Tumgik
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Hello po sa inyo mga madlang people ako nga po si Riel Leorenz Sangcap at ito po ang aking food blog. Tara na!!!
Gentlemen's Cafè, ang pinakamadalas bisitahin dito sa SM Consolacion Cebu. Dito tayo pupunta kapag na stress tayo sa trabaho oh di kaya’y gusto natin lang mag chill kasama ng ating mga kaibigan. Ayon sa patakaran ng cafè ay hindi tayo papayagan manatili kapag hindi tayo bumili sa kanilang menu at sabi rin sa manager ng cafè ay kapag bumili kayo ng pagkain na hindi kabilang sa menu ay sisingil sila ng 50 pesos upang manatili kayo sa cafè. Ang aking binili rito ay ang “Cappucino Flavored Milktea”, 105 pesos lamang. Masarap nga dahil iba ang lasa ng cappucino. Mataas ang porsiyento ng tamis kaysa pait at hindi nakakasawang inumin. Marami paring mga masasarap na pagkain nila kagaya ng waffles, dumplings at iba pa. Nasa higit 65-150 pesos ang kanilang food menu. Kaya mga madlang people, kapag chill time, dito na sa Gentlemen's Cafè!
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Magandang buhay! Ito po si Christine Key Rio at ito ang aking food blog.
Hindi po talaga ako mahilig sa kape ngunit ang aking pinsan ay mahilig kaya naimpluwensyahan nya din ako.
Sa lahat ng mga cafe na aming napuntahan ito ang pinaka gusto ko, ang Bo's Coffee. Medyo mamahalin siya dahil nga international brand kahit saan pumunta may makikita ka talaga. Pero swak naman sa panglasa! Ang nagustohan ko po dito sa Bo's Coffee ay ang lugar, napaka linis, talagang ma rerelax ka dahil may libreng wifi, libreng magcharge, at pwedeng-pwede dito mag-aral kahit ilang oras mo gusto! Napaka mabait ng mga staffs! at napaka ginaw pa! Perpektong lugar kung saan mag-aral o mag-rereview. Bukod sa kape, mayroon ding mga dessert na masasarap at matatamis! Simula sa halagang 140 makakarelax kana. Subukan mo na!
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Isang napakagandang araw sa lahat. Ako si Micca Uy at ito ang aking food blog. Chocolate Winter Shake ang tawag sa malamig na inomin ang inorder sa halagang ₱120.00 lamang, hindi man siya gaanong mura pero masasabi mong sulit ang nabili mo dahil sa sobrang sarap at napaka “refreshing” pa perfect sa napaka init na panahon ngayon. Kaya kung gusto ninyong mag relax pumunta na kayo sa 11 Vista na matatagpuan sa gilid lamang ng Benidicto College Main Campus hindi lang kayo mag e-enjoy sa mga inomin nila, ma rerelax pa kayo sa ganda ng view na matatanaw mula sa rooftop ng cafe nila.
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Magandang araw! Ang Winter Oreo Milktea na ito ay mabibili sa Gentlemen Café sa SM Consolacion. Ito ay nagkakahalaga ng 115 piso. Ang milktea na ito ay may pinaghalong lasa ng Wintermelon (kundol) at Oreo Milktea. Ito ay saktong-sakto para sa mga mahihilig sa hindi masyadong matamis na inumin dahil ang lasa nito ay matamis na may konting pait. Ang Winter Oreo Milktea ay ‘caffeine-free’ kaya naman ay pwede ito sa kahit sino, kahit saan. Mayroon din itong mga hatid na posibleng benepisyong pangkalusugan dahil ang Wintermelon o ang Kundol ay nakapagbibigay ng mga bitaminang tulad ng B12, C at K.
Ni: Rashell Ann G. Sacare
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Ako po si Jasmin Marie Inocando at ito ang aking food blog. Gusto nyo bang maranasan makapunta nang isang cafe?😀 Meron akong gustong irekomendang isang cafe na sulit at dito sa cafe na ito magagawa mo lahat nang gusto mo. Sa totoo lang maliit lang ang kanilang cafe pero masasabi mo talagang sulit ang iyong pagpunta. Ang pangalan nang kanilang cafe ay "Sophisticated Nail and Day Spa" 💅 ♨ kaya ito ang pangalan nang kanilang cafe dahil pwede ka ring magpasalon o magpaganda tulad nang kanilang cafe. Pagpasok mo palang mapapa "wow"😮 kana dahil sa kanilang mga disenyo at mga makukulay na mga upuan at mesa. Sa mga inumin naman nila na kung tatawagin ay milkshake at makakabili kana nito sa murang halaga lang nang 120 pesos at marami kapang pagpipiliang mga flavor at kung nilalamig ka o giniginaw ka dahil sa panahon o dahil sa lamig nang kanilang cafe, mayroon din silang mga kape na nasa halagang 75 pese at sa pagkain naman nila ang mayroon lang ay "rainbow cake" isang makulay na cake🎂 sa halagang 120 pesos lang din. Tinatawag ding "Unicorn Cafe" 🦄 sila dahil meron silang mga costume na isang unicorn at libre lang ang pagsout. Isa pa matatagpuan sila sa A.S. Fortuna at sa building na ang pangalan ay S Cortes pumunta ka lang sa 3rd floor at dun mo matatagpuan ang kanilang cafe. Kaya ano pa ba ang hinihintay mo bumisita na sa unicorn cafe. 😉😊
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Hello po ako pala si Kris Dave De Juan ito ang aking food blog.
Isa ito sa mga sikat na coffee shop sa Lilo-an, Cebu, ito ay "COFFEE MADNESS". Marami kayong mapagpipilian na kape, "cold and hot". Hindi lang kape ang mga produkto nila, marami silang mga dessert at iba pa. Masarap pumunta roon kapag kasama ang barkda, pamilya at kasintahan. Abot kaya sa bulsa. Sigurado ako mag eenjoy kayo roon at maganda ang tanawin. Kapang na iinitan kayo may swimming pool sila, sigurado akong mag eenjoy kayo. Ang mga tauhan roon ay mabait at joker, maaaliw kayo. Dito magtatapos ang aking food blog, salamat sa pagbasa.
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Magandang araw ako nga po pala si Gayle Marie Narvasa at ito ang aking food blog. Isa sa sikat na tindahan sa Cebu ang "Coffee Prince". Marami silang mga produkto na mapagpipilian. Ang kanilang mga produkto ay sulit at ang presyo naman ay abot-kaya. Hindi mo talaga ikakalungkot ang gastos mo dahil bawing-bawi naman sa kanilang serbisyo at produkto. Na tikman ko ang isa sa kanilang espesyal na produkto ito ay ang smoothie na "Caramel". Masarap ito at sakto lamang ang lasa hindi siya gaanong matamis at hindi rin gaanong matabang. Kung bibigyan pa ako ng isang pagkakataon ay babalik talaga ako roon. Bababalik-balikan mo talaga ang sarap ng kanilang mga produkto. At saka naman ang kanilang mga tauhan ay mababait at magagalang.
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Hello po sa inyo, ako po si Kyle Pepito at ito ang aking foodblog.
Gusto niyo bang magpalipas ng oras sa cafe kasama ang iyong mahal sa buhay? Punta kayo sa Starbucks Coffee. Maraming flavors na pwedeng pagpipilian na patok sa iyong panlasa. Pero mabigat sa bulsa patok sa mga mayaman o may kaya. Pero hindi ibig sabihin na kapag mahirap o hindi ka makabibili nito dahil mayroong mura kagaya ng espresso solo sa presyong 75 pesos lang. Meron silang mga hinalong flavors o kung tatawagin ay blended, kagaya ng Berry Affair, Oreo Milkshake at marami pang iba. Ang presyo ng blended ay 150 hanggang 170. Masarap talaga ang kanilang timplang kape kahit mabigat sa bulsa hindi ka magsisisi sa huli dahil binawi sa sarap at magandang serbisyo ng Starbucks. At dyan nagtatapos ang aking foodblog.
Salamat sa pagbabasa at paalam.
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Hi guys! Magandang araw o gabi sa inyo. Ako si Jessa Ethel Español, nais ko lang ibahagi ang food blog ko. Bumili ako nang cafe mocha sa star frappe' grabe guys ang sarap nito, hindi sya mapait at hindi rin sobrang matamis, sakto lang. At lasang lasa mo ang gatas at kape, sobrang sarap talaga, hindi kayo magsisisi sa pagbili nito, promise. Mabibili niyo ito o makikita sa mga mall, at mura lang ito, 69 pesos lang, sulit na sulit ang 69 pesos nyo sa star frappe'. Kaya saan aabot ang 69 pesos nyo? Bili na kayo, dito lang sa star frappe'. Ito ay lubos na iniirerekomenda ko sa inyo.
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Magandang araw o gabi mga mambabasa. Ako si Jhanelle Jane Didato. At ito ay food blog. Cookies and Cream sago. ‘Yan ang pangalan ng inorder ko. Napakasarap. Walang harong biro. Ang templa kasi niya ay sakto lang. Walang labis, walang kulang. Talagang sakto lang siya. Hindi masyadong matamis. At ito pa. Napakamura lang niya. Sa halagang 100 pesos may cookies and cream sago kana. Oh diba?
Pwede ito sa lahat. Mapabata o mapamatanda. Pwede mo rin dalhin ang jowa mo (kung may jowa ka), pamilya, barkada o kahit sinong gusto mong dalhin. Pwede nga ring ikaw lang mag isa eh. At ito pa. Napakaganda ng paligid. Napakarelaxing. Sobrang hangin at maaliwalas ang kapaligiran. Nasa pinakataas kasi ito na parte ng building o tinatawag nating "rooftop". Pwede kang mag relax para pampa alis ng stress at pagod. Pwede karing mag picture taking kasi talagang maganda ang view. Sa panahon ngayon, maaaring matawag siyang “instagrammable”. At mapupuntahan lang ito sa gilid ng Benidicto College Main, Banilad, Cebu City.
Kaya san ka pa? 11 Vista na. 😉
0 notes
micah-balane · 6 years
Text
Tumblr media
Magandang araw o gabi o hapon kung anong oras mo ito binabasa, kumusta! Ako ay si Micah Balane at isa po itong food blog. Unang una sa lahat, ipaliwanag ko lang na mahilig ako sa mga desserts lalong lalo na kapag malamig. Sa larawan, isa itong dessert na inahit na yelo sa lasang “Oreo” o cookies at cream. Nabili ko ito sa I~Cha Dessert Cafe. Makikita ang tindahan na pinuntahan ko sa Rosedale Place, Talamban, Cebu City. Ang mga presyo naman ay hindi wasto para sa mga badyet ng mga estudyante, pero sulit naman ang binabayad mo. Sa larawan, ang presyo nyan ay 250 pesos at tatlo kami naghati sa presyo dahil ang sa laki nyan, nilayon iyan para sa 2-3 na tao. Mayroon rin pang isang tao lang, at ang presyo sa solo ay 150 pesos. Mayroon rin na solo ay ang presyo lagpas 150 pesos depende sa lasa o “flavor”. Mayroon rin na pang 2-3 na tao na lagpas 250 pesos. Sa cafe na ito, hindi lang sila nag-limit sa mga malalamig na dessert, mayroon rin silang ramen, coffee, smoothies at mga “toast bread”. Ang payo ko ay pupunta ka dito kapag mayroon kang ekstrang pera para hindi ka maggipit sa badyet o mayroon kang mga kasama para maghati-hati kayo sa presyo.
0 notes