Tumgik
Text
Pag naramdaman mo nang ayaw mo na, pag may nagugustuhan ka nang iba, pag masyado na kong pabigat sayo, pag sobrang nasasaktan na tayo pwede bang paki balik ako kay paige? pinky promise?
1 note · View note
Text
alam mo louie jay ayokong gawan kang ganto. alam mo ba na gumagawa lang akong sulat para sa mga taong nasasaktan ako? ang funny ko malamang masasaktan moko. Pero namannnn diko maimagine na magagawan kitang sulat. kasi hanggang ngayon walang sapat na letra at sulat para tumbasan lahat ng sakit na binibigay mo at binibigay ko saiyo. pero ayokong mag rant tungkol sa pag kukulang mo kasi ako din maraming pagkukulang. pareho namang mali pero ewan ko bat umabot sa ganto. bakit ko ba pinaabot sa ganto? bakit mo ba hinayaang umabot sa ganto? alam mo ba wala nakong maramdaman pero lagi kitang hinihintay. Alam kong ikaw din pero busy ka lang talaga pasensya na di ako marunong umintindi. pero account ko to kaya ako bida dito so eto na mag rrant nako HAHAHAHAHA so tangina simple simple lang ng gusto ko di mo magawa? hindi to sulat rant to rant di kita susulatan, hindi na muna. so ayon na nga hahahahaha tanginangggg pag nagtatampo ako suyuin mo matagal mga one day HAHAHAHAHA pota alam mo naman yun e pero di mo ginagawa? kaya napapaisip ako bakit ko hinayaang ganto tayo. tsaka bat kaya wala kang kusa? ewan ko ha. I know thankful kayo na dumating ako sayo pero bakit kaya? ewan ko di ako normal i love to overthink it’s in my blood and spirit. i don’t actually demand your time right? as much as possible sa school gusto ko minsan hiwalay tayo and at the same time gusyo ko sama tayo ang gulo ko🤦🏻‍♀️ sometimes i love you sometimes i don’t. hehehee kaimis kung kelan natutuo nakongmag adjust tsaka tayo nag ka problema tho you didn’t know it i don’t wanna tell you kasi i want you to be genuinely happy around wth your family. Gusto ko family mo nasasandalan mo whenever you have problems. gusto ko maramdaman mo na mahal ka ng pamilya mo. i don’t want you to feel the nightmares you’ve felt nung bata ka. ay ayoko nang ituloy HAHAHAHAHA pero nakakatakot kang mahalin. sorry if right now i want to hold back. sorry if gusto ko bumalik sa umpisa. kasi gusto ko lang itama lahat ng pagkakamali natin, masyado tayong na excite di natin alam na mali na pala. na sa sobrang lala at dami ng away nasasaktan na pala isa’t isa.
0 notes
Text
Para sa dalawang lalaking minahal ko noon....
Hi! So eto nanaman ako, nagsusulat para sainyo. Alam niyo bang tatlong taon na lumipas simula nung saktan niyo ako? Alam ko sa sarili ko na humilom na yung sugat pero yung peklat na iniwan niyo, andito pa. Hindi ko alam kung alam niyo pero naka recover naman ako kasi diba pinatay niyo ko? hahahahaha Nauna mokong saktan andrei, pero ikaw din yung unang nag paramdam kung paano kiligin at masaktan at the same time. Si mark? Siya yung unang taong nag mahal sakin. Siya yung unang taong nagparamdam sakin na kamahal-mahal ako, siya yung unang tumanggap sakin. Pero siya din yung unang taong dumurog sa puso ko. Silang dalawa yung buhay ko noong high school ako. Sakanila umikot mundo ko more like sakanila ko pinaikot. Minahal ko si andrei nang walang hinihinging kapalit. Iniwasan, nilayuan niya ko kasi gusto niyang isave yung friendship namin. Pero after ilang years nalaman ko gusto niya ko🤦🏻‍♀️ ewan ko ang saya ko kasi alam mo bang dream ko yun? matagal kong pinangarap na sabihin mong gusto mo din ako pero huli na diba mah sari sarili na tayong buhay noong umamin ka. After mawala yung friendship namin ni andrei , dumating si mark para mahalin ako kasi masaydo ko na daw binigay mundo ko sa taong iba yung mundo, kaya siguro binigay ni Lord si mark sakin. Para maramdaman kong mundo ako nang iba. Pero ako nga yung mundo niya, maka sarili naman siya. Sobrang minahal niya ko to the point na nasasaktan niya na din ako:) Pero tatlong taon na yun eh, alam niyo bang masaya nako? HAHAHAHAHA sana kayo din pero bakit ha bakit nung nabasa ko yung mga sulat na ginawa ko para sainyo bigla nanaman akong natakot? Bigla akong natakot na baka isang araw saktan din niya ko katulad ng ginawa niyo? grabe yung trauma ko sainyo hahahahaha hanggang ngayon di mawala-wala. Lalo na yung kay mark, oo sinasabi ko sa lahat na hindi kita minahal, na mas minahal ko si andrei pero maniwala ka man o hindi sobra kitang minahal. Alam mo bang ikaw yung unang lalaking iniyakan ko ng sobra? HAHAHAHAHA hindi si andrei🤷🏻‍♀️ pero ayon sana masaya kayong dalawa kung nasaan man kayo, at sana mark napatawad mo na ako sa mga naging kasalanan ko sayo. Wala tayong closure kasi sinarado ko pinto ko sayo. hahahahaha ang gago lang. Para sa joseph ni jeane, para sa b, babs, pagong ni baboy, salamat sa maganda at mapait na alala na pinaramdamn niyo sakin, di kayo maaalis sa puso ko. Sana ito na yung huling sulat na gagwin ko para sainyo. Sana pare parehas na tayong makawlaa sa multo ng nakaraan.
0 notes
Text
parang minumulto pa din ako ng nakaraan simula nung nabasa ko uli yung mga dati kong sinulat
0 notes