Tumgik
dalumat-siyentipiko · 3 years
Video
Huwag kalimutang buksan ang volume upang marinig ang kantang inilapat.
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Audio
Patugtugin ito bago simulan ang pagbabasa :)
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Text
Ano ang Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal?
Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Naniniwala ang maraming iskolar at mga propesyonal sa pagsasalin na may dalawang pangkalahatang uri ng pagsasalin ang pagsasaling pampanitikan at ang pagsasaling siyentipiko/teknikal. Sinasabi rin mga pa awtoridad na teknik at pamamaraan ang dalawang pangkalahatang uring ito.
Tinutukoy ng pagsasaling pampanitikan ang proseso ng muling pagsulat sa ibang wika ng malikhaing akda tulad ng tula, dula, maikling kuwento, sanaysay, nobela, at iba pang anyong pampanitikan. Samantala, lahat ng tekstong hindi pampanitikan ay maibibilang sa tekstong teknikal. Kabilang dito, ang mga balita, pormal na sanaysay, feature articles, agham panlipunan, tekstong pambatas, disiplinang akademiko, teknolohiya at iba pang katulad. Karaniwan, siyensiyang pangkalikasan (ang pinag-uusapan kapag ginamit ang terminolohiyang pagsasaling siyentipiko).
Layon ng Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal    
Komunikasyon ang pangunahing layon ng pagsasaling siyentipiko at teknikal. Kung sa pampanitikang salin, nilalayon ng tagasalin na makalikha ng isang bagong obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika, sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ay hindi kariktan ng panitikan ang pangunahing layunin. Isinasalin ang ganitong un ng teksto upang magbahagi ng impormasyon sa mas nakararaming mamamayan na hindi lubusang nakauunawa ng SL, na karaniwang Ingles.
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Text
ORIHINAL NA BROCHURE
Tumblr media Tumblr media
Pinagmula: Google
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Text
SALIN SA WIKANG FILIPINO
HINDI KA MAAARING PALITAN
 Ang katotohanan, isa sa limang nasa wastong gulang na ay mayroong karamdaman sa pag-iisip.
 Walang sinuman ang di-tinatablan --- Mga tao sa kahit anong edad, lahi, relihiyon, at kasarian ang nasa panganib. Ang karamdaman sa isip ay hindi pangkaraniwan; ito ay maaaring mangyari sa sinuman.
 MGA PAGPIPILIAN SA SIKOTERAPIYA
 Ang bawat laban ay hindi pare-parehas.
 Ang daan na maaaring mauwi sa pagpapakamatay, ay kadalasang mahabang pangyayari. Ang proseso ay hindi nangyayari sa isang magdamag lamang.
Mga palatandaan na gusto nang magpakamatay:
Pagsasabi tungkol sa kagustuhang magpakamatay o upang patayin ang sarili
Naghahanap ng paraan upang patayin ang sarili
Pagsasabi tungkol sa kawalang-pag asa o pagkawalang silbi
Pagsasabi tungkol sa pakiramdam na parang nakakulong o hindi maatim ang sakit na nararamdaman
Pagsasabi tungkol sa pagiging pabigat sa iba
Pagdalas ng pag inom ng alak at paggamit ng droga
Pagiging balisa, pagkabagabag at kawalang ingat
Pagtulog sa maikli o mahabang oras
Pag atras o pakiramdam ng paglayo ng sarili sa ibang tao
Pagpapakita ng galit at paghihiganti
Pagpapakita ng matinding pagbabago ng emosyon
Kung ang depresyon ay binibigyang pansin at nagamot, ang pag iisip ng pagpapakamatay ay maaaring matanggal. Ang pagpapakamatay ay maaring mapigilan.  
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Photo
Tumblr media
Pinagmulan: shorturl.at/nxHJS
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Quote
Kung malabo man sa'yo, malinaw na malinaw sa'kin. You are getting better; at proud ako sa progress mo
LinyaLinya
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Text
ORIHINAL NA BROCHURE
Tumblr media Tumblr media
Pinagmulan: Google
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Text
SALIN SA WIKANG FILIPINO
Maaaring makaramdam nang matinding pagod at kawalan nang pokus ang kawalan nang sapat na tulog.
Ang insomnia ay maaring magdulot nang pagkabalisa, depresyon, at pagkairita. Ang pinaka-karaniwang sleep disorder sa U.S. ay insomnia.
Ano ang Insomnia?
Ang insomnia ay isang sleep disorder na nailalarawan ng may katagalan (higit isang buwan) nang nahihirapang makatulog, mapanatili ang tulog,o magkaroon nang sapat na tulog. Ang mga taong may insomnia ay kadalasang nanatiling gising sa kanilang mga higaan, magigising sa gabi at mahihirapang makatulog ulit, o hindi kaya ay magigising nang maaga at makararamdaman nang pagod, ngunit hindi magagawang makabalik pa sa pagtulog. Ang mga nakararanas ng Insomnia ay nakararamdaman din nang matinding pagod sa buong araw, at hirap sa pagpapanatili ng kanilang konsentrasyon at kalinawan.
Ang Cognitive Behavioral Therapy para sa Insomnia o CBT-I ay isang paraan ng gamutan na nakatuon sa mga gawi ng isang tao na ginagamit sa paggamot nang Insomnia. Sa loob ng halos walong linggo ang mga taong sumailalim dito ay matututunan kung paano baguhin ang kanilang kaugalian sa pagtulog upang magresulta sa maagang oras ng pagtulog, magkaroon nang sapat at maginhawang tulog, at pigilang maulit ang insomnia.
Ang CBT-I ay naiiba sa karaniwang paraan ng gamutan na nakapokus sa pagkikipagusap, sa parehong tuon at haba ng oras ng gamutan. Tinututukan lamang ng gamutang ito ang mismong problema sa hindi pagkakaroon ng sapat at maginhawang tulog ng taong nakararanas ng insomnia at hindi nakaasa sa kabatiran, emosyon, at personal na kasaysayan nito, dahilan din kung bakit mas maikli ang panahong ginugugol.
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Photo
Tumblr media
Pinagmulan: shorturl.at/gwY79
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Text
Ano ang kalusugan ng kaisipan?
Kabilang sa kalusugan ng kaisipan ang paghahanap ng panimbang sa lahat ng panig ng inyong buhay — pangkatawan, pangkaisipan, pandamdamin, at pang-espirituwal. Ito ang kakayahang masiyahan sa buhay at harapin ang mga hamon na inyong hinaharap arawaraw — kabilang man dito ang pagpili o ang paggawa ng desisyon, pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin, o ang pagpapahayag ng mga pangangailangan at mga pagnanais. 
Habang ang inyong buhay at ang mga pangyayari ay patuloy na nagbabago; ganoon din ang inyong kondisyon ng kalooban, pag-iisip, at kapakanan. Mahalaga ang humanap ng panimbang sa inyong buhay sa pana-panahon at sa iba't ibang sitwasyon. Natural na maramdamang wala kayo sa tamang panimbang paminsan-minsan: halimbawa, malungkot, nag-aalaala, natatakot o naghihinala. Ngunit maaaring maging problema ang mga damdaming ito kung nakasasagabal sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay nang mahabang panahon.
Pinagmulan: https://www.camh.ca/
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Text
Mga Numero na Maaring Tawagan na Nakatuon sa Kalusugan ng Kaisipan
National Suicide & Crisis Lines
Suicide Crisis Lines Landline: (02) 8893-7603
Globe:0917-8001123
Sun:0917-8001123 
Tawag Paglaum-Centro Bisaya
SMART & SUN :0939-93754330939-9365433
Globe / TM:0927-6541629
(24/7 suicide, depression, and emotional crisis intervention hotline)
Dial-a-Friend
(02) 8525-1743
(02) 8525-1881
Philippine General Hospital PGH Psychiatry and Behavioral Medicine Department
Phone:(02) 554-8400loc. 2436 or 2440
(02) 8554-88470
(02) 8526-0150
(02) 554-8469
Alcohol & Substance Abuse
Roads and Bridges to Recovery – Pasig City
Phone:02-8643-6006520 
Ebden Bldg., Dr. Sixto Antonio Avenue, Maybunga Pasig City Philippines
Center for Christian Recovery
Phone:(02)8345-3228  
777 Outlook Drive, Loresville Subd. San Roque Antipolo Philippines
House Of Hope, Inc.
Phone:(032) 8340-7941888 
B9-A, Osmena St, Gun-ob beside Hoops Dome, Lapu-Lapu City Central Visayas Philippines
Domestic & Sexual Violence
Department of Social Welfare and Development The Social Protection Bureau
Phone:(632)8931 8101
to 07(632) 8932 2573
Eating Disorders
Philippine Mental Health Association
Phone:(63)2 8921 4958
No. 18 East Avenue, Quezon City 1100, Philippines
Gay & Lesbian (LGBTQ+)
In Touch Community Services Phone: (63) 2 8893 1893 48 McKinley Road, Makati City, Metro Manila, Philippines 1219
Online Counseling
Ang BetterHelp ay isang platforn kung saan maaari kang makipag-usap sa mga lisensyadong therapist gamit lamang ang iyong cellphone, tablet, o computer.
Pinagmulan: shorturl.at/wCJTW 
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Photo
Tumblr media
Pinagmulan: shorturl.at/rHNOU
0 notes
dalumat-siyentipiko · 3 years
Link
Kilalanin ang mukha sa likod ng Dalumat.
0 notes