Tumgik
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
Vote for the poor people, not for personal influence.
1 note · View note
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
mahusay!! 👍
“Kahirapan, problemang kumikitil sa ating kababayan”
  “Sa buong mundo, ay itinatayang mahigit 9.2% o katumbas ng 689 milyon katao ang dumaranas ng kahirapan, nabubuhay sa matinding kahirapan na may itinatalang kulang sa $1.90 lamang ang kinikita kada araw ayon sa World Bank. Sa Estados Unidos, ay maroong 10.5% ng populasyon (34 milyong katao) ay namumuhay sa kahirapan ayon sa datos noong 2019. Para sa isang indibidwal na naninirahan sa U.S, ang “poverty line” ay nasa $12,880 kada taoon o nasa estemadong $35.38 kada araw.” ayon sa datos na ibinigay ng Google.
Paano mo nga ba masasabi na ang isang tao o pamilya ay nakakaranas ng kahirapan? mayroon tayong tintawag na “poverty threshold” kung saan ito ang tumutukoy sa antas ng kahirapan ng isang tao o pamilya, kung nagagawa mong tugunan ang iyong pangangailangan sa pagkain at pammuhayna mayroon pang kapasidad na tugunan ang luho, ikaw ay hindi nakararanas ng hirap. Kung ikaw naman ay mayroong kakulangan sa pag tutustos sa pagnahing pangangailangan kagaya ng pagkain ikaw ay nakakarannas ng kahirapan at kung halos hindi mo na matustusan ang kahit ang pangunahing pangangailangan, ikaw ay matatawag na salat sa kahirapan. upang paigsiin ito, ayroong tatlong klasipikasyongng kahirapn, ito ay ang: Non-poor, poor at food poor.
Sino nga ba ang maituturing na mahirap? mayroon itinatakdang presyo o sukat ang gobyerno na magiging basehan ng estado ng isang tao o pamilya, at kapag hindi naabot ng iyong kita ang pamantayan ng gobyerno, ikaw ay maaring matawag na mahirap.
Sino-sino nga ba ang mga nagsasagawa ng datos na maaari nating asahan sa ma apagkakatiwlaang impormasyon gaya ng tungkol sa mga ganitong isyu? isa sa pinaka mapagkakatiwalaan ay ang Philippine statistic authority o PSA. sila ang katuwang ng gobyerno upang maghatid n mga gnitong klaseng impormation kagaya ng sarbey.
 anu-anong mga datos ang ginagamit uang maging basehan sa pag tukoy at pagbilang ng dami ng kahirapan? isa dito ang food bundles. ang food bundle ay isang set/grupo ng mga pagkain na mayroon ang bawat probinsya. ito ay nakabatay sa isang national reference food bundle na idinisenyo ng institusyon ng pagkain at nutrisyon o (food and nutrition institution). ito ay grupo ng pagkain na maaari mong mabil sa pinakamurang halaga at nagagamit na pangtugon sa 100% ng pangangailangan ng enerhiya at protina at 80% sa iba pang pangangailangang pang nutrisyon. Presyo ng pagkain -  Ang bawat pagkain sa food bundle ay nilalagyan ng katumbas na halaga gamit ang mga datos sa presyo na kinakalap ng PSA bawat buwan.  Kabuuang kita ng pamilya -  Ito ay nanggagaling sa resulta ng Family Income and Expenditure Survey o FIES. Ito ay isang sample survey na isinasagawa ng PSA kada tatlong taon na naglalayong makapagbigay ng impormasyon sa kita at gastos ng pamilya.
paano nga ba ito nakakaapekto sa ating bansa? isa malaking epekto nito ay ang gutom/tag gutom na nararanasan ng marami nating kababayan, ang kaklangan sa pera na maipang tutustos sa pagkain ay nagiging sanhi ng pagkagutom ng marami nating kababayan, pangalwa ay ang malnutrisyon, kaugny ng nararanasang pagkagtom, sumusnod din ang malnutrisyon dahil sa kakulangan ng nutrisyon at protina na maari nating makuha sa pagkain. isang epekto din ang sapilitang maagang pag ttrabaho ng mga bata, dahil sa kakulangan ng kakayanan ng mga magulang, pinipili ng mga kabataan na magtrabaho upang makatulong sa pag raraos ng ang araw-araw na pangangailangan. pang huli ay ang pagtaas ng bilang ng krimen na may kagnay sa pagnanakaw, nagagawa ng mga taong magnakaw sa kadahilanang ito ang pinaka mabilis na paraan upang kumita ng pera at mabuhay.
ito ay matagal nang problema sa ating bansa at sa buong mundo, ito na rin ang isa sa pinakamalaking problema na sinusubukang resolbahin ng gobyerno di lamang sa ating bansa pati na rin ng buong mundo. Marami nang buhay ang nasayang dahil sa mga masamang epekto ng kahirapan, nawa’y matuldukan na ang mga ganitong klase ng problema upang nawala na ang Kahirapan na kumikitil sa bhay ng ting mga kababayan.
mga artikulo na ginamit na basehan ng blog:
: https://psa.gov.ph/sites/default/files/FAQ%20on%20Poverty%20Statistics%20Methodology%20-%20Filipino.pdf
: https://borgenproject.org/effects-of-poverty-in-the-philippines/
6 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
magaling!
Pandemya
Ano ba ang Pandemya?
Ang pandemya ay isang epidemya ng isang nakakahawang sakit na kumalat sa isang malaking rehiyon, halimbawa sa maraming kontinente o sa buong mundo, na nakakaapekto sa isang malaking bilang ng mga indibidwal.
Paano nagaganap ang isang Epidemya?
Ipinagpapalagay na nag simula ang Epidemyang COVID-19 sa pilipinas nang magkaroon na imported na kaso mula sa isang tao o mga tao na may impeksiyon na pumasok sa pilipinas. Ang tao o mga taong may virus na ito ay ang pinakaunang natukoy na kaso ng nakahahawang sakit (index case) na nagkalat ng virus sa iba dito sa bansa. Hindi kabilang ang (mga) index case, lalo na yaong hindi naman naging dahilan ng lokal na transmisyon, sa bugso ng epidemya (epidemic wave).
Pagkaraan ng panahon ng ingkubasyon, unti-unti nang nagkakaroon ng sintomas at klinikal na mga senyales ang mga taong nahawahan–kaya sila humingi ng atensiyong medikal. Dagdag dito, dahil sa banta ng pandemya, mas pinaigting ng bansa ang pag-iingat at dinagdagan ang kapasidad sa screening ng mas maraming tao. Kaya, makikita ninyo ang mabilis na paglaganap at pagdami ng mga kaso (tingnan ang Pigura). Ang kaluwagan sa pagbiyahe sa eroplano, mga transportasyong panlupa, o sa bangka at barko ang higit na nagpabilis sa paglaganap ng virus sa Pilipinas. Kaya, nagkaroon tayo ng epidemya (ibig sabihin, kumalat na ito pati sa maraming probinsiya at nakapanghawa ng libo-libong mga tao.)
Iba man ang simoy ng hangin ngayong Pasko dahil sa pandemya, hindi ibig sabihin nito ay cancelled na ang celebrations kasama ang pamilya at mga kaibigan. Mahalaga sa bawat pamilya, lalo na sa bawat bata, na panatilihing buhay ang diwa ng Pasko sa kabila ng lahat ng naranasan natin dahil sa pandemya. Ngunit mahalaga rin na protektahan natin ang ating mga sarili at mahal sa buhay sa COVID-19.
Ang patuloy na kaligtasan at pag-aalala sa isa’t isa ang pinakamagandang regalo ngayong Pasko. Hindi man tulad ng dati ang ating Pasko ngayon, maaari pa rin tayo magdiwang at magsaya, basta’t tiyakin na alam mo kung paano mapapanatiling ligtas ang iyong pamilya at mga kaibigan
87 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
Mahusay ang iyong gawa!
ONLINE SCAM
Blog ni: Anna Nicole B. Maong
Baitang 10 - Pangkat Bl.Ambrose
Sa ating kalagayan ngayong pandemya ay karamihan sa atin ay hindi maaaring lumabas ng bahay upang mamili at magshopping ng ating mga nagugustuhang gamit sa mga mall. Karamihan sa atin ay nasa ating mga tahanan lamang kaya’t tayo ay nakakita o nakahanap ng alternatibong gawin upang makapamili pa rin ng gamit kahit nasa bahay lamang, at ito ay ang pamimili online. Ang madalas nating gamitin upang mamili ay ang Lazada at Shopee. Ngunit hindi lahat ng nagbebenta rito ay tapat sa kanilang ibinibenta.
 Ano ba ang Online Scam?
        - Ang Online Scam ay isa sa mga problemang kinahaharap ng ating mga kababayan sa panahon ngayon dahil madaming tao ang mga naghihirap at hindi makalabas sa kani-kanilang mga tahanan kaya naman ay minsan may mga taong dahil sa kahirapan sa buhay ngayong pandemya ay naghahanap ng mapag kaka kitaan “online”. Ngunit sa halip na kumita sila ay nabibiktima ng mga taong nagagawang manloko dahil sa hirap ng buhay sa paglaban sa pandemya.
Anong klaseng aplikasyon ang kadalasang ginagamit ng mga tao sa Online Scam?
     - Karamihan sa ating transaksyon ay ating ginagawa online. Minsan ay pinadadaan ang ating mga pagbabayad sa pamamagitan ng kilalang aplikasyon na “Gcash” o “PayMaya”. Dahil sa paggamit ng mga applikasyong ito ay maraming tao ang nabibiktima ng panloloko.
Mayroon din naming mga tao na madaling maloko pag dating sa mga bagay na sa tingin nila ay makakatulong sakanila sa pag angat sa kanilang buhay ang hindi nila alam ay ito ang lalong mag papahirap sa kanila. Kagaya na lamang ng mga nagkalat na impormasyon sa social media na sinasabing kikita sila ng Malaki kapag sila ay nag invest sa isang Negosyo. Ngunit pag nakapag invest na sila ay hindi nila mamamalayan na sila ay nawalan na ng mga halagang akala nila ay madadagdagan, ngunit ang totoo sila ay nawalan at hindi na maaaring maibalik dahil karamihan sa mga tao ay bigla na lamang silang tatakasan at maglalaho ng parang bula.
Paano natin maiiwasan ang Online Scam?
        - Sa panahon ay humaharap tayo sa isang malaking pagsubok sa ating mundo, kung kaya’t marami satin ay kumakapit na lamang sa mga “Online Selling”. Maiiwasan natin ito sa pamamagitan ng pagkilatis ng mabuti sa mga bagay na ating bibilhin o pag wawaldasan ng ating pera. Huwag tayyong basta basta maniniwala sa mga nakikita natin na magaganda dahil lamang sa mga magagandang litrato. Kailangan nating maging mapanuri at mapag matyag sa lahat ng aseto ng ating buhay upang hindi tayo ma scam o mabiktima ng mga panloloko. Dahil hindi natin alam ang takbo ng isipan ng lahat ng tao kaya dapat na lagi tayong mag ingat at huwag pa dalos dalos sa ating mga ginagawa.
 Walang taong manloloko  sa taong hindi nagpapaloko.
 Maraming Salamat!
64 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
magaling!
Kahirapan, kailan kaya masosolusyunan?
Likha ni: Jame Chlowei Hortillas Sa tingin ko ang kahirapan ang pangunahing isyung panlipunan ng bawat bansa, dahil lahat ay apektado. Lahat ng tao ay apektado, hindi lang ang mahihirap. Mahirap makamit ang paglago ng ekonomiya dahil sa kahirapan, at isa rin ang kahirapan sa mga pangunahing sanhi ng krimen. Ang hindi pagkakapantay-pantay, sa kabilang banda, ang pinaniniwalaan kong nagdudulot ng kahirapan. Hindi lahat ay may kakayanan sa mga pangunahing pangangailangan, magandang edukasyon, at disenteng trabaho. Gayunpaman, hindi lamang ito ang mga sanhi ng kahirapan; marami pang iba. Ngunit paano natin ito mapipigilan? Bilang mga mamamayan ng ating bansa, bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na dapat gampanan sa paggawa ng mundo na isang mas magandang lugar para sa ating lahat; dapat magsimula sa atin. Bawat isa sa atin ay makakasigurado na walang maiiwan sa pamamagitan ng mga simpleng bagay, kahit tayong mga mag-aaral ay may malaking bahagi bilang ahente ng pagbabago. Walang iwanan dapat.
Masyadong malawak ang salitang kahirapan o napapanahong isyu ng ating mundo, pero totoong isa na nga don ang kahirapan o tinatawag na poverty. Madaming dahilan bakit tayo may ganto sa bansa natin o sa mundo, maging mulat na tayo rito dahil kailangan natin itong ipalandakan sa mundo. Ibibigay ko ang mga dahilan at ipapaliwang bakit. Una may mga taong hindi na ginustong mag tapos o mag trabaho dahil sa mataas na pamantayan ng paaralan na aminado naman tayong hindi pantay pantay ang estado ng buhay natin. Pangalawa korupsyon, kung tutuusin sa taas ng tax ng ating bansa kaya na tayo nito paaralin ng libre sa dami ng taong nag babayad hindi na dapat tayo nag kakautang at sapat na sana para satin ngunit dahil sa korupsyon maraming naghihirap. Pangatlo aminin na natin na nasanay na tayong mga tao na mawalan ng importansya o nasanay na ignorin ang mga nangangailangan, nawalan na tayo ng bayanihan sa bawat isa. Napaka dami pang dahilan ng kahirapan iba’t ibang pananaw iba’t ibang kaisipan at sitwasyon. Sa makatuwid natuto ang mga tao na hindi magkaisa at nag lalamangan ang mga nakaupo sa ating administrasyon imbis na tayo ay tulungan, sila pa tong sanhi ng kahirapan. Ang mga taong nasa itaas ay may pagkasakim. Nawala na sa atin ang importansya ng bawat isa mapamayaman ka man o mahirap may posisyon sa bansa o wala, nawala na yung ika nga nila “We Heal as One”.
61 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
magaling!
Tamang Impormasyon
Palapit nanaman ang eleksyon at marami nanaman ang mangyayari sa gobyerno. Marami nanamang maghahalungkat ng impormasyon sa bawat kandidatura mula sa mga tatakbo sa pinakamataas na posisyon hanggang pinakamababa na posisyon. Laganap nanaman ang pekeng balita at pekeng impormasyon na maaring paniwalaan ng mga baguhan palang sa botohan. Marapat na magsaliksik ng tamang datos o bilang sa lahat ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Hindi tama na makinig ka lang sa isang panig, dapat ay pakinggan mo din ang kabilang panig kahit na ayaw mo itong pakinggan.
Ang pagsasaliksik ng tamang impormasyon ay maaring makamtan sa pagtatanong, panonood ng luma at orihinal na video, pagbabasa ng mapagkakatiwalaan na balita at iba pa. Ang pagtatanong sa mga nakakatanda ay maaring mapagkuhanan ng impormasyon dahil isa sila sa mga possibleng nakaranas nito o sa panahon nila nangyari ang mga itatanong. Kumbaga, ang pagtatanong sa nakakatanda ay hindi fake news dahil personal nilang naranasan ito. Magiging fake news lang ito kung sila ay na misinformed. Ang panonood ng luma at orihinal na video o mga tunay na kaganapan ay maaaring makatulong para magkaroon ka ng idea o opinion sa tunay na nangyari o sinabi.
 Ang mga luma at orihinal na video ay bihira mo nalang makikita dahil sa kalumaan nito. Pwede mo din makita dito ang mga ginawa nila, sinabi nila, o pamumuno nila. Maari mo ding makita dito ang mga debate na pwede mo makuhanan ng impormasyon tungkol sa aspeto ng kandidato. Ang pagbabasa sa pinagkakatiwalaan na balita ay ang pinakamahirap na mahanap sa lahat. Dapat ay magsaliksik ng maigi kapag ikaw ay maghahanap sa sa internet dahil marami dito ay mga bias o naghahatid ng maling balita.
Marapat ding malaman na madali lamang makontrol ang balita pag ikaw ay may posisyon o maraming pera. Huwag kang makampante sa isang datos na nalaman o nabasa. Matuto kang maghanap ng tunay at totoong impormasyon tungkol sa kandidatong ito. Dahil hindi sa lahat ng oras internet and mapagkakatiwalaan. Minsan, kailangan mo lang ng isang katangian ng kandidato para sya ay iyong botohin. Tandaan na walang malinis na tao sa mundo, walang perpekto at huwag maging bias. Maging isang mamayang Pilipino at isipin ang susunod na henerasyon sa pagbagsak ng boto. Wag agad maniniwala sa mga sabi sabi. Dahil ang madaling maloko ang syang kawawa sa huli.
62 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
magaling!!
“Teenage Pregnancy”
Sa kasalukuyang panahon ang teenage pregnancy ay tumataas.Ayon sabalita patuloy ang pagtaas at pagdami ng mga kabataan ang nagiging magulang kahit menor de edad pa lamang.(Ayon sa mga eksperto at grupo na nakatutok sa isyu ng populasyon, karamihan ng nabubuntis ngayon o nagkakaasawa ay dahil sa kulang sa edukasyon na nakuha umano sa paaralan, gayundin sa kanilang komunidad. Kung hindi matutugunan, posibleng sumipa sa higit 133,000 ang mga menor de edad na mabubuntis sa pagtatapos ng 2021.Minamadali na ng Popcom ang pagbibigay ng social protection sa mga batang ina.“Ngayong taon pa lang, ni-recognize na ng Congress na ang teenage mother at ‘yung kanyang anak ay kailangan nang maisama sa social protection,” ani Perez.Ang benepisyong ito ay itinutulak nang maisabatas para maisama sa taunang budget.–Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News) https://news.abs-cbn.com/news/02/17/21/mga-menor-de-edad-na-nabubuntis-patuloy-na-dumarami
Mas lalong tumaas ito dulot din ng pandemyang kinakaharap natin ngayon.Bilang isang kabataan dapat tayo ay maging responsable sa ating ginagawa.Isipin ang maaring maging resulta nito.Bilang isang kabataan ako ay nalulungkot na patuloy itong tumataas.Wag sayangin ang tiwala ng ating mga magulang.Malaking responsibilidad ang pagiging magulang.Hindi ito laro na pwede kang umayaw kapag ayaw/sawa ka na.Matuto tayong maging responsableng kabataan.Maging magandang ehemplo sa mga mas nakakabata sa atin.Magtapos ng pag-aaral at maghanap ng magandang trabaho.Wag sayangin ang sakripisyo ng ating mga magulang.Suklian ang mga nagawa nilang sakripisyo para sa atin.
Sikapin natin na wag pataasin at padamihin ang pagbubuntis ng maaga.Maging alisto tayo sa ating mga ginagawa.Nawa’y maging babala ito sa mga kabataan.Huwag magpadalos dalos sa mga gagawin sa buhay.Huwag na munang dumagdag sa mga responsibilidad ng magulang.Maging masaya at kontento muna sa pagiging kabataan.Libangin ang sarili sa ibang mga bagay.Subukan na mag pokus sa pag-aaral,kaibigan,pamilya.Huwag gawin ang mga bagay na hindi pa nararapat sa iyong edad.Mas maganda magkaron ng pamilya kapag handa ka na at handa ka na sa mga responsibilidad.
21 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
magaling!!
'Polusyon'
Blog ni: Ayesha Avy V. Miles
Isa sa mga hindi natatapos na problema ng ating bansa ay polusyon. Ano ba ang polusyon? Ang polusyon ay isang pagbabago sa kapaligiran na masamang nakaaapekto sa kalusugan ng mga halaman, hayop, at tao. Mayroong iba't-ibang uri ng polusyon ito ay ang polusyon sa hangin, lupa, tubig, at ingay.
Ano ang mga pinagmulan o dahilan nito? Ang polusyon sa hangin ay sanhi ng nga pagawaan o pabrika, usok ng mga sasakyan, at pagsusunog ng mga basura, dahon o kahit anong bagay. Ang polusyon sa tubig at lupa ay sanhi ng kawalang disiplina ng mga tao, gaya ng hindi pagtatapon ng mga basura o kahit maliit na balat ng kendi sa tamang basurahan. Malaki ang epekto nito sa tubig maari itong makabara sa mga kanal na nagdudulot naman ng pagbaha, at ang pagbaha ay isa din sa mga pinagmumulan ng sakit. Ang huli ay polusyon sa ingay na mula naman sa isang komunidad na mataas ang populasyon.
Bakit hindi matapos ang problema sa polusyon sa ating bansa at paano natin ito masusulusyunan? Isa sa pinaka dahilan ay patuloy na pag unlad at paglaki ng populayon sa ating bansa, patuloy itong nagiging problema ng ating bansa dahil hindi ito prinaprayoridad ng gobyerno, may mga tao din na walang disiplina at walang pake saating kalikasan. Ito ay dahil saating kapabayaan sa ating kalikasan, tayo ang gumawa ng problemang ito, kaya't tayo rin dapat ang makalutas nito. Masiyado nating inabuso ang ating kalikasan, tapon dito, tapon doon, putol ng puno dito, putol doon. Ang tanging sulusyon sa polusyon ay ang pagkakaisa at pagkakaroon ng disiplina ng mga tao upang mas alagaan ang ating kalikasan, ang kaunting tulong ng isa ay malaki na ang dulot, papaano pa kung madami ang nagkaisa.
Tayo rin ang maaapektuhan ng ating kapabayaan, maaring pagmulan ng mga sakit ang polusyon sa hangin, lupa, at tubig. Ang sobrang polusyon sa hangin ay nakakaapekto saating klima, dadating ang panahon na sobrang iinit ang mundo at magdudusa ang mga tao. Nais mo pa bang hintayin na mangyari iyon? Nasa huli ang pagsisi, kaya't tayo ay makiisa sa mga programa ng bawa't barangay upang masagip ang ating kalikasan. Sa problemang ito tayo ang dahilan tayo din ang kasagutan!
Link ng pinagbasihan: http://joolsquisao.blogspot.com/2015/10/polusyon.html?m=1
59 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
👏👏👏
“Kawalan ng trabaho, hadlang sa pangarap ng mga Pilipino”
Kawalan ng trabaho ay matagal ng suliranin sa PIlipinas, ngunit sa mga panahong ito tila'y lumala lamang at walang tanda na ito ay mareresolba at masosolusyonan sa mga darating na panahon. Ayon sa datos, noong Setyembre 2021 ang naitalang porsyento ng mga Pilipinong walang trabaho ay umabot sa 8.9%, ito’y kasabay ng pagsiklab ng COVID-19 na naging dahilan ng pagtigil iba’t ibang trabaho at nagpahirap sa napakaraming Pilipino.
Ang kawalan ng trabaho ay tumutukoy sa pagiging walang kakayahan o hindi kwalipikado sa isang trabahong ninanais at gustong tahakin. Karamihan sa mga Pilipinong walang trabaho ay hindi nakapagtapos o walang karanasan sa pag-aaral, kung kaya’t kadalasan hindi nila matugunan ang kwalipikasyong hinahanap sa hanapbuhay na kanilang ninanais.
Ang kawalan ng trabaho ay may malaking epekto sa kahirapan, porsyento ng krimen, ekonomiya, kalusugang pangkaisipan, at marami pang iba. Ang kahirapan ay isa sa epekto ng kawalan ng trabaho, ito’y dahil sa patuloy na hindi pagdating ng kita o pera; Dahil dito ay hindi nila matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao tulad na lamang ng pagkain, tirahan, at damit. Isa pang epekto ng kawalan ng trabaho ay ang porsyento ng krimen, ang isang tao ay napipilitang gumawa ng krimen para gaya ng pagnanakaw upang may maipangkain sa araw-araw. Dahil sa pagiging hindi kwalipikado sa iba’t ibang trabaho, ang paggawa ng krimen o hindi mabuti ang tangi nilang naiisip na paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Ang karagdagang epekto nito ay ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa, ang patuloy na pagtaas ng Pilipinong walang trabaho ay nakakaapekto sa pondo ng bansa dahil kailangan nilang tugunan at tulungan ang mga Pilipinong walang kakayahan na suportahan ang kanilang sarili at pamilya. Dahil sa patuloy at walang tigil na nagagamit ang pondo ay naaapektuhan ang ekonomiya ng bansa lalo na’t ang kawalan ng trabaho ay nagreresulta sa hindi pagbabayad ng buwis. At ang huling apektado ang ang kalusugang pangkaisipan ng taong patuloy na naghahanap ng trabaho, dahil sa pag iisip ng solusyon sa napakaraming problema ay napapabayaan na nila ang kanilang kalusugan. Ito ay iba lamang sa epekto ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas.
Sa aking palagay, ang kawalan ng trabaho ay isa napakalawak na suliranin sa ating bansa dahil sa patuloy na pagdami ng pamilyang naapektuhan nito. Ito ay isang bagay na dapat pang pagtuunan lalo ng pansin dahil isa ito sa sumisira ng pangarap ng mga kabataan sapagkat ito ay nagdudulot ng kahirapan na humahadlang sa mga layunin at ambisyon ng Pilipino. Ang solusyon na aking iniisip ay ang pagbibigay ng pagkakataon na makapagtrabaho ang ating kapwa Pilipino na hindi nakapagtapos o kaya’y mababa lamang ang antas na natapos sa pag-aaral. Isa pa sa solusyon na aking naiisip ay ang paglikha ng mas direktang ugnayan sa pagitan ng edukasyon at trabaho. Ang ibang Pilipino na nakapagtapos ng pag-aaral ay nawawalan ng oportunidad na makapagtrabaho dahil sa limitadong trabahong inaalok sa ating bansa, dahil dito ay nasasayang ang kanilang pinag-aralan at mas ninanais na tahakin ang ibang trabahong walang kinalaman sa kurso na kanilang natapos. Kaya isa sa solusyon ang pagsulong ng mas malawak at direktang ugnayan ng edukasyon at trabaho.
Ang mga solusyong aking nilahad ay walang ibang layunin kundi mapabuti at mapaunlad ang ating bansa. Ito’y upang mabigyan pa ng oportunidad ang ating kapwa Pilipino at maglahad ng kaalaman sa mga napapanahong isyu sa ating bansa na dapat pang pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno at nating mga Pilipino. Dapat tayong kumilos at mag isip ng solusyon na makakapagpaisa sa ating lahat.
41 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
👏🙌👏
“Kahirapan Ng Taong Bayan”
Kahirapan ang isa sa mga malaking isyu na kinakaharap ng ating bansa, lalo na’t ngayong pandemya. Pero sino nga talaga ang may kasalanan ng kahirapan? tayo nga bang mga pilipino o ang gobyerno? Walang punto kung tayo ay mag sisisihan dahil walang may gusto sa nangyayari ngayon ngunit mas makakatulong kung maayos na'tin ang ating systema at pamamalakad. Ang kahirapan ay matagal na na'ting kinakaharap pero hanggang ngayon hindi parin na'tin ito matapos tapos. bakit nga ba? Ito ba ay dahil sa pamamalakad ng gobyerno? hindi patas na mang sisi tayo ng ibang tao pero kung may mga ebidensya o nag papatunay na sila ay nagnakaw ng pera ng taong bayan hindi ba’t patas lamang na sila'y makulong at ibalik ang perang kanilang ninakaw? Kahirapan ang dahilan kung bakit milyon milyong pangarap ang nasira/nawasak at Kahirapan ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Pero ano ano nga ba ang sanhi ng kahirapan? Rason: mababa hanggang katamtamang paglago ng ekonomiya sa nakalipas na 40 taon, kahinaan sa pagbuo ng trabaho at ang kalidad ng mga trabahong nabuo, mataas na antas ng paglaki ng populasyon, kabiguan na ganap na mapaunlad ang sektor ng agrikultura at marami pang iba. Ito ay iilan lamang sa mga rason kung bakit may kahirapan sa ating bansa.
 Pero sa panahong ito mahirap mang sisi ng ibang tao dahil wala naman ang gumusto sa mga problemang ito ay wala rin magagawa ang ating pag sisi dahil hindi naman ito makakatulong para maalis ang kahirapan sa bansang ito, ang magagawa lang natin ay mag pursigi at lawakan ang pang unawa para matapos na ito. Mas mabuti rin kung tayo ay mag tutulungan halimbawa, kung tayo man ay meroong extrang pagkain pwede natin ito idonate sa mga walang makain o kung mga may damit tayong pinag lumaan pwede natin ito ibagay sa mga walang masoot na damit. ang pag tulong ay hindi kailangan grande o bonga, basta lang naka tulong ka sa ibang tao. Tayo rin ay mag dasal rin na matapos na ang kahirapan na ito, hindi nman tayo mawawalan kung mag dadasal tayo. Wala tayong tao, bagay o kung ano man ang masisisi sa nang yayaring ito, hindi ang sarili nyo o ang gobyerno.
29 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
👏👏👏
Pamagat:Ako at ang Mundo
"Maayos na sistema sa Edukasyon, Bigyang pansin ng pamahalaan"
Muling binuksan ang mga pasyalan sa publiko kasama na dito ang mga bata na maari ng pumasok sa mga malls at iba pang establisyemento. Ngunit ang mga paaralan ay sarado pa din para sa mga mag aaral. Ayon sa datos ng DepEd mula sa 27.03 milyon na mag aaral noong 2019 bumaba ito sa 26.03 milyon ngayong taon kung susumahin umabot sa 1 milyon ang nabawas kahit na ang iba dito ay nakapagtapos na marami pa din ang nabibilang sa listahan ng mga drop out. Sila ang mas piniling huminto na lamang kaysa ipagpatuloy ang pag aarala; ang iba ay nahihirapan sumabay sa sistema; samantala ang iba ay hindi abot ang kwalipikasyon upang ipagpatuloy ang pag aaral. Bakit nag bubukas ang establisyemento sa mga kabataan? Kung ang paaralan ay sarado pa din kahit na mas kailangan namin ng maayos na sistema ng edukasyon kaysa sa mga establisyemento na ito. Alam ko na nasa gitna tayo ng pandemya delikado ang pagtitipon, delikado ang paglabas kaya baka hindi pa din binubuksan ang mga paaralan, ngunit bakit nagbukas ang mga establisyementong ito sa mga kabataan? Mas delikado ang sitwasyon.
Kung inyong nabalitaan ang "SLU suicide cases" isa itong halimbawa ng hirap ng mga estudyante sa gitna ng pandemya. Hindi lamang maliit na dulot ang nagagawa nito maraming buhay na ang binawi. Noong buwan ng Oktubre naitala ang sampung kaso ng pagpapatiwakal sa paaralang ito. Isang paaralan pa lamang ito paano ang mga kaso na hindi naibalita o nabigyan ng pansin ngunit iisa lamang ang dahilan. Masyadong sensitibo ang usaping ito ngunit ito ang katotohanan na masyado ng mahirap ang bagong sistema sa pag aaral. Tambak na gawain na kailangang tapusin upang makapagtapos. Hindi ko binabatikos ang mga guro alam ko na nahihirapan din sila sa sistemang ito ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho at sumusunod sa kanilang tungkulin. Marami ring guro ang may edad na at nahihirapan makisabay sa mundo ng teknolohiya. Maraming ring estudyante ang lumipat sa pang publikong paaralan na noon ay nasa pribadong paaralan, dahil na rin sa hirap at  patuloy pa din ang pagbabayad nila ng matrikula na mas mahirap dahil marami na din ang nawalan ng trabaho sa gitna nitong pandemya. Hindi lamang nakapaikot ang isyu na ito sa mga mag aaral ito ay isang malaking isyu na kailangan mas bigyang pansin. Minsan ako'y napapaisip nag-aaral ba ako upang matuto? O nag-aaral ako upang mag pasa lamang ng mga gawain upang makapasa? Kung patuloy pa din ang ganitong sistema mas may posibilidad na mas bumaba ang bilang ng mga mag aaral at pagtaas ng bilang ng mga kaso ng suicide at sakit sa kalusugang mental. Maraming kinabukasan ang nakasalalay sa antas ng edukasyon, kinabukasan na kayang baguhin ang kahirapan ng bawat isang Pilipino, mga pangarap na hinuhubog ng paaralan. Bigyan ng pansin ang mga mag aaral kailangan din namin ng tulong upang maiahon ang aming mga pangarap.
Sanggunian:
https://balita.net.ph/2021/10/31/kaso-ng-suicide-sa-slu-umakyat-na-sa-10-panawagan-ng-mga-estudyante-academicbreaknow/
https://www.google.com/amp/s/mb.com.ph/2021/09/15/deped-surpassed-last-years-enrollment-with-26-3-million-enrollees-for-sy-2021-2022/%3famp
42 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
magaling!!
COVID-19 Vaccine
May iilang mga tao pa rin ang hindi nagtitiwala at hindi nagpapabakuna dahil sa mga isyung kumalat dahil sa epekto ng gamot. Ano nga ba ang COVID-19 Vaccine? Ito ay gamot para maiwasan at hindi lumala ang sakit na dulot ng Corona Virus sa ating pangangatawan. Marami pa ring mga kababayan natin ang natatakot magpabakuna, noon man at sa kasalukuyan. Dahil sa mga isyung kumalat tungkol sa pagbabakuna, marami ang nagsasabi na pag-aalangan sa pagbabakuna ay pagiging ignorante ng isang tao. Ngunit sinasabi nang mga dalubhasa sa paggawa nang desisyong medikal na ang mga pagpipiliang ito ay kadalasang resulta ng maraming kumplikadong mga salik na kailangang matugunan nang sensitibo, kung mayroon tayong anumang pag-asa na maabot ang kaligtasan sa antas ng populasyon. Dagdag na impormasyon pa ang ilang taong ayaw magpabakuna ay dahil sa relihiyosong paniniwala, ilang komunidad ng relihiyon ay naniniwala na ang pagpapabakuna ay nagpapakita lamang ng kawalan ng pananampalataya. At isa pang dahilan ay ang ilang mga tao ay nagpahayag nang kanilang mga pagdududa tungkol sa komunidad ng mga siyensya. Ang pagbabakuna ay ipinatupad para sa lahat upang masigurado ang kaligtasan ng mga tao laban sa virus na ito. Ayon kay Pope Francis, ayos lamang sa mga mananampalataya na magpabakuna, dagdag pa nito ang pagpapasalamat sa Diyos dahil sa pagkakaisa ng karamihan. Katotohanan naman na lahat ng tao ay hindi pare-pareho pagdating sa mga epekto ng bakuna, bilang isang residente at estudyante na nabakunahan, mas mabuti ang mabakunahan kesa mahuli pa ang lahat. Hindi natin alam kung ano na ang haharapin at nakahanda satin sa bukas. Ang pagiging maingat lamang ang unang prayoridad ng lahat, ang bakuna ay dumaan sa malalim na eksperimento at wala dapat ipagbahala.
Pinagmulan ng impormasyon:
44 notes · View notes
angelamaygeronimo01 · 2 years
Text
Dulot Ng Pandemya
Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa pandemya na ating nararanasan sa kasalukuyan. Hindi maipaliwanag ang sakit na napinsala nito sa ilang milyong pamilya na nawalan ng mga mahal sa buhay. Ang higit na nahirapan ay ang mga mahihirap na nagkalat sa buong mundo. Hindi malaman ang kanilang gagawin, namomroblema kung paano sila makakakain sa araw araw. Umiiyak dahil sa kawalan ng pag-asa na makararaos kahit may pandemya. Maraming mabubuting tao na nagbibigay donasyon sa mga nangangailangan. Maraming mamamayan sa ating mundo na may mabuting puso na nagbibigay at hindi humihingi ng kapalit. Subalit marami din sa atin ang nawawala sa kanilang sarili para makaraos sa araw araw at maitaguyod ang kanilang pamilya. Ang karamihan sa mga tao ngayon ay nag aasta na parang hayop para lang makakakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi maipagkakaila na habang tumatagal ay mas lalo tayong nagiging mahirap dahil sa pandemyang kumakalat. Sa kabila ng lahat marami parin sa atin ang hindi sumusunod sa patakaran. Hindi nagsosoot ng facemask at face shield kapag lalabas ng bahay. Paano tayo makaliligtas sa problemang ito kung tayo rin mismo ang nagpapalala sa sitwasyon? Karamihan sa mga manggagamot/front liners ay hirap na huminga sa kanilang mga soot na safety gears. Pikit matang umaalis sa kanilang pamilya upang iligtas ang ibang miyembro ng pamilyang nahawaan ng virus. Nais kong ipahiwatig sa blog na ito na kontrolin natin ang ating sarili sa pagkasabik gumala. Hanggat maaari ay huwag lumabas upang makalayo sa virus na kumakalat sa mundo. Kung kinakailangan lumabas ay huwag kalilimutan ang mga safety protocols sa partikular na lugar. Huwag natin isugal ang ating sariling kalusugan para lang mapunan ang pagkasabik lumabas. Sa kabilang dako, lingid ba sa inyong kaalaman na may maganda rin na naidulot ang pandemyang ito sa bawat isa sa atin? Isa na rito ang pagkakaroon ng oras sa ating pamilya, ang oras na hindi natin naibigay noong wala pang pandemya. Natutuhan din natin ang iba pang paraan para kumita sa pamamagitan ng online selling. Higit sa lahat natuto tayong maging masaya at makontento sa kabila ng lahat ng problema. Lagi natin tatandaan na sa kahit anong problema may kapalit itong ligaya. Matuto tayong maghintay at huwag isisi ang lahat sa Kaniya, dahil kung tutuusin tayo rin ang may gawa ng pandemyang ito, tayo rin ang gumawa ng sarili nating kapahamakan.
56 notes · View notes