Tumgik
coco-nutella · 1 month
Text
HUWAG MONG HAWAKAN
Sa panahon ngayon, madalas hindi na pinaniniwalaan ng mga kabataan ang paniniwala ng mga matatanda lalo na kung hindi nila mismo naranasan. Ngunit, wala namang masama kung tayo'y makikinig at susunod sa kanilang paniniwala.
Sina Jacob at Alex ay matalik na magkaibigan simula noong sila'y nasa elementarya pa lamang. Lagi silang magkasama lalo na sa mga importanteng araw ng kanilang buhay. Isang araw, inimbitahan ni Jacob ang kaniyang kaibigan na si Alex sa kaniyang kaarawan. "Pre, punta ka sa amin mamayang gabi upang ipagdiwang ang aking kaarawan," wika ni Jacob kay Alex habang sila'y pauwi galing paaralan. "Oo naman," masayang sagot ni Alex.
Noong makabihis na si Alex, agad nitong inandar ang motor at umalis na. Habang nasa biyahe si Alex, napansin niya na parang paulit-ulit lang ang kaniyang dinadaanan. Tinawagan niya si Jacob at sinabing, "Pre, naliligaw na ata ako". "Sabi ng lola ko, baliktarin mo raw ang iyong damit," wika ni Jacob sa kabilang linya. Si Alex ay naligaw sa daanang maraming mga puno at kaunti lamang ang ilaw. Hindi siya naniwala sa sinabi ni Jacob at nagpatuloy pa rin ito kahit na alam niyang naliligaw na siya. "Huwag ka na munang magpatuloy, susunduin ka na lang namin," wika ni Jacob na nag-aalala na.
Habang nasa kalsada sila Jacob at ng kanyang pinsan, may nadaanan silang naaksidente. Ang lalaki ay nakahandusay sa kalsada kasama ang nawasak na motor. "Parang si Alex yun ah," usisa ni Jacob. Tinignan ni Jacob ang lalaki at kinilabutan siya noong makita niyang si Alex nga ito. Laking gulat ni Jacob noong biglang tumawag si Alex sa kaniyang telepono. "Pre, may nakita akong motorsiklo na nabunggo sa may malaking puno malapit sa akin. Duguan yung dalawang lalaki," natatakot na wika ni Alex. Hindi makapagsalita si Jacob dahil kitang-kita niya si Alex na nakahandusay sa kalsada. "Pre, Pre? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Alex. "Ha? Alex? Paano ka nakatawag eh nandito yung katawan mo nakahandusay dito sa kalsada," naguguluhang sagot ni Jacob. "Hindi ako yan pre, buhay pa 'ko," wika ni Alex. Binuksan ni Alex ang kaniyang camera at ipinakita ang mukha niya kay Jacob. "Oh diba ako 'to, ang gwapong kaibigan mo," natutuwang wika ni Alex.
Tinawagan ni Jacob ang kaniyang lola at ikinuwento ang nangyayari. Sinabihan siya ng lola niya na huwag nilang hawakan ang mga ito dahil ito'y gawa ng demonyo. Kinikilabutan na sila Jacob sa mga nangyayari kaya tinawagan niya ulit si Alex. Pagkasagot ni Alex sa video call, pinakita niya kay Jacob ang paghawak niya sa dalawang lalaki. "Pre, kamukha mo naman itong isang lalaki na nabunggo," gulat na wika ni Alex. "Huwag mong hawakan! Mga demonyo ang mga yan," sigaw ni Jacob kay Alex. Agad na tinanggal ni Alex ang kamay niya sa lalaki. Pagkatanggal niya, biglang gumalaw ang lalaki. Dali-daling inandar ni Alex ang kaniyang motorsiklo at natatarantang umalis papalayo sa lugar na iyon. Siya ay nagdarasal habang pinapatakbo ang motorsiklo. Sa kabutihan ng Diyos, siya ay nakauwi ng ligtas.
Pagkauwi niya, biglang tumawag sila Jacob at kaniyang pinsan. Pinayuhan nila si Alex na sunugin ang kaniyang mga damit. "Sayang naman pre, regalo sa'kin to ni mama," wika ni Alex. "Makinig ka nalang Alex, para sa ikabubuti mo rin naman 'to," pagpupumilit ni Jacob. Hindi nakinig si Alex sa payo ni Jacob. Hindi niya ito sinunog dahil mahalaga ang damit na iyon sa kaniya.
Kinaumagahan, tinawagan ni Alex si Jacob. Kinuwento niya na hindi siya nakatulog kagabi dahil mayroong maitim na anino na pilit siyang sinasakal. Halata sa mga boses ni Alex na siya'y natatakot. "Sinunog mo ba yung damit mo kagabi?" tanong ni Jacob kay Alex. "Hindi, Jacob," natatakot na sagot ni Alex. "Naku! Dapat sinunog mo. Dapat nakinig ka sa'kin Alex," nag-aalalang wika ni Jacob.
Makalipas ng ilang araw, nabalitaan na lamang nila Jacob na binawian na ng buhay si Alex habang nasa biyahe papunta kila Jacob. Naihagis ang kaniyang katawan at sa kasamaang palad, nagulungan ito ng malaking truck. Hindi matanggap ni Jacob ang nangyari sa kaniyang kaibigan kaya siya ay na-depressed at nawalan ng gana sa kaniyang buhay.
0 notes

SAYAW NI KUMARE
Sa isang relasyon, tiwala ang nagiging sandata sa mga pagsubok na dumarating. Maraming tukso ang pwedeng pumalibot sa'yo, kaya mahirap itong labanan lalo na kung kusang lumalapit ang mga ito sa'yo. Malapit man o malayo ka sa iyong minamahal, kapag ika'y kumagat sa mga tuksong ito, tiyak ika'y matatalo.
Si Jenny at Paulo ay magkasintahan simula noong sila'y nasa sekondarya pa lamang. Sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis ni Paulo si Jenny noong sila'y nasa ika-apat na antas sa kolehiyo. Hindi na nakapagtapos si Jenny dahil malaki na ang kaniyang tiyan ngunit si Paulo ay nagpatuloy sa kanyang pag-aaral. Si Paulo ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa Ilocos Sur Polytechnic State College-Main Campus. Sinubukan ni Paulo mag-exam ng Civil Service Examination ngunit sa kasamaang palad, hindi siya nakapasa.
Patay na ang mga magulang ni Jenny kaya sa kaniyang lola siya naninirahan. Kaya noong malapit na siyang manganak, napagdesiyonan nila ni Paulo na magsama na silang dalawa. Dahil malapit nang manganak si Jenny, naghanap ng trabaho si Paulo. Sa kabutihan ng Panginoon, natanggap si Paulo bilang gitarista sa isang banda dahil siya ay magaling din tumugtog. "Mahal, natanggap ako bilang gitarista sa Magnitude band na sikat na sikat ngayon. Nag-abroad na kasi yung dati nilang gitarista," masayang pagbabalita ni Paulo sa kanyang kasintahan. "Congratulations, mahal! Ang buti talaga ng Panginoon," masayang wika ni Jenny.
Noong nakapag-ipon na si Paulo, nagpakasal na sila ni Jenny at sabay nilang pinabinyagan ang kanilang anak. Makalipas ang ilang buwan, nagbunga na naman ang kanilang pagmamahalan. Dahil dito, doble ang kayod ni Paulo. Nagcoconstruction siya sa umaga at gitarista naman sa gabi. "Mahal, pasensya ka na ha? Wala man lang akong maitulong sa pamilya natin," malungkot na wika ni Jenny sa kanyang asawa. "Okay lang, mahal. Malakas naman akong kumita," sagot ng kanyang asawa.
Makalipas ang tatlong taon, napagdesisyonan niyang magtrabaho sa Hong Kong. Sa kagustuhan niyang makatulong sa kaniyang pamilya, itinago niya sa kaniyang asawa at lola ang pag-aapply. Tuloy-tuloy naman ang pagbabanda at pagcoconstruction ni Paulo.
Isang gabi, nakita ni Paulo ang mga papeles at passport ni Jenny sa kanilang kabinet. "Ano 'to Jenny?" usisa ni Paulo sa kanyang asawa. "Ahhhhh.... Ehhhhh," nauutal naman na sagot ni Jenny. "Mag-aabroad ka? Hindi pa ba sapat 'tong kinikita ko sa pagcoconstruction at pagbabanda. Paano na kami ng mga anak mo?" naiiyak na tanong ni Paulo. "Ang babata pa ng mga anak mo, Jenny. Apat at tatlong taon pa lamang sila," dagdag pa nito. "Gusto kong mabigyan kayo ng magandang buhay, Paulo. Hindi sapat ang iyong kinikita dahil lumalala na ang sakit ni lola na Pneumonia. Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang na nagtitiis sa kaniyang sakit," naiiyak na sagot ni Jenny. "Huwag kang mag-alala. Uuwi din ako kada dalawang taon," dagdag pa nito. Niyakap ng mahigpit ni Paulo si Jenny at hinalikan niya ito sa noo na tila bang sinusoportahan nito sa desisyon ni Jenny. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Jenny," wika ni Paulo. "Mahal na mahal din kita, Paulo," sagot naman ni Jenny.
Makalipas ng isang buwan, lumipad na si Jenny papuntang Hong Kong. Ipinagkatiwala niya ang kaniyang dalawang anak sa kaniyang pinsan na si Maria. Dahil si Maria ay walang asawa, sa bahay na nila Jenny siya tumuloy upang mabantayan niya ng mabuti ang mga bata.
Isang gabi, umuwi nang lasing si Paulo. Makalipas ng ilang minuto, tumawag si Jenny kay Paulo. "Oh, Mahal. Lasing ka yata?" tanong ni Jenny. "Nasobrahan ko kasi ang pag-inom, mahal. Birthday kasi ng kasama namin sa banda," sagot naman ni Paulo. "Basta huwag mo nang uulitin," wika ni Jenny. "Oo, mahal. Kamusta ka naman diyan?" tanong ni Paulo. "Heto, pagod. Naglinis kasi ako ng buong condo, tsaka laging galit ‘tong amo ko kaya mas nararamdaman ko yung pagod ko" sagot naman niya. "Kamusta naman kayo diyan? Ang mga anak natin?" tanong naman ni Jenny. "Mabuti naman kami dito. Tulog na sila. Binilhan pala ni Karla na kasama namin sa banda ang panganay natin ng isang malaking teddy bear," masayang sagot ni Paulo kay Jenny. "Wow! Masaya na naman siguro ang Jaica namin," masayang wika ni Jenny. "Sige na, mahal. Magpapaalam na ko. Tinatawag na kasi ako ng aking amo," dagdag pa nito. "Paalam, mahal. I love you," sagot naman ni Paulo.
Napapadalas na ang pag-uwi ni Paulo ng madaling araw kaya nagtataka na si Maria. Hanggang sa isang gabi, niyaya ni Paulo ang kaniyang mga kasama sa banda sa kanilang bahay upang mag-jamming at uminom ng alak. Sa isang banda, meron ang gitarista, atabalero, mang-aawit, at mananayaw. Kaya naman, sila'y nagsisi-awitan at nagsasayawan, at isa na dito si Karla. Kitang-kita ni Maria kung paano niya sayawan ang mga kasama nilang lalaki. "Malandi pala itong babae na 'to," naiinis na wika ni Maria. Noong sasayawan na niya si Paulo, agad naman itong tumayo at pumasok sa kanilang bahay. "Mukhang nagkakasiyahan kayo sa labas ah," wika ni Maria kay Paulo. "Ahh, oo nga po ate eh. Dala na siguro ng pagod," sagot naman ni Paulo. "Naku! Tatandaan mo, may mga anak at asawa ka na, Paulo," wika ni Maria na may halong pagbabanta. Dahil sa gabi na, umuwi na silang lahat ngunit natira si Karla dahil lasing na siya ng sobra. Pinatulog ni Paulo si Karla sa kabilang kwarto kasama ni Maria. "Hayyy, magpapakalasing tapos hindi naman kayang iuwi ang sarili," naiinis na wika ni Maria.
Dahil walang gig sila Paulo ng limang araw, siya na muna ang magbabantay sa mga bata at sa lola ni Jenny. Hindi na makatayo ang lola ni Jenny kaya siya ay nakahiga na lamang palagi. Umuwi na si Maria sa kanilang bahay upang kamustahin ang kaniyang pamilya. “Uwi muna ako sabahay namin ha? Mamimiss ko kayo,” wika ni Maria habang niyayakap ang mga bata.
Knock! Knock! "Sino kaya 'itong kumakatok?" usisa ni Paulo. Binuksan ni paulo ang pinto at siya’y nagulat. "Ahhh!! Ikaw pala 'yan mare," wika ni Paulo. Niyakap ni Karla si Paulo at sinabing, "Namiss kasi kita." Agad naman inilayo ni Paulo ang kanyang sarili kay Karla. "Baka may makakita satin," wika ni Paulo. “Wala yan, hindi naman tayo gumagawa ng masama,” wika naman ni Karla. Hindi makaimik at pinagpapawisan si Paulo habang tinititigan niya ang naglalakihang hinaharap at mala-coca-cola shape ni Karla. "Pumasok ka na nga," wika ni Paulo kay Karla. "Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ni Paulo. "Naghiwalay na kasi kami ni Jerome. Eh pinaalis naman na niya 'ko. Kaya naisipan kong pumunta dito. Baka sakaling patutuluyin mo muna 'ko habang naghahanap ako ng murang apartment," pagpapaliwanag ni Karla. "Tatanungin ko muna ang asawa ko tungkol dito," wika ni Paulo. Tinawagan ni Paulo si Jenny at agad naman itong pumayag dahil buo ang tiwala niya kay Paulo. Masayang tinanggap ni Jenny si Karla kahit siya ay nasa malayo para na din may kasama sila sa kanilang bahay habang wala pa si Maria.
Habang naghuhugas ng mga plato si Paulo, inutusan niya si Karla na maligo na para siya naman ang maliligo pagkatapos. Pumasok na si Karla sa banyo at pagkatapos niyang maligo, tinawag niya si Paulo upang iabot ang kaniyang tuwalya. "Paulo, paki-abot naman yung tuwalya ko. Nakalimutan ko kasi," sigaw ni Karla upang marinig ito ni Paulo sa kusina. Pag-abot ni Paulo ng tuwalya, nakita niya ang hubad na katawan ni Karla na parang sinasadya niyang makita ito ni Paulo. Nagulat si Paulo sa kaniyang nakita kaya isinara niya agad ang pinto. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang naglalakihang hinaharap, makinis, at mala-coca-cola shape na katawan ni Karla.
Kinaumagahan, habang nagluluto si Paulo, may biglang humaplos sa kaniyang tiyan at bigla itong hinalikan sa leeg. Pagkalingon niya, nagulat siya dahil ito pala'y si Karla na akala ni Paulo ay si Jenny. "Anong ginagawa mo?!," nagagalit na tanong ni Paulo. "Diba matagal na ang asawa mo sa abroad? Wala ka bang namimiss? Alam kong may kailangan ka din," nang-aakit na sagot ni Karla habang inilalapit ang labi niya kay Paulo. "Meron, pero kailangan kong pigilan at tiisin. Mahal ko ang asawa ko, Karla. Hinding-hindi ako gagawa ng ikakasira ng aming relasyon," wika ni Paulo. "Magaling akong sumakay, bakit 'di mo ako subukan?" tanong ni karla habang ibinababa niya ang kanyang tapis na agad namang pinigilan ni Paulo. Iniwan na ni Paulo si Karla sa kusina at dumiretso sa lola ni Jenny upang kanya itong pakainin.
Dahil nakasanayan na ni Paulo ang uminom ng alak, pumunta siya sa kanilang bakuran upang uminom habang nakikipag-usap sa kanyang asawa sa telepono. Pagkatapos nilang mag-usap, biglang lumabas si Karla at tinabihan niya si Paulo. "Pwede ko bang inumin yung isa?" tanong ni Karla habang idinidikit ang kanyang dibdib sa braso ni Paulo. Agad naman itong inabot ni Paulo. Noong napaparami na sila ng inom, biglang inilapit ni Paulo ang kanyang mukha kay Karla at hinawakan nito ang kaniyang binti sabay sabing, "Alam mo, totoo yung sinabi mo kanina na may kailangan din ako." Hindi nakapagpigil pa si Karla at agad niyang hinalikan si Paulo. Hinalikan naman ito pabalik ni Paulo nang walang pag-aalinlangan. Itinuloy nilaang paghahalikan sa mismong kwarto nilang mag-asawa hanggang sa may nangyari na sa kanila.
Pagkagising nila sa umaga, agad na nagbihis si Paulo. Sinabihan niya si Karla na huwag niyang ipagsabi sa iba lalo na sa kaniyang asawa ang nangyari sa kanila. "Huwag mong ipagsabi sa iba ang nangyari sa atin. Mahal na mahal ko ang asawa ko at ayaw kong masira ang pamilya namin," kinakabahang wika ni Paulo. Biglang natawa si Karla. "Ang galing mo palang bumayo," natatawang wika ni Karla. "Huwag na nga nating pag-usapan," wika ni Paulo na kinakabahan pa din.
Umalis na si Karla kwarto at nagdiretso na siya sa banyo upang maligo habang si Paulo ay inaasikaso ang lola ni Jenny. Pagkatapos asikasuhin ni Paulo ang lola ni Jenny at ang mga anak nila, sumunod naman itong maligo. Pagpasok niya sa kwarto, nadatnan niya si Karla na nakahubad habang hinahaplos ang kanyang mga binti. "Pwedeng isa pa, please? Last na," pagpupumilit ni Karla kay Paulo. Napakagat labi si Paulo at agad tinanggal ang kaniyang tapis. "Sige, pagbibigyan kita ngunit huli na 'to," wika ni Paulo. Habang nasa kalagitnaan sila ng digmaan, biglang bumakas ang pinto ng kwarto. "Jeennnyyyyy?" gulat na wika ni Paulo. "Ang bababoy niyooooooo!" naiiyak na sigaw ni Jenny. "Akala ko kayo ang masusurpresa, mga baboy kayo!!!," dagdag pa nito. Binato ni Jenny ang damit ni Karla at agad naman itong nagbihis. Linapitan ito ni Jenny at malakas niyang sinampal ng ilang beses at sinabunutan. "Ilugar mo ang kalaritan mo malanding babae!!! Hayop kaaaa!!! Ang kati-kati mo!!!," naiiyak at nagagalit na sigaw ni Jenny habang sinasabunutan niya si Karla. Pinigilan ni Paulo ang pagsasabunut ni Jenny kay Karla at lumuhod ito sa harapan ni Jenny. "Patawarin mo ako, Jenny. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak ko. Nagawa ko lang 'to dahil may pangangailangan din ako. Ako’s sadyang nilapitan lamang ni Karla," pagmamakaawa ni Paulo. "Lintik na palusot yan! Kumagat ka pa rin sa malanding babaeng yan. Pareho kayong makati! Ako din may pangangailangan, Paulo. Nagpapakahirap ako sa abroad, tinitiis lahat ng pang-aabuso ng aking mga amo, habang ikaw, nagpapakasarap dito kasama ang malanding kumare mo na yan! Akala ko pa man din mabuti ang intensyon ng babaeng yan," galit at na wika ni Jenny. "Lumayas kayong dalawa dito! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin ng mga anak mo, Paulo. Magsama kayo ng babae mo!" dagdag ni Jenny na pilit na pinaalis sina Paulo at Karla sa kanilang bahay. Hinila ni Jenny ang buhok ni Karla palabas ng kanilang bahay kahit alam nitong nasasaktan na ito.
Pagkaalis nila, pinagtitinginan at pinag-uusapan sila ng mga tao. "Sasama ako sayo, Paulo," nagmamakaawang wika ni Karla. "Tantanan mo na ako, Karla. Sinira mo ang pamilya ko!" nagagalit na sagot ni Paulo. Agad na inandar ni Paulo ang kanyang motorsiklo at iniwan na niya si Karla sa kalsada. Umuwi si Paulo sa kanilang bahay at ikinuwento lahat sa kaniyang pamilya ang nangyari. Galit na galit ang mga magulang ni Paulo sa kanya. "Ayusin mo ang problemang sinimulan mo!" galit na wika ng kanyang mga magulang. Umiyak si Paulo ng malakas at pilit niyang tinatawagan si Jenny ngunit hindi ito sumasagot.
Bumisita si Paulo sa kanilang bahay at may dala-dala siyang mga pagkain para sa kanilang mga anak. Masaya naming sinalubong ng mga bata si Paulo ngunit si Jenny ay galit na galit pa rin sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito," naiinis na wika ni Jenny. "Patawarin mo 'ko sa nagawa kong kasalanan. Patawarin mo 'ko dahil nasira ang tiwala mo sa akin. Gagawin ko ang lahat para maibalik lahat, Jenny," nagmamakaawang sagot ni Paulo. "Sa tingin mo mapapatawad ko pa kayo sa kababuyang ginawa niyo? Hinding-hindi, Paulo. Sinira mo ang tiwala ko sa'yo. Sinira mo ang pamilyang binuo natin," naiiyak na wika ni Jenny. Hinila ni Jenny si Paulo papalabas sa kanilang bahay at agad nitong isinara ang pinto. “Huwag na huwag ka nang magpapakita samin ng mga anak mo,” galit na sigaw ni Jenny.
Ilang araw pa lang ang nakakalipas, binawian na ng buhay ang lola ni Jenny. Sobrang nalungkot si Jenny na parang pinagbagsakan niya siya ng langit at lupadahil sa pagpanaw ng kaniyang lola at panloloko ng kaniyang asawa. Buwan matapos mailibing ang kaniyang lola, ibinenta ni Jenny ang kanilang bahay at agad silang umalis papunta sa ibang lugar upang magsimula ulit.
Sa bawat tukso na lumalapit sa atin, mahalaga na tayo’y magpakatatag at magpasya ng mabuti. Huwag tayong magpadala sa mga pansamantalang kaligayahan, sa halip, dapat natin itong labanan at isaisip ang pangmatagalang epekto ng ating mga desisyon para sa ating sarili at para sa mga minamahal natin sa buhay.
0 notes
coco-nutella · 1 month
Text
Good morning !
Hello, world.
1 note · View note