Tumgik
callejaboard · 3 years
Text
JERICO ALEXIS OSIDO : SK AND TEACHER
                 Si Jerico Alexis Osido ang napili kong makapanayam dahil siya ay isang guro - bukod pa rito, siya rin ay isang SK sa aming barangay, ang New Lower Bicutan, Taguig City. Si Jerico ay dalawampu’t tatlong taong gulang.
Tumblr media
                     Nakakatuwa na sa murang edad ay marami na siyang natulungan, normal ang makaramdam ng tuwa sa tuwing nakakatulong si Jerico dahil nakikita niya rin daw sa mukha ng iyong natulungan ang saya na hatid nito. Ayon kay Jerico, siya ay naglilingkod bilang isang guro na may malaking gampanin sa mga mag aaral na sila ay matuto hindi lang akademik kundi karanasan sa buhay na siyang magagamit nila para maibalik sa bayan ang lahat ng kanyang natutunan.
                       Hindi lamang pagiging lider sa bayan ang kaniyang trabaho subalit isa rin siya sa mga humuhubog sa mga nagnanais na maging propesyonal katulad ko pagdating ng panahon. Hindi lamang sa larangan ng akademiko nais ni Jerico na maging mahusay ang kaniyang mga estudyante subalit pati na rin sa pagiging mabuting mamamayan upang maging kapaki-pakinabang sa bayan.
                     Talaga nga namang nakakatuwa na kahit pala napaka raming nakapatong sa kaniyang ulo na mga obligasyon at responsibilidad ay pinili niya pa rin na maglingkod sa bayan. Hindi madali ang trabaho ng isang guro, lalo na’t bago ang sistema ng pagtuturo, at mas lalong hindi rin madali ang paglilingkod sa bayan sa ganitong klase ng panahon dahil bukod sa may pandemya tayong kinakaharap, wala rin sapat na tulong mula sa gobyerno upang matugunan ang krisis na kinakaharap.
Tumblr media
                   Makikita sa larawan na naglunsad ng Community Pantry ang SK ng New Lower Bicutan kung saan kabilang si Jerico. Sila ay mayroong tagline na “SK New Lower Bicutan : Bayanihan sa Gitna ng Pandemya”. Nakakatuwa lamang makita na mayroong napupuntahan ang pondo ng bayan, ang mga tax ay kahit papaano na sa maliit na bagay ay naipapakita ng mga aspiring leaders sa aming barangay na napapakinabangan ng taong bayan.
                    Marahil iniisip ng iba na patay na ang bayanihan sa ating mga Pilipino dahil nauuso na ang “crab mentality” subalit sa mga pagkakataong kinakailangan natin ng tulong ng ating kapwa, kapag may sakuna na nangyayari, at may kalamidad na dumarating ay handa tayong tumulong upang hindi manatiling nakalubog ang kapwa natin Pilipino.
                   “Ang huling karanasan ko sa pagtulong ay kanina lamang, pagtulong na maglinis ng bahay, bagamat ito ay simple lamang may malaki naman itong epekto sa loob ng aming tahanan.” Ito ang sagot ni Jerico sa akin nung tinanong ko siya kung kailan ang huli niyang pagtulong. Nakakatuwa lamang na malaman na kahit malaki na ang ambag niya sa lipunan, dahil isa siyang guro at SK, hindi pa rin niya nakakalimutan na tignan ang mga maliliit na pagtulong bilang kapaki-pakinabang din sa kaniyang kapwa.
Tumblr media
“Mahalaga na pagtuunan ng pansin ang sektor ng edukasyon, malaki pa din ang bilang ng mga kabataan ang walang access pagdating sa edukasyon kung kaya't mas mainam na pondohan at bigyan ng kongkretong plano ang sektor na ito. Mas uunlad ang bansa kung magbibigay importansya tayo sa edukasyon.”
- Jerico Alexis Osido
1 note · View note