Tumgik
karl-poblete · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media
Ang Aking Pamilya
Ang aking Pamilya ay binubuo ng Mama ko Papa ko at ang dalawa kong kapatid. Ang mga magulang ko, sila ang nag paaral sa aming magkakapatid sa maayos na paaralan, sila ang nagturo sa amin ng mga mabubuting asal, sila rin ang naging gabay namin papunta sa tamang landas, sila rin ang inspirasyon ko para mag aral ng maayos. Ang aking dalawang kapatid naman na makukulit, minsan ko man silang nakakaaway ay pilit parin nag babati at sila rin ang mga kasama ko sa paggagawa ng mga kalokohan.
Hindi man kami kumpleto araw-araw dahil sa pangingibang-bansa ng mama ko pinipilit parin namin na maging masaya dahil kung hindi siya nag trabaho sa ibang bansa hindi naman nya kami masusunod lahat ng gusto namin at masaya parin kami dahil kahit paminsan-minsan umuuwi ang mama ko sinusulit parin namin ang mga araw na ito
Minsan man nila kaming napag tataasan ng boses at napapagalitan alam ko naman na kasalanan namin iyon at ginagawa nila iyon para madisiplina kami at para kami ay matuto sa mabuting asal.
2 notes · View notes
karl-poblete · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ako si Karl kasalukuyang nakatira sa Bantay, Ilocos Sur, Ipinanganak noong ika-6 ng Septyembre 2005 sa Baesa, Quezon City at bininyagan sa pangalan na Virgel Karl Emmanuel R. Poblete. Lumaki man ako sa isang siyudad, nakayanan ko parin na makisabay at makapag salita ng Ilokano dahil palagi akong nag babakasyon sa lugar ng mama ko sa Abra at dun ako natuto na magsalita nito.
Lumaki ako ng may takot sa magulang at sa Diyos dahil sa mga magulang ko. Pasaway man ako paminsan minsan sumusunod parin ako sa aking mga magulang. Suportado rin ako ng mga magulang sa mga pangarap ko at ayaw rin nila akong lumaki ng walang pinag aralan kaya pinag aral nila ako sa isang maayos na paaralan, Ginagawa ko ang lahat at nag aaral ako ng mabuti upang maabot ko ang aking mga pangarap at para maging proud sa akin ang aking mga magulang kahit minsan ay nasusuway ko sila.
3 notes · View notes
karl-poblete · 4 years
Text
.
2 notes · View notes