Tumgik
itsjlthings-blog · 7 years
Text
Liham Aplikasyon
Zone 4, Bonifacio San Fernando, Camarines Sur Disyembre 7, 2016   TAGAPAMAHALA Company Manager Bob Marlin Restaurant and Grill Magsaysay Branch, Naga City   Mahal ng Tagapamahala,   Nabasa ko po sa pahayagang Philippines Star petsang Ika-16 ng Nobyembre sa taong 2016, na nangangailangan ng isang cashier ang iyong restaurant. Naniniwala ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-aaplay sanaturang trabaho.   Ako po ay isang binate, labing anim na taong gulang at nagtapos po ako ng sekundarya sa San Fernando National High School ng Technical Vocational Course noong Marso 31, 2016. Ako po’y masipag, matiyaga, may eksperhensya pagdating sa kompyuter, magaling at marunong makihalubilo sa kapwa at higit sa lahat may pagmamahal sa aking trabaho. Sa katunayan, ako po ay nagkamit ng karangalan bilang Valedictorian  sa pagtatapos ng sekundarya.   Isa akong aktibong mag-aaral sa sekundarya sa loob ng limang taon, ako po ay naging opisyal ng Supreme Student Government, ang pinakamataas na organisasyon ng mga mag-aaral sa aming paaralan. Magaling ako sa Matematika, agham at wika. Marunong din ako sa kompyuter, mapa-Hardware o Software pa. Bunga ng mga karanasan at kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong produktibo at episyenteng manggagawa ng inyong kompanya.   Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin. Maraming Salamat!   Sumasainyo,     JOHN LOYD O. BOLOCON Aplikante
1 note · View note
itsjlthings-blog · 7 years
Photo
BABALA! 😅🔫
Tumblr media
BABALA.
9 notes · View notes