Tumgik
leidaang-blog · 5 years
Quote
Libre lang mangarap. Nasa sa iyo kung paano mo ito gagawing makatotohanan.
0 notes
leidaang-blog · 5 years
Text
Pagtatangka
Hulyo 11, kasalukuyang taon.
Bukas na ang aking pagsusulit sa UP para sa aking Masteral Degree, labis-labis ang aking kaba ngunit ang pangamba ay iniakyat ko na sa Kanya. Bagamat alam ko sa aking sarili na hindi ako katulad ng ibang tila leon nakikibaka sa kagubatan tiyak naman ako’y isang simpleng lobo na nais makatuklas ng panibagong lungga at mapagkukunan ng lakas para muling makibaka sa mapusok ng kagubatan. 
Hindi ako pinalad - mali, hindi pa ako pinapalad sa pangarap kong paaralan ngunit ako’y nagbabakasali na mabigyan ng pagkakataon at kasihan ng nasa itaas sa pagtatangkang ito.
Simple lamang ang nais ko, muling matugunan ang sabik sa karunungan na isipan. Mabigyan ng sustansya ang kinakapos na kalusugan at maisalba ang nanganganib na pangarap.
Muli, kasihan nawa ako ng Panginoon. At hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ‘to kung sakali. Padayon, sarili.
1 note · View note