Tumgik
batbabyatil123-blog · 6 years
Text
“ANG AKING SARILI”
       Ako po si Baby Jane Atil labing anim na taong gulang at nakatira ako ngayon sa aming bahay sa Sitio Mahayahay Apas Cebu City at ipinanganak ako sa dati naming tiarahan sa pinamungajan Cebu. At ako ang bunso sa aming magkakapatid at nag-aaral ako ngayon sa University of Cebu Banilad at grade 11 na ako ngayon, Ako ay hindi masyadong matangkad at hindi din masyadong pandak, sakto lang. Ako yung klase ng tao na handang gawin at kakayanin ang lahat ng pagsubok sa buhay para sa ikakabuti ng lahat at hindi ako materlialistic na tao, kung ano man ang ibinigay sa akin ay kuntento ra ako at masaya ako kahit maliit na bagay lang. At ako ang klase ng tao na kayang pasasayahin ang sarili ko kahit ako ay malungkot. 
        At ang hindi ko makalimutan sa lahat ay ang aking karanasan sa buhay. Isa sa mga karanasan ko ay yung nag-aaway ang mga magulang ko sa hapagkainan dahil sa hindi pagkakaintindihan nila at umiiyak ako non dahil sinisigawan ni papa si mama at ang bata ko pa non kaya hindi ko nalalaman kung ano talaga ang puno’t dulo ng kanilang pag-aaway. At buti nalang ay nagkaayos na sila hanggang ngayon. Lahat tayo ay may maraming karanasan sa buhay pero isa lang ito sa mga karanasan ko na hindi ko talaga makakalimutan. Kaya kung meron man tayong problema at pagsubok sa buhay ay kailangan natin yang harapin dahil natural lang sa isang tao na magkaroon ng problema at walang problema na hindi nasusulusyonan 
0 notes