Tumgik
azariahthoughts21 · 3 years
Text
Tumblr media
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa mga taong hindi maka-move on sa nakaraan. Hanggang ngayon ginagamit nila ang mga kasinungalingan nila para magmukha silang mabuti at magaling. Hinayaan mo na nga noon na mag bida-bida at pa-victim sa nagyari e, hanggang ngayon ganyan pa rin pala kayo? Hahahah nagrerecruite pa talaga kayo? Get a life! Kung hindi kayo masaya sa buhay ninyo ngayon, huwag kayo manggamit ng iba para lang pagtakpan ‘yang pinagdaraanan ninyo.
Baka naman mag- assume ang iba? Sige bigyan ko kayo ng tsaa.
Halimbawa:
1. “Ay ‘di ba ang tagal nilang magkasintahan noon? Ang balita e may lalaki raw kasing iba si girl kaya sila nag break, kasalanan niya.”
Like whaaaaat and whyyyyy? Una sa lahat HAHAHAHAH 2012 pa ‘yan! pangalawa, talaga? May ibang lalaki? Nakita mo? May ebidensiya ka? HAHAHAHA at pangatlo, sino kaya sa atin ang mas madaming naging lalaki? HAHAHAHA ako kasi ‘yung ex ko lang tapos ‘yung asawa ko na HAHAHAHA!
2. “Siniraan ako niyan sa kaibigan ko, nilason niya ang utak para magalit sa akin at sila na lang ang maging magkaibigan.”
Luuuuh? Sure ka ‘te? Ito na naman tayo sa napakatagal na.. uungkatin pa rin HAHAHAHA sige na nga! Oh eto! Para mo namang sinabi na walang utak at walang sariling desisyon ang kaibigan mo? E kaya nga saiyo nagalit ang kaibigan mo dahil IKAW MISMO ANG NANIRA SAKANYA SA IBANG TAO, Ikaw mismo ang sumira ng sarili mo sa kanya, ikaw mismo ang dahilan sa pagwawakas ng pagkakaibigan ninyo. Projection ganern? Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Pero siyempre kahit na ‘yan ang oinagkalat mo sa mga kakilala natin, Nanahimik ako. Hindi mo deserve ang panahon ko.
3. “Inagaw niya sa akin si___________. Hindi naging kami kasi may gusto rin siya kay___________. Keep your friends close; keep your enemies closer.”
Siyempre matagal na panahon na ito, ni hindi ko pa nga alam paano mamili ng taong kakasamahin ko e. Isipin mo hindi pa ako marunong gumamit ng feminine wash nito kasi akala ko shampoo ‘yun sa buhok na nasa baba 😁
Eh ito na nga! Nananaginip ka? Pwede ba ‘yung hindi naging kayo kasi gusto ni enemyfriend mo si *tooot*? Ano ‘te hawak ulit utak ng tao? Baka naman kasi hindi ka talaga gusto. Projection na naman ulit? Hindi ka lang gusto, hindi mo lang masisi si guy kasi bet mo, sisisi mo talaga sa kaibigan mo? HAHAHAHAHAH eh hindi ko nga rin bet si guy, at isa pa kaibigan ko ‘yun!
-oh teka, halimbawa lang ‘yan ha? Heheheheh 😉
Bakit ba ang hirap tanggapin ng katotohanan? Bakit kailangan natin maghanap ng masisisi para lang pagtakpan ang nangyayari? At higit sa lahat, bakit ba kailangan ninyong ungkatin ang matagal ng ibinaon sa kahapon? Hindi ba kayo tumatanda? Hindi ba nababago ang routine ninyo? Hindi pa ba nagbabago ang baluktot nating mga pangangatwiran? E kung may galit ka pa rin sa akin, kahit wala naman akong ginagawa saiyo e MANALANGIN KA! Ipanalangin mo na mawala na ang nararamdaman mo na iyan kasi hindi ito makatutulong pra umusad ka sa nakaraan.
ITIGIL NA NATIN ITO. TAMA NA. MAY KANYAKANYANG MGA BUHAY NA TAYO. MAS MARAMING BAGAY ANG KAILANGAN NATING GAWIN PARA MAKA SURVIVE SA SA MGA NANGYAYARI SA PANAHON NATIN NA ITO. IPANATAG MO ANG KALOOBAN MO. MAKARARAOS DIN TAYO.
Salamat.
💕
1 note · View note
azariahthoughts21 · 3 years
Photo
Tumblr media
Bigla ko na lamang naisip na gumawa ng blog. Nasumpungang magsulat. Hindi ko alam kung saan uumpisahan. Hayaan na muna nating tanawin ko kung saan ako tutugma. Bahala na. 
-jlgt1
1 note · View note