Tumgik
dnnhvalle · 3 years
Text
1. Ano ang pagkatao ng isang taong may matibay na paninindigan sa kaniyang kilos?
Ang pagkatao ng isang taong may paninindigan sa kaniyang kilos ay alam niya ang magiging epekto ng kaniyang ikikilos sa kaniyang sarili at sa ibang tao. Siya ay may higit na kaalaman sa kaniyang bawat gawin. May malawak na pang-unawa sa mga bagay na tama at mali. May matibay na paninindigan at may malawak at malalim na pag-iisip.
2. Ano nag paraan na maaari mong gawin upang hindi ka maapektuhan ng mga salik sa makataong kilos?
Huwag magpairal ng kamang-mangan. Wag magpaapekto sa masidhing damdamin at maging kalmado lamang.
0 notes
dnnhvalle · 4 years
Text
Na-realize ko na hindi pala lahat ng naging pagpapasiya at pagkilos ko nitong mga nagdaang araw na akala ko po ay tama na ay tama talaga. Dahil may mga nagagawa pa rin po akong pagkakamali sa aking mga pagpapasiya na akala ko po ay tama.
Matapos ang ginawang pag-iisa isa sa mga negatibong katangian ko ay natuklasan ko po na kailangan ko pang higit na mas makilala ang akin pong sarili at dapat mas maingat at mas pinag-iisipan ko ang aking mga pagkilos. Dahil may mga tao din po akong naaapektuhan sa aking mga ginagawang pagkilos at pagpapasiya.
Para sa akin po ang nakahahadlang po sa aking paggamit ng kalayaan sa mapanagutang paraan ay ang mga di mabubuting bagay sa aking kapaligiran na umaakit sa akin na gumawa ng di maganda at ang aking sariling kahinaan at limitasyon na gumawanng masasamang gawain.
Bilang isang kabataan dapat kong matutunan na ang aking kalayaan ay dapat kong gamitin sa wasto at tamang pamamaraan. At dapat ko rin isipin na ang bawat kilos na aking gagawin ay may kakambal na responsibilidad at hindi para lamang sa aking sarili para na rin sa mga taong nasa aking paligid.
0 notes
dnnhvalle · 4 years
Text
Sa lumipas na gawain, naisip ko na ang ating mga pagdedesisyon at kilos ay di nagdudulot ng mabuti sa atin kung minsan. Kaya marapat pala na lahat ng ating pasiya at kilos ay maigi na pinag-iisipan upang di magdulot sa atin ng masamang epekto. Marapat talaga nating pag-isipan ang lahat ng ating kilos at pagpapasiya kung mabuti ba ang madudulot nito sa iyo o ito ay makakasama lamang para sa iyo. Dahil sa ating pagpapasiya at pag-kilos ng mali nag-uumpisa ang pagsisisi. Kaya kung di mo nais na pagsisihan ang iyong gagawing kilos at pasiya dapat mo muna suriin ang magiging epekto nito sa iyo. Natutuwa ako sapagkat sa nakaraang aktibidad ay may nakuhabakong aral, dahil napaisip ako ng aktibidad na ito na di pala lahat ng pagpapasiya na akala mo ay makakabuti ay may magiging mabuting epekto talaga ngunit di pala talaga. Kaya natutunan ko na mas lalo munang suriin ang mga kilos at pasiya bago gawin ito. Ngunit ang pinakamahalaga ay ang pakinggan mo ang iyong konsensiya sapagkat ito ang magtuturo sa iyo sa tamang daan at ilalayo ka nito sa paggawa ng di mabuti.
• Bakit kahit na alam mo na tama na yung pasiya mo nag-aalangan ka pa na gawin ito?
• Bakit kahit na may konsensiya ang tao marami pa rin ang nakakagawa ng masama o krimen?
1 note · View note