Tumgik
kaireebelatrix · 4 years
Text
UNA'T HULING TULA PARA SAYO
Ika'y aking nakilala
Sa silid eskwela
Doon tayo'y nakagawa ng eksena
Pinipilit nila tayo na magkapareha
Ako ay sayo'y dati malapit
Sa isa't-isa tayo nakakapit
Diba nga lagi kong sambit,turing ko sayo'y nakababatang kapatid
Tila lumamim na hindi ko batid
Noong mga panahong ika'y nakatabi
Sumilay sa iyong labi ang ngiti
Alam ko na ako'y sasaktan
Pero wala akong magawa dahil dyan ako nakalaan
Para wala ka sa sarili,nang ika'y may sambitin
Tila ba ako'y kinikilig at nabitin
Mga katagang nagpatigil saaking mundo
"Lilagawan kita"yan ang sinabi mo
Ako ay nagulat
Tila nagdadalawang isip kong magpapayat
Gumugulo yan saaking isipan
Di ko masigurado kung ikaw ay may nararamdaman
O nadala ka lang sa asaran
Nagpatuloy ang ganon hanggang sa tayo'y naglayo
Agad rin tayong nagtagpo
Noong unang klase wala akong nadarama
Dahil ang puso ko ay na sakanya pa
Ako ay may nalaman
Ikaw daw ay may napupusuan
Hindi ko alam kung anong Nararamdaman
Weird mang pakinggan pero ako ay nasaktan
Hanggang sa ika'y aking nakapareha
Noong una wala akong nadama
Hanggang sa hinawakan mo ang aking kamay
Parang pati puso ko'y naibigay
Matapos ang pagtatagpong iyon
Parang sa isang panaginip bumangon
Tila nabuhusan ng malamig na tubig
Naalala ko,Hindi ako ang iyong iniibig
Ito'y sa mga kaibigan ay nasambit
Ayaw nila na ito'y aking ipilit
Dahil alam nila na may mahal kang iba
Sa nararamdaman gusto nila akong masalba
Kaya ngayong nasulat na itong tula
Ako'y wala ng nadarama
Hindi pa nga nagsisimula ang istorya
Pag-asa nating dalawa'y pinutol mo na
Kaya kahit ilang taon pa ang lumipas
Itong nadarama ay may wakas
By:Yana marie
1 note · View note