wait.. let's first check ano ba yung anxiousness? Anxious is experiencing worry, unease, or nervousness.
Walang masama na umisip tayo ng paraan para magkaroon tayo ng kakainin, susuotin o iinumin. Hindi rin naman maganda iyong sitting pretty na lang tayo na parang si Juan Tamad na aantayin na lang yung bunga ng bayabas na pumatak na lang satin. We also have to work or do something syempre. Sinabi nga rin sa salita ni Lord sa Book of james Faith without work is dead. Pero sinabi sa atin ni Lord na huwag tayong mabahala. Di natin kailangang mataranta na baka kulangin tayo. That, the reason why we strive today is because of the fear of scarcity. Basta work enough at gamitin yung binigay ni Lord sa atin na trabaho as a channel of blessing or even His other channels of blessing to us. Sinabi rin sa salita niya na kahit mga ibon na hindi naman nagtatanim at umaani pinapakain sila ni Lord lalo pa tayo na mas mahalaga kaysa sa mga ibon. V.26 Alam na niya mga pangangailangan natin v32.. Ang kailangan na lang natin gawin ngayon is to glorify Him first on whatever we do. Kung ano ginagawa natin isipin natin or let's seek on glorifying God. Even sa trabaho natin kahit pa anong hirap, manampalataya lang and believe that God is with us sa kung ano man na gagawin natin. Ganon na rin sa mga plano natin sa buhay na di natin dapat ikabahala kung mareach man natin or hindi, don't think that you are a failure. Have a mindset that you can either just win or learn. Walang talo kapag si Lord and inuuna nating i-glorify. Even sa mga points na parang wala na, parang dead end na pero si Lord may nakatago pa palang baraha. Di natin kailangang mabahala dahil laging bahala na si Bathala. Wag tayong matakot na sabihing bahala na si Lord dahil powerful yung kamay ng pinagkatiwalaan mo. Powerful pa sa kung ano yung kaya nating isipin. His greatness is unsearchable sabi nga sa Psalms. So whenever we feel the inevitability to worry about something, kneel down and surrender that worry to Him. Pray, listen to His word, Have the His word as our sword to any challenges or battles we face.