Tumgik
dmnaje ยท 1 year
Text
Ang Mabuting Estudyante ng DBTI (Naratibo)
ni Daryll Matthew Naje
Unang araw ng eskwelahan sa Don Bosco, pumasok na ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang silid-aralan, may isang estudyante, pangalan niya ay Mike. Habang wala pa si Mike, nilapitan niya ang bago niyang klasmeyt na si Gel, nag usap sila at naging kaibigan sila. At dahil bago pa lang si Gel, nahihiya pa siya dahil siya ay nasa bagong kapaligiran, kaya kinausap na lang siya ni Mike para maging komportable siya sa bago niyang eskwelahan. Pinakita ni Mike yung buong eskwelahan para alam ni Gel kung saan-saan siya pupunta. At habang lumilipas ang oras, naging komportable na si Gel sa bago niyang eskwelahan at sa mga klasmeyts niya dahil kay Mike. Nagpapasalamat si Gel kay Mike dahil magalang ang mga tao sa Don Bosco at naging masaya na agad si Gel sa bago niyang silid-aralan.
0 notes
dmnaje ยท 1 year
Text
Ang Aking Karanasan sa Senior High (Deskriptibo)
ni Daryll Matthew Naje
Madami na akong naranasan sa senior high, masaya yung nararamdaman ko mo pagpasok pa lang sa Don Bosco, malaki yung eskwelahan at maraming pwedeng magawa. Masaya rin makasama yung mga guro dahil pwede mo silang makausap bilang isang kaibigan kahit guro sila. Para sa akin, ramdam ko na nagiging mabuti ako bawat araw sa senior high, dito ko talaga nararanasan lahat ng nararanasan ng mga kabataan, masarap din sa pakiramdam na alam mo na may mga guro ka na pwede mong makausap pag kinakailangan mo ng tulong. Gumagaling na rin ako sa pakikisalamuha dahil sa aking mga kaibigan sa senior high, dahil sa kanila nagkakatiwala na rin ako sa sarili ko.
0 notes
dmnaje ยท 1 year
Text
Ang Masayang DBTI-M (Impormatibo)
ni Daryll Matthew Naje
Marami kang mahahanap na oportunidad dito sa eskwelahan ng Don Bosco Technical Institute-Makati ng Senior High School Department. Halos lahat ng event na gumanap sa senior ay gawa ng mga estudyante dahil para sa mga guro, may tiwala sila na ang mga estudyante ay may free choice. Sa eskwelahan na ito, may karapatan ang mga estudyante na maglaro ng ano-ano tuwing recess at lunch dahil parte ito ng buhay ng mga kabataan. Sumasama rin ang mga guro para makipaglaro kasama yung mga estudyante. May gumaganap din minsan na palaruan, kagaya ng basketball, na ang magkakalaban ay ang estudyante at ang mga guro.
1 note ยท View note