Tumgik
evallykyot · 15 days
Text
TIWALA
Sa isang malamig na gabi, habang ang ulan ay patuloy na bumabagsak. Nagkita ang dalawang ex- magkasintahan na sina Jeremaiah at Eva, sa isang mallit na resto ng casataza sa bayan ng Sta. cruz. Sa kanilang pagkikipag-ulay sa isa’t isa, lumitaw ang mga ala ala ng kanilang pagsasama, ngunit sa bawat tawa ay may bahid na kalungkotan.
Sa gitna ng kanilang pagkikipag-storyahan bigkang may huminto si Jeremaiah at mariing tinignan si Eva. “Eva”, bulong niya. “iniibig pa kita, baka pwede pa”.
Napalunok umano si Eva, hindi makapaniwala sa mga salitang kanyang narinig. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, biglang narinig ni Jeremaiah ang malaakas na ugong ng mga sasakyan sa labas, agad siyang lumabas at doon niya nakita ang isang aksidente− isang babae ang namatay.
Sa pagkamatay ng babae ay siya ding pagbuhos ng malakas naulan, akala mo’y hindi na ito titila pa. Gaya ng sakit na nararamdaman ni Eva sa kanyang Ex- kasintahan, na kahit ilang ulit mo ibuhos lahat ng luha ay hindi padin mawawala ang sakit na pinaramdam sayo.
Sa paglipas ng malakas na ulan, ay agad na sila umuwi.
Kinabukasan, nagkasundo ulit silang magkita sa parehong resto ng casataza. Ngunit sa kanilang pagtatagpo, hindi na masayaa ang kani−kanilang mata.
Nagkatinginan ang kanilang mga mata, at napasabi nalang si Cleu na. “ Patawad kung hindi ko nakita ang halaga ng tiwala”, “alam ko, ito ang sangkap sa isang matibay na relasyon”, humirit pa siya. “Sapat kana, hindi lang ako nakontento sa kung anong meron ka”,”kaya, patawad”.
Mga salitang patawad nalamang ang naririnig ni Eva sa kanyang Ex kasintahan, ngunit kahit may nararamdaman pa si Eva sa kanyan Ex kasintahan ay. Hindi ito nagpatinag, dahil ilang ulit na niyang ginawa ang pambabae. Kahit nasa bahay pa nila si Eva ay, may inuuwi pa itong ibaang babae.
Sa sandalling iyon, nalaman at napagtanto nila na kahit ilang ulit pa ninyo pagusapan. Kung talagang hindi na kayang patawarin at kalimutan ang kasalanan ng isa ay, hindi na talaga maayos pa.
Nagpunta si Eva sa dagat, upang ilabas ang ang kanyang saloobin. Nakakadepress ang magmahal lalo na’t naibigay mo na’t lahat, ngunit hindi ka padin sapat.
“Sana, sa muling magmahal ako. Hindi na ako yung maghahabol at ipagpapalit”. Saad niya.
Gaya ng isang basag na baso, kahit anong ilagay mong tape ay hindi mabubuo. Ganon din sa tiwala ng isang tao, kahit ilang PATAWAD pa ang sabihin at kahit ilang EFFORT pa ang gawin kung hindi na talaga kaya ang salitang SORRY sa pinaramdam mo sa kanya ay, hindi na babalik pa.
Gaya ng sabi ng biblya sa: Kawikaan 3:5-6 Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.
Ganon din sa isang relasyon sa pag-ibig, huwag kang papasok sa isang relasyon kung hindi kapa handa sa mga obligasyon mo.
Hanapin muna ang sarili, sapagkat mas maganda magmahal kung alam mong handa at matibay kana sa lahat ng pasan sa mundo.
0 notes
evallykyot · 15 days
Text
HINAGPIS NG ISANG TAONG NASAKTAN!
Hikbi, takot at taranta ang aking nadama------ ano kaya itong, aking ginawa!!! Andaming mata ang naka-amba, sa isang katulad kong nagkasala.
Dali dali akong umakyat sa aking kwarto. Pagkasara ng pinto’y unti- unting sumalampak ang aking basang basang katawan sa aking higaan. Gusto kong sumgiaw, subalit ayaw lumabas ng aking tinig na gustong-gusto isabog ang aking dibdib.
Unti- unti akong nawawalan nang lakas. Nanlalamot ang aking buong katawan, tama ba, ang aking desisyon?
“Hayop ka!”, ika ng kanyang sarili, pinilit niyang sinisigaw ng basag niyang boses. Paulit- ulit.
Sikat na ang araw nang magising ang kanyang ina, dahil sa pagkakagulo sa kanilang tahanan.
“May---- patay na bata sa ating kubeta”, naririnig niya ang sigawan ng kanyang mga anak.
“Ano ang nangyayari? Bakit kayo nagkakagulo?”, nagugulohang tanong ng kanyang ina.
“May tinapon na bata sa ating kubeta, inay”, ika ng kanyang lalaking anak.
Nagkumpulan na ang kanyang pamilya sa kanilang kubeta. Lahat ng kanyang mga pinsan at mga tito at tita ay nakikiusyoso at nagbubulungan na parang mga bubuyog sa lansangan. May mga nagtatawag na ng kapitbahay, at kabarangay. Sabi ni Carlo, siya daw ang nakakita ng nakakaawang bata. Ngunit sa kakapalan na ng tao sa kanilang tahanan at ito ay napako ang kanyang paningin sa isang papel na nasa tabi ni carlo.
Tinakbo agad ni carlo ang isang papel. Ngunit bago pa siya makarating ay hinawi agad siya ng isang Magandang babae, ang bisig ni carlo.
“Rosy, respetuhin naman natin ang bata, baka makonsensya pa ang ina nito at umamin pa sainyo”, salubong ni Remi sa kanya, isa sa kanyang kapatid.
“Ano ba kasing nangyari”, tanong na nagugulohan at nagtataka parin si aling Rosy.
“Kanina kasi, maliligo na sana ako, kaso Nakita ko nalang sa gilid ng inidoro ang isang batang patay na” akala ko ay, hindi ito bata. Ngunit noong tinangka ko nang hawakan at kunin ay, Nakita ko na bata pala talaga ito. Hindi ko alam kong pinalaglag o sadyang nalaglag.
Anim silang magkakapatid dalawang lalaki at apat na babae. Carlo, Geny, Carmin, Eva, Ivy, Gideon. Panganay si Carlo, pangalawa naman si Eva, pangtalo naman si Carmin, pangapat si Ivy, panglima si Gideon at bunso naman si Geny. Anak sila ni Aling Rosy at Mang Boni, nakatira sila sa isang bayan sa malayong probinsya. Masaya at tahimik ang kanilang bahay, ngunit isang araw ay ganito na ang nangyari sa kanila.
Hindi mawari ni Ating Rosy kung ano ang kanyang mararamdaman, sobra siyang pinagpapawisan. Dumadagondong ang kanyang kaba na tila’y di’ na uubra ang salitang kalma.
“Diyos ko, huwag naman po sanang isa sa mga anak ko!”, ang kanyang binubulong sa kanyang sarili habang naglalakad papuntang sala.
“Sana’y mali ang kutob ko, Diyos ko!”
Naalala niya ang sinabi ng kanyang anak, noong isang araw. Narinig niya ang pagtatalo ng nobyo at kanyang anak sa sala. Na tila’y may malalang problema na kailangan kung malaman agad. Ngunit naisalawang bahala ko ito, inisip ko kasing Malaki na sila. Kaya na nila ang kanilang sarili, kaya hindi nako gumawa ng aksyon.
Agad niyang, pinasok ang kwarto ng kanyang anak.
“Geny!”, pagalit nitong pasigaw. Sabay tapik sa mainit na katawan ng kanyang anak.
“Anong nangyayari? Bakit ganyan ka kainit?
Hindi, umiimik si Geny. Ngunit rinig mo ang pintig ng kanyang pusong mabilis ang pagtibok. At unti- unti’y pinakakawalan ang isang hikbi. Mahina, malakas. Lumalakas ng lumalakas.
“Nay!”, basag ang kanyang tinig nito.
Sa Nakita at narinig ni Aling Rosy sa kanyang anak ay, gusto na niyang gumuho. Mukang tama ang kanyang hinala sa kanyang anak, nawawalan na ng lakas ang mga tuhod ni Aling Rosy. Marahil nga’y sumuko ang kanyang anak sa pagpasan ng isang problemang mabigat niyang dinadala.
“Nay, patawarin muko. hindi ko alam ang gagawin ko! Mabigat na kasi Nay!!!!!!!
“Nay!”, pasigaw na sabi ni Geny sa kanyang ina.
Hindi umiimik si Aling Rosy, hindi alam ang kanyang sasabihin sa kanyang anak.
“Ginawa mo iyon?”, ika ng kanyang ina.
Hindi alam ni Geny ang sasabihin, kaya umiyak nalang siya.
Magbaliktanaw---- noong narinig ni Aling Rosy ang magnobyo na, nagsusumbatan sa kanilang sala. Nagtanong siya sa dalawa.
“Anong pinagaawayan niyong dalawa?”, ika ni Aling Rosy.
Hindi makaamin si Geny at ang kanyang nobyo, badyang natatakot umano ang dalawa na malaman ng magulang ni Geny na, buntis si Geny at tatlong buwan na ito.
“Ano nga?”, saad ulit ng kanyang ina.
“Inay, huwag po kayong magagalit. Sapagkat kami po ay nagkamali.
“Ano?”, ika ng kanyang ina.
“Tita-----nabuntis ko po si Geny”, ika ng kanyang nobyo.
Napailing nalang ang ina ni Geny, hindi alam ang sasabihin. Ilang minute nalamang ay nakaimik si Aling Rosy at saad niya.
“Hindi pwede, ipalaglag niyo ang bata. Masyado pa kayong bata para magkapamilya. Kaya kung maari, hindi dapat mabuhay ang bata. Tandan mo Geny, isang kain, isang tuka lang tayo. Kaya hindi ka pwede mabuntis!”, saad ng kanyang ina na nanginginig sa sobrang galit sa kanyang bunsong anak.
Iyak ng iyak ang dalawang magkasintahan, dahil gusto nang dalawa na buhayin ang kanilang sanggol.
Knock, knock, knock……
“Nay! papasok nako” Saan na yung baon ko?’, saad ng pangalawa niyang anak.
Nagising si Aling Rosy na tila’y basang basa sa pawis. Napanaginipan niya ang kanyang bunsong anak na si Geny.
“Anak, kelan muko papatahimikin?”, ika ni Aling Rosy.
“Sanay, patawarin muko sa aking nagawa, nagawa ko lang iyon dahil sa galit”, saad ulit niya.
Habang papasok si Geny sa kanyang kwarto, ay agad ding pumasok si Aling Rosy at habang nakahiga ang kanyang anak sa kanyang higaan, agad nitong kinuha ang kutsilyo at sinaksak umano ang kanyang anak.
Lungkot at hikbi ang bumalot sa gabing iyon, nadala si aling Rosy sa kanyang galit kaya niya nagawa iyon.
“Bakit ang anak ko pa, ang naging kabit ng aking asawa”, saad niyang pasigaw
Paulit- ulit niyang sinasabi na….
“Bakit ang anak kopa?”
“Hayop ka! Boni”,” bakit ang anak pa natin”, saad niya.
Noong nagsisigawan sila sa sala ng kanyang nobyo, narinig ni Aling Rosy na ang kanyang anak at ang kanyang ama ay may relasyon at hindi ang nobyo niya ang nakabuntis sa kanya. Ngunit gustong akinin ng kanyang nobyo ang dinadala niyang sanggol para hindi siya mapalayas sa kanilang bahay. Sa sobrang pagmamahal ng nobyo ni Geny sa kaniya ay handa siyang magtrabaho kahit hindi niya ito anak. Pinatay si Geny ng kanyang ina, dala ng matinding galit, sinabi niya sa kaniyang anak na ipalaglag ang bata. Kaya sinunod ni Geny ang sinabi ng kaniyang ina, para hindi siya mapalayas sa tahanan nila. Ngunit sa kasamaang palad ay pati siya ay pinatay.
1 note · View note