Tumgik
heirophant21 · 10 years
Text
Ang Huling Linggo ng Summer (Last Week, May 12, 14, & 16, 2014)
Ito ang isa sa pinaka mahaba, masayam matalinghaga at makabuluhang linggo para sa akin sa pi10. Ngayon lang ako nahilo sa pagbabasa. Hilo man pero masaya ako dahilnaiintindihan ko ang mga naisulat ni Rizal. Mula sa pagkakasulat ng noli hanggang sa pagabbago ng idiyalismo ni Rizal sa pagsulat ng El Fili. Kahanga hanga ang pag-iisip ni Rizal noong isinulat niya nag kanyang mga nobela. Nagawa niyang isalarawan ang bawat tao sa lipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay niya rito bilang iba't ibang tauhan ng nobela. Ang mga argumentong tinalakay niya sa pamamagitan ng iba't ibang tauhan na kumakatawan sa kanyang mga persona ay nakakaaliw na unawain at bigyan pansin. Ang galing niya sa paglalarawan ng mga tagpo na sumasalamin sa kanyang lipunan.
Sa iba niya ring mga aksa ay namangha rin ako. Kung pag-aaralan at babasahin nating mabuti ang mga sinulat ni Rizal ay makikita nating magagamit pa rin natin ang mga idiyang gustong ipahatid sa atin ni Rizal.Ang mga korapsyon at kasamaan noong panahon niya ay patuloy pa ring nagaganap sa kasalukuyang panahon natin. Gaya ng sabi ni sir Herald, "sa oras na hindi na natin pinag-uusapan at pinag-aaralan ang buhay at mga gawa ni Rizal, ay siya ring katapusan ng paghihirap at simula ng pagiging buo ng nasyonalismo ng ating bansa."
0 notes
heirophant21 · 10 years
Text
19th century (Week 4, May 5, 7, & 9, 2014)
Ito ang linggo kung kelan pinag-usapan ang kalagayan ng banasa noong ikalabing siyan na siglo. Nagsimulang magkaroon ng pagababago sa  aspeting ekonomikal ng bansa kung kailan nagsimulang dumami ang ang mga Pilipinong maykaya sa buhay. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na magkaroon ng ari-arian. Nagkaroon din  ng pag-unlad sa teknolohiya at naging mabilis ang pagapapadala ng mga mensahe sa iba't ibang lugar. Mas naging konektado ang maraming lugar kaya't mas laong napabilis ang pag-unlad. NAgsimula na ring dumami ang mga tao sa mga urbanisadong mga lugar. At dahil sa mga pag-unlad na ito, sumobol ang mga ilustrado kung saan nabibilang si Rizal. Katulad nga ng nabanggitni Ma'am April sa mg bayani, kailanganng napapanahon at hinog ang lipunan para sa pagdating ng isang bayani. Naaakma lang ang kanyang pagsibol mula sa karamihan noong panahon na iyon kaya naayon langna pag-aralan ang talambuhayni Rizal. Katulad ng mga napanood ko noong nakaraang linggo, pinag-usapan at tinalakay ang naging talambuhay niya, makulay, masalimuot at makabayan.
0 notes
heirophant21 · 10 years
Text
Pananakop at Buhay (Week 3, April 28, 30 & May 2)
Napang-usapan sa linggong iyon ang paksa tungkol sa kolonyanismo at imperyalismo. Malaki ang pagkakaina ng isinagawang pag kolonya ng espanya sa ating bansa mula sa orihinal na kahulugan ng pangongolonya sa isang bansa. Pang-aabuso ang ginawa ng mga espanyol sa atin, hindi lang sa mga yaman ng bansa kundi pati na rin sa mga taong nakatira sa bansa. Pang-aabuso na tumagal ng ilang daang taon.  Kaungnay ng usaping pang-aabuso, naging paksa ng linggong iyon ay ang kakalagdang kasunduan ng bansa sa Amerika na pagpapahintulot sa mga amerikanong militar na gumawa ng mga base militar sa bansa. Tingin ko ay isa ito sa mga ginwang hakbang ng ating gobyerno upang humingi ng tulong mula sa isang bansang lubos na makapangyarihan mula pang-aabuso ng China sa pagkamkam ng teritoryo ng ating bansa na alam naman nating higit na mas malakas kumpara sa ating bansa. Ngunit hindi parang nagpapaalipin na naman tayo sa isa na namang mananakop. Inuulit na naman natin ang mga kaganapan noon sa ating kasaysayan. Wala na ba talaga pag-asang umunlad biglang isang indepenteng nasyon. At paano kung magkaroon ng alitan ang Amerika at China, gaya ng sabi ni Ma'am April, parang naghihikayat na naman tayo ng isang giyera sa ating bansa. Mapapagkait na naman sa atin ang pag-unlad. Nanood din kamin ng isang pelikula tungkol sa naging buhay ni Rizal. Makulay ngunit masalimuot ang mga pangyayari sa buhay niya. HAlos may kaunting pagkakaparehas kami sa mga naranasan sa buhay. Parehas kaming napahiwalay sa pamilya dahil sa edukasyon. Ang pinagkaiba lang ay siya ang lumisan at ako ang iniwanan.
0 notes
heirophant21 · 10 years
Text
Ang Pamayanan at mga Bayaning Mandirigma (Week 2, April 21, 23, & 25, 2014)
Sa linngong iyon tinalakay ang paraan kung paano nahuhubog ang isang pamayanan. Ito ay maaring dahil sa grupo ng tao o ahensyang napapaloob dito kung saaa tao ang mismon huhubog ng kanyang pamayanan. Maari ring isang dakilang tao ang maging pinuno ng pagbabago at pag-unalad ng isang pamayanan. Isang bagay na malaki ang alinlangan kong makagawa ko dahil kahit alam kong meron akong pagnanais na maging taong magsisimula ng pagbabago at pag-unlad, malaki ang takot kong magkamali kaya mas pinipili kong maging isang tapat at mabuting tagasunod na lang. Malaki kasi ang takot kong magkamali, pagkakamaling ikapapahamak ng iba, kaya susunod nalang ako, pero hindi sa lahat ng oras ay pwede ito, inoobserbahan ko rin naman ang taong sinusunod ko at kumukuha ng mga kaalamang maari kong magamit kapag handa na akong maumuno. Kaakibat din ng pamayanan ang pagkakaroon ng mga istrukturang gagabay sa paglago at pag-unlad. Kung saan may malaking ginagampanan ang mga indibiduwal na huhubog sa kasysayan. Kung saan tinalakay kung paano nagiging bahagi ang isang tao, sadya man o o hindi, ng pagkakasulat ng kasaysayan. Pinakatumatak sa akin ang paksa kung papaano ang pagtaas ng antaas ng isang mandirigma. Malupit at marahas nag paraan kung paano aangat ang ranggo ng isang mandirgma. Pagpaslang ang tanging paraan upang makapait ang antas na ninanais. Hindi ako mahilig sa karahasan pero wala naman akong karapatan na husgahan ag sinaunang pamamaraan ng mga mandirgma noon dahil iyon ang naging uri ng pamumuhay noon. Isa lang sa mga ranggo ang nagustuhan ko, iyon yung "luto." Bakit pa ako magpapahirap na pumatay ng marami kong isa lang pwede na. 
0 notes
heirophant21 · 10 years
Text
Maikling linggo ng Summer (Week 1, April 14 & 16, 2014)
Ang unang naging paksa noong linggong iyon ay kung bakit nagkaroon ng subject na PI10. Kung bakit kinakailangan natin magkaroon ng pag-aaral kay Rizal. Una sa lahat ang bayan natin noong ay nasa kalagayan ng pagkalugmok mula sa pagkakapinsala ng nagdaaang giyera mula sa mga hapon. Napanghihinaan na ng loob ang mga kababayan natin noon at kailangan ng mga Pilipino ng inspirasyon para muling bumangon. Iyon ang nagbugay daan para gawin ang Rizal Bill. Ang kaso nga lang ay, tulad ng RH bill, maraming tumuligsa rito, unang una rito ay ang simbahan. Natatawa nga ako kasi kung sino pa ang naturingang marangal at malilinis ay ang unang nag-isip ng ng masama at marumi sa mga gawa ng ni Rizal. Nakakatawa lang talaga kasi hindi naman talaga magiging masama ang isang bagay kung hindi lalagyan ng malisya at nanggaling pa sa simbahan ang pag-iisip na iyon.  Kasunod na tinalakay noong linggong iyon ay ang konsepto ng isang bayani. Mula pagkabata ay malaki na ang pagkamangha ko sa mga "HERO." Mga taong may kakaibang kapangyarihan at kakayahang hanggang panaginip ko na lang makakamtam. Hindi tulad ng "Bayani," malaki ang pakakaiba nito sa "HERO," hindi sa spellg kundi sa kahulugang kaakibat nito. Ang tipikal na makakanluraning Hero na alam natin ay mga taong may angking lakas at kapangyarihan at binubuwis ang buhay at mamatay para sa mga nakakararami. Ibang iba sa bayani na hindi kailangang may kapangyarihan at mamatay, kundi handang magsakripisyo at maglingkod para bayan. Kahit sino ay pwedeng maging bayani kung nanaisin natin kailangan lang nating maging matapang sa pagharap sa mga pagsubok na ating makakaharap. Ang pinakapaborito kong paksa noon ay tungkol sa karisma, isang bagay na gusto kong magkaroon. Malaki ang paghanga ko sa mga taong malakas ang karisma sa kapwa. Iilan diyan ay ang aking ina, mabils niyang makuha ang loob ng sino mang makakasalubong niya, isa iyon sa mga bagay na ikinahahanga ko sa kanya. Isa pa riyan ay ang aking matalik na kaibigan, tulad ng aking ina madali niyang napapalagayan ng loob ang ibang tao kahit unang beses pa lang silang nagkikita. Ang galing niya ring manghikayat ng ibang tao, ang kaso ay hindi siya uubra sa akin, mahina ang epekto niya sakin kaya kung may binabalak yong mokong na iyon ay nasa tabi lang ako para kontrahin siya.
0 notes
heirophant21 · 10 years
Text
Unang Araw ng Summer (Day1-April 11,2014)
Unang araw noon sa Summer class, kay medyo excited akong pumasok dahil aalm kong maaga din naman kaming makakauwi. Pagadating ko sa silid na kung saan kami  dapat magklase ay may napansin akong nakapaskil na sulat na inilipat ang lugar kung saan gaganapin ang klase namin. Naligaw pa nga ako noong una dahil isang beses palang akong nagkaklase sa Econ Dept. Pagkahanap ko ng tamang lugar ay kapansin pansin na andaming tao sa labas ng Hall. Hindi ko na lang pinansin dahil tingin ko ay halos mga prerog ang karamihan sa mga tao doon kaya pumasok na lang ako. Ang dami paring tao sa loob, umupo ako sa pinakamalapit na upuan at hinintay ang magiging guro namin. Dumating sin Ma'am April at ang pambungad niya ay "lahat ng mga prerog ay tumayo". nakakagulat nga kasi halos maubos yung mga nakaupo. Lahat ng mga enlisted ay nagkumpulan sa unahan.  Matagal ko nang nararanasan ang biglang dami ng mga estudyanteng gusto makakuha ng slot sa isang subject pero soon pa lang ako nakatagpo ng ganoon karaming prerog, halos wala nang pepwestuhan. Doon ko napagtanto ang suwerte ko talaga. Hindi ko na kailangan magpakahirap na magmakaawa para lang makakuha ng subject. Oo nga pala, ni minsan hindi pa ako ng prerog at gusto kong gawing sariling record iyon, kasama ng hindi pagkakaroon ng dorm at maging uwian simula pa noong unang pasok dito sa elbi. Medyo naging mahigpit si Ma'am April sa pagtanggap ng prerog. Kailangang unahin ang mga matatagal na sa UP para naman hindi na daw masayang yung ginagastos ng bayan para sa pagpapaaral sa amin, tama naman, lalo na sa akin na walang binabayara, Bracket E1 kasi, ewan ko nga kung bakit hindi pa rin ako napunta sa E2. Wala naman masyadong nagyari noon recit, tipikal na nagyayari sa mga unang araw ng klase, maagang uwian. Pero naramdaman kong hindi ako mababagot sa klase dahil kay Sir Herald.
0 notes