Tumgik
manriquez-22 · 4 years
Text
KAILAN
Nag tanong yung kakilala ko
 Isang tanong na tumagos sa aking puso
 Isang tanong na pilit kong iniiwasan
 Kasi ayaw pa kitang bitawan Ay mali
 Ayaw ko pang bumitaw
 Dahil ikaw Lang ang mahal ko Ikaw lang ang nasa isip at puso
 Ikaw yung minahal ko ng todo-todo 
Pangalan palang, tatlong taon hinintay ko Ikaw kasi yung dumating noong sobrang dilim ng paningin ko
 Yung ngiti mo kasi ang suminag ng liwanag sa mundo ko
 Parang sina Sol at Luna lang tayo Ikaw yung araw at ako yung buwan na sinisinagan mo 
Hindi ko kayang numingning kung wala ka Wala akong saysay kapag di ka nakikita
 Tinanong ako ng iba kung bakit kita minahal
 Dahil lang sa kagustuhang makita ang ngiti kahit gaano ka tagal
 Tinanong ako ng iba bakit ikaw ang mahal ko
 Di nila alam na ngiti mo lang ang naalala ko
 Di ko alam ang pagkatao mo 
Di ko alam ang nakaraan mo
 Di ko alam kung sino ka
 Di ko matandaan pati iyong mukha
 Isang ngiti lang ang dahilan, aking mahal
 Isang ngiti na sing tamis ng tatlong sakong asukal Isang ngiti na sumisinag na parang araw
 Isang ngiti na kala ko makikita ko sa iba ngunit ikaw... 
 Ikaw lang pala talaga
 Ang may ngiti na ganyan, sinta Kaya ayaw ko pang bumitaw kasi gusto ko pang makita
 Dahil ikaw ang liwanag sa buhay ko, sinta
 Pero dapat tanggapin ko na ang katotohanan
 Mahal na mahal kita at ayaw kitang bitawan Ay mali Ayaw ko pang bumitaw 
0 notes
manriquez-22 · 4 years
Text
SANA
Nakakapanghinayang, nakakabalisa Nakakapagpagababag kapag naiisip ko siya Dahil sa rami-rami ng aking nagawa Di man lang niya nakita, bakit kaya? Anong klaseng tula ba ang dapat maisulat? Papaano ko ba sasabihin sayo? Na merong isang taong kagaya ko Na... nagmamahal sayo ng ganito Oo, di mo siguro napansin Na sa tuwing ika'y nariyan ang puso ko'y tumitigil Sa iyong mga mata lang nakatingin Gustong hagkan ang iyong mapupulang labi ngunit nagpipigil Dahil hindi kita minahal dahil sa labi mo Di kita minahal dahil sa mga pungay ng iyong mata Di kita minahal sa iyong napakatamis na ngiti At di kita mahal dahil sa aking nakikita Dahil... sira ang mga mata ko eh Sira rin puso ko Sira rin ang araw ko Pero nung nakita kita lumigaya ako Ewan ko kung bakit ganon Sa tuwing ika'y nahahagip parang nababalon Sa tuwa ang akong puso Ako'y lumiligaya kapag nakikita ang ngiti mo Oo, di mo siguro alam Na Meron kang tatlong klaseng ngiti Di kagaya sa iba na ngiting peke at ngiting totoo Kasi ibang-iba ang mga ngiti mo Una, yung ngiti mong maganda Kahit minsa'y pinupwersa Di matatago ng iyong kamay Ang iyong labing mapupula Pangalawa, yung ngiti mong matamis Nung nakita ko ay di ko na matiis Pumunta ako saglit sa banyo't nanghilamos Para mawala sa isip ko ang ngiti mong napakaayos Pangatlo, yung ngiti mong puno ng ligaya Ngiting punong puno ng pag-asa Ngiting alam ko ay napakahalaga Ngiting minsan ko lang nakikita Kasi sa lahat ng oras nakasimangot ka Di ka naman yata galet pero bakit ganon ka? Siguro dahil sa buong araw ay mukha kang galit Kaya kapag ngumingiti ka, sobrang ganda kahit pinipilit Akala ko nga taga ibang planeta ka Kasi di pa ako nakakita ng parehas mo, sinta Alam ko na alam mo kung sino ka Pero alam mo bang para saken... Ika'y mahalaga Oo Wala lang, skl Kasi Di mo yata alam
0 notes
manriquez-22 · 4 years
Text
PATAGO
Di naman ako torpe
  Tutal sinabi ko pa nga sayo "Crush kita" yan sabi ko 
Pero alam ko naman na ayaw mo Ayaw ng parents mo at di ka interisado
  Okay, na gets ko naman
 Di naman ako halaman
 Na kahit gaano katigas ang batong yan
 Tutubo parin, gagamit ng pwersahan 
 Di naman ako torpe 
 Tutal parati nga ako nag paparinig sa facebook
 Parati nga ako tumitingin sa iyong everyday look
 At parati rin ako sa iyo nakatutok
 Tsaka kahit nakatalikod, pinagmamasdan ang 'yong buhok
  Pero pinipigilan ko naman sarili ko 
Ginagawa ko naman yung sinabi mo 
Kasi noon naglalagay ako ng mga tula sa bag mo 
Pero sabi mo itigil ko, edi huminto ako 
 Di naman ako torpe 
 Tutal sa lahat ng mga naging crush ko Isa lang talaga ang di ko nasabihan na gusto ko   
Siya  Sinasabihan ko naman sila agad na may gusto ako 
 Sa kanila   Ayaw kong pagdating na panahon ay sasabihin ko na Sana
  Sana sinabi ko sa kanya Sana sinabi ko na gusto ko siya
 Sana sinabi ko kasi Baka, baka may mangyari sa aming dalawa 
 Siyempre ayaw ko rin naman umasa
  Di lang lalake ang paasa, pati babae rin pala
 Wala naman akong sinasabi pero parang ganun na nga  Boys and girls, hinay hinay lang tayo Huwag mahiya mag sabi ng totoo Huwag mahiyang ipagsigawan sa buong mundo "MAHAL KITA AT YAN AY TOTOO"  Kasi...  Di naman ako torpe Sadyang di lang talaga ako magaling mambabae 
1 note · View note
manriquez-22 · 4 years
Text
Halata Ba?
Halata ba ang aking pagpapalipad-hangin?
 Sa bawat pagpaparito, sa iyo nakatingin?
 Iba man ang pakay ngunit ikaw ang hinahanap
 Nasa isip na sana ika'y makausap 
 Halata ba?
 Halata bang ikaw ang pinapangarap?
 Pinapangarap na balang araw mayayakap
 Kasama kang maabot ang mga pangarap
 Halata ba?
 Halata bang natatakot akong lapitan ka?
 Dahil sa tuwing nariyan ka, ako'y nauutal 
Hindi makapagsalita dahil ang isip ko'y bumabagal
 Halata ba?
 Halata bang ikaw ang pinaka-una sa mata?
 Ang buhay ko noo'y isang uom
 Hangga't sa nakita kita Halata ba?
 Na minamahal kita?
 Kasi kung hindi mo narrinig, Kung hindi mo nakikita, 
Handa akong maghintay hanggang sa pansinin mo ako, sinta
 Hindi man ikaw ang araw na nagpapainit sa mundo ko
 Hindi man ikaw ang mga umuundap na bituin sa sansinukob
 Hindi man ikaw ang nagbigay pag-asa sa aking buhay 
Ngunit ikaw ang nagdala ng ningning at mga kulay Ikaw ay 
 Maningning Maganda Marikit Marilag Marilag ang iyong kintab
 Parang araw na nag-aalab
 Parang bituing numiningning
 Ang pag-asa ng aking Buhay Bulalakaw Buli Bukang-liwayway  
Sa bukang-liwayway, ikaw sana ang kasama Sa bawat pagsikat ng araw, sana'y ikaw ang katabi Sa tuwing umuulan, sana ikaw ang kayakap Kapag nakikita, sana ika'y aking makausap Sa tuwing napapadpad malapit sa iyo 
Hindi naman ikaw ang pakay ko Ngunit ikaw ang hinahanap-hanap ko At alam mo na siguro Kaya Magtatanong sana ako Halata ba? 
0 notes
manriquez-22 · 4 years
Text
PHOTOGRAPH
Can we take pictures?
 Of you and me?
 Can we be the only subject Of this picturesque reality?
 Can we take this moment For a photo opportunity?
 To add to my collection Of 'us' in my gallery Can we take a picture?
 Of you and I together?
 Because I can somehow picture
 You and I forever
 Separated Yet joined together
 By a simple photo
 Among the others 
 We are memories
 To each other Living among streets 
Of many towers
 Yet among our pictures
 Are many photo bombers 
Ruining our moments
 You and I together Joining in our moment of hearts
 Adding color to this existence of art Of you, and just you I can crop our picture to focus on you 
 Because there's just me And there's a you In my gallery of pictures Of me and you But Although we're in the same album We're in different pictures
0 notes
manriquez-22 · 4 years
Text
POETRY
Poetry is simply messing with words
 It's different from descriptive
 Yet it narrates as if narrative
 And poetry can be story about worlds
 Poetry is simple
 Poetry is complex
 Poetry can have deep meaning
 Depending on the context
 Sometimes you read it fast
 Sometimes, read it slow
 Sometimes, if you read it right Maybe you'll get to know
 Hundreds of thoughts and emotions
 Hundreds of war fought for no reason
 Hundreds of hours wasted
 Hundreds of change in a season 
 Poetry is magical 
Poetry is logical
 Poetry can mess with your mind
 And poetry can talk about nine 
 Different things at the same time Different thoughts,
 hope you don't mind Different words to convey meaning
 Different lines to display feelings
 Poetry is simply messing with words
 Maybe the second time you read this, you'll find a world 
Maybe the third time you read this, you'll understand me And the last time you read me, it'll be a memory 
0 notes
manriquez-22 · 4 years
Text
PAGTINGIN
Panahon ay kaydali Tilay hindi mapawi
 Sa lungkot at pighati
 Tilay hindi mawari
 Mga Poot at galit Sakin ay itatago
 Ba't ko paba ipilit Sana ikay maglaho 
 May gusto kaba sakin? Sabihin mo sa akin
 May laman ba o wala?
 Ayaw kong maging tanga
 Kasi mahal na kita
 Kahit na mukhang tanga
 Mata'y nakakalula
 Ngiting nakatulala
 Ito'y ihihinto na Kasi may mahal kana
 Siya'y nag papasaya Kailan may diko magawa
0 notes