Tumgik
leziannetejero · 3 years
Text
Lakbay: Medellin Trip
Tumblr media
“Ang lakbay patungo sa magandang tanawin.”
Noong Nobyembre 14, 2020 ay nabigyan ako ng pagkakataong makapunta sa isang lugar kung saan marami ang pumupunta dahil sa kanilang magandang tanawin at resorts. Hindi ako mahilig sa dagat ngunit ng masilayan ko kung paano mukhang kumikinang ang alon nito, agad akong namangha. Ang Medellin ay nakilala dahil sa kanilang mapuputing buhangin at mapayapang kapaligiran. Isang probinsiya na may kayamanan at ito ay ang kasiyahan. Sa pagbaba ng sikat ng araw, nagbigay liwanag naman ang buwan sa kasiyahan at pagkwe-kwentuhan.
Tumblr media
“Hindi ko akalaing kasing ganda nito ang mundo.”
Nobyembre 15, 2020 sa 5:40 ng umaga, lumabas ako sa kwarto na ubod ng saya. Ang kanilang staffs ay may ngiti sa kanilang mga labi at ang simoy ng hangin ay kay presko ng tubig. Nasa Eileen Beach Resort kami nagpalipas ng gabi. Kung gusto niyong makahanap ng resort na mapayapa at kahit hindi kalaki-laki pero sulit naman kasi ang ganda ng tanawin, ito na ‘yon. Sa Eileen Beach Resort ay matutuklasan mo ang sunset, kumikinang na mga alon, banda sa gabi at iba pa. Talagang sulit na sulit ang inyong pera dito sa resort na ito.
Tumblr media
Ang titirahan niyo ay parang isang buong floor ng bahay, malaki at sakto ang marami. Sa isang suite ay may dalawang kwarto na para sa lima hanggang sampu pero depende ito sa inyo dahil pwedeng mas higit pa sa sampu ang magkakasya sa isang malaking kwarto.
Tumblr media Tumblr media
“Isang magandang tanawin, ang masilayan kang ngumingiti sa akin.”
Pagkatapos namin na maligo sa dagat ay napag desisyonan namin na mag island hopping at ang destinasyon namin ay papunta sa Fantastic Island. Hindi ako makapaniwala sa linaw ng tubig kahit nasa gilid lang kami ng resort nila. Ang mga bato na nasa gilid ay napakagandang silayan sa malayuan. Hindi gaanong magastos ang pag-i-island hopping sapagkat sa kanila ay katamtaman lang ang bayarin.
Nang pauwi na kami ay pumunta muna kami sa Bamboo Forest. Wala akong alam tungkol sa lugar na ito sapagkat first time ko ang pagpunta ng Medellin. Pero hindi na kami pumasok pa sa loob at nag picture nalang sa labas dahil naisip namin na baka matatagalan pa kami kung papasok kami sa loob nito. Ang alam ko ay mura lang din ang bayad para makapasok ka sa Bamboo Forest. Pero siguraduhin mo lang na hindi ka nakatakong o kung ano dahil malayo ang lalakarin mo.
Tumblr media Tumblr media
Nang pauwi na kami, sa kalagitnaan ng aming byahe ay kailangan naming huminto sa gilid ng daan sapagkat na butasan ang sasakyan na sinasakyan namin. Pero hindi mawari na maganda ang aming hinituang daan. Nakalinya ang mga nagtataasang puno sa magkabila tila nasa kagubatan kami.
Tumblr media Tumblr media
“Iyong pakiramdam na ayos lang maging malaya basta’t lumilipad kang kumikislap ang mga mata.”
Kung gusto mong makalaya sa realidad kahit minsan lang, maglakbay ka sa probinsiya kung saan sasaya ka at walang mabigat na pakiramdam sa kaloob-looban mo. Hindi mawawala ang mga problema mo at sa ating mundo pero hindi rin masama ang magpakasaya at magpahinga para maging handa sa mga paparating na pagsubok. Hindi na tayo bumabata pa, sa pagdaan ng mga araw, buwan, at taon, tatanda tayong may alaalang hindi natin makakalimutan.
Tumblr media
“Lalagyan ko ng kulay ang mundo hanggang sa pumuti na ang buhok ko.”
Ang Medellin ay pasok na pasok sa panlasa mo kung gusto mo ng tahimik, payapa, presko at malaya sa pakiramdam, ito na ang dapat mong puntahan. Talagang mag-e-enjoy ka sa probinsiya na ‘to.
ABM B-12 HOPE, LEZIANNE TEJERO, PT 2.2 LAKBAY SANAYSAY
1 note · View note