Tumgik
hinagpis-blog 7 years
Text
Lunes
Araw ng pagiging tamad. Ang sarap bumalik sa pagiging estudyante lang. Tipong hindi mo na kailangan masyadong intindihin ang lahat. Lunes nanaman. Madugong araw nanaman. Masarap sana neto lalo pag may nagpapagaan ng araw mo. Pero wala eh. Wala talaga. 馃檪
0 notes
hinagpis-blog 7 years
Text
Pagod
Mapapagod kanalang bigla. Kahit ayaw mo. Bigla mo na lang mararamdaman. Siguro nga kailangan ko nalang masanay na mag-isa. Mapagod nalang ng mapagod. Hanggang masanay na.
0 notes
hinagpis-blog 7 years
Text
Panaginip
Para akong nanaginip minsan sa t'wing iniisip ko kung gaano mo ako kamahal at kung gaano ako kaimportante sayo. Hindi dahil sa hindi ako naniniwala sayo kundi dahil sa nararamdaman ko. Sa nararamdaman ko na napaka sayo sa t'wing iniisip ko na para akong nasa alapaap. Na para akong nakalutang sa saya. Na para bang hindi totoo ang lahat. Parang isang magandang panaginip. Napaka gandang panaginip. Ang taong hinahangaan ko noon at minamahal ko noon at ngayon. Ay mahal na rin ako. Sabay ngingiti. At mararamdaman ulit ang presensya mo. Oo pala. Tama nga pala. Hindi ito panaginip. Totoo pala na may isang taong kaya akong mahalin at taong kaya akong pahalagahan. Hindi lang sa isang panaginip. Kundi sa realidad rin. Kaya maraming salamat sayo. Mahal na mahal kita F.
1 note View note
hinagpis-blog 7 years
Quote
Liligawan kita araw-araw. Hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Mahal na mahal kita.
1 note View note
hinagpis-blog 7 years
Text
Istarbaks
Habang nakaupo at nagbabasa ng libro. Hindi ko mapigalan ang ngumiti. Iniisip kasi kita. Tanging ikaw lang ang laman ng isip at puso ko. Para kang isang matamis na kape. Ang sarap sa pakiramdam at nakaka adik. Parang ikaw. Sa t'wing nakakausap ka at iniisip ka. Para akong nasa alapaap. Lagi kong hanap-hanap ang presensya mo. At habang iniinom ko ang aking kape... napangiti muli.. dahil ikaw muli ang laman ng aking isip. Mahal na mahal na mahal kita.
2 notes View notes
hinagpis-blog 7 years
Text
Tinig
Ang tinig mo lang ang solusyon sa twing gusto kong kumalma. O gusto kong makalimutan mga problema ko. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap sa puso.
2 notes View notes
hinagpis-blog 7 years
Text
Dahan-dahan lumalabo ang aking mga mata. Natatakot na balang araw hindi na masilayan ang iyong magandang mukha. Kung dumating man ang panahon na hindi ko na kaya imulat ang aking mga mata o tuluyan ng lumabo at hindi na makakita pa. Lagi mong tatandaan. Habang buhay na naka ukit sa isip at puso ko ang lahat. Mga masasayang araw nating dal'wa. Lahat ng mga alaala nating dal'wa habang buhay na mananatili sa aking puso at isip. Mawala man ang lahat.
2 notes View notes