Tumgik
dnnvn1234-blog · 7 years
Text
"Huling Yugto ng tula" Subukan mong ipikit ang yong mga mata Susubukan ko lang din na banggitin tong mga kataga Sa huling pagkakataon Huwag kang titingin Hindi ko kasi maatim, Na bigkasin Habang ang mata mo ay nasa akin Ito na sisimulan ko na, Teka hindi pala ito ang simula, Dahil sa pagkakatanda ko mahal Sa ating dalawa, ikaw ang nagsimula Ito na bibigkasin ko na, Makinig ka, Pakinggan mo, Intindihin mo, Mahal kita, mahal na mahal kita Katagang nabubuo lang ng iilang letra, Pero nagpapatunay na ako lang talaga, Ako lang talaga, Dyan sa puso mo ako lang ang nagiisa Ako lang diba? Alalahanin mo, isapuso mo Haplos, lambing, at mga halik mo Na nagpaligaya sa akin at nagkumpleto sa hinahanap ng isip at pusong ito. Ngayon mahal, Imulat mo ang mga mata mo Nakikita mo ba ako? Nakikita mo ba talaga ako? Malamang nakikita mo ako Para san pa yang mga mata mo Ang mga mata mo, Ang dalawang mata mo, May nag-iba? Nag-iba na? Nagiba ka na? Kakaiba na? At patuloy pang umiiba Yan ang napuna ko, Ikaw anong napapansin mo? Ano? May napapansin ka ba? O sadyang abala ka sa iba kaya wala kang napapansin o nakikita, Tignan mo ako, titigan mo lang ako, Pagpatuloy mo, Tignan mo lang ang lahat ng ako, Tignan mo ang mga pasa ko Dahil ito sa paglaban ko Sa mga sampal, tadyak, at suntok ng mga salitang tama na, itigil mo na, Dahil tapos na. Wala ito, wala lang ito Sanay na ako Kaya ko pa, Kakayanin ko pa, Kinakaya ko pa, Dahil hawak ko ang katagang mahal mo ako, mahal mo ako, mahal mo ba talaga ako? O minahal mo nga ba talaga ako? Tama na, pagod na, Masakit na, sawa na Ramdam ko na. Ngayon, titigan mo ako, titigan mo lang ako Alalahanin mo, isapuso mo, Mga sinabi ko sayo, Kailangan kita, nakangiti ka? Buhay kita, tumatawa ka? Mundo kita, humagalpak ka na Simula pa lang ba tumatawa ka na? O hindi ko napansin dahil masyado kong ginagampanan ang pagiging tanga. Sobrang sayang mo diba? Ginawa mo akong tanga, Dahil hawak ko parin ito, Ang mga kataga mo, Katagang iingatan mo ito Ito? Na walang ginawa kundi ang pag damot, pagmalaki, tanggapin at higit sa lahat ang ikaw ay mahalin. Pero ano ang iyong ginawa? Lumisan ka, nabago ka, may nawala, Kaya hanggang ngayon hinanap ko parin ang sariling pagaari ko Saan mo dinala ang puso, buhay at mundo ko? Parang wala na ako, Binaliwala mo ako, Mga alaala ko sayo, Sinumpa mo ako, Na ako'y magtangis, maghinagpis, masumamo sa pagibig mo Nilabanan ko ito dahil nagtatapang tapangan ako, Iniisip kong magalit sayo, pero bigo ako Dahil ikaw ang dahilan kong bakit nagpapatawad at ngumingiti pa rin ako Pero ngayon iba na? Nasa iba ka na Kaya tatapusin ko na Masakit man, tanggap ko na Mahirap man, puputulin ko na Hayaan mo ang pagtangis ko, Hayaan mo na bugbugin ako, Hayaan mo na masaktan at mapagod ako, Wag mo akong tulungan, Wag mo akong damayan, Wag mo akong kaawaan, Dahil mahal, Ayoko ng umasa, Na babalik ka pa, Na tutuparin mo ang iyong kataga Dahil alam ko na wala na talaga, At tanggap ko na, Na dyan sa puso mo hindi mo na ako kilala Pakiusap pumikit ka ulit, Alalahanin mo, isapuso mo May sasabihin ulit ako sayo, Nakakarindi man, nakakainis man Nakukulitan ka man, paulit ulit man Mahal kita, mahal na mahal kita Kaya mahal, malaya ka na Paalam na, dahil nandito na tayo, Sa dulo ng tulang sinimulan mo At tinapos ko.
0 notes