na tayo eh.”
Kinuha ko ang pulang silk na damit na iniabot n’ya sa akin. Iniladlad ko ito at nagulat kung ga’no kaikli ito. “Melissa, hindi ko yata kayang isuot ito,” sabi ko, “Sobrang ikli, masyadong mababa ang harapan tapos backless pa.”
“Gaga! Mas mahaba pa nga ‘yan kaysa sa suot ko ngayon ‘di ba? Sige na, isuot mo na, h’wag nang maarte, mahuhuli na tayo eh.”
***
Hindi ko malaman kung pa’no ako maglalakad sa ipinasuot sa akin ni Melissa. Pakiramdam ko kasi’y wala akong suot sa sobrang ikli–at unti, ng natatakluban sa aking dibdib at likod.  Mabuti na lang at mahaba ang buhok ko. Kahit pa’no, natatakluban nito ang bukaskas na likuran ko.
“Madame, meet my friend Angelica.”  Pagpapakilala sa akin ni Melissa, sa matandang babaeng pinuntahan namin sa malaking bahay nito. “‘Yan Madame ha? Maganda talaga ‘tong kasama ko ngayon ha? Maputi, makinis, sexy, matangkad at–” Medyo lumapit si Melissa kay Madame Melai para bumulong, “Virgin pa.”
Tiningnan ako ng matanda, mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako habang pinagmamasdan n’ya ang bandang dibdib kong, pilit ko namang tinatakluban ito ng aking kamay.  Nagulat ako nang hinablot n’ya ang kamay ko para silipin ang dibdib ko; at napaiktad naman ako nang pinalo n’ya ang isang pisngi ng pwet ko–habang iniikutan n’ya ako.
“Ano Madame, pasado ba?”
Huminto sa pag-ikot ang matanda paharap sa akin. Nakayuko ako, pero hinawakan n’ya ang baba ko, para pabiglang itunghay ang aking mukha.
“Maganda. P’wede.  Pero… hindi ko ba magiging problema ‘to?” Si Melissa ang kinakausap n’ya, bagama’t ako ang tinitingnan n’ya. “Masyadong mga importanteng tao ang mga kliyente ko. Maseselan pero malalaki namang mag-tip at magsipagbayad. Ayoko ng palpak. Ayokong masisira ako sa kanila.”
“Naku Madame, hindi ka mapapahiya d’yan.” Sinesenyasan ako ni Melissa na umayos ng tindig at ngumiti. Nakasimangot kasi ako–at medyo nakayukod. Sumunod naman ako kaagad sa kan’ya. “Mabait ‘yan at masunurin.’
“Sige. Pero kailangan ko munang makasiguro na malusog at malinis ka.” Ako na ang kausap ng matanda.  “Tulad ng sinabi ko, first class ang mg kliyente ko. Hindi ako maaaring magrasyon sa kanila ng may sakit, lalo na ng STD! Dahil oras na mangyari ‘yun, ako ang mapuputukan! Kailangan ko muna ng Health Clearance bago kita isama sa roster.”
Napasulyap ako nang may pag-aalala kay Melissa. Buong akala ko kasi’y maaari na akong kumita ngayong gabi.  Malayo pa kasi ang s’weldo, at kailangan ko na ng pambayad sa tubig at kuryente, bukod sa mga gamot na kailangan ng aking mga magulang.
“Ah eh, Madame, bagong policy po ba ‘yan?”  Tanong ni Melissa sa matanda. “Di ba hindi n’yo naman ako hiningan ng gan’yan no’ng una? Di ba ‘yung sa ‘min, right after na no’ng first customer?”
“Iba noon, iba na ngayon.”  Sagot ng matanda sa kan’ya. “May mga bago kasi akong kliyente na mas’yadong maseselan. Sila mismo ang nanghihingi ng medical clearance, bago nila kunin ang isang babae.”
***
“Pa’no ‘yan, Melissa. Kailangan ko ng pera ngayon.” Sa mismong paglabas namin sa malaking bahay ni Madame Melai. Pamasahe na lang ang laman ng wallet ko oh. Tapos pa’no ‘yung pagkuha ng clearance, ‘di ba may bayad ‘din ‘yun.”
“Pasensya ka na Anne. Hindi ko naman alam na may bago ng patakaran.  Dalawang buwan na rin kasi akong inactive. Pero ‘wag kang mag-alala.  Dahil ako naman ang may kasalanan, pauutangin na lang kita. Pero…. Babayaran mo ako kaagad ha?  Marami rin kasi kasi akong gastusin.”
“Oo, sige, salamat Meli–”
Kapwa kaming napaiktad ni Melissa nang may bigla na lamang pumatak na katawan ng isang babae sa aming harapan.  Nagmula ito sa mataas na balkunahe ng bahay ni Madame Melai.  Sinundan kaagad ‘yun ng paglitaw ng ulo ng mga nagmimiron sa mga bintana–at sa mismong balkunahe kung saan nagmula ang babaeng nalaglag.
“Si Suzie!”  Hiyaw ng mga kababaihang nakasilip sa balkunahe.  “Nagpakamatay si Suzie!”
***
Footnote:
Angiogram:  an X-ray photograph of blood or lymph vessels, made by angiography.
Angioplasty:  surgical repair or unblocking of a blood vessel, especially a coronary artery.
Bypass surgery: Heart bypass surgery, also known as coronary artery bypass surgery, aims to replace damaged arteries in the heart. A surgeon uses blood vessels from another area of the body to repair the damaged arteries. This surgery is used when the coronary arteries become blocked or damaged.
[Itutuloy]
#uc
2 notes · View notes
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 2
Angelica’s P.O.V.
Nanlambot ang tuhod ko sa sobrang gulat. Mabuti na lang pala at mabagal kaming maglakad ni Melissa, dahil kung nagkataon, nabagsakan na kami ng babaeng ‘yun.
Sa sobrang takot namin ni Melissa, napatakbo kami nang mabilis.  Pareho naming hindi alintana ang direks’yon ng aming tinakbuhan, hanggang sa napahinto kami nang mapansin naming napasaksak na pala kami sa isang madilim, at walang katao-taong eskinita.
“Nasa’n na tayo?” Sinusuyod ko ng tingin ang madilim na kapaligiran.
“Ewan ko.” Lilinga-linga rin s’ya.
“Anong ewan mo? Hindi mo ba kabisado ang lugar na ‘to?”
“Hindi pa ako nagagawi sa bahaging ito.”
Lalong tumindi ang kabang kanina ko pang nararamdaman.  “Pa’no na ‘yan?”
Hindi ako sinagot ni Melissa, bagkus, ay hinawakan n’ya ako sa braso, para muling lakarin ang  aming pinanggalingan.
Malapit na kami sa dulo, nang bigla na lamang dumaang limang--tila mga lasing, na mga lalaki. Nagkakantahan ang nga ito at nag-uusap; magkakaakbay pa sa paglalakad. Napahinto kami sa paglalakad ni Melissa.
“Badtrip ka Derrek… akala ko ba magdadala ka ng mga babae?!”  Umaalingaw-ngaw ang boses ng mga ito, papasok sa eskinitang kinaroroonan namin. “Tangina, isang linggo na akong walang nasusungkit ah!”
“Pasens’ya na mga pare,”  Sagot ng isang lasing, “Kulang sa budget eh. Hanap na lang tayo ng pakalat-kalat d’yan sa tabi-tabi.”
“Taragis ka, pare!” Tatawa-tawang pagsingit ng isa. “Kung alam ko lang na de-d’yetahin mo kami. Dinala ko na lang sana ang bagong s’yota ko.”
“Para ano? Para mang-inggit? Mabuti sana kung ise-share mo sa ‘min.”
“P’wede, if the price is right.”
“Tangina ka.. pokpok na naman ang bago mong s’yota?” Humalkhak ito.
Napaatras kami ni Melissa nang lumingon ang isa sa mga lalake sa aming direks’yon.
“Mga pare,”  Sabi nito sa kan’yang mga kasamahan.  Huminto naman ang mga kasama n’ya para tumingin sa amin.  “May gras’ya, oh.”
Nginisian ng mga kalalakihan ang isa’t-isa.  Patuloy naman kaming napaatras ni Melissa, nang magsimula nang umabante ang mga ito.
“Mel… anong gagawin natin?” Biglang nanlamig ang mga kamay ko; pakiramdam ko’y nanginginig na rin ako.
“Pagbilang ko ng tatlo,”  Bulong sa akin ni Melissa, “Tumakbo na tayo pabalik.”
“Ha?” Nilingon ko ang madilim na pinanggalingan namin.
“Isa…”  Nagpatuloy ang marahan naming pag-atras.  “Dalawa.”  Hinubad n’ya ang kan’yang mga high heels; gano’n din naman ang ginawa ko. “Tatlo!”  Halos magkasabay kaming pumihit sa kabilang direks’yon, at saka pa lamang kami kumaripas ng takbo.
Hinabol kami ng mga kalalakihan. Naghihiyawan pa sila na tila tuwang-tuwa pa sa paghabol sa amin. Ang bibilis nilang tumakbo, kaya naman hindi pa man din kami nakakalabas sa madilim na eskinita’y naabutan na nila kami.
Hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso, habang si Melissa nama’y hinawakan din ng dalawa sa, ngunit para lamang isalya s’ya sa pader.  Isang lalaki ang agad na naghubad ng pantalon, bago niya nilapitan si Melissa. Hinaklit nito ang itaas na bahagi ng suot nitong black silk dress, pati na rin ang kanyang panty.
“Huwag po, parang awa n’yo na.” Pagmamakaawa ni Melissa habang sinisibasib na ng lalaki ang kan’yang nakabuyangyang na dibdib.
Pilit akong pumalag sa mga nakahawak sa akin, lalo na nang inumpisahan na rin nila akong paghihipuan sa iba’t ibang parte ng aking katawan.
“H’wag!” Mas tumindi ang pag-iyak ni Melissa. Hinatak na ng lalaking lumalapastangan sa kan’yang ang kan’yang kaliwang hita, bago nito walang pakundangang inumpisahan ang pag-angkin sa kaibigan ko, na tila isang asong hayok sa laman.
“Ang ganda mo naman…” Bulong sa akin ng isa sa dalawang humahalik sa aking magkabilang leeg.
“H’wag po…” Pagmamakaawa ko.
“H’wag kang mag-aalala, dadalhin ka naman namin sa langit, eh.” Hinaklit na nito ang isa sa strap ng suot ko.  Mas lumakas na ang pag-iyak ko, nang matanaw kong, pinaghahalinhinan nang gahasain si Melissa, ng tatlong lalaking may hawak sa kan’ya.
Walang silbi ang naging pag-iyak ng kaibigan ko, dahil tila wala rin namang naririnig ang mga lumalapastangan sa kan’ya.
Nararamdaman ko na ang tunay na panganib, nang sinimulan na akong hipuan ng dalawa rapist sa maselang bahagi ng aking katawan. Ibinalibag nila ang aking likuran sa pader. Nauntog ako, at agad na umikot ang paningin.
“Ang dami mo pa kasing arte, eh pokpok ka lang naman.”  Dinig kong sabi ng isa sa mga lalaking bumababoy sa ‘kin.
Nagdidilim na ang paningin ko, kasabay ng unti-unting pagdausdos ng aking likuran sa pader na kinasasandalan ko. Bagama’t pilit ko pa ring inaninag si Melissa--na halos wala nang malay, bago tuluyang napatid ang lakas ng aking mga tuhod; tuluyan na akong bumagsak sa semento.
“Tangina pare, ang ganda ng chick na ‘to. Ako muna ha?”  Dinig kong sabi ng lalaking kumukubabaw sa akin, sa kan’yang kasama.
“Anong ikaw?”  Reklamo ng sinabihan n’ya, “Mas matanda ako sa ‘yo, kaya ako muna!”  Itinulak nito ang lalaking nakapatong sa akin.
Akmang kukubabawan na ako ng nanulak, nang binitbit s’ya ng kan’yang itinulak, at saka sinapak. Nagpambuno sila at nagsuntukan, habang ako nama’y pilit na ibinangon ang aking sarili, sa kabila ng panalalabo at pag-ikot ng aking paningin.
Hindi ko talaga kayang tumayo; umiyak na lang ako. Batid kong wala na akong ligtas. Magagahasa na rin nila ako, tulad ng ginawa nila kay Melissa. S’werte na lang siguro namin, kung bubuhayin pa kami ng mga halimaw na ‘to.  
Malamang, papatayin din nila kami, pagkatapos.  
Ah.
Hindi, ‘malamang’ lang, dahil ‘sigurado.’
Siguradong papatayin din nila kami dahil nakita na namin ang kanilang mga mukha.
Dumapa ako at gumapang. At sa mismong pagdagan sa akin ng isa sa dalawang mga lalaki sa aking likod, ay s’ya namang pagdating ng isang matangkad na estrangherong naka itim na hoodie.  Binitbit nito ang lalaking nakadagan sa akin. Napakalakas nito dahil tila isang manyika lamang na ibinalibag nito ang binitbit n’ya, sa pader.  Humiyaw sa sakit ang kan’yang ibinalibag.
Gano’n din ang ginawa n’ya sa isa pa, at sa tatlong rapist na lumalapastagan kay Melissa.  Bawat isa lima, bumagsak na walang malay.  
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
Pagkatapos noo’y naulinigan kong may kausap ang estraghero sa kan’yang cellphone. Narinig kong sinabi n’ya sa kausap n’ya, ang detalye ng aming kinaroroonan.
“Limang lalaki. Patay.” Napakalalim ng kan’yang boses. Kumpirmadong lalaki ito.  Mas nangibabaw ang atens’yon ko sa kan’yang tinig, kaysa kan’yang sinabi.  Patay na raw ‘yung limang rapist? Nagtaka ako dahil kahit mga walang malay, ay mukha namang humihinga pa ang mga lalaking kan’yang binugbog. “Dalian n’yo. Kailangang madala n’yo ang nga babae sa ospital.”
Pagkababa n’ya ng cellphone, ay saka pa lamang n’ya isa-isang nilapintan ang limang kalalakihang nakahandusay. Nagulat ako ako sa sumunod n’yang ginawa.
Gamit ang isang baril na may sound suppressor, walang pasabi n’yang binaril ang bawat isang lalaki sa ulo. Ngayon… patay na talaga sila.  Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit mas nauna ang pagre-report n’yang patay na ang mga ito sa kausap n’ya, kaysa sa pangyayari ng mismong pagpatay.
Nanghihina man, ay hinagip ko ang kan’yang isang binti, at pilit na tiningala sa aking pagkakadapa.  Halatang nagulat s’ya sa ginawa ko, lalo na nang mapagtanto n’yang nakita ko ang detalye ng kan’yang mukha. Dahil doo’y itinutok n’ya ang kan’yang baril sa aking ulo.  Bumitaw ako sa binti n’ya sa sobrang takot.
“H’wag po.” Isinubsob ko na ang mukha ko sa lupa. “H’wag po n’yo akong papatayin.  Ako lang po ang inaasahan ng pamilya ko.”
Akala ko talaga ay katapusan ko na, kaya’t ipinikit ko na lang ang aking mga mata.
Lumipas ang bente segundo, wala namang nangyari. Iminulat ko ang aking mga mata… pero umalis na pala s’ya.
[Itutuloy]
#UC
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 3
Angelica’s P.OV.
Mukhang mga pulis ang kinausap ng estrahero.  Ilang segundo lamang kasi’y, nagsipagdatingan na ito; kasama ambulansya at mga paramediko.  Wala namang napinsala sa akin bukod sa bukol sa likod ng ulo ko, at kahit na alam kong nagtagumpay ang tatlong lalaki sa panggagahasa kay Melissa’y naging matatag naman ito.  Ayaw na nga sana naming sumama sa hospital, pero protocol daw ‘yun, at kailangan din daw kaming makausap na mga pulis.  
Nagtaka ako nang tinanong nila kami kung nakita raw namin kung sino ang bumaril sa limang lalaki, at kung alam din daw ba namin kung ito rin daw ang tumawag sa kanila. Tumanggi ako; ang sinabi ko’y hindi ko na napansin ito.  Sinenyasan ko si Melissa na gano’n na rin ang isagot; hindi naman n’ya ako binigo.
Alas singko na ng umaga bago kami nakauwi.  Pero dahil may trabaho pa kami sa department store, simula alas-nuebe, halos hindi na rin ako nakatulog para maghanda. Masakit man ang ulo ko at katawan, pinilit ko itong hindi ipahalata. Ayokong mag-alala si Inay at Itay, lalo pa’t, nagsinungaling ako sa kanila, sa tunay kong pinuntahan kagabi.
“Ayos ka lang ba?”  Nag-aalalang bulong ko kay Melissa, habang pumapasok kami sa employee’s entrance ng Mall.
Hinila niya ako, mas malayo sa mga nakapilang empleyado.  “S’yempre hindi. Halos bugbugin nila ako, natural, masakit ang katawan ko. Ikaw?”
“Masakit pa rin ang ulo ko.”  Sagot ko. “Napakatapang mo, Mel.  Kung sa akin nangyari ang nangyari sa ‘yo, baka hindi pa ako nakaka-recover ngayon.”
“Gano’n din ako noong una.”
Nanlaki ang aking mga mata, “Anong ibig mong sabihin? Na-rape ka na ba dati?”  Bulong ko.
Tumango s’ya, “Mas marami pa ro’n. Ang pagkakaiba lang, binayaran ako dati.”
“Anong ibig mong sabihin, Mel.”
Napabuntong-hininga s’ya.  “Occupational hazard ng mga tulad kong female escort. Naabuso rin kapag siraulo ang customer. Isa lang ang kumontrata sa akin sa isang stag party, pero lahat sila nakialam at bumaboy sa akin. ‘Yun nga lang, binayaran naman nila ako nang extra. Kailangang kailangan ko ng pera no’ng mga panahon na ‘yun kaya hayun, kinalimutan ko na lang. Kung daramdamin ko ‘to, lalo lang walang mangyayari sa buhay ko. Kalimutan mo na rin ang nanyari sa atin kagabi, Anne, tutal, patay na ang mga demon’yong ‘yun. Naiganti na tayo no’ng…”  Natigilan siya sandali, “Hindi mo ba talaga nakita?”
Kinabahan ako bigla, naalala ko na naman kasi ang mukha ng lalaki. Matalim ang mga mata nito at matangos ang ilong. Maamo ang mukha, bagama’t maigting ang kan’yang mga panga, na para bang, may kinikimkim itong matinding galit sa mundo.
“H-hindi eh, ikaw ba?”
“Bahagya lang,” An’ya. “Matangkad na lalaki. Malapad ang balikat. Naka-itim na sweater na may hood. Mabuti dumating s’ya, kung hindi, baka lumulutang na ang mga bangkay natin ngayon sa ilog.”
***
Tinubuan ako ng matinding takot.  Parang ayoko nang bumalik sa kasa nina Madame Melai.  Kaya sa halip na kumuha ng medical clearance, naghanap na lang ako ng ibang mapapasukang trabaho.  
Inisa-isa ko ang mga newspaper ads. Nakaka-depress.  Halos lahat kasi ng job vacancies, hindi naman ako qualified. Totoo pala ang naririnig kong usap-usapan ng iba kong mga katrabaho. ‘Yung mga naka-graduate nga ng kulehiyo, halos walang makitang trabaho. ‘Yun pa kayang mga tulad ko na hanggang high school lamang ang natapos?
Nawawalan na ako ng pag-asa.  Hindi naman kasi basta trabaho lamang ang kailangan ko.  Ang kailangan ko’y mapagkakakitaan nang malakilaki.  Naisipan ko ang mag-abroad na lang kaya; ang mag domestic helper sa ibang bansa.  Pero ang problema, sa’n ko naman kaya kukunin ang gagastusin ko? Kung maging ang pamasahe ko sa pang-araw-araw ay halos kapusin na ako.
“D’yos ko po. Tulungan n’yo po ako.”  Hindi na ako nahiyang dumipa sa gitna ng altar ng simabahan ng Quiapo, isang hapon pagkagaling ko sa trabaho. Umiiyak; nagmamakaawa. “Kung hindi n’yo po mapagagaling ang karamdaman ni Itay at Inay, tulungan n’yo po akong makahanap ng paraan para maipagamot sila. Kailangan ko po ng trabaho. Kahit ano po, basta’t sapat na para matustusan ko sila.” Batid kong napapalakas ang boses ko, pero sa tindi ng depres’yong nararamdaman ko, hindi ko na naisip pa ito.
Ilang minuto rin, bago ko napatahan ang sarili ko.  At sa pagtinding ko--para maupo sa ikatlong hilera ng mga banko mula sa altar, ay may naramdaman akong umupo sa aking tabi.
“Kailangan mo ng trabaho?” Anito. Lumingon ako. Isa itong matandang babae.
“Po?”
“Narinig ko ang pag-iyak mo kanina. May sakit ang mga magulang mo?”
Makakatanggi pa ba ako? “O-opo.”
“Kailangan mo ng trabaho para matustusan sila?”
“Extra po sana, dahil may trabaho naman po ako sa araw.  Medyo maliit nga lang po ang kinikita ko.”
Pinagmasdan n’ya ako mula ulo hanggang paa.
“May alam akong p’wede mong pasukan.  Malaki ang pas’weldo, pero kailangan stay-in. Hindi p’wedeng part time.”
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
“A-ano pong klaseng trabaho?” Kinabahan ako.  Baka kasi katulad din lang siya ni Madam Melai.
“Housekeeper.”
Nakahinga ako ng maluwag, bagama’t nag-alala ako, na baka hindi rin gano’n kalakihan ang s’weldo.  Housekeeper… parang katulong.  Gaano na lang ba ang s’weldo ng mga katulong.
“Eh, kung full time po ‘yun, paano po ako makakahanap ng ibang sideline? Malaking halaga po kasi ang kailangan ko.  May sakit sa puso po ang itay ko.”
Napangiti ang matanda, “Hindi mo na kakailanganin ng sideline.  Magkano ba ang kinikita mo ngayon?”
“Ah…. maliit lang po. Wala pa pong eight thousand dahil sa mga kaltas.”
“Magkano ang hinahanap mong sahod?”
“Naku, hindi ko rin po alam.  Hindi naman po kasi mataas ang pinag-aralan ko kaya hindi ako umaasa ng malaki.”
Napailing ang matanda, bagama’t nakangiti pa rin naman ito.
“Kung sabihin ko sa ‘yo na singk’wenta mil ang s’weldo, stay-in at full-time, ayaw mo pa rin?”
Nanlaki ang mga mata ko, “Fifty thousand po para sa isang housekeeper lang?”
“Malaki kasi ang bahay na lilinisin mo. Ikaw lang mag-isa ang gagawa lahat, kaya mo ba? H’wag kang mag-alala, iba naman ang cook at hardinero. Paglilinis lang ang gagawin mo.”
“Gaano po kalaki ang bahay?”
“Nakikita mo ba ang laki ng simbahan na ‘to?”
Napalunok ako, “Ganito po kalaki?”
“Oo, pero may dalawang palapag kaya parang doble. Hindi naman marumi ang bahay. Kailangan lang talagang i-maintain ang kalinisan dahil maselan ang amo natin.”
“Do’n din po kayo nagtatrabaho?”
“Oo. Pero matanda na ako. Kailangan ko na ng makakahalili.”
Tila lumukso ang puso ko. Kung paglilinis lang sa halagang singk’wenta mil bawat buwan. Kaya ko ‘yun. Kung hindi man, sigurado… kakayanin ko ‘yun.
“Ano po ang dapat kong gawin para po makapag-umpisa na sa pagtatrabaho sa inyo?”
“Tinatanggap mo ba?”
“O-opo.”
“Pa’no ang trabaho mo?”
“Magre-resign na lang po ako.”
Napangiti s’ya.  “Magaling.  Puntahan mo na lang ako sa address na ito.” Iniabot n’ya ang papel. “Pero tumawag ka muna sa numerong nakasulat d’yan para makasiguro kang naroro’n ako.”
“Maraming salamat po.”
“Hindi hija.  Mas maraming salamat sa ‘yo.”
“Po?”
“Mas maraming salamat sa ‘yo. Sana… sana matagalan mo ang trabaho. Para naman, maaari na akong pumanaw na walang inaalala.”
[Itutuloy]
#UC
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 4
Angelica’s P.O.V.
Kung ga’no kadaling magpaalam sa pinagtatrabahuhan ko, ‘yun namang hirap magpaalam sa mga magulang ko.  Ayaw nilang pumayag. Ayaw raw kasi nilang mawawalay ako sa kanila.
“Day-off ko naman daw po kada linggo.”
“Kahit na.” Ani Inay, “Day off mo nga pero hindi ka rin kamo matutulog dito dahil kailangan mo ring bumalik sa hapon.”
“Pero inay, sa’n pa ba ako makakahanap ng trabaho na gano’n kalaki ang s’weldo dito sa Pilipinas?  Mas gugustuhin n’yo ba na mag-abroad na lang ako? Eh ‘di lalong mas mahirap dahil taon ang bibilangin bago tayo magkasama-samang muli.  Buti nga ito, dito lang sa Pilipinas.”
“Nag-aalala lang naman kami sa ‘yo anak.”  Sabi naman ni Itay.
“Alam ko po.  Nasa bahay lang naman po ako’t Maglilinis.  Mas mapanganib pa nga po ang trabaho ko ngayon dahil kailangan kong mag-commute araw-araw. Kahalubilo ng mga drug addict, holdaper, snatcher at mga rapist sa kalye.”
***
“Ang s’werte mo naman, Anne.  Mabuti pinayagan ka rin ng mga magulang mo.” Ani Melissa, habang maghahanda na kami sa pag-uwi.  Huling araw ko na ngayon sa trabaho.
“Mabuti nga, pumayag din.  Nahirapan talaga akong magpaalam sa kanila.”
“Hindi ba sila naghahanap ng isa pang katulong, o kahit ano?”
“Hindi ko alam, Melissa.  Pero h’wag kang mag-alala.  Kung meron mang bakante, irerekuminda kita.” Habang papalabas na kami ng mall.
“Naku, thank yo–”
Nagulantang kami pareho sa sumalubong sa aming kaguluhan sa aming paglabas.  Naglipana ang mga tao sa kalsada. Nakatingin ang mga ito sa itaas ng mall.  May itinuturo silang kung ano sa bandang itaas.
Sinubukan naming makisiksik ni Melissa para magmiron, pero dahil sa kapal ng mga taong nakikiusyoso, hindi namin makita kung ano ba talaga ang tinitingnan nila.
“Manong,” Pagtawag ni Melissa sa kakilala n’yang sidewalk vendor na nasa bandang malayo sa amin. “Ano po ba ang nangyayari?”
“Ha?!”  Halatang mahina na ang tenga ng matanda.
Sinanggahan ni Melissa ng kan’yang magkabilang kamay ang magkabilang gilid ng kan’yang bibig. “Ang sabi ko, ano po ba ang nangyayar–”
“May tatlong kalalakihan po ang nakabitin nang patiwarik, sa metal frame ng billboard sa itaas ng gusali ng mall.”  Pagsabat ng isa sa mga babaeng nagmimiron.”
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
“Mga patay na po ba?” Tanong ng isang lalaki sa aming likuran.
“Mga buhay pa po pero may balot po silang itim na tela sa ulo, mga nakagapos.”
Ilang saglit pa’y nagsidatingan na ang mga pulis, kasama ang kanilang rescue team.  Lalo kaming napatulak papalayo dahil sa pagpapaalis ng mga ito sa tao. Hindi na halos ako makahinga sa pagsisiksikan–at paggigitgitan ng mga tao, kaya naman hinila ko na si Melissa, para makaalis na kami sa lugar na ‘yun.
“Ano bang nangyayari sa mundo. Ang gulo-gulo na.” Sabi ko kay Melissa.  “Nung isang linggo lang, may nagpakamatay sa mismong harapan natin, tapos gamuntik na tayong ma-ra…pe.” Napahinto ako. Sinulyapan si Melissa.  Bigla akong na-guilty dahil, ako lang naman ang ‘gamuntik’ ma-rape, hindi s’ya.
“Kalimutan na natin sabi ‘yun, ‘di ba?”
“I’m sorry, Mel.”
Umiwas ng tingin si Melissa. Itinuon ang pansin sa aming paglalakad. Lalo tuloy akong na-guilty.
“‘Yung kay Suzie…”  Pagbasag n’ya sa sariling katahimikan.  “Hindi ako naniniwalang nagpakamatay ‘yun.”
“H-ha?”
“Kilala ko kay Suzie.  Kahit gano’n ‘yun, alam kong hindi n’ya magagawang kitlin ang kan’yang sariling buhay. May tatlong anak ‘yun na sa kan’ya lang umaasa. At masayahin ‘yung tao kahit na nagkakaproblema s’ya.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“May pumatay sa kan’ya.”
“Sino naman ang gagawa no’n?”
Tiningnan n’ya ako nang makahulugan.
“Kilala ko, pero hindi ko maaaring sabihin sa ‘yo.”
“Bakit naman?  Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Hindi naman sa gano’n, Anne.  Mas mabuti nang wala kang nalalaman. Tutal, hindi mo na naman kailangang magtrabaho do’n.”
Gustuhin ko mang magtanong pa, nanahimik na lang ako. Nag-iba na kasi ang timpla ni Melissa.  Parang naging matamlay at seryoso na.
“Dito na ako sasakay, Anne.”  Aniya, sa pagsapit namin sa sakayan ng jeep papunta sa kanila.  “Ikaw, may lakad ka pa ba?”
“Ah, dadaan muna ako sa Divisoria.”  Sagot ko, “Kailangan ko kasing bumili ng mas malaking bag para sa mga gamit na dadalhin ko.”
“Gusto mo bang samahan kita?”
“H’wag na Mel.  Kaya na ‘to.”
“Sure ka?”
“Oo.”
***
Tulad sa ibang araw. Siksikan na naman sa Tutuban. Hindi ko naman masisi ang mga tao kung bakit dinudumog ito. Pang-wholesale kasi ang mga paninda rito. Doble ingat ako sa bag ko, dahil sa naglipanang mga mandurukot. Kaya naman kahit wala naman akong masyadong pera ay akap-akap ko ito.
Daig ko pa ang nakipaggera bago ako nakawala sa siksikan at pakikipagtawaran. Pawis na pawis; at uhaw na uhaw. Gutom na rin ako kaya dumaan na ako sa nagtitinda ng samalamig at isaw.
“Manong, pabili rin po ng walong barbecue. Pakibalot po.”  Matapos kong makakain. “Heto po ang bayad ko.”  Iniabot ko ang bayad na halos kasabay naman ng pag-abot n’ya sa akin ng aking ipinabalot.
Akmang papaalis na ako–bitbit ang bagong bag at barbecue ko–nang may biglang bumunggo sa akin na isang lalaking may pasan-pasang isang kabang bigas sa kanang balikat.  Tumilapon ako; maging ang mga bitbit ko. Lalo na ang mga barbecue na iuuwi ko sana para sa hapunan ng pamilya ko.
“Paharahara ka ah!” Hiyaw sa akin ng mamang nakabunggo sa akin. Pinilit kong tumayo; hiyang-hiya sa mga nagtitinginang tao.
“Sorry po.” Sabi ko, kahit hindi ako sigurado, kung ako ba talaga ang may kasalanan. “Hindi ko po kasi kayo nakitang dumaraan.”Pinagpag ko ang aking damit, maging ang mga alikabok sa nagasgas kong braso at siko.”
Akala ko’y ayos na sa kan’ya na ako na ang umako ng kasalanan. Kaya naman nagulat ako nang ibinaba n’ya ang pasang bigas, para lamang itulak ang aking kaliwang balikat.
“Tatanga-tanga ka ah!”
Nakakatakot ang hitsura n’ya. Pawisan, balbas sarado, marungis, matangkad at malaki ang katawan.
“Egay!” Pagtawag ng isang matandang babae sa aking bandang likuran. “Kawawa naman ‘yang babae, patawarin mo na. Paraanin mo na lang.”
“H’wag kang makikialam dito tanda ha?!”  Dinuro n’ya ang matanda.  “Ikaw!”  Pagbaling nito sa akin.  “Hindi mo ba ako nakikilala?”
Umiling ako.
“Ako?!  Hindi mo nakikilala?!” Nanlilisik pa ang kan’yang mga mata.
Lalo akong nanginig sa takot. Pero umiling pa rin ako dahil hindi ko naman talaga s’ya kilala.
“Egay… kawawa naman ‘yang babae.  Mukha namang hindi taga rito ‘yan.” Pagsabat ng isang binatilyong nagbebenta ng sigarilyo.
Bumaling dito si Egay at walang pasabing dinibdiban ito. Natumba ang kawawang binatilyo. “Alam mong ayoko nang pinakikialaman, wala ka pa ring kadala-dala!”
Napaatras ako, na mukhang s’ya namang dahilan kung bakit hinablot n’ya ang braso ko. Tuluyan na akong napaiyak sa takot.
“Nakita mo na ang resulta ng kabobohan mo?!”  Bulyaw niyo sa aking mukha. Medyo mabaho ang kan’yang hininga kaya’t napapikit na lang ako. “May nadadamay pang ibang tao!”
Paano ko naman kaya naging kasalanan ang init ng kan’yang ulo?
“Halika rito!”  Kinaladkad ako ni Egay.
Naririnig ko ang bulungan ng mga nagmimiron:  ‘Ay kawawa naman ‘yung dalaga.’  Kawawa raw ako, pero wala naman silang ginagawa kundi ang magmasid.
“Ayoko po. Saan n’yo po ako dadalhin!?” Nagpupumiglas ako.  “Tulungan n’yo po ako!” Sabi ko sa mga tao. Pero wala namang kumilos, ni isa. Wala man lang gustong sumaklolo o tumawag ng pulis.
“Halika sabi rito!”  Muli ako hinatak ni Egay. Akala ko’y mabubunot n’ya ang braso ko sa sobrang lakas ng kan’yang pagkakahatak.
“Ayoko po!” Nakakaladkad na ako sa gitna ng mga nagmimiron.
“Halika rit–!” Mabitawan ako ni Egay. Bigla na lamang tumimb’wang, hawak ang kan’yang kaliwang tagiliran–ako ang nasa kan’yang kanan.  Sa pagbagsak niya sa kalsada’y s’ya namang pagsisigawan ng mga tao. Natulala naman ako nang makita kong sumisirit na pala ang dugo sa kaliwang tagiliran.
Napakabilis ng mga pangyayari, na hindi ko na nakita ang ekasktong pangyayari bago bumalagta si Egay. Pero isang taong hindi pa nakakalayo ang nakaagaw ng aking pansin…. Iang matangkad na lalaking mestisuhin. Naka-shades ito at naka-ordinar’yong itim na t-shirt. Kitang-kita kong palihim n’yang pinupunasan ang isang maliit na balisong, bago n’ya ito itinago sa kan’yang bulsa habang s’yang naglalakad na parang walang nangyari.
Naka-shades man ito ay alam kong nakita alam n’ya na nakita ko ang ginawa n’ya. Ngumisi pa kasi ito sa akin, habang ako nama’y napapanganga. May nakakagawig s’ya.  Hindi ko lang matukoy kung sino.
“May sumaksak kay Egay!”  Nagsigawan ang mga tao, pero wala rin namang lumalapit sa kan’ya.
“Sino?!”
Nagsilingunan ang mga tao, pero ni isa sa kanila’y walang nakapansin sa lalaking napansin ko.  Nasa malayo na ‘yung lalaki. Muli itong lumingon sa aming direks’yon, bago tuluyang nakalayo at naglaho sa aking paningin.
Aha.
Batid ko na kung sino ang kamukha n’ya.
Kamukha n’ya ang lalaking nagligtas sa amin ni Melissa.
***
Huling gabi ko sa bahay, hindi na ako mapakali.  Madaling-araw na, hindi pa rin ako makatulog. Excited ako na ninerb’yos.  Excited, dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaro’n ako ng trabahong malaki ang s’weldo.  Ninenerb’yos, dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin doon.
Sa halip na magpapaling-paling sa higaan.  Bumangon na lamang ako at nagtungo sa salas para buksan ang T.V. Tulog na ang aking mga magulang at mga kapatid, kaya hininaan ko lang ang volume nito.  
Sa pagkabuhay ng T.V., agad na bumungad ang late night news.  Napatanga naman ako saglit ng mag-flash sa screen ang mga pangyayari sa labas ng mall kanina.
Ayon sa balita, hindi na raw nagawa pang mailigtas ng rescue team ang tatlong lalaking nakabitin.  Ang isa raw dito'y namatay sa cardiac arrest; marahil daw ay sa sobrang takot habang nakabitin sa ere. Ang pangalawa’y namatay naman daw sa suffocation.  At ang pangatlo nama’y, nalaglag daw nang patiwarik, bago pa man nakaakyat ang magliligtas sana sa kanila.  Lumagpak daw ito sa lupa na nauuna ang tuktok ng ulo.  Nabasag daw ang bungo nito at mabakli na ang leeg sa sobrang lakas ng impact ng pagkakalagpak nito sa kungkreto.
“Mga kilalang drug pushers po ang mga ito dito sa aming lugar.”  Ayon sa babaeng in-interview ng lalaking field reporter.  “Patong-patong rin po ang kaso nila sa pagnanakaw at pangingikil.”
[Itutuloy]
#uc
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 5
Seth’s P.O.V.
“Nakausap ko na ang babaeng pinasundan mo sa ‘kin sa simbahan.”
Naramdaman ko na ang pagpasok n’ya sa pintuan ng k’warto ko, pero hindi ko s’ya nilingon. Tahimik lamang akong nakatanaw sa labas ng bintana, kung saan natatanaw ako ang kadiliman ng buong hacienda sa ibaba at ang maliwanag na buwan–at nagkalat na mga bitwin sa itaas.
“Pumayag na s’yang dito manuluyan.” Naramdaman ko ang paglapit n’ya sa bandang likuran ko.
Hindi ako sumagot. Alam kong sanay na naman s’ya sa ugali ko.  Hindi ako masalita.  Mas gusto ko ang mapag-isa.  Mas gusto ko ang manahimik.
“Sigurado ka bang mapagkakatiwalaan s’ya?” Muling pagbasag n’ya sa katahimikang parati namang namamagitan sa aming dalawa. “Saan mo s’ya nakilala? Paano mo s’ya nakilala? Bakit s’ya ang pinasundan mo sa ‘kin?”
Bakit nga ba?
Hindi ko rin alam.
“Ga’no mo s’ya kakilala?”
Hindi ko s’ya kilala. 
“Inalam mo man lang ba muna kung anong pangalan n’ya, saan s’ya nagmula sino ang mga magu–?”
“Gusto ko na pong magpahinga… Auntie Valeria.” Nanatili akong nakatalikod sa kan’ya.
“Matapos ang dalawampung taong tapat na pagkalinga at pag-aaruga ko sa ‘yo, hindi mo pa rin maibigay sa akin ang buong tiwala mo? Hanggang kailan mo pipiliing solohin ang lahat d’yan sa dibdib mo?  Hanggang kailan mo pipiliin ang pag-iisa?”
‘Hangga’t…’ Sabi ko sa isipan ko, ‘Hangga’t… hindi ko pa natatanggap ang ginawa mong pagtatraydor sa aking Mama–na iyong sariling kapatid, at sa aming buong pamilya.’ 
‘Hangga’t hindi ko pa naipaghihiganti ang trahed’yang nangyari sa aming pamilya, dahil sa pagkagahaman mo sa… pera.’
“Inaantok na po ako, Auntie Valeria.”  Malumanay kong sambit.  “Pakisarado na lamang po ng pintuan, sa paglabas n’yo.”
*** “Shit!” Wala nang iingay pa sa mga babaeng mahilig din. Nakakatawa ngang kailangan pa silang bayaran para lang dalhin sa langit. “Sir Zandro!” Ang pangalan ko sa mga babaeng bayaran; ang mga babaeng pakitaan mo lang ng pera’y ibibigay sa ‘yo kahit ang kanilang kaluluwa.
Para masulit ang nubenta mil sa paggamit sa babaeng ginagamit din ng iba, hindi naman maaaring puro sarap lang ang maranasan n’ya ‘di ba?
“Aray!” Hiyaw n’ya, sa unang haplit ko ng sinturon sa kan’yang likuran. Patuloy ko naman s’yang inaangkin sa kan’yang pagkakatuwad. “Aray kupo! Huwag!” Sa ikalawa at ikatlong haplit ko nang magkasunod.  Napangisi na lang ako sa pagbakat ng mga latay sa kan’yang likuran.  Pinilit n’yang kumalas, nahawakan ko naman ang kan’yang balakang, at saka mas tinindihan ang panghihimasok sa kan’yang gamit na gamit nang pagkababae.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
“Wala kang k’wenta.” Bulong ko.  Dumadaing naman s’ya ngayon sa sakit dahil sa sunod-sunod na pagkakaumpog ng kan’ya ulo sa headboard; walang hinto ang aking pag-ulos. “Wala kang halaga sa ‘kin.” Halos mawalan na s’ya ng malay. “Puta ka!” Kumalas na ako. Napasubsob s’ya. Muli kong iniikot ang aking sinturon sa aking kanang kamay at muli s’yang hinaplit. Impit na daing na lamang ang naririnig ko sa kan’ya, habang buong lakas ko namang ibinubuhos ang aking galit sa pamamagitan ng pananakit sa kan’ya. “Puta ka, Auntie Valeria…”Malalaman ko rin kung sa’n mo tinangay ang bangkay ni Mama at ng aking mga kapatid.”
Tuluyan nang nawalan ng malay ang babae.  Huminto na rin ako sa wakas. Humihingal. Namamawis.
***
“Alam kong umalis ka kagabi.” Bungad ng traydor habang kami’y nag-aagahan sa magkabilang dulo ng mahabang lamesa.
Hindi ako nagsalita.  Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain, pag-inom ng kape at pagbabasa ng peryodiko.
“Nagpunta ka na naman ba sa casa?”
Natatawa na lang ako sa loob ko. Lalo na sa pagtatanong n’ya ukol sa mga bagay na alam kong alam na naman n’ya.  Alam kong sinundan n’ya ako kagabi. Alam ko kung nasusundan n’ya ako o hindi. Alam ko rin kung nakakapuslit ako nang hindi n’ya namamalayan.  Iba na talaga kapag kilala mo na ang kaaway mo. Natutuwa rin akong makipaglaro sa kan’ya, at sa pagpapanggap kong walang muwang.
“Seth, bakit hindi ka na lang mag-asawa. Baka sakit lang ang makuha mo sa mga babaeng ‘yan?”
Asawa? Para ano?  Para may bago kang gagamitin laban sa akin?  Para malaman mo kung saan ko itinago ang mga ginto? Para may bago kang papatayin, na s’ya namang pinaplano mong dudurog nang tuluyan sa akin?
“Seth, nakikinig ka ba sa ‘kin?”
“Wala akong balak mag-asawa.”  Hindi ko s’ya tinitingnan, bagama’t nakangisi ako sa laman ng headline.  Ang tatlong demon’yong isinabit ko sa isang gusali kamakalawa. Patay na raw lahat.
Tanginang media! Dahil ‘yung tatlong tarantado ang namatay sa kalunos-lunos daw diumanong paraan, sila s’yempre ang lalabas na kaawa-awa at biktima. Tanginang mga bobo! Wala naman sila ro’n nang masaksihan ko ang tatlong adik na ‘yon na may ginahasang sampung taong gulang na walang muwang na batang babae. Isang musmos na dinukot nila sa eskwelahan. Halinhinang pinagsamantalahan, pinatay, isinilid sa maleta at saka iniitsa sa ilog.
“Kung hindi ka mag-aasawa, paano ka magkakaanak? Kanino mo iiwan ang lahat ng mga ari-arian mo?”
Lumabas din ang totoo.  Tumanda na s’ya ng gan’yan. Kayamanan pa rin ang inaalala n’ya, para siguro sa mga anak n’yang kunwari’y nagpakalayo-layo’t iniwan s’yang nag-iisa. Para nga naman kunwari’y wala s’yang matutuluyan.  Para nga naman kunwari’y mukha s’yang kahabaghabag.
“‘Yung babaeng pinasundan mo sa akin. Maganda ‘yun ah. Bata pa.  Bakit hindi na lang s’ya.  Sigurado akong magugustuhan ka n’ya, lalo na kapag nakilala ka na n’ya, at nalaman n’ya ang estado mo sa buhay.”
Putang inang plastik! Ang lakas mang-insulto sa pagkukunwaring concerned. Anong gusto n’yang palabasin? Na magugustuhan lang ako ng isang babae dahil sa pera?
Mas matanda lang sa akin ang demon’ya, pero hindi rin naman ako ipinanganak kahapon lang.  Mas bata lang ako, pero mas matalino ako sa kan’ya.
***
“Sir Zandro, si Melai ‘to.”
Magkakamali pa ba ako sa boses ng matandang bugaw na ‘yun? Nag-iisa lang naman ang boses n’yang tila hiniram n’ya lang sa kalabaw.  Siya lang din naman kasi ang tumatawag sa isa sa limang cellphone ko, na para lamang naman talaga sa pag-order ko sa kan’ya ng mga putang mapaglalaruan.
“Bakit?”
“Eh, Sir Zandro, maaari ba akong makiusap sa inyo?”
“Ano ‘yun?” Walang gana kong tanong.
“Huwag n’yo naman po sanang sasaktan ang mga babae ko.”
Natahimik ako; nakangisi.  Mukhang nakarating na sa kan’ya ang balita. Matagal na akong kumukuha ng babae sa kan’ya, pero ngayon pa lang naman talaga ako nanakit.  Masarap pala.  Lalo na kung masamang babae ang sinasaktan ko.
“‘Wag kang mag-alala.”  Nasabi ko rin sa wakas, “Hindi na ako kukuha sa ‘yo.”
“Naku Sir, huwag naman. Na-disappoint ka ba sa kan’ya kaya mo s’ya sinaktan?”
Muli akong napangisi.  “Oo. Ayoko sa gamit na. Ayoko rin sa sanay na. Ayoko sa masyadong malandi. Nasasayang lang ang pera ko sa mga babae mo.”
“Eh Sir, kung gusto n’yo, ihahanap ko na lang kayo ng type n’yo.”
“Kaya mong humanap?”
“Oo naman.  I-if the price is right.”
Humalakhak ako.  Ang nagagawa nga naman ng pera. “Sige. Kalahating milyon para sa babaeng gusto ko. Isang milyon, kung makukuha mo sa loob ng isang linggo.”
Narinig kong napatili s’ya sa kabilang linya; kahit na alam kong tinakpan naman n’ya ang mouthpiece.
“Sige po Sir.  Ano po ba ang type n’yo. Hahanap po ako as soon as possible.”  Nanginginig ang boses n’ya.
“Hindi ano… sino.”
“Po? S-sino po?”
“‘Yung babaeng kasama ni Barbara.”  Alam kong code name lang ang pangalang ‘yon.
“Sinong Barb–” Halatang nag-isip s’ya sandali. “Ah… ‘yung kasama ni Mel nung isang gabi?”
“Oo. ‘Yun nga.”
“Pero… paano mo nalaman na narito si Mel nung–”
“Wala ka na ro’n.”
“Ah, eh sorry Sir.  Pero, hindi na po kasi bumalik ‘yun eh.  Umatras na raw sabi ni Mel. Nakahanap na raw ng mas marangal na trabaho.”
Natawa ako. “Ok, nevermind. Our deal is off, then.”
“Wait lang Sir, wala ba kayong ibang nagugustuhan bukod doon? Sige na Sir, ihahanap ko na lang kayo ng mas maganda pa ro’n. Gusto n’yo po ba, virgin?”
“Kung hindi s’ya, ayoko.”
“Eh Sir kasi nga po–”
“Dalawang milyon. Sa ‘yo lang. Ako na ang bahalang magbayad sa kan’ya. Kung maipadadala mo s’ya sa akin, sa loob ng tatlong araw.”
Narinig kong nalaglag ang cellphone n’ya. Inilayo ko naman ang tenga ko sa cellphone ko. Nakaririndi kasi ang tunong ng paglagapak at pagdampot n’ya rito.
“Sige Sir Zandro. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Tatawagan kita kapag ok na.”
“Ok.”
[Itutuloy]
#uc
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 6
Seth’s P.O.V.
“Nandito na s’ya.” Pang-aabala sa akin ni auntie Valeria sa library.
“Sino?”  Nagpatuloy lang ako sa binabasa kong libro.  Hindi ko s’ya tiningnan.
“‘Yung babaeng pinasundan mo sa ‘kin.”
Natigilan ako; nag-isip sandali.
‘She’s here. That woman whom I’ve been stalking for a year now is finally here… closer to me.’
“Ok.” Muli kong ipinagpatuloy ang aking pagbabasa.
“Hindi mo man lang ba s’ya haharapin?”
“No.”
“Bakit?  Hindi ka man lang ba magpapakilala?”
Sinulyapan ko nang matalim si auntie Valeria bago ko ipinagpatuloy ang pagbabasa, “Am I required to?”
“‘Yung bagong hardinero, isang buwan na rito, hindi mo pa rin hinaharap. Dito sa bahay, ako at ang kusinera pa lang ang nakakausap mo. Hanggang kailan ka ba iiwas sa mga nagsisilbi sa ‘yo?”
“On time naman akong magpas’weldo, may mawawala ba sa kanila kung hindi nila ako kilala?”
Natahimik s’ya sandali.
“Anong gusto mong gawin ko sa kan’ya?”
“Ano ba dapat?” Isinara ko na ang librong binabasa ko; iniitsa sa center table, bago ko inabot ang crystal glass para sairin ang alak na naroro’n. Tiningnan ko s’ya nang matalim. “S’ya ang makakasama mo rito, ‘di ba? Bakit ako ang tinatanong mo?”
Halatang nainis s’ya sa pagsagot ko nang pabalang.
“Dadalhin ko na s’ya sa maid’s quarters.” Akmang tatalikod na s’ya.
“No.” Pahabol ko.  Nilingon naman n’ya ko.  “Take her to one of our guestrooms. The one next to mine.”
***
Wala akong pakialam sa mundo; wala rin naman kasing pakialam ang mundo sa ‘kin. Sino man lang ba ang umalo at tumulong sa ‘kin sa gabi-gabing pag-iyak; sa paglalagalag sa araw, maging sa pagkakalkal ng mga basura sa lansangan?
Batang gusgusin, basura ng kalye. Namamalimos sa kalsada, umaasa sa pabarya-baryang awa. Malay ba naman kasi ng isang batang paslit kung papa’no bubuksan ang seradura ng lihim na silong, kung saan naroro’n ang natitirang kayamanan ng nilipol na pamilya.
Alangan namang magpatulong ako sa iba… malay ko ba kung sino ang mapagkakatiwalaan.  Alangan namang humingi ako ng saklolo sa natitira ko pang kamag-anak, gayung alam kong, isa s’ya sa mga nakipagsab’watan para nakawan ang aming tahanan, at patayin ang aking mga mahal sa buhay.
Lumaking parating gutom; asal kalye. Ano pa ba ang maaasahan mo sa isang batang walang kumalinga? Kakapit sa patalim, para manatiling humihinga. Ang matutong kumitil ng buhay, kapalit ng malaking halaga.
Isang milyong piso, kapalit ang ulo ng Mayor na mandarambong. Sampung milyon hanggang limampu, kung ulo naman ng mga matataas na sindikato. Daang libo lang, kung low profile o easy kill.  Bagama’t libre lang naman kapag mga ordinaryong salot sa kalye.
Pumapatay ako. Malinis akong trumabaho, pero isa lang ang kundisyon ko… masasamang tao lang ang target ko.
“Seth, may panahon ka pa para magbago.” Ani Tatang Berto. Ang matandang kumukop sa akin sa estero. Halos hindi na n’ya makayanan ang bumangon sa pagkakahiga n’ya sa kama. “Seth, Anak. Bumalik ka na sa bahay ng iyong mga magulang.” S’ya lang ang nakakaalam ang lihim kong pagkatao, “May karapatan ka ring maging masaya.  Hindi mo kasalanan ang nangyari sa ‘yo. Bumangon ka, Seth.  Bumangon ka para man lang sa iyong sarili.”
“Wala na po akong pag-asa. Ito na ang kapalaran ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko.”
“Habangbuhay may pag-asa. H’wag kang mawawalan ng loob. Sasaya ka rin. I-ipinanalangin ko sa Diyos na sana’y sumay–.”  Nalagutan na s’ya ng hininga. Halatang maging ang Diyos ay wala nang nakikitang pag-asa sa ‘kin.
Daig ko pa ang naulila sa pangalawang beses.  May salapi nga, pero wala namang kasama. Mabibili ang lahat, maliban sa ang maging maligaya.  Walang ipinagbago. Nagpaulit-ulit lang istorya ng buhay ko.
“Sir… sir.” Ginising ako ng kalabit ng isang babaeng mababa ang lipad. Inabot na naman ako ng kalasingan sa Strip Club, kung saan ko nakukuha ang pansamantalang aliw.  “Magsasara na po kami.”
Nakabalandra sa akin ang kan’yang dibdib, na sa sobrang kalasinga’y bigla ko na lang dinakma, bago ko ito ginitgit para maiihiga ko s’ya sa lamesa.
“Sir! Sir!” Nagpupumiglas s’ya habang sinisibasib ko ang kan’yang dibdib. “Sir, sandali…” Nasulyapan kong napapakagat na s’ya sa ibaba ng kan’yang labi.  “Sir type naman kita eh, pero ‘wag dito. Do’n na lang po tayo sa casa.”
***
Ang Casa.  Bahay ng mga putang alaga ng matandang bugaw.  Bawat silid na nadaanan namin, may mga hiyawan at ungulan ng mga babae–at lalakeng nagmimilagro sa loob.
Binuksan ng babae ang pintuan ng kan’yang silid, “Dito tayo.” Pumasok s’ya, sumunod naman ako.  Ikinandado ko na lang ang pinto sa likod ko.
“Ako si Suzie, ikaw?”  Nag-umpisa na s’yang maghubad.
Hindi ako sumagot. Nagtanggal na rin ako ng aking saplot.
“Wow, ang sexy mo naman.” Pinasadahan n’ya ng kan’yang hintuturo ang aking dibdib, pababa sa aking tiyan. “G’wapo na, sexy pa, pero… can you afford me ba?”
Nginisian ko s’ya, “Magkano ka ba?”
“Mahal ako.”
“Magkano.”
“Ten thou.”
Natawa ako.  Gusto kong sabihin na napaka-cheap naman pala n’ya, pero kung makakamura naman ako kung mananahimik lang ako, bakit pa ako papalag?
“Call.”  
[End of this Chapter’s Public Version]
Why is your public online reading cut short?
The succeeding contents of this chapter are Rated R-18 and are password protected. Access to the Full R18 Version is available only for members of the DP R18 Book Collectors Club and the DyslexicParanoia Reader’s Access.
Read full R-18 content of this chapter
Otherwise, you may hit the ‘next’ arrow below to read the next non-restricted chapter (if available).
#uc
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 7
Angelica’s P.O.V.
Napanganga ako sa laki ng bahay. Luma na ito, pero maganda pa naman.  Malinis ang hardin at maraming mga bulaklak at mga halaman. Pero kung gaano kakulay ang labas ng mansyon, ‘yun namang dilim sa loob. Lantay ito ng mga antigong kagamitan, na lalo namang tila nakapagpalungkot sa kabuuan ng buong kabahayan.
“Ikaw ba si Angelica?” Pagbati sa akin ng isang babaeng nakaputing delantal (1), sa ibabaw ng asul na uniporme.
Tumayo ako sa aking pagkakaupo sa sofa, “A-ako nga po.”
“Ay, huwag mo na akong po-po-in.  Mukha namang hindi nagkakalayo ang edad natin. Ilang taon ka na ba?”
Napangiti ako, “Nineteen po.”
“O, kita mo na? Nineteen ka, ako twenty-nine!”  Humalkhak ito, “Ten years lang ‘di ba? Gasino na ang ten years?” Sumulyap ito nang paitas na tila nag-iisip, “Eh edad lang naman ng batang babaeng bago pa lamang nireregla ang agwat ng edad natin ‘di ba? Hindi masyadong malayo. Parang ‘yung agwat lang kahapon at ngayon, pati na rin ng ngayon at bukas. ‘di ba?”  Batid kong nagbibiro lang s’ya. “Di ba?” Pag-uulit n’ya dahil hindi ako nakasagot.
Muli akong napangiti, “Sabi n’yo po eh.”
“Aaay!” Tinapik n’ya ako sa balikat, “ Nakuuuu! Mukhang magkakasundo tayo ah. Ako nga pala si Bea.” Iniabot nito ang kan’yang kanang kamay.  Kinamayan ko naman s’ya kaagad. “Ako ang kusinera rito.”
“Bea?” Pag-uulit ko.
“Bea raw!”  Pagsingit ng isang boses lalaki sa labas ng nakabukas na bintana. Nilingon ko ito at natanaw ang isang lalaking nakapolong puti. “Ang layo naman ‘yata ng Bea sa Purificacion!”
“Hoy!” Nakapamaywang na singhal ni Bea sa lalaki, “Ano bang pakialam mo?! Eh ‘di hamak namang mas mabantot ang pangalan mo ‘no! Kung ako sa ‘yo, mind your own business na lang p’wede? Mag-carwash ka na lang para magkaro’n ka naman ng silbi sa mundo!””
Humalakhak ang lalaki sa labas ng bintana, “Kaya ka tumatandang dalaga, ampangit na nga ng pangalan mo, napakasungit mo pa.” Saka pa lang ito tumingin sa aking gawi, “Hi Miss, ako nga pala so Tibz, ang pinakapoging driver sa buong mundo. Ikaw, anong pangalan mo?”
“Ah, ako naman si--”
“Tibz?!”  Pagputol ni Bea sa pagsagot ko sana, “Anong Tibz?! Ang sabihin mo, Tiburcio! May pa-Tibz-Tibz ka pa r’yan?! Pinipintasan mo ang pangalan ko samantalang mas di hamak namang masangsang ang sa ‘yo?!”
“Oh at least mas malapit ang palayaw ko sa buong pangalan ko, eh ikaw? May pa-Bea-Bea ka pa d’yan eh Purificacion naman ang pangalan mo. Ba’t ‘di na lang ‘Pu-pu’ o ‘Fic-fic” p’wede ring ‘Asyon’  Bakit Bea? Beatriz ka ba?”
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
May dinukot si Bea sa bulsa ng apron n’ya. Sa tingin ko’y isa itong luyang may balat pa at ibinato n’ya ito kay Tibz.  Nakailag naman si Tibz at lalo s’yang pinagtawanan.
“Lumayas ka nga r’yan bago ko maisahog sa tinola ang pagmumukha mo!”
“Sus!” Sagot naman ni Tibz, “Hindi ka na mabiro. Masyado mo namang pinepersonal ang pambabasted ko sa ‘yo.”
Napangaga si Bea; nanlalaki rin ang mga mata, “Ang kapal ‘din naman ng apog mo ha?” May dinukot itong muli sa bulsa ng kan’yang apron.  Isa itong hinog na kamatis; walang pasabing ibinato niya ito kay Tibz. Hindi nakailag si Tibz, tinamaan ito sa noo. Dahilan para sumambulat ang mapulang kamatis sa kanyang mukha.  Pinagtawanan ito ni Bea; napatawa na rin ako, bagama’t pilit ko namang tinatakluban ang aking bibig ng aking kamao.
“Ah gano’n ha?” ani Tibz, habang pinupunasan ang amos sa kan’yang mukha, “This. Is. War!” Pag-angil n’ya sa nakakatawang paraan. “Humanda ka na Purificacion! Lintik lang ang walang ganti.”
“Bring it on, Tiburcio!” Natatawa rin ako sa hitsura ni Bea. Nakahaya kasi ang mga kamao nito na animo’y lalaban ng boxing.
“I shall ‘retarn’! The ‘retarn’ of the come back!”
“Paki ko, pweh!” Bulyaw naman ni Bea sa kan’ya.
***
“I-ito ang k’warto ko?” Inihatid na ako ni Bea sa silid ko raw, diumano
“Oo. Ito ang ibinilin sa akin ni Ma’am Valeria eh.”
“Bakit dito? Ganito ba talaga kaganda at kalaki ang k’warto ng mga naninilbihan dito?”
“Ay hindi. ‘Yung sa akin maliit lang.  Pero ‘yung kay Ma’am Valeria, ganito rin kalaki. Nasa ibaba nga lang ‘yung kan’ya. Nirarayuma na kasi ‘yun eh. Dito sa itaas, may limang k’warto,  ‘yung tatlo bakante, ‘yung isa, do’n sa amo natin… ‘yung pinakamalaki sa pinakadulo. ‘Yun ang silid n’ya. ‘Yung nakahiwalay. Antisocial kasi ‘yun eh. Ayaw no’n ng inaabala s’ya. Si Ma’am Valeria nga lang ang nakakapunta ro’n para maglinis. Kahit ako, bawal do’n. Sa dining room ko lang talaga s’ya nakikita paminsan-minsan.”
“P-pero bakit ganun? Bakit hindi na lang ako isinama sa k’warto mo?”
Nagkibit-balikat ito. “Bakit? Ayaw mo ba rito? Ang s’werte mo nga oh! Para kang prinsesa. Ang laki ng kama mo, naka-aircon ka pa’t may flat screen T.V. May computer ka pa nga ro’n oh.” Itinuro nito ang isang antique na study table na my laptop sa ibabaw. ”May wifi naman ang bahay na ‘to kahit mukhang sinauna. Basta’t ‘wag ka lang magbabad at tatapusin mo muna ang trabaho mo. P’wedeng mag-Facebook sa gabi basta’t tapos na ang lahat ng responsibilidad mo.”
“Hindi naman ako sanay matulog sa ganito. Eh mukhang kasinlaki na nga ng bahay namin ang k’warto na ‘to.  Sigurado ka bang dito talaga ako?”
“Sigurado ako. Ito nga ang k’wartong ibinilin sa akin ni Ma’am Valeria. So pa’no, maiwan muna kita.  Magluluto pa ako eh. Tatawagan na lang kita kapag nakahayin na.”
“Teka sandali, tutulungan na kita.”
"Naku, hindi na. Baka mapagalitan pa ako. Kan’ya-kan’ya kasi tayo ng toka rito eh.  Hintayin mo na lang kung ano ang iuutos sa ‘yo ni Ma’am Valeria.  Umalis lang s’ya sandali, babalik din ‘yun bago maghapunan.”
“Pero anong gagawin ko?”
“Ayusin mo na lang muna ang gamit mo.”
“Wala naman akong masyadong gamit. Isang maliit na duffel bag lang ang dala ko.”
“Eh ‘di magpahinga ka muna. Basta! Tatawagan na lang kita kapag oras na para kumain, ha?”
***
Masyadong kumportable; masyadong maganda.  Hindi ko lubos-maisip kung bakit gano’n kaganda ang k’warto ko.  Pumasok tuloy sa isip ko na baka may upa ‘yun at ibabawas na lang nila sa s’weldo, at dahil sa ganda nito, baka kalahati na lang sa s’weldo ko ang matitira.
Pinasok ko ang banyo. Napanganga ako sa laki at ganda nito. Mayro’n itong malaking bath tub, mayro’n ding nakabukod na shower. Yari sa marmol ang lababo, pati na rin ang sahig.
Sinubukan kong buksan ang T.V., nakakunekta ito sa cable.  Sinubukan ko ring buhayin ang laptop, at mukhang totoo ngang may wifi access ito.  Sinubukan ko ring sumampa sa mataas na canopy bed, at naramdaman ko ang lambot nito sa paglapat ng likod ko, kaya naman hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
***
Footnote
Delantal:  An Apron in English.
[Itutuloy]
#UC
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 8
Seth’s P.O.V.
“Boss! Boss!  Parang awa mo na Boss, ‘wag mo akong papatayin!”
Nanginginig, nagsusumamo’t nagmamakaawa ang walanghiya, habang iginagapos ko ito sa mataas na poste ng alay-ay (1) sa gitna ng malawak na maisan.
“Hindi ko talaga alam kung saan n’ya dinala ang mga bankay ng iyong pamilya!”  Nagpatuloy ang kan’yang paghiyaw at pagpalag.
Ilang beses nakalag ang lubid na pilit kong binubuhol sa kan’yang bandang paanan.  Sa sobrang inis, tumigil ako sandali sa paggapos, dinampot ang makapal na tubong ipinanghahataw ko na rin sa kan’ya kanina, at buong p’wersang inihataw ‘yun sa kan’yang magkabilang tuhod.
Umalingawngaw sa malawak na taniman ang kan’yang sigaw at pagdaing.  Kung may makarinig man sa kan’ya, hindi ko sigurado bagama’t nakatitiyak naman akong, masyado silang malayo para sumaklolo kaagad-agad.
“Isang pagkakataon na lang Renato…” Malumanay kong sambit. “Isang beses mo pang sayangin ang oras ko, alam mo na siguro ang kahihinatnan mo.”  Sinulyapan ko ang isang galong gasolina sa di kalayuan habang dinudukot ko ang lighter sa aking bulsa.
Nahuli kong tinitingnan n’ya ang isang galon ng gasolina.  Batid kong nakuha na n’ya ang ibig kong sabihin.
“K-kapag sinabi ko ba sa ‘yo, pakakawalan mo na ako?”
“Depende.”
Ibinaling n’ya sa akin ang kan’yang paningin, “Bakit pa pala ako magsasalita kung papatayin mo rin naman pala ako?!” Nangingining s’ya; mangiyak-ngiyak.
“Bakit?  Sinabi ko bang papatayin kita?”
“Para saan ang gasolina?! ‘Di ba’t para sunugin ako nang buhay?!”
Nginsian ko s’ya, “Tama, susunugin nga kita. Susunugin kita nang mas malala pa sa pagpaso mo ng iyong sigarilyo sa murang balat ng ate ko…”  Hinawakan ko nang mahigpit ang kan’yang nagdurugong tuhod.  Humiyaw s’ya sa sakit. Binitiwan ko rin naman ito. “Pero hindi kita papatayin. Mas gugustuhin ko pang makita kang naghihirap sa walang katumbas na hapdi habang naamoy at pinagmamasdan ang natutunaw mong balat.”
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
“Seth…” Pag-iyak n’ya nang may pagmamakaawa. “L-lango lang ako sa droga noon. H-hindi ko alam ang aking ginawa. H-hindi ko sinasad--”
“Hindi mo sinasadya?!” Sigaw ko.  Ako naman ngayon ang nanginginig sa galit.  “H-hindi mo sinasadyang pahirapan ang ate ko? Ang tadtarin ng paso ng sigarilyo ang kan’yang buong katawan, matapos mo s’yang paulit-ulit na ginahasa sa harapan ng aming mga magulang?!  Hindi mo sinasadya?!” Sumuntok ako paitaas, diretso sa kan’yang sikmura.  Napadaing s’ya sa sakit.  Isang bulto ng dugo ang agad na lumabas sa kan’yang bibig. “Hindi mo rin ba sinasadya na matapos mo s’yang babuyin at pahirapa’y paulit-ulit mong itinaktak ang kan’yang ulo sa sahig hanggang sa s’yang iyong mapatay?! Hindi sinasadya?!” Dinukot ko ang laseta sa aking bulsa, at saka ko ito isinaksak sa kanyang hita.  Muli s’yang humiyaw. “Hayup ka, Renato. Anong palagay mo sa ‘kin, isang bobong katulad mo?!”
“Patayin mo na lang ako.” Namamaos na ang kan’yang boses. Nakuha pa nitong ngumisi sa akin. “Nagsasayang ka lang ng oras.  Hindi ko talaga alam kung saan ipinadala ni Valeria ang labi ng pamilya mo. Ba’t ‘di s’ya ang tanungin mo?  Matagal na akong tumiwalag sa kan’ya.  Hindi ko na rin alam kung nasasa’n s’ya ngayon. Wala naman kaming ginawa sa inyo na hindi n’ya ipinag-utos. Kahit anong gawin mo… wala ka talagang makukuha sa ‘kin!”
“Ganun ba?” Pinulot ko ang lubid, at muling ipinulupot ‘yun sa kan’yang mga paa. “Wala ka na rin palang silbi sa ‘kin kung gano’n.” Nasulyapan kong gumuhit ang ngisi sa kan’yang bibig habang ibinubuhol ko ang lubid.
“Bakit mo pa ako iginagapos kung wala na naman pala akong silbi sa ‘yo?”
Marahan akong tumayo sa kan’yang harapan at saka ko tiningala ang kan’yang duguang mukha.
“I’m bored.” Nakangising wika ko sa kan’ya. Dinukot ang isang pack ng sigarilyo sa aking bulsa, kumuha ng isa, inilagay sa aking bibig, bago ko ito sindindihan ng lighter at hinithit.  Pinaglaruan ko ang ibinubuga kong usok. Pinalutang ko ito sa hangin sa pabilog na hugis para lumikha ito ng ilusyong sumusukat sa palibot ng kan’yang mukha. “Kailangan ko ng laruan.” Humithit at bumuga muna ako ng isa pa, bago ko pinatay ang upos ng sigarilyo ang sugatang bahagi ng kan’yang tiyan.
Nagsisigaw s’ya, kahit halos wala nang tinig ang nagmumula sa kan’yang lalamunan. Umpisa pa lang ‘yun ng isang oras na paglalaro. Ang tadtarin s’ya ng paso tulad ng ginawa n’ya sa aking kapatid, bago ko isagawa ang pinaplano kong sunuguin na ng tuluyan ang balat  sa kan’yang buong katawan.
***
“Senyorito.” Pagbungad sa akin ng isang tinig habang nakatanaw ako sa malayo. Isa sa mga paborito kong lugar sa mansyon ang verranda sa silid ng aking mga magulang. Dito ko kasi naalala ang masaya naming pamilya noon; ang halakhakan habang naghahabulan kaming magkakapatid, pati na rin ang mga ngiti ng aming mga magulang habang pinagmamasdan ang madalas naming pang-aabala sa kanilang pribadong espasyo. ‘Paano namin masusundan si bunso kung parati kayong naririto?’  Hindi ko makalimutan ang pabirong katagang ‘yun ni Papa.  ‘Yun din kasi ang mismong araw na nangyari sa amin ang malagim na trahedya.
Nilingon ko ang taong pinanggagalingan ng tinig.  Nakatayo ito sa may pintuan ng silid--na sadya ko namang iniwanang nakabukas para sa kan’ya.
“Nabasa ko po ang text n’yo.”
Humarap ako sa kan’ya, bagama’t nanatili ang aming distans’ya.
“Nariyan na s’ya, Dario.” Mahinang wika ko sa kan’ya. Si Dario, ang aking bagong hardinero.  Ang hardinerong akala ni auntie Valeria ay hindi ko pa nahaharap at nakikilala.  Ang hindi n’ya alam, kilala ko na ito simula pa sa umpisa.  “‘Yung pinag-usapan natin.”
Tumango s’ya. “M-may iba pa po bang nakakaalam?”
“Wala. Tayong dalawa lang. And it has to strictly stay that way.”
*** Footnotes
Alay-ay:  A Scarecrow in English.
[Itutuloy]
#uc
1 note · View note
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 9
Angelica’s P.O.V.
Kinakabahan ako’t hindi mapakali.  Pinipisil-pisil ko na ang nanlalamig kong mga kamay, pilit inuunawa ang mga nangyayari.
Bilang isang katulong ang inaasahan kong trabaho, kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit dinaig ko pa ang prinsesang pinagsisilbihan sa gitna ng isa sa mahabang gilid ng parihabang lamesa.
“Ate Bea…”  Bulong ko kay Ate Bea habang sinasalinan niya ng malamig na tubig ang kristal na basong nasa tapat ko. “Bakit ako naririto? Bakit ako rito kakain?”
“Heto ang mushroom soup. Masarap ‘yan.”  Hindi n'ya ako pinapansin, bagama’t sigurado ako na narinig n'ya ako.  "Mauna ka na raw kumain sabi ni Senyorito.  Mukhang gagabihin din ng uwi si Ma'am Valeria kaya pinapauna ka na n'ya para hindi ka raw malipasan ng gutom.“
"Ate Bea…”  Tinalikuran na n'ya ako pabalik sa kusina. Kumpirmadong iniiwasan nga n'yang sagutin ang mga tanong ko.
Napakatahimik ng dining room. Katahimikang tulad din ng sa bawat sulok ng bahay. Katahimikang nakaririndi; isang uri ng kapayapaang nakabibingi.
Hindi ko malaman kung ano ang gagawing ko. Nag-aalinlangan din akong galawin ang mga pagkaing nasa aking harapan.  Hindi lamang ito dahil sa hiya, ngunit dahil na rin hindi ako sanay na mahayinan ng gano'n karaming masasarap na pagkaing para lang sa mga taong may mararangyang pamumuhay.  Sanay ako nang isang putahe lang ang ulam; sa kanin at kung ano mang mabili kong pang-ulam sa karinderya. Kung tutuusi'y mas sanay ako, kahit walang ulam; ang magpakabusog sa tubig at kaning hinaluan lang ng toyo at mantika.
“Magandang gabi.”  Napabalikwas ako sa tinig ng isang lalaki; nagmumula ito sa aking likuran. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan, at nilingon ang nagmamay-ari ng tinig na naabutan ko nang naglalakad patungo sa kabilang dulo ng parihabang lamesa. Nakapustura ito. Nakagayak ng mamahaling damit na isinusuot ng mga maginoong nabibilang sa Alta Sociedad. “Bakit hindi ka pa kumakain?” anito, matapos maupo, “Maupo ka n–”
“Angelica heto nga pala ang mga kubyertos mo nakalimu–"Nagmamadaling wika mi Ate Bea habang papasok muli sa hapag-kainan, mula sa kusina. Sa una'y nakayuko ito–may hawak na kubyertos, bago ito natulala sa gawi ng lalaking bagong dating. "Dar–?” May pagtataka sa ekpresyon ng kan'yang mukha.
“Si Dario ba ang hinahanap mo?"pagsingit ng lalaking bagong dating. Ngumisi ito. "Sandali…” Nakapako ang titig nito kay ate Bea.  "Dario!“ Malakas na pagtawag n'ya sa may bandang pintuan na pinanggalingan n'ya, kanina. Napalingon tuloy ako roon.
Agad namang iniluwa ng pintuang 'yun ang isang mestisuhin, matangkad at matipunong lalaking may magulong buhok na may nakataling maruming tuwalya sa palibot ng ulo. Marungis din ang kamiseta at gula-gulanit ng pantalong maong na suot nito, at mga brasong may bahid ng  pinaghalong putik at alikabok.
"Senyorito Seth?” Anito; bahagyang nakayuko.
Ngumisi ang lalaking tinawag n'yang Senyorito.  "Hinahanap ka ng nobya mo, sa'n ka raw ba nagsususuot?“ Sabi nito sa marungis na lalaking tila sinasad'yang itago ang mukha sa aking anggulo.
"Nand'yan lang po ako sa hardin buong maghapon.”  Sagot ng marungis na lalaking tinawag na Dario.
“Oh,” Pagbaling ng tinurang Senyorito Seth kay ate Bea, “'Yun naman pala eh.” Tumawa ito bago muling bumaling kay Dario, “Hinahanap ka na yata para nakapaghapunan na rin kayo.”
Tiningnan ko si ate Bea. Bakas pa rin sa ekpresyon ng kan'yang mukha ang pagkalito.
“Di ba Bea?” Taas kilay na wika ni Senyorito Seth kay ate Bea. “Di ba?” Pag-uulit nito nang mapansin n'yang nakatulala lang ito sa kanila ni Dario.
“Ah…o-opo. H-halika na Dario, m-maghapunan na tayo sa k-kusina.” Tila napipilitang sagot ni ate Bea.
Agad akong lumingon kay Dario na tiyempo namang humaharap na sa aking anggulo.  Tumingin din ito sa akin. Napanganga na rin ako nang makita ko na ang pamilyar n'yang mukha.
Pamilyar na mukha dahil sigurado akong nakita ko na s'ya dati.  Balot lamang siguro ng pagkagulat ang aking pagkatao kaya tila ba naghahalo-halo ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko, na s'ya namang dahilan ng pansamantala kong pagkatulala.
Dario… Dario pala ang pangalan n'ya.  Ang lalaking may pamilyar na mukha. Ang misterysong lalaking nagligtas sa akin nang makailang beses.
Napaiktad ako nang dumako ang aking memorya sa mga lalaking binatil n'ya.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Senyorito Seth, matapos kong makabalik sa huwisyo.
“P-po?” Luminga-linga ako.  Kami na lang palang dalawa ang nasa dining room.  Wala na si ate Bea, gayun din si Dario.
Ngumisi ito. “Ang sabi ko, ayos ka lang ba?”
“O-opo… ok lang po ako Senyorito.” Inayos ko ang aking pagkakaupo.  "N-nagtataka lang po ako k-kung bakit dito po ako k-kumakain? H-hindi po ba dapat sa mga kasambahay ako sumabay?“
Tinitigan ako sandali ni Senyorito Seth, bago ito ngumiti.  "Wag kang mag-alala. Ngayon lang 'to dahil kararating mo pa lang. Bukas na bukas, sa kanila ka na sumabay kung gusto mo.” Ngumisi ito. “Pero sa ngayon, saluhan mo ako.  Kumain na tayo.” Nagsimula na s'yang kumain.
Hindi ako mapanghusgang tao, pero parang may mali talaga sa nao-obserbahan kong katangian ni Senyorito Seth. Mula sa kulay ng kan'yang balat na tila nasunog sa araw, may kagaspangan rin sa pagkilos n'ya na hindi tugma sa isang taong may marangyang pamumuhay.  Ilang beses n'yang nabitawan ang steak knife na tila ba hindi s'ya sanay na gamitin iyon. Kung hindi naman nabinitawa'y tila gigil na gigil s'ya sa paghiwa. Daig pa nito ang patay-gutom sa paghigop ng sabaw at dinig na dinig hanggang sa kabilang ibayo ang pagkatakam n'ya sa nginunguyang pagkain.
***
“Ate Bea,” Pinuntahan ko si ate Bea sa kusina kinaumagahan. Naghuhugas s'ya ng pinaglutuan ng umagahan nina Senyorito Seth at Ma'am Valeria  "'Yun ba talaga ang amo natin?“ Kumuha ako ng tuwalya at tinulungan s'yang magtuyo ng mga nabanlawang pinggan.
"H-ha?” Hindi s'ya tumingin sa akin.  "B-bakit mo naman naitanong?“
"Wala lang… para kasing…”
“Hay naku!” Bulalas n'ya. “M-mahuhuli na ako. Kailangan ko nang mamalengke. P'wede bang ikaw na ang tumapos nito?”
Hindi ako tanga para hindi mahalata na iniiwasan n'ya akong makausap.
“S-sige ate, ako na ang tatap–”  Hindi ko pa natatapos ang sagot ko'y tumalikod na s'ya.  Kibit-balikat na itinuloy ko na lang ang pagbabanlaw ng mga natitirang ligpitin.
[Itutuloy]
#uc
0 notes
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 10
Angelica’s P.O.V.
Mahirap ang trabahong hindi ka na magkandaugaga sa dami ng gagawin, pero mahirap din pala ang trabahong halos wala ka namang ginagawa.  Tulad nang sinabi ni Ma'am Valeria, well maintained naman ang kalinisan sa bahay. Walang nagkakalat kaya  kataasa'y puro alikabok lang ang aking pinapasadahan sa bawat pasimano’t sulok-sulok.
Isang buong maghapon pa lang ang lumilipas, parang mababaliw na ako sa pagkainip.  Buong maghapon kasing naging abala si ate Bea–ni hindi nila ako sinabayan ni Dario o maging ni Tibz sa tanghalian, hindi ko rin nakikita si Dario, maging si Tibz, Ma'am Valeria at Senyorito Seth. Hindi ko rin alam kung sa'n sila naroro'n.  Ang bawat isa'y tila may kan'ya-kan'yang lakad at kinalalag'yan, daig ko pa tuloy ang nanunulay sa kawalan.
Alas-sais na nang hapon nakarinig ako ng ingay sa loob ng kusina. Agad akong nagtungo roon sa pagbabaka-sakaling naroro'n na si ate Bea. Pero nagulat ako sa kung sino ang aking nakita… si Dario; ang marungis na si Dariong nagbubuklat ng mga tinakpang pagkain sa bilog na lamesa sa kusina.
“Hello.” Pagbati ko.  Sinulyapan lang n'ya ako pero hindi n'ya ako sinagot. “Pasensya na, akala ko kasi, si ate Bea ka. Buong maghapon ko na kasi s'yang di nakikita.”
Hindi pa rin ito nagsalita; naging abala ito sa paglalatag ng dalawang placemat, dalawang plato at dalawang baso.
“M-matagal ka na ba rito?”  Muling hirit ko kay Dariong… suplado.  Hindi pa rin n'ya ako sinagot. Tila masyado s'yang nakatutok sa mga pagkaing isa-isa n'yang iniinit sa microwave. “Nagugutom ka na ba? Tulungan na kita.”  Lumapit ako sa may lamesa at tinanggal ang platong nakatakip sa kaning-bahaw. Hinintay kong matapos ang adobong manok na iniinit n'ya, bago ako lumapit sa kan'ya para iabot ang isang malaking bowl ng kanin.  Walang imik na inabot naman n'ya ang bowl ng kanin at saka n'ya ipinasa sa akin ang kaiinit lamang na ulam para mailagay ko na sa lamesa.
Nakakailang, hindi lang ang kan'yang katahimikan at pagiging isnabero, kundi pati na rin ang kan'yan katangkaran at laki ng katawan. Nagmistula akong batang bansot sa tabi n'ya, hahanggang dibdib lang kasi n'ya ang inabot ng aking mukha.
Maputi at mamula-mula ang kan'yang balat, kaya’t matay ko mang isipi'y parang hindi naman s'ya mabibilad sa araw para maging isang hardinero.  Kung tutuusin nga'y ‘di hamak na mas maganda pa ang kutis n'ya kay Senyorito Seth; ang hulma ng kan'yang mukha'y maituturing ko ngang mas aristokrato pa kumpara sa aming among mukhang tambay lang sa kanto.
Pasimple ko s'yang pinagmasdan mula ulo hanggang paa.  Marungis lang s'ya at gulagulanit ang damit, pero marahil ay isang paligo lang ang kailanga'y papasa na s'yang modelo o artista. Dumagdag pa sa appeal n'ya ang kakaibang dating ng pagiging misteryoso at tahimik, pati na rin ang pagiging suplado at seryoso.
Pagkalapag n'ya ng bowl ng kanin sa lamesa, hinila muna n'ya ang dalawang silyang magkatabi bago n'ya ako sinenyasang maupo sa isa, habang papaupo naman s'ya sa isa. Pinagmasdan ko naman muna ang hapag at tiningnan kung may kulang pa.
“Ay, sandali,” Sabi ko, “Kukuha ako ng kubyertos.”
Tiningnan muna n'ya ako nang matalim, bago ito ngumisi. “Bakit? Hindi ka ba marunong magkamay?”
Napatanga ako sa kan'yang tinuran; pinagmasdan ko kung paano s'ya sumandok ng kanin at ulam mula sa bulusan, pati na rin ang paghuhugas n'ya ng kamay mula sa maliit na tabong may lamang tubig, bago n'ya inumpisahang kumain nang nakakamay.
Napalunok ako habang umuupo sa silyang hinila n'ya kanina para sa akin. Ganadong-ganado kasi s'ya sa pagkain; hindi man bagay sa kan'ya ang nagkakamay, batid ko naman sa paraan ng pagkain n'ya, na s'ya ay sanay na sanay.
“H-hindi ba natin hihintayin si ate Bea?” Sumasandok na ako ng kanin.
“Sa makalawa pa ang balik no'n dito.”  Hindi n'ya ako tinitingnan; patuloy lang s'ya sa ganadong pagkain.  "Umuwi muna sa kanila kanina, family emergency raw.“
“Ganun ba? Naku, paano pala? Sino ang nagluluto rito kapag wala s'ya?”
Nilingon n'ya ako’t muling tiningnan nang matalim, “Bakit? Hindi ka ba marunong magluto?”
“Marunong.”
“'Yun naman pala eh.”  Muli s'yang nagbalik sa pagkain.
“Pero hindi ko naman alam kung ano ang ihahayin ko para sa amo natin. Paano kung maselan s'ya? Paano kung may allergies pala s'ya sa pagkain na hindi ko alam? Wala naman kasing iniwang instruction si ate Bea kung paano maghanda ng pagkain para sa kan'ya. Paano bukas ng umaga? Anong oras ba sila dapat kakain ng agahan ni Ma'am Valeria? Pa'no sa tanghalian at hapunan?”
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
Muli akong nilingon ni Dario at nginisian, “Ang layo na ng narating ng pag-aalala mo ah! ‘Wag mong alalahanin ang amo, nagsasabi naman parati ‘yun kung kakain s'ya rito o hindi. Kapag agahan, mas madalas, nagpapahatid na lang ‘yun ng kape, pandesal at butter na ipapatong mo lang doon sa lamesitang nasa tabi ng pintuan ng silid n'ya, kasama ang mga peryodiko n'ya. Ayaw kasi no'n ng naabala kaya kakatukin mo lang s'ya ng tatlong beses bago mo sabihing naro'n na ang agahan n'ya, pero hindi mo na kailangang hintayin na pagbuksan ka. Madalang kumain ‘yun ng tanghalian dito at sa hapunan naman, napakadalang din na nakikisalo. Kung ayaw mong mawalan s'ya ng gana… mas mainam na kumain s'yang mag-isa.”
“Eh paano si Ma'am Valer–”
“Hindi natin amo si Valer…” Bakas sa kan'yang mukha ang pag-aalinlangang banggitin man lang ang pangalan. “Hindi mo obligasyong alagaan ang mayordoma. Hindi s'ya ang amo rito. Kung ayaw n'ya sa nakahayin, s'ya na kamo ang magluto. Madalas na nangungulit 'yun na makasabay ang amo sa pagkain, kaya umasa ka na kapag naririto ang mayordoma, mas gugustuhin pa ng amo ang hatdan mo na lang s'ya ng pagkain sa k'warto n'ya.”
“Sa mga sinasabi mo, parang ang suplado naman ni Senyorito Seth. Mukha namang hindi s'ya suplado nang nakasalo ko s'ya sa hapag-kainan kagabi.”
Sandaling natigilan si Dario.
“Bakit?” Matapos ang ilang saglit, “Makikilala mo na ba kaagad ang tunay na pagkatao at pag-uugali ng isang tao sa loob lang ng isang araw?”
Ako naman ang natahimik.
***
Wala akong masabi kay Dario sa kabila ng pagkamasungit nito. Mukhang sanay talaga ito sa pagtatrabaho. Mukhang sanay na sanay ito kahit sa paghuhugas ng pinggan. May pagkukusa rin s'ya sa pagwawalis, pagma-mop at pagtatapon ng basura.  Wala tuloy akong naging silbi kundi ang magpunas ng lamesa.
“Saan ka tumutuloy? I mean, saan ka natutulog?” Ako, habang pinagmamasdan s'yang magtago ng mga floor mops at walis sa kabinet.
“Bakit? Importante bang malaman mo pa 'yun?” Masungit na sagot n'ya.
“Nagtatanong lang naman po ako kung may quarters ka rin na katulad ng ate Bea.”
“Ano naman sa 'yo kung meron o wala?”
“Sobrang suplado mo naman, Dario. Curious lang naman ako kasi pakiramdam ko, nasa maling k'warto ako eh. Daig ko pa ang amo ro'n sa k'wartong pinaglagyan sa 'kin, nag-aalala tuloy ako na baka may kaltas ang sahod ko dahil doon.”
Napahalakhak si Dario. Hindi ko tuloy nalaman kung matutuwa ako sa kan'ya o maaasar.  "O eh ano naman kung may kaltas nga, mukha namang malaki ang s'weldo mo.“
“Hindi p'wede 'yun, kailangan ng pamilya ko ang bawat sentimong kikitain ko. Kung mapupunta rin lang sa k'wartong magara, mas gugustuhin ko na ang matulog sa sahig kahit sa k'wartong kasinglaki lang ng kabinet.”
“Bakit? Anong meron sa pamilya mo na kailangan mong sustentuhan ng buong kikitain mo rito?”
“May sakit ang mga magulang ko.” Malamlam na pagkakasabi ko.  "Kailangan ding maoperahan ng Tatay ko sa lalong madaling panahon."
[Itutuloy]
#uc
0 notes
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 11
Seth's P.O.V.
"Pasens'ya ka na Senyorito, gamuntik na akong mabuking ni Ma'am Valeria."  Pag-uulat sa akin ni Dario sa nangyaring aberya sa kanila ni Auntie Valeria, kahapon ng umagahan.  Napagdesisyunan naming magkita sa labas ng mansyon; sa liblib na tuklong (1), sa ikatlong bayan mula sa amin. "Hindi ko alam na dumating na pala s'ya. Gamuntik na n'ya akong madatnan sa hapag-kainan habang nag-aagahan."
Hindi ako nagsalita, at sa halip, ay tumayo ako mula sa bankong aming kinauupuan, nagtungo sa votive stand (2) sa gilid ng kapilya, para magsindi at magtirik ng apat na kandila.
"M-may susunod na ipagagawa po ba kayo sa akin?"  Salubong n'ya, habang pabalik na ako sa kinuupuan ko kanina.
"Hindi mo na kailangang humarap kay Angelica at kahit kanino simula ngayon.  Sapat na ang ginawa mo."
"P-po? Pero paano na po ang--"
"Bibigyan kita ng ibang misyon, sa labas ng mansyon. May mga pasusundan ako sa 'yo, pero gusto kong ilagay mo muna sa ayos at ligtas na lugar ang pamilya mo. Mag-empake ka na mamayang gabi." Dinukot ko ang isang manila envelope mula sa hidden pocket ng aking suit at iniabot 'yun sa kan'ya. "Nariyan ang mga address at mapa ng mga pupuntahan mo. Isinama ko na rin ang ang panggastos mo, pati na rin ang susi ng kotseng gagamitin mo at bahay na tutuluyan mo at ng iyong mag-ina. Mag-iingat ka."
Pinagmasdan ko ang pagbuklat n'ya sa inabot kong sobre.
"D-di po kaya sobra-sobra itong ibinigay n'yo sa aking pera para sa mumunting serbisyo ko?"
"Ah, hindi. Panggasatos mo lang 'yan sa bago kong ipagagawa sa 'yo." Muli akong dumukot sa hidden pocket ng suit ko at dinukot ang puting sobreng iniabot ko rin sa kan'ya.  "Nasa sobreng ito naman ang pasasalamat ko sa pabor na ginawa mo para sa akin sa bahay."
Binuklat n'ya ang sobre na nilagyan ko ng tsekeng nagkakahalaga ng dalawang-daang libong piso. Nanlaki ang nga mata n'ya.
"Two hundred thousand pesos, para magpanggap lang na ikaw sa isang gabi?" Hindi mapawi ang pagkagulat sa kanyang mukha.
Napatawa ako, "Sorry, pero kasama na ang sahod mo riyan sa dalawang linggong pagpapanggap mong hardinero ko. Tama na sa 'yo ang piso sa isang araw. Lintek ka! Hindi ka naman pala marunong mag-alaga ng halaman, namatay lahat ang puno ng sili ko sa likod bahay ah!" Biro ko, bagama't totoong may mga namatay akong pananim sa hardin dahil hindi n'ya nadiligan nang ayos.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
Kakamot-kamot s'ya. "Eh sorry po, sabi ko naman sa inyo, magaling lang akong mangakyat ng pader, at kumalikot ng mga kandado. Wala po talaga akong alam sa paghahalaman."
"Pino-po-po mo pa ako Dario,  eh pitong taon ang tanda mo sa akin ah. " Tatawa-tawa ako.
Lalong tumindi ang pagkamot n'ya sa ulo.
"P'wede bang magtanong muna ako sa 'yo bago ako sumibat?"
"Ano 'yun?"
"Sino ba si Angelica sa buhay mo?"  Nakangisi s'ya na tila nanunukso, "Bakit kailangan mo pang gawin ang nga ginawa mo? Gumastos ka pa ng pagkalaki-laking kuwarta para magbayad ng hardinero at impostor na sumira pa sa mga punong-sili mo. Kung gusto mo 'yung babae, ba't di mo na lang diskartehan ng diretso. Sa gandang lalake mong 'yan, napaka-imposible naman na hindi mo mapasagot 'yun?"
Hindi ko maiwasang mapangiti; umiling-iling. Sadyang pinipigilan kong 'wag magbigay ng anumang detalye sa kan'ya o kaninuman.
Sino nga ba si Angelica sa buhay ko?
Hindi ko rin sigurado. Basta't ang alam ko... hindi ko na s'ya maalis sa isipan ko simula ng una ko s'yang makita. Maaaring hindi na n'ya naaalala. Maaaring hindi rin n'ya alam na ako 'yun. Basta't ako, tandang-tanda ko pa 'yun, at sigurado ako, na s'ya pa lang ang taong nagdulot ng ganitong katinding epekto sa buhay ko.
***
"Ay kadiri naman ang lalaking 'yan. Taong grasa." Halos gumapang na ako sa tindi ng sakit ng katawan, pero hindi pa rin nag-atubili ang mga tao sa pangungutya sa sitwasyon ko. May iba, wala naman akong ginagawa sa kanila... sinisipa, tinatadyakan at binabato pa ako.
Taong grasa raw ako na palaboy-laboy sa daan. Ang hindi nila alam, napalublob lang talaga ako sa putikan, dahil sa mga dami ng bugbog at bukol sa mukha, saksak sa katawan at tama ng baril sa hita at balikat na tinamo ko, mula sa walong kriminal na nakabangga ko.
Akala ko talaga noon, katapusan ko na. Marami na kasing dugo ang nawala sa akin. Nagdidilim na ang aking paningin sa tindi ng gutom, sakit ng katawan, panghihina at kawalang-pag-asa.
"Teka, paraanin n'yo nga ako!" Dinig kong tinig ng isang babae na pilit humahawi sa mga nagmimiron. "Ano ba naman kayo? Hindi n'yo ba nakikitang sugatan 'tong tao? Sa halip na nakikiusisa ka r'yan, ba't di na lang kaya kayo tumulong? Tabi kayo! Tabi! Alis... alis!"
Nakadapa ako sa lupa, kaya't hindi ko rin s'ya nakikita nang diretso. Ang naramdaman ko lang--at bahagyang naaninag ay ang unti-unting paghawi ng mga tao. At may isang babae, na sa kabila ng kanyang maliit na sukat ng taas at pangangatawa'y naglakas loob na ibangon ako at akayin patungo sa isang taxi na s'yang nagdala sa amin sa pinakamalapit na Ospital.
"Doc, hindi ko po s'ya kaano-ano." Naulinigan kong wika n'ya sa duktor na tumanggap sa akin sa emergency room. "Wala rin po akong gaanong pera bukod dito sa buong s'weldo ko. Kunin niyo na po muna itong lahat mapwera ang pamasahe ko pauwi. Basta't siguraduhin n'yo lang po na makaliligtas s'ya. Malapatan man lang po sana ng pangunahing lunas ang mga sugat n'ya. Kawawa naman po oh." Naramdaman ko ang paghawak n'ya sa aking maputik na kamay. Mainit ang kan'yang palad. Init na hindi pa naiparamdam sa akin ninuman, simula ng pumanaw ang aking mga magulang at kapatid. Init na sapat na para maniwala ako na may pag-asa sa kabila ng trahedya; na may lunas, kahit para sa naghihingalong kaluluwa.
"Pero sino ang p'wede naming kontakin kung ano man ang mangyari sa kan'ya?"  Tanong ng isa sa mga nars.
"Naku, tulad ng nasabi ko, hindi ko po talaga siya kilala at kaano-ano. Nakita ko lang po s'yang gumagapang sa sakit d'yan sa may tulay.  Pero sige po, ibibigay ko na lang sa inyo ang cellphone number ko, kaso baka hindi po ako makakasagot parati dahil parati po akong walang load."
"Sige, ibigay mo na lang sa amin ang number mo. Mabuti na yan kaysa wala. Pero teka, anong ilalagay ko rito sa contact name? Ano bang pangalan mo?"
"Angelica po.  Angelica Gatchalian."
Footnotes:
(1) Tuklong:  Chapel in a Village. Kapilya. (2) Votive stand:  A stand for candle offerings in worship houses.
[Itutuloy]
#uc
0 notes
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 12
Seth’s P.O.V.
“Sir Zandro.” Ang bugaw na si Melai. Tinawagan n'ya ang private cellphone ko sa disoras ng gabi.  "Ba’t ‘di ka na nagagawi rito?  Pasens'ya na,  talagang hindi ko na po mahagilap ‘yung babaeng pinahahanap n'yo sa akin.  Pinuntahan ko na si Melissa, este, si Barbara pala, pero maging s'ya po ay hindi na po nakikita ang kaibigan n'ya. Pero meron po akong mga bago. Mga virgin po at mas magaganda pa sa babaeng pinahahanap niyo. Bumisita naman po kayo ulit minsan para maipakilala ko sila sa inyo.“
Sinadya kong hindi magsalita. Ipinikit ko lang muli ang aking mga mata sa sobrang antok, bagama’t nakalagay pa rin naman sa tenga ko ang cellphone habang ako'y nakadapa.
“Sir Zandro?  Nar'yan ka pa ba?”
Pilit kong iminulat ang aking mga mata. Tsk. Pinakaayaw ko talaga sa lahat ang napuputol ang pagtulog ko.  Hirap na hirap kasi akong makatulog, kaya kapag nakukuha ko ito, ayoko ng iniistorbo ako.
“H'wag na h'wag mo na akong tatawagan.” Napapapikit na sagot ko.
“Pero Sir Zandro, may mga bago ak–”
“Wala akong pakialam…” Sa mas mababang antok na atok na tinig.
“Sir kung bibigyan mo pa ako ng mas mahabang palugit, hahanapin ko po ulit 'yung ipinahahanap m–”
Sa halip na sumagot, ay nanggagalaiti kong itinapon ang cellphone sa pader. Durog na durog naman iyong lumagpak sa sahig.
Sinubukan long magbalik ulit sa pagtulog, pero hindi na ako makabalik pa. Dahil doo'y paniguradong dilat na dilat na naman ako sa buong magdamag.
Nagtungo ako sa study table ko sa loob ng aking silid, umupo ako sa swivel chair sa harap nito at saka ko binuklat ang laptop ko. Sa pagbukas pa lang ng screen, tumambad na kaagad sa akin ang icon ng security surveillance cameras na nakakalat sa buong mansyon. At ito na nga ang dahilan kung bakit kahit hindi ako lumalabas ay alam ko ang lahat ng nangyayari sa bawat sulok ng pamamahay ko. May ganito na ako, simula nang mapagdesisyunan kong umuwi.  Kung mayro'n lang sanang ganitong teknolohiya noong nabubuhay pa ang aking buong pamilya. Siguro, buhay pa sila ngayon.
Habang isa-isa kong tinitingnan ang hindi lang limampung frames ng hidden cameras sa iba’t ibang lukasyon, biglang may nag-pop-up na chat window sa ibabaw ng mga ito.  Isa pa nga palang capability ng security system ko, I can practically snoop on anybody’s gadget which are connected to my wifi.
Chatter 1 (Incoming):  Ate Anne, kamusta ka na?
Chatter 2 (Outgoing):  Che-che! Ok naman ako, kayo? Si Biboy? Sina Itay at Inay, kamusta na?
Mukhang si Angelica iyon at may kausap s'ya sa laptop ko na sadyang inilagay ko sa kan'yang silid.
Chatter 1:  Kagagaling lang namin sa cardiologist ni Itay ate, kailangan na raw talaga s'yang ma-operahan. Humihingi na sila ng down para maisagawa ito.
Chatter 2:  Oo, alam ko 'yun, ang kaso Che, ilang araw pa lang ako rito, sa akinse ko pa makukuha ang kalahati ng buwanang sweldo ko, pero alam ko, hindi pa rin sapat 'yun sa down kaya kailangan ko pa ring hintayin ang katapusan.
Chatter 1:  Pero ate… baka raw kasi lalong lumala ang kundisyon ni Itay kung hihintayin pa natin ang gano'n katagal. Ipinatatanong ni Inay, hindi ka raw ba p'wedeng umutang sa amo mo?
Chatter 2:  Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ko pa kasi masyadong kilala ang amo ko. Nahihiya talaga akong humingi ng pabor, pero h'wag kang mag-alala, magbabakasakali ako para kay Itay.
Chatter 1:  Sige ate, logout na ako.  I-text mo na lang kami kung ano’t ano pa man.
Chatter 2:  Oo, Che-che, sige. Mag-iingat kayo ha?  Iyakap mo na lang ako kay Biboy, at saka kay Inay at Itay.
Nagtapos din kaagad ang kanilang pag-uusap.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
Mahigit sa isang oras kong pinigilan ang tuksong silipin ang frame hidden camera sa loob ng k'warto ni Angelica, pero natalo pa rin ako ng tukso. Pinalaki ko ang angulo sa tapat ng kama n'ya sa screen, na tiyempo naman sa paglabas n'ya sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko alam kung bakit tinablan ako ng hiya nang tanggalin n'ya ang tapis n'ya. Lumilinga-linga pa ako gayung alam kong wala namang nakakakita sa aking ginagawa. Gusto kong magbanal-banalan at kumbinsihin ang sarili kong hindi ko gustong gawin ang hindi tama sa isang disenteng babaeng katulad n'ya… pero sino ba ang niloloko ko kundi ang sarili ko lang.
Napaangat ako sa kinauupuan ko nang biglang humarap si Angelica na walang saplot sa angulo ng hidden camera.  Marami na naman akong nakitang hubad na katawan ng babae pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kinakabahan ako sa kan'ya.
“Shit!” Bigla kong isinara ang laptop ko bago pa ako tuluyang mapatulala sa kan'yang malulusog ba dibdib. “Dammit, Seth.” Nanggigigil na tinampal ko ang sarili ko, para lang tumawa at humalakhak sa kalokohan ko. “Damn, she’s… hot.” Muling tinampal ko ang kaparehas na pisnging tinampal ko kanina, “You’re such a crazy idiot, Seth. A f*cking horny, whackjob!” Bago ko muling tinawanan ang aking sariling kapilyuhan at kabulastugan.
*** Tanghali, kinabukasan…
Bakas sa mukha ni Angelica ang pag-aalala.  Wala  man s'yang sinasabi sa akin–sa katauhang hiniram ko kay Dario ay nababasa ko naman sa kan'yang kilos at galaw ang pamomroblema. Halatang wala na s'yang ginawa kundi ang abangan at hintayin ang paglabas ng nakilala n'yang amo, para siguro kausapin ito (na ako naman talaga).
“Kuya Tibz, may lakad po ba kayo ngayon ni Senyorito Seth?”  Naulinigan kong tanong n'ya sa tsuper kong si Tibz habang ako nama'y nakakubli sa likod ng bintana sa labas ng kusina. Wala naman kasing alam si Tibz sa aking pagbabalatkayo.
“Ha? Bakit mo naman naitanong?”
“Gusto ko po sana s'yang makausap tungkol sa isang importanteng bagay.”
“Ah ganun ba? Naku, mahihirapan kang hagilapin 'yun. May pagkapalos 'yun eh. At saka, napakadalang na ako ang nagmamaneho para sa kan'ya. May sarili kasing lakad 'yun eh. S'ya ang mas madalas na nagmamaneho ng sarili n'yang sasak'yan. Si Ma'am Valeria lang ang madalas kong ipinagmamaneho rito, hindi si Senyorito.”
“Hay naku kuya, magkakasakit na yata ako sa stress. Ano po kaya ang dapat kong gawin para makausap s'ya?”
“Oo nga, namumutla ka na d'yan, relax ka lang. Kung gusto mo, o kung desperado ka na talaga, subukan mong katukin sa k'warto n'ya. 'Yun nga lang, hindi ko maipapangako sa 'yo na hindi ka magkaka-black-eye. Ayaw kasi no'n ng inaabala s'ya eh.”
“Kuya Tibz naman, tinatakot mo pa ako eh. O s'ya, mananghalian ka na. Nakahanda na do'n sa lamesa ang pagkain mo.  Hindi ko alam kung anong oras paparito si Dario para makapananghalian, kaya mas mabuti siguro na mauna ka na. S'yanga pala, dito ka ba maghahapunan mamaya?”
“Malamang na hindi. Ipagmamaneho ko kasi si Ma'am Valeria patungo sa probins'ya n'ya sa Pampanga. Malamang, aabutin na naman kami ng mga tatlong araw do'n. Namamasyal at namimili pa kasi 'yun ng kung ano-ano ro'n. Kay raming pinupuntahan, hindi ko naman kilala kung sino-sino.”
[Itutuloy]
#uc
0 notes
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 13
Seth’s P.O.V.
“P'wede ba? Maupo ka nga! Nahihilo ako sa ‘yo eh.” Masungit na wika ko kay Angelica. Kumakain kasi kami sa kusina'y daig pa nito ang kiti-kiting ‘di mapakali. Uupo’t  tatayo, paroo’t parito. Sumisilip sa pintuan at mga bintana.
“Sorry Dario.” Mangiyak-ngiyak itong muling naupo sa harapan ng hapag-kainan. “Inaabangan ko kasi si Senyorito Seth.”
I know.
“Bakit?”
“Ano kasi eh.”  Pinipisil-pisil n'ya ang kan'yang magkabilang kamay. “Basta!  Kailangan ko lang s'yang makausap.”
“Tungkol naman saan?” Nagpatuloy ako sa pagkain; nagpapatay-malisya.
Hindi s'ya sumagot, at sa halip ay nagbuntong-hininga, iniangkla ang magkabilang siko sa lamesa, bago n'ya sinapo ang kan'yang mukha. Sandali pa'y sumisinghot na s'ya na parang kaunti na lang ay iiyak na.
“Alam mo?  Kung hindi ka kakain, akin na lang ‘yang kanin mo.”  Akmang kukunin ko na ang plato n'ya nang biglang pinigilan n'ya ang aking braso.
“Ano ka ba?!” Singhal n'ya na may kasamang malakas na tampal sa aking kamay, “ Tatatlong kutsara na nga lang ‘to para mas mapalamang kita sa natitirang sinaing tapos kukunin mo pa? Ang takaw mo ha?! Akin 'to!”  Sabay dampot n'ya sa kaning walang ulam at saka n'ya isinalampak lahat sa kanyang bibig.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
Natatawa ako sa hitsura n'ya, pero pilit kong itinago 'yun sa aking kanang kamao, para hindi n'ya mahalata.
“Ano ba kasing pakay mo sa amo?”
“Basta!”
“Anong basta?”
“Basta, may kailangan lang akong sabihin sa kan'ya.”
“Eh ano nga 'yun?”
Sinasak n'ya ako nang matalim na tingin, “Usisero ka rin 'no?  Kapag ako ang nagtatanong sa 'yo, kay sungit-sungit mo. Tapos gusto mo, sagutin ko ang tanong mo?”
“Eh kung ayaw mo 'di wag! Akin na nga 'yan!”  Pabirong kinuha ko ulit ang plato n'ya.
Muli n'yang tinampal ang kamay ko, “Ano ba? Akin sabi 'yan!”  Dumakot ulit s'ya ng kanin at isinalampak ulit 'yun sa kan'yang bibig.
“Bakit ba kanin lang ang kinakain mo?” Tatawa-tawa akong dumampot ng isang pirasong maliit na pritong galunggong na s'yang ulam namin, “Heto ang ulam.” At saka ko pilit isinubo ang buong isda sa kan'ya.
“Hmpf!” Nanlaban s'ya.  Humahalakhak ako habang pilit ko pa ring isinusubo ang ulam sa kan'ya.  Alam kong mas malakas ako sa kan'ya, kaya nang mapansin kong nabibilaukan na s'ya, inihinto ko na at pinabayaan na lang na malaglag ang galunggong sa lamesa.
“Shit ka rin 'no?!” Gigil na gigil na pinagsusuntok n'ya ang kanang braso ko, bago n'ya ako sinakal. “Leche ka ha!” Binitawan n'ya ang aking leeg, pero para lang pingutin ako sa magkabilang tenga.  Napaangat ako sa kinauupuan ko sa sobrang sakit. “P'wede ba, kung tapos ka nang kumain, lumayas ka na rito nang makapagligpit na ako! Buwisit ka.”  Pabulong ang huling dalawang salita.
Pinagtawanan ko s'ya, lalo naman s'yang nainis.
“Ah, alam ko na kung ano ang kailangan mo kay Senyorito Seth.” Nang-aasar na sabi ko sa kan'ya; lukot na lukot ang mukha n'yang inilalagay ang pinagkainan namin sa lababo.
Alam kong narinig n'ya ako, pero alam ko rin naman na sinasad'ya n'yang hindi ako sagutin sa sobrang inis.
“Siguro…” Pagtutuloy ko sa panunukso, “May crush ka sa kan'ya 'no.”
“Tanga!” Hinataw n'ya ako ng placemats. “Siraulo ka talaga!”
“Suuu, kunwari ka pa.” Siniko ko s'ya; agad naman n'ya akong ginantihan.
“P'wede ba Dario, tigil-tigilan mo nga ako ng mga nakababawan mo. Wala akong gusto sa kan'ya 'no.” Maluha-luha na s'ya at sumisinghot. Paminsan-minsang nagpupunas rin ng luha, habang nagkukudkod ng kaserola sa lababo. “Mabuti sana kung gan'yan lang kababaw ang problema ko.” Daig pa n'ya ang isang batang paslit sa paghikbi.
“Ano nga kasi ang problema mo?”
“Baket?” pabulyaw na pagbaling n'ya sa akin; pinandilatan din n'ya ako ng mga mata, “Kung sasabihin ko ba sa 'yo, matutulungan mo ako?” Muli s'yang tumutok sa hinuhugasang kaserola, “Pareho lang naman siguro tayo ng suliranin sa buhay…”
“Pareho?  Bakit? Suliranin mo rin ba ang pagiging habulin ng mga babae?” Nginisian ko s'ya at kinindatan. Lalo s'yang sumimangot.
“Ang supla-suplado mo sa akin nung una,” Nakayuko s'ya at nakatutuok sa hinuhugasan, “Tapos ngayon, ang galing mo namang mang-asar. Kung hindi mo ako trip katrabaho, 'wag mo na sana akong inisin. Marami akong iniisip ngayon, maikli lang ang pasensya ko.”
Napawi ang ngisi ko at pilit nagseryoso. Pinagmasdan ko s'ya; at halatang bagsak na ang balikat n'ya sa pag-aalala sa problema n'ya.
“Sige, seryosong usapan.” Pagbasag ko sa sandaling katahimikan. “So… ano ba 'tong tinutukoy mong magkapareho nating suliranin sa buhay?”
Natagalan bago s'ya nakasagot. “Ano pa… eh 'di kahirapan.” Matamlay na ang kan'yang tinig. Pumihit s'ya at sumandal sa pasimano ng lababo. “'Yung kahirapan na dahilan kung bakit tayo nagtat'yagang manilbihan, ang magpaalila sa iba kahit na mawalay pa tayo sa ating mga mahal sa buhay.” Patuloy ang pagpatak ng mga luha n'yang agad din naman n'yang pinapahiran. “Pero alam mo?”  Sumulyap s'ya sa akin bago muling yumuko para ikubli ang pagtangis. “Wala naman talagang kaso sa akin kahit maging mahirap lang ako buong buhay ko, basta’t 'wag lang magkakasakit ang sinuman sa pamilya ko.  Ang hirap kasi kapag nagkakasakit. Mahal magpaduktor.  Hindi naman tulad ni 'Manong Guard’ ang mga Ospital na I.D. lang p'wede ka nang papasukin. Kailangan mayro'n ka laging pera pang-down, kung hindi… bahala ka na lang sa buhay mo na mamatay sa kalye, maliban na lang kung may maawa sa 'yo, pero paano kung wala?” Nag-umpisa na s'yang humagulhol.
Parang may punyal na tumarak sa aking dibdib. Ako naman ngayon ang hindi mapakali para maitago ang aking reaks'yon.
“Sa hirap ng buhay ngayon…"Dugtong n'ya, “Gaano lang ba kaunti ang mga taong handang magsakripis'yo’t magbigay sa kapwa nila? At sa kakaunting 'yun, paano mo pipiliin ang s'werte mong magawi man lang ang isa sa kanila kung saan ka naroro'n? Mas malamang sa hindi, na walang darating na saklolo. Kung minsan, kahit pa lumuha ka ng dugo, wala pa ring dumarating na tulong para sa 'yo.”
Natahimik ako. Pinakiramdaman kung mayro'n pa s'yang gustong sabihin.
“M-may problema ka ba?”  Nag-aalinlangang pagbasag ko sa katahimikan.
“May sakit ang mga magulang ko. Pero mas malala 'yung sa Tatay ko kasi kailangan n'yang maoperahan sa lalong madaling panahon.  Sa puso kasi ang problema n'ya.  At kung hindi raw s'ya kaagad maooperahan, baka lalong malagay sa peligro ang buhay n'ya. Alam ko, ilang araw pa lang ako rito, kaya nahihiya rin ako sa amo natin, dahil sa kailangan kong hinging pabor sa kan'ya.  Pero kailangan kong lakasan ang loob ko at kapalan ang mukha ko. Baka sakali kasing maaari akong bumale ng dalawang buwang s'weldo ko rito.”
“Kung sakaling mapabale ka nga n'ya, sapat na ba 'yun?”
Umiling ito, “Pang-down lang 'yun. Bahala na lang basta’t ma-operahan na s'ya kaagad.”  Muli s'yang humagulhol.
Naiilang ma'y hinawakan ko s'ya sa braso. Nagulat naman ako nang bigla s'yang sumubsob sa dibdib ko’t nagpatuloy sa paghagulhol doon.  Hindi ko alam kung anong meron sa ginawa n'ya, pero daig ko pa ang nakuryente. Hindi ako makakilos. Daig ko pa ang isang malaking batong hindi makagalaw.
“Ah, eh… k-kung g-gusto mo…"Natatarantang sambit ko, “A-ako na lang ang kakausap kay Senyorito kapag nakita ko s'ya.”
Tumingala s'ya sa akin, “Talaga?!”  Biglang nagliwanag ang kan'yang mukha.
“O-oo. Basta relax ka lang, ok?”
“Jeez Dario!”  Binitinan n'ya ako sa leeg. “Thank you!” Yumakap naman s'ya sa bewang ko. “Ang bait-bait mo naman.” Muli s'yang sumubsob sa dibdib ko. Kinikilig na sana ako nang biglang nakita ko s'yang nakasimangot na inaamoy-amoy ang bandang dibdib ng suot kong sando. “Ano ba 'yan Dario!” Kumalas s'ya sa akin at saka tinapik ang dibdib ko, “Amoy araw ka naman, maligo ka nga!”
Palihim akong napatawa. “Tamo 'to…” Sabi ko, “Nakikiamoy ka na nga lang nagrereklamo ka pa? Saan ka ba nakakita ng hardinerong bilad sa araw tapos amoy fresh?”
“Ah basta!” Nakasimangot na ipinagpatuloy lang n'ya ang pag-aayos sa kusina. “Maligo ka na bago pa mag-evolve sa anghit 'yan.” Tatawa-tawa s'ya kaya alam kong nagbibiro na s'ya. “Ito ang pakatatandaan mo Dario. Kahit anong guwapo n'yang mukha mo; kahit gaano ka ka-macho, kung mayro'n ka namang anghit na malupit, kahit pangit na chick hindi sa 'yo lalapit!”
“Fine.” Kakamot-kamot ako.
“O heto…” May bigla s'yang ibinato, “Catch!”
Nasambot ko naman mula sa kan'ya ang isang malaking calamansi.  "Para saan 'to?“
Bumungisngis s'ya, "Ano pa, eh 'di pampiga mo sa kilikili mo!”
“Ah gano'n…” Sumugod ako para hulihin s'ya.  Humahalakhak na tumakbo s'ya papalayo. Hinabol ko naman s'ya paikot-ikot sa kusina. “Pampiga pala ha? Kapag nahuli kita, ikaw ang pipigain ko.” Para tuloy kaming mga batang gusgusing naglalaro ng patintero.
[Itutuloy]
#uc
2 notes · View notes
tenebrisanimabydp · 8 years
Text
KABANATA 14
Seth’s P.O.V.
Anong ba ang pres'yo ng mga bagay na hindi nabibili? Napakamahal. Sa sobrang mahal ay hindi mo na rin matutukoy kung magkano ba talaga. Tulad ng buhay at hininga, matatamis na ngiti sa labi, halakhak ng kagalakan, katahimikan ng pag-iisip at mga luhang dulot ng nag-uumapaw na kaligayahan.
Mga bagay na ito na walang pres'yong katumbas ng salapi, ay s'ya ring mga bagay na kinuha sa akin sa loob iisang araw lang. Kasama na rin ng kapanatagan ng isipan, ligtas at maaliwalas na kapaligiran, mga pusong kumakalinga at  nagmamahal, pati na rin ang mga pangarap ng kamumusan at pag-asang makamptan ang mas maliwanag at magandang kinabukasan.
***
“H'wag po! Parang awa n'yo na po, gusto ko na pong umuwi sa amin.” Naka-uniporme pa ng eskwela ang batang babaeng nasa tant'ya kong mga nasa edad onse hanggang dose an'yos. Narumhan na ang kan'yang damit; gulo-gulo na ang buhok dahil sa pagkaladkad sa kan'ya ng isang matandang demon'yo sa isang makipot na eskinita.
“Manahimik ka. Sandali lang ‘to sabi.” Pinaghahalikan nito ang batang babae sa leeg, habang nagkakalas ito ng kan'yang sinturon.
Ang tarantadong si Elias.  Wala pa ring pagbabago.  Tumanda lang sa edad at kumulubot ang pagmumukha, pero hindi naman nagbabago ang likaw ng bituka. Matagal nang nangyari, pero paano ko ba makakalimutan na isa rin s'ya sa pumila sa murang katawan ng kapatid kong babae.
Kay tagal kong hinintay na maging mas malaki at malakas kaysa kanilang lahat, dahil matagal ko ring hinintay na isa-isa ko silang pagbayarin sa lahat ng sakit at pasakit na dulot ng kanilang kasamaan, hindi lang sa akin o sa pamilya ko, kundi na rin sa bawat isang walang kalaban-labang mga biktimang patuloy nilang winawasak habang sila'y humihinga.
“Mama! Papa! Tulungan n'yo ako!” Bakas sa mukha ng dalagita ang matinding takot sa demon'yong lumilingkis sa kan'yang murang katawan. “'Wag po!”
Masakit na sa tenga ang hiyaw ng bata… tumatagos ito hanggang dibdib ko.
“Manahimik ka!”  Sinuntok n'ya ang bata sa tiyan. Agad naman itong nanlata.
Tama na. Ito na ang hud'yat ng katapusan ng hindi n'ya mapigilang kamunduha't kasamaan.
“Elias.”  Malakas ngunit kalmado kong pagtawag sa matandang manyakis, 'di kalayuan sa kan'yang bandang likuran.
Natigilan s'ya; nilingon ako. Pagngisi naman ang ipinalit ko sa nanlaki n'yang mga mata.
***
“Ahh! Ayoko na Seth! Parang awa mo na!”
Halos wala nang natitira sa boses n'ya sa ilang oras nang kapapalahaw.
Pinatay ko na ang drill na itinarak ko sa kan'yang kaliwang tuhod, habang nakabitin s'ya nang patiwarik sa mataas na kesame mismong bahay n'ya, malapit lang sa pinagkitaan ko sa kan'yang eskinita.  "Madali naman akong kausap Elias. Simple lang naman ang  tanong ko 'di ba? Saan n'yo dinala ang mga labi ng pamilya ko.“
"H-hindi ko talaga alam, Seth. Wala akong–” Muli kong binuhay ang drill at itinutok 'yun sa kanang tuhod n'ya. “T-teka Seth, s-sandali lang… hindi ko talaga alam, p-pero may sasabihin ako! Parang awa mo na, pakinggan mo muna ako.”
Muli kong pinatay ang drill.  "Sabihin mo na, bago pa maubos ang pasens'ya ko sa 'yo.“
"Maniwala ka sanang hindi ko talaga alam kung saan eksaktong dinala ni Valeria ang mga labi ng pamilya mo, basta’t ang alam ko lang, dinala sila ni Valeria sa bandang Norte. K-kung gusto mong malaman kung sino ang maraming nalalaman, hanapin mo ang kalaguyo ng Tiya mo. Si Jose! O-oo, hanapin mo si Jose! Sila naman talaga ni Jose ang nagplano ng lahat!”
Sinimangutan ko ito, “Ako? Ako pa ang paghahanapin mo kay Jose?!” Muli kong pinaandar ang drill.  Agad din naman s'yang nataranta at nagsisigaw.
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2016, All rights reserved.
Pero naka full volume ang telebisyon at component n'ya. Kung may makarinig man sa sigaw n'ya, alam kong ito'y matatagalan pa.
“A-alam ko kung nasaan si Jose!” Umaatungal na hiyaw n'ya bago pa man lumapat ang drill sa kanang tuhod n'ya.
Muli kong pinatay ang drill.
“S-sa Pampanga… sa San Fernando, Pampanga.”  Dugtong n'ya. “Do'n s'ya nakatira ngayon kasama ng mga anak nila ni Valeria. I-ibibigay ko sa 'yo ang address,  basta’t pakawalan mo muna ako.”
Tumawa ako. Pakawalan daw… ano kayang tingin sa akin ng tarantadong rapist na 'to, gago?
***
Doon pala.
Doon pala nagtutungo ang hudas ko Tiya kapag nawawala s'ya sa mans'yon ng ilang araw. Palibhasa, hindi na n'ya ako kilala, kaya’t hindi rin n'ya alam na nakamasid din ako sa bawat kilos niya’t galaw.  Akala n'ya siguro, porket nakakulong lang ako sa kuwarto'y nakasarado rin ang aking mga tenga at mga mata sa mga nangyayari sa kapaligiran ko.  Doon s'ya nagkamali; at doon ko rin s'ya mababakli sa mga susunod na araw.
Hah!
Tama ang hinala ko. Hindi naman talaga sila naghiwalay ni Jose. Hindi rin s'ya inabandona ng kan'yang mga anak. Naro'n lang sila at nakakubli. Naghihintay lang sa kaliit-liitang ninanakaw n'ya sa akin.
Natatawa ako sa kababawan ng maitim nilang budhi. Habang batid kong pilit pa rin nilang inaalam ang tunay na kinaroroonan ng kayamanan ng pamilya, patuloy pa rin sila sa pagnanakaw ng maliliit na bagay sa aking sariling pamamahay. Pati antique na flower base ni Mama'y hindi pinatawad ni Auntie. Gayun din ang mga ginto at pilak na kubyertos na binili ko pa sa ibang bansa, maging ang mga lumang kagamitan ng aming pamilyang inilagak ko lang muna sa bodega.
Pasimpleng pagnanakaw, paunti-unti para hindi halata; palihim, para walang makaalam pero…tapos na ang mga panahong wala akong muwang. Alam ko ang lahat ng kan'yang ginagawa. Bilang ko ang bawat pirasong kan'yang ninanakaw. Naghihintay na lang ako ng tamang pagkakataon para maibunyag ko sa kan'ya kung paano s'ya nagkamali sa pagiging kampante. Kasabay na rin ng pagsambulat ng aking paghihiganti, dulot ng matinding poot na itinanim n'ya sa aking dibdib.
*** “Hoy Dario, saan ka ba nagsususuot?”  Salubong sa akin ni Angelica habang pumapasok ako sa maliit na gate sa likod ng mansyon.  Aaminin kong nagulat ako, dahil hindi ko inaasahan na magagawi s'ya roon. Napakalayo na kasi noon sa mismong bahay, at walang nakakaalam ng lugar na 'yun kundi ako. 'Yun kasi ang isa sa lihim na daanan ko kapag gusto kong umalis ng bahay nang walang nakakaalam.
“A-anong ginagawa mo rito?”
Namaywang ito at tinaasan ako ng isang kilay. “Kaninang-kanina pa kita hinahanap. Ikaw na nga lang ang kasama ko rito sa haunted mansyon na 'to, hindi naman kita mahagilap. Nilibot ko na ang buong hardin, hindi naman kita makita. Napilitan tuloy akong magkalkal ng basurahan, baka kako doon ka na nakatulog.”
Napangisi ako sa sinabi n'ya. “Eh bakit mo ba ako hinahanap?”  Nag-umpisa na akong maglakad pabalik sa direks'yon ng mansyon, nakasimangot na sinabayan naman n'ya ako.
“Anong bakit? Alas tres na! Kanina pang alas dose nakahayin ang tanghalian. Gutom na gutom na ako! Ang sakit na nga ng ulo ko dahil hapon na, wala pa ring laman ang sikmura ko. Hindi na nga ako nag-agahan dahil sabi ko magba-brunch na lang ako. Ilang oras na kitang hinahanap. Naghisterya na nga ako dahil baka kako kinidnap ka na ng mga multo o mga alien dito. Gamuntik na nga akong mahimatay sa panic, mabuti na lang naisip ko kaagad na wala namang sasambot sa akin dito kapag nahimatay ako kaya kinontak ko na lang 'yung magtatawas sa amin para malaman ko kung anong klaseng maligno ang dumukot sa s'yo. Sabi n'ya, baka raw na-engkanto ka na. Puntahan daw kita sa likod-bahay dahil doon daw ito nakatira, blah…blah.. blah…”
Nagsasalita pa s'ya; putak ng putak, pero mas natawa ako sa kan'ya kaysa mainis. Kung ano-ano kasi ang sinasabi n'yang nakakatawa. Nawala tuloy ang inis ko’t pagod pansamantala. Ganito pala ang pakiramdam ng may nag-aalala sa 'yo. Masarap. Pakiramdam mo'y napakahalaga mo sa isang tao. Naiintindihan ko na ngayon ang pagtawa ni Papa noon kapag nasesermunan s'ya ni Mama kapag ginagabi ito ng uwi; niyayakap lang n'ya si Mama at sinusuyo kaysa ang magdahilan pa't makipagtalo.
[Itutuloy]
#uc
0 notes