Tumgik
Text
Ako yung laging andyan para sayo.
Oo ako naman talaga yung laging andyan para sayo. Hindi ko nga alam kung bakit ginagawa ko pa to eh kasi tapos naman na tayo siguro nag aalala nalang talaga ako sayo, hindi naman kasi kita nakilalang ganyan. Ibang iba ka na ngayon ang layo mo na sobra. Oo lagi akong andyan para sayo pero kailan ka ba naging andyan para sakin? Yun talaga yung nakakasama ng loob kasi everytime na kailangan mo ako andito lang ako, pero pag ako na yung may kailangan hindi ko alam kung papano lalapit sayo. Nasanay na din siguro ako na kayanin mag isa yung mga pinagdadaanan ko pero iba padin talaga pag may kasama ka. Never mong tinanong kung kamusta na ako, siguro nga hindi naman talaga ako naging importante sayo. Sawa na ako sa ganito hehe pagod na ako. Tama na 'to. Salamat kasi pinaramdam mong hindi ako worth it para sa atensyon mo. Naka move on na ako eh gusto ko lang maging magkaibigan tayo pero sa ginagawa mo mas ok ng mawalan ako ng kaibigan kesa mawalan ako ng halaga bilang kaibigan. Salamat 😊 good luck nalang
3 notes · View notes
Text
The reunion
Nag reunion kayo ng mga kaibigan mo tapos sinama mo ako o dahil niyaya lang din ako ng mga tropa mo kasi medyo close ka na din sila eh. Hindi ko alam bakit sumama ako haha ang kapal ng mukha ko pero nag enjoy naman ako kasi masaya naman sila kasama. Hindi ka naman madaling malasing pero bakit nalasing ka nun? Nag tatake advantage na yung isa sayo pero wala lang sayo wala akong ginawa kasi sino ba naman ako dba? Nakisama na nga lang ako magiging kill joy pa ako. Nainis ako kasi bakit uminom ka ng hindi mo naman pala kaya. Pero bakit ba sobrang concern ko sayo? Ingatan mo naman yung sarili mo kasi pagod na akong tignan bawat kilos mo kahit hindi ko naman talaga dapat gawin.
0 notes
Text
Prayers
Hi Lord hindi man pormal tong ginagawa ko pero alam kong didinggin nyo to. 3 years ago Lord kinuha nyo yung pinsan ko. Alam ko namang masaya na sya dyan ngayon kasama mo at alam kong hindi na sya nahihirapan tulad ng paghihirap nya nung nabubuhay pa sya sa mundong to. Lord please wag po muna ulit ngayon, Lord pagalingin nyo po yung Lola ko sa ano mang sakit na nararamdaman nya ngayon, hayaan nyo pa po syang mag serve sainyo. Lord please minsan lang makokompleto at mag rereunion yung pamilya ko sana this time matuloy na ng walang nawawala sa pamilya ko. Lord naniniwala ako sainyo pero hindi ko maiwasan na hindi matakot sa mga possibleng mangyari but I believe in you Lord. Thank you po. Amen 😇☝👏
0 notes
Text
"I was happier with you"
Hindi ko in-expect na yung buhay ko dati ay may MAS isasaya pa. Akala ko bago ka dumating yun na yung maximum level ng happiness ko pero hindi pa pala. Sobra akong naging masaya sayo at "satin". Sa sobrang saya ko nga kung ano-ano na yung mga naiisip for our future, nakalimutan ko na pansamantalang kasiyahan ka lang pala. Hindi ko kasi naramdaman na ganun lang pala kadaling magtatapos kung ano yung meron tayo. Masyado akong nabulag sa kasiyahang naidulot mo, hindi ko nakita na tapos na pala yung role mo sa buhay ko. Sa totoo lang hanggang ngayon hinahanap-hanap ko yung ganung saya, Nakakamiss lang kasi na parang dati sobrang saya mo tapos ngayon bumalik ka sa "akala mo maximum level na ng happiness mo". Nasasanay na din naman ako, ay mali sanay na pala ulit ako sa ganito. Alam kong masaya ka na sa buhay mo ngayon pero gusto ko lang sabihin na nakakamiss ka din pala. Salamat sa kasiyahang naidulot mo sa buhay ko pero ang bilis mo namang binawi nag eenjoy pa ako eh.
0 notes
Text
Pefect 👌
Hindi ko alam kung ano yung exactly na nararamdaman ko ngayon, pero kasi parang ang gaan. Para bang "everything-is-in-the-right-place".
0 notes
Text
Namiss kita
Grabe namiss kita sobra. Hindi ko alam pero dapat hindi na ganito yung nararamdaman ko pero kasi hayyyy baka nga hindi pa din ako tapos sayo haha nakakainis, baka tanggap ko lang pero mahal pa din kita. Pwede pala yun no? yung mahal mo pa din yung isang tao pero tanggap mo na yung bagay bagay na hindi talaga kayo pwede para sa isat isa. Kailangan kong tanggapin na, nagmahal ako ng isang taong hindi pwedeng angkinin habangbuhay. Pero ok na masaya na ako kung anong meron kami ngayon 😎
0 notes
Photo
Tumblr media
2years and 6months. Akala ko hindi ko kaya.
0 notes
Photo
Tumblr media
Thank you Lord! Bago pa pala ako mag worry may sagot ka na agad. Minsan kasi nagpapanic agad tayo nakakalimutan natin na dapat hindi tayo nag aalala dahil andyan si Lord handang sumupporta sa lahat ng worries natin in life. Na andyan sya para sabihin na Siya na ang bahala. Ang sarap lang sa feeling na lagi after kong mag simba laging may blessing na kapalit agad agad. Pakiramdam ko hindi ko deserves yung mga binibigay na blessing sakin ni Lord dahil sa kasalanan ko pero sabi nga na bago pa tayo gumawa ng kasalanan ay napatawad na Niya tayo. Ang sarap sa pakiramdam. Thank you Lord for everything 😌👆👏 This is all for you ❤
0 notes
Text
Morning Thoughts 🌅
Ano na kayang narating ko after 10 years? By that time 31 na ako. na achieve ko na kaya yung mga dreams ko in life and for my family? Successful na ba ako nun? Ang sarap sanang isipin ng future kaso nakakatakot din dahil baka yung mga gusto mong marating after ilang years eh manatiling pangarap nalang.
0 notes
Text
Salamat.
Gusto ko lang magpasalamat na minsan sa buhay ko, nakilala kita.
Na minsan sa buhay ko, dumating ka.
Na minsan sa buhay ko, minahal mo ko at minahal kita.
Na minsan sa buhay ko, naging akin ka.
Mahal, salamat ha? Malaya ka na.
29 notes · View notes
Photo
Tumblr media
#foreversucks #girlcrush #happy
0 notes
Text
What if's
What if, hindi pa nga talaga ako nakakamove on? What if, tanggap ko lang na hindi na talaga kami pwede? What if, mahal ko pa talaga sya? What if, sinasabi ko lang sarili ko na ok lang ako kahit hindi naman talaga? Hayyyyy 😞😞
0 notes
Text
Sorry
Para sa mga kaibigan kong malungkot ngayon Sorry kasi hindi ko alam kung paano kayo icocomfort :(
0 notes
Text
So ayun gumawa ako ng bagong tumblr para lang mailabas yung nararamdaman ko. At least dito walang nakakakilala sakin 😊
0 notes
Photo
Tumblr media
70K notes · View notes
Photo
Tumblr media
I changed, cause being me wasn’t enough anymore
22 notes · View notes
Quote
Kung sino man ang kasama mo ngayon or kakilala na alam mong mahal ka. Siguro yan na ang sagot kung bakit ka iniwan ng mga tao dati. Siguro sila ang dahilan at sila ang binigay para sila ang magbigay ng importansya ngayon. Kaya siguro nawala yung dati para mahanap natin at magkaroon tayo ng atensyon sa iba. Maaring iba man ang mukha at pangalan. Pero andoon pa rin yung tunay mong nararamdaman na pagmamahal at kasiyahan.
Rhadson (via matabangutak)
127 notes · View notes