Tumgik
dyosakunohay-blog · 7 years
Text
Ika-45 anibersaryo ng Marcos martial law, sinalubong ng protesta
Idinaan sa kilos-protesta ng mga grupo mula sa iba't ibang sektor ang paggunita sa ika-45 na anibersaryo ng pagdeklara ni dating pangulong Ferdinand Marcos ng batas militar.
Kinondena ng mga dumalo sa protesta ang giyera kontra droga at mga pang-aabuso umano sa mga karapatang pantao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Umaga pa lang nang magsimula nang magprotesta ang ilang grupo.
Ipinahayag din ng sektor ng mga jeepney driver ang kanilang matinding pagtutol sa modernization program ng pamahalaan.
Matapos magtipon-tipon sa University of Santo Tomas, tumungo ang ilang militanteng grupo sa Mendiola, Maynila para mag-protesta.
Dagdag ng mga nag-protesta, hindi sila nagpapasindak sa mga banta ni Duterte na magdeklara ng batas militar.
Pinangunahan naman nina Bise Presidente Leni Robredo at dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang pagtitipon ng iba't ibang grupo sa UP Diliman para managawan ng hustisya para sa mga biktima ng pag-abuso sa mga karapatang pantao.
Nag-alay sila ng misa sa Parish of the Holy Sacrifice para sa mga biktima ng pang-aabuso noong rehimeng Marcos.
http://news.abs-cbn.com/news/09/21/17/ika-45-anibersaryo-ng-marcos-martial-law-sinalubong-ng-protesta
0 notes