Tumgik
malabananelton-blog · 6 years
Text
ANG TUNAY NA AKO
Ang kahulugan ng buhay ay isang katanungang pampilosopiya na nakatuon sa katuturan ng buhay o ng pag-iral sa pangkalahatan. Maaari rin itong ipahayag sa iba't ibang mga anyo, katulang ng "Bakit ba tayo naririto?", "Tungkol ba talaga saan ang buhay?", at "Ano ba ang layunin ng pag'iral?" Ang personalidad ay isang pangkat ng mga gawi o mga katangiang pangsikolohiya at mga mekanismo sa loob ng indibidwal na isinaayos at kung tutuusin ay nagtatagal at nakakaimpluwensiya sa kanyang mga pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha sa, at pakikibagay o pag-akma sa mga kapaligirang intrasikiko, pisikal, at panlipunan (Larsen & Buss, 2008).
Sino nga ba ako? Ako si Elton Malaban na anak nina Delia at Cesar Malabanan na nakatira sa Brgy. Punta Calamba City, Laguna at kasalukuyang nagaaral sa Colegio de San Juan de Letran- Calamba.
Marami na akong napagdaan sa buhay na nagbuo at nagpatatag ng aking pagkatao. May mga tao na nagsasabi na hindi ko kaya ang mga bagay na gusto ko talagang gawin ngunit napatunayan ko na mali silang lahat. Hinding hindi ko malilimutan ang mga taong sumoporta at nagturo sa akin at nagparamdam na may igagaling pa ako. Mayroon din naman akong mga bagay na pinagsisihan tulad ng mga pagkakataon na dumating sa akin na hindi ko tinanggap ngunit sinabi ko sa aking sarili na hindi pa dito natatapos ang buhay na kailangan kong tanggapin na lamang iyon at may nakalaan sa buhay kaya’t narito ang sa kung nasaan man ako ngayon.
Sa mga pinagdaanan kong paghihirap at kasiyahan sa buhay marami akong napulot na aral sa buhay tulad ng:
1.) Ang buhay ay ngayon.
Hinihintay natin na dumating ang mga magagandang bagay para sa ikasasaya ng ating kinabukasan. Pero ito na ang tamang panahon para kumilos upang mapasakamay ang magandang buhay.
2.) Ang pagkakamali ay mabuti.
Mabuti ang magkamali sapagkat doon tayo matuto upang sa paggawa natin nitong muli ay tama na at wala tayong pagsisisihan.
3.) Gawin mo ang mga bagay na gusto mo.
Napakasarap sa pakiramdam na ginagawa mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo at dahil doon walang tao ang makakapigil sayo sa mga bagay na iyon.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes