Tumgik
kerahmatthew-blog · 5 years
Text
LIPUNANG MAPANGHUSGA
"Ang kalayaan ay para sa lahat ng nilalang, hindi para sa iilan lang."
Paano mo masasabing ikaw ay malaya? Paano nga ba? Ikaw, ako, tayo. Tayo nga ba ay malaya? Tatawagin mo ba tayong malaya kung sa bawat galaw mo ay may masasabi ang iba? Kung pati sa pagbigkas o pagsasalita mo ay matatawa sila. Pati nga sa pagnguya, kinukutya nila at sa lahat ng ginawa mo ay may mapupuna at mapupuna pa rin sila. Ganun ba ang malaya?
Tahanan, kung saan naroroon ang ating mga magulang. Mga magulang na gumagabay sa ating paglalakbay at pumipigil sa atin at ating sinusuway. Oo, magulang natin sila ngunit minsan, sila ay sobra na. Hindi ba nila naisip na nasasaktan tayo sa pagbabawal na kanilang ginagawa? At minsa'y nakakaramdam ng inggit sa iba. Sabi nila walang mag- aalala kung walang maggagala. Ngunit hindi ba nila alam na tayo ay may isip na, alam na natin kung ano ang tama. Hindi naman pwedeng lagi nila tayong pagbawalan at diktahan dahil kailangan din natin sumaya sa mga simpleng pamamaraan.
Pilipinas, ating bansang sinilangan. Kung saan madaming mapanlait sa lipunan. Bawat galaw mo ay inaabangan, nang sa gayon ay may mapag- chismisan. Mga panlalait, masasakit na salita, pangungutya sa kapwa ang lagi nating ginagawa. Aminin man natin o hindi, tayo rin ay nanghuhusga. Humuhusga ng buhay ng iba at gayundin ang gingawa nila.Tayong lahat ay biktima ng mga panlalait at panghuhusga kaya hindi tayo nagiging malaya. Nakakasakit na tayo ng damdamin ng isa't isa. Sino ang dapat nating sisihin sa ganitong gawa? Hindi ba dapat ay mga sarili rin nating mapanghusga?
Kalayaan, ito nga ba ay para sa lahat ng nilalang? O para sa iilan lang? Paano mo msasabing malaya ka kung hinuhusgahan ka lagi ng lipunang mapanlinang? Suportahan nalang natin ang isa't isa upang ang bansa natin ay umangat pa. At kapag nangyari iyon, dito mo masasabing tayo ay malaya na.
- Isinulat ni Kristine Lyssel V. Huliganga
24 notes · View notes
kerahmatthew-blog · 5 years
Text
KALAYAAN
KALAYAAN SA PANAHON NGAYON KAKAUNTI NALANG ANG NAGKAKAROON NG KALAYAAN, KALAYAAN SA PAG GALA, PAGHAWAK NG CELLPHONE AT KUNG ANO ANO PANG KALAYAAN ANG GUSTO MO. HINDI NATIN MASISI ANG ATING MGA MAGULANG KUNG HINDI NILA TAYO BINIBIG YAN NG KALAYAAN. KAPAKANAN DIN NATIN ANG INIISIP NILA SA PAGBIBIGAY SATIN NG KALAYAAN. HINDI NILA TAYO BINIBIGYAN NG KALAYAAN DAHILAN NITO AY IKAKASAMA MO O IKAKAPAHAMAK MO .TUNGKOL SA KALAYAAN MARAMI ANG NAWAWALA SA SARILI O DEPRESYON DAHIL SA WALAN NG KALAYAAN NA GAWIN ANG KANILANG GUSTONG GAWIN SA KANILANG BUHAY. MINSAN KAILAMGAN DIN NATIN MAHING MALAYA PERO DAPAT MAY LIMIT ITO SA PAGIGING MALAYA. MINSAN SA ATIN MGA KABATAAN MARAMING DEPENISYON ANG KALAYAAN , MALAYA KA SA MGA MALING GAWAIN AT KALAYAAN DAHIL NASASAKAL KA NA SA MGA NANGYYARI SA IYO. ANG ISANG KABATAAN KASI KAILANGAN TALAGA MAGKAROON NG KALAYAAN PARA MANATILI TAYONG MASYA SA KAHIT ANONG PAGSUBOK MERON TAYO. SA NANGYAYARI NGAYON SA ATING MUNDO IBA NA KASI ANG PUMAPASOK SA ATING ISIPAN KAPAG NARINIG ANG SALITANG "KALAYAAN "KAPAG SINABING KALAYAAN ALAM AGAD NG MGA KABATAAN NA PWEDE KA NG MAGING MALAYA SA ANO MANG BAGAY O IBA NA AGAD ANG DATING. HINDI NAMAN LAHAT MAY KALAYAAN KAYA WALA TAYONG KARAPATAN MAGREKLAMO KUNG MAY KALAYAAN TAYO O WALA. -Isinulat ni Hannah Yuson
19 notes · View notes
kerahmatthew-blog · 5 years
Text
Malayang Ikaw
Kapag ba nasungkit ang mga tala,kalayaa'y makakamtan? Kapag ba naglakad ang mga isda,ito'y maisasakatuparan?Kapag ba naghugis parisukat ang buwan,ito'y atin na bang mararanasan? O baka naman kapag natanggap na natin na hindi sa lahat ng bagay ay tayo ang nasa katuwiran.
Kailan ba dapat tayo maging malaya. Kailan kaya natin ito matatamasa.Kalayaan,kalayaan.Ito ay bagay na hindi basta. Lahat ng tao ay hangad ito. Sa kasamaang palad, tayo ay nakakulong sa madilim na realidad ng buhay kung saan lahat ng tao ay napapasama. Pangungutya ang pangunahing dahilan at ito ang ating kulungan. Imbes na magtulungan at magmahalan, mas pinipili pa nating magbaba ng tao na ating kinaiinggitan. Aminin mo man o hindi, lahat tayo ay mabubulaklak kung magsalita. Ginagamit natin ang sining ng ating mga bibig at ang mapagpanggap na ating mga dila. Hindi tayo malaya at hinding hindi tayo magiging malaya hanggat ang bawat isa sa atin ay magpapaapekto sa lahat ng mga sabi sabi ng nakararami. Hanggat takot tayong gawin ang mga gusto natin,hanggat uunahin pa natin ang iisipin ng iba sa ikasasaya ng ating mga sarili at hanggat tayo'y magpapanggap bilang iba para lamang matanggap ng mundo. Sapagkat ang kalayaan ay ang pagmamahal sa sarili, pag papakita kung ano o sino ka man ng hindi iniisip ang sasabihin ng ibang tao at hindi rin nakatatapak ng ninoman.
Upang maging malaya bilang isang kabataan, matutong iwasan ang kasakiman sapagkat ito ang pumipigil ng ating kalayaan.Kung kaya't mahalaga ang pagmamahal sa sarili at lalong lalo na ang pagdarasal sa Panginoon dahil sa oras na maisakatuparan mo ito, mararamdaman mo ang kagaanan ng loob at ang kasiyahan ng iyong damdamin.
- Isinulat ni Alyssa Divina S. Tumamao
18 notes · View notes
kerahmatthew-blog · 5 years
Text
KALAYAAN
Bakit kailangan may maipuna ang mga tao sa lahat ng galaw mo? Bakit kailangang ikonsidera natin ang mga sasabihin nila sa atin? Bakit kailangang kasama ang ibang tao sa mga desisyon mo kung pwede namang ikaw at ikaw lang ang bida sa storya mo? Marami tayong mga bakit sa mundo, isa na roon kung bakit ang daming hadlang sa kalayaan mo.
Ang kalayaan ay mahalaga sa isang kabataan dahil ang kalayaan ang nakapagbibigay sa kanila ng kasiyahan. KALAYAAN simpleng salita na binubuo ng walong letra pero daig pa ang katiwalian sa rami ng kumokontra. Oo nga at ang mga magulang natin ay sadyang mapag alala, lahat ng galaw natin sa kanila ay mag limita, pero naisip ba nila na minsan ay sumusobra na? Bawal ang lumabas ng bahay kapag pagabi na. Bawal sumamang lumabas kasama ang barkada. Bawal ang ganito-ganyan, bakit ang daming bawal? Hindi tayo pinanganak lang para sumunod sa gusto nila, pinanganak tayo para magkaroon sila ng ng obligasyon o responsibilidad para gawin nila tayong masaya. Hindi sa paraang didiktahan nila tayo para sa bukas makalawa maganda ang kinabukasan natin, kundi sa paraan na suportahan nila tayo sa mga desisyon natin. Kasehodang mali ang gagawin natin pwede naman nilang imungkahi ang kanilang komento para bigyan tayo ng pagpipilian kung gagawin ba natin o hindi at kung tama naman dapat na manatili sila sa tabi natin para sumuporta.
Kung sa loob ng bahay ay merong humahadlang gayun rin kapag lumabas ka ng pintuan. Napakaraming mata na mapanghusga na sa lahat ng kilos mo ay may ipupuna. Sabi nga nila ang mata ang nakakakita pero ang bibig ang humuhusga. Paano ka makakagalaw ng malaya kung ang titig nila sayo ay animong parang nanonood sila ng paborito nilang teledrama para subaybayan ang bawat kislot mo. Parang mga hukom na nagdedesisyon para sa buhay mo. Para bang si Daniela Mondragon na nag aabang sa susunod na galaw ni Romina sa Kadenang Ginto.
Kalayaan sa pag sasalita ng iyong opinyon ngunit nadidiktahan ng nakapaligid sayo. Kalayaan na magmahal ngunit binabawal ng magulang na strikto. Kalayaang lumabas kasama ang kaibigang lalaki ng walang malisyang umuukilkil sa utak ng mga nakakakita. Kalayaang maging tunay na ikaw ngunit hindi maaari dahil sa ekspektasyon na nakaatang sayo. Ilan lang yan sa mga kalayaan na dapat meron tayo ngunit hindi pwede dahil kailangang mabuhay ka bilang ibang ikaw para makapasa sa batayan ng ibang tao.
Kalayaan ang kailangan natin. At isa sa pinakaepiktibong paraan para mabigyan ng kalayaan ang isang tao ay ang pananahimik mo.
-Isinulat ni Romalyn Bermudez
21 notes · View notes
kerahmatthew-blog · 5 years
Text
Hangad ng Pag-asa ng Bayan
Ang kalayaan ay isang damdaming minimithi ng bawat isa. Ito ay gusto nating makamtan dahil hatid nito ang buhay na matiwasay, walang problema o agam-agam at malayo sa kaguluhan. Malayang gawin lahat ng ninanais at gampanan ang bawat tungkulin bilang mamamayan nang walang humahadlang. Tiyak na gagawin natin lahat ang ating makakaya upang makamit ito ngunit sa ating modernong panahon, napakahirap nitong makuha dahil na rin sa ibat ibang balakid sa buhay. Kahit ganito ay tunay ngang matatapang ang mga Pilipino. Hindi tayo marunong sumuko.Sa madaling salita ay wala tayong inuurungan basta't makamit natin ang ating ipinaglalaban lalo na kung usapang kalayaan. Ganito ang mga tao sa Pilipinas ngunit talaga namang may mga taong kanser sa lipunan. Kaya nama'y may mga taong napagkakaitan ng kalayaan at karamihan dito ay ang mga kabataan. Ang mga kabataang walang boses upang isigaw ang kanilang karapatan at kalayaan. Mga kabataang biktima ng ibat ibang krimen na hindi naaaksyunan. Kakulangan sa aksyon dahil gahaman sa kapangyarihan. Itinuturing pag-asa ngunit hindi mabigyang pansin. Kahit kailan hindi magiging pondasyon ng pag-asa ang isang tao kung uhaw din ito sa kanyang ibibigay. Bilang isang kabataan, napakahalaga ng aking kalayaan dahil ito ay aking karapatan. Karapatang dapat kong maranasan araw-araw ngunit minsan hindi ko ito nakakamit dahil sa daming gawaing ipinagbabawal. Nagiging alipin tayo sa murang edad. Alipin sa paraang nagiging limitado ang ating kilos. Lahat pinapansin, ultimo sa pinakamaliit na bagay. Tayo'y mga bata pa lamang ngunit iminumulat na tayo sa reyalidad na may kalakip namang benepisyo sa atin ngunit minsan ay sumosobra na. Maraming kabataan ang huminto sa pag-aaral upang magtrabaho at tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Libo libong bilang ang naitatalang biktima ng pang-aabuso, pagmamaltrato at karahasan taon-taon at karamihan dito ay kabataan. Marami ring buhay ang nasayang sa kadahilanang ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan upang maging malaya. Malaya na tila ibon na lumilipad. Naligaw sila ng landas sa halip na sumabay sa agos ng buhay. Nagmistulan kaming mga pipi at ang aming tagapakinig ay mga bingi. Tila ba namumuhay na lamang mga kabataan upang sundin ang dinidikta ng lipunan. Nananatiling nakagapos sa rehas ng kalupitan. Sa kabuuan, napakalaki ng epekto ng kalayaan sa mga kabataang tulad ko. Ito ang aming magiging sandigan upang lumaban sa mga hamon ng buhay dahil magagamit namin ito upang proteksyon sa aming mga karapatan. May kalayaan kami upang ipahayag ang aming damdamin. Ang mga ibon na mistulang paos sa kaaawit ay magkakaroon na ulit ng boses upang umawit. Awit ng malaya at may paninindigan. Malayo sa karahasan ng nakaraan.Manatili mang bingi ang mga nakakataas, huwag nating hayaan na bawiin muli sa atin ng ating kababayan ang kalayaang minsan nang ipinagkait ng mga dayuhan. -Isinulat ni Earncen Jane Yap
25 notes · View notes