Tumgik
megalilleelove-blog · 6 years
Text
Galing ng Pinoy
Tumblr media
Sa panahon ngayon kung saan laganap na ang “Games” katulad ng Lol, CsGo, Dota 2, Yu Gi Oh at iba pa, maaring ikaw, kapatid mo, kapamilya mo, kaibigan mo o kaya naman kahit ang alaga mong hayop ay naglalaro nito.
Tumblr media
Tayong mga pinoy ay “addict” o lulong sa mga larong ito dahil sa tuwa na naibibigay nito ngunit lingid sa kaalaman ng iba ay maari na itong pagkakitaan o kaya naman gawing “Full-Time Job”. Mayroon tayong mga tinatawaag na “Pro Players” o kaya mga manlalarong bihasa na at may taglay na husay sa paglalaro.
Tumblr media
Isa sa mga patok na laro sa panahong ito na hindi lang kinahihiligan ng mga Pilipino kung hindi narin ng buong mundo ay ang “Mobile Legends Bang Bang” na nagmula sa bansang Indonesia 
Tumblr media
at humahakot na ng maraming pera mula sa kaniyang mga manlalaro at “Sponsor” ay gumawa ng isang palahok na magbibigay sa mananalo ng dalawang-milyong piso at mapalad ang ating bansa na magkaroon ng dalawang grupo na kinatatakutan at nirerespeto ng ibang bansa dahil sa kanilang taglay na husay at galling sa paglalaro.
Tumblr media
“Digital Devils Pro Gaming” at “Aether Main” ang nanaig at naglaban para sa kampeonado at ang AE ay isang beses lang natalo sa buong “qualifier round”
Tumblr media Tumblr media
kahit kasali sa palahok ang mga manlalaro katulad ni Jess no Limit at RRQ Lemon. Dikit ang laban para sa kampeonado ngunit nanaig ang AE sa tulong ni Yuji na pagkatapos ay inawardan ng “MVP” o kaya pinakamahalagang manlalaro at “Finals MVP” o kaya naman pinakamahalagang manlalaro sa kampeonado at humakot ng dagdag na isang milyong piso para sa dalawang patimpalak na ito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pagkataos nito ay nilisan na nila ang Indonesia upang bumalik na sa Pilipinas kung saan ay mainit silang sinalubong ng kanilang mga taga suporta. Sa kasalukuyan, ang AE ay kinikilala ngayon bilang “BREN E-SPORTS” sa ilalim ng kompanyang “Minesky”
Tumblr media
sila rin ay ipinalabas sa Channel 2 sa MMK ukol sa kanilang pagkapanalo para sa ating bansa at para mas ma enganyo ang mga manlalaro galling sa Pilipinas. Isa akong manlalaro na humahanga hindi lamang sa kanilang taglay na lakas at galling sa paglalaro kung hindi narin sa ugali at pakikitungo nila sa labas ng larong ito yun lamang po at maraming salamat.
Tumblr media
0 notes