Tumgik
nkktrl · 1 year
Text
Peste sa Pesante
Nikka
Maituturing na tanikala sa mga uring magsasaka ang mala-pyudal na sistemang patuloy na namumutawi sa lipunan. Sa patatsulok na hugis ng lipunan, ang mga naghaharing uri at imperyalista pa rin ang nangunguna sa pagpapalaganap ng parasitikong sistema na bumabansot sa buhay ng mga pesante.
Sa isang malawak na bukirin, tagaktak ang pawis ni Pedro sa initang tumutunaw sa kaniyang balat, dumadausdos sa mahaba niyang manggas ang maalinsangan na pakiramdam dulot ng maghapong pagbilad sa araw. Nagmistulang kuba naman ang likuran niya sa magdamagang pagtatanim ng palay, kapalit ang umaaray na sadsad presyong bentahan nito. Kasabay ang pagtitiis ni Pedro sa pagkahapo, pangungulo ng tiyan, at panunuyo ng lalamunan — martir kung mailalarawan ang katulad niyang may radikal na pagmamahal sa lupang sakahan. Ito ang mahigit dekada niyang eksena na kasangga sa dapit-hapon niyang buhay.
Habang patuloy sa pagbabanat ng buto, dala pa rin sa bagahe ng isipan ni Pedro ang di magkamayaw na ugong at palahaw ng uri niyang anakpawis sa dinaluhan nilang kilos-protesta noong nakaraang araw. Isang organisadong panawagan para sa mga magsasaka na naglalayong makamtam ang tunay na repormang agraryo. Bagaman ito’y suntok sa buwan para kay Pedro, patuloy pa rin siyang nag-aasam.
“Tunay na reporma sa lupa, ipaglaban!” nangibabaw na sigaw ng marami habang inda-inda ang tirik ng araw.
“Itigil ang pagpatay sa uring magsasaka!” dagdag pa ng mga kasaping nag-aalsa.
Mga kataga na lalong nagpagising sa diwa at paninindigan ni Pedro. Kaakibat ang pangingibabaw at panghihilakbot na damdaming mapabilang siya sa mga marahas na pinapaslang, lumaban man o hindi sa panginoong maylupa, ang kakampi ng berdugo’t pasistang estado. Takipsilim na ng matapos si Pedro, ang kaninang maalinsangan ay napalitan ng malamig na simoy ng hanging humahaplos sa pagal niyang katawan, maituturing na bangkay sa priser ng isang morge.
“Hanggang dito na muna, kinabukasan na lang natin ipagpatuloy” ani ni Nestor. Isang magsasaka na matagal nang katuwang ni Pedro sa bukirin.
“Oo at kay pagod na rin ako” tugon nito.
Nagsilbing liwanag ang bilugang nagmumula sa kalangitan sa pagbaybay nila sa daan, patungo sa komunidad na pinaroroonan ng kani-kaniyang bahay. Nang makarating, dinig ang bulungan ng mga tao hingil sa pagpunta ng mga naka asul na uniporme sa kanilang lugar. Nagbabadya ng hindi kaaya-ayang tugtugin sa mga pesante. Akmang bubuksan na ni Pedro ang pintuan ng tagpi-tagpi niyang bahay, nang may biglang tumapik sa kaniyang balikat, si Padring. Kabungguang-balikat at isa rin na katulad niyang magsasaka ngunit mas bata kung ikukumpara. Bakas sa mukha nito ang halong ngitngit at pagkabalisang nagnanais na kumawala sa kaniyang bibig para ipahayag kay Pedro ang nakalap na balita. Pansin din ang naghahabol nitong paghinga, na pawang tumakbo ng isang kilometro ang layo.
“Tatang…masamang balita…” pautal-utal na ani nang naghahabol hiningang si Padring.
“Babakuran daw ng mga pulis ang palayan…ngayong gabi…utos ng maylupa!” dagdag pa nito.
Marubdob naman na tinanggap ni Pedro ang iminungkahi sa kaniya. Alam niyang hindi ito isang bulaan. Gayonpaman, nag-iwan pa rin ito ng tinik at kapootan sa kaniyang puso. Tanging hanapbuhay niya lang kasi ang pagsasaka, ito na rin ang kinalakihan niya. Ang imbes na gabing nakalaan para sa kaniyang pagpapahinga ay inialay niya pabalik sa lupang sakahan. Umaasa na baka sakaling mapaki-usapan ang mga armadong sangay ng estado.
Sa kaniyang paglalakad, ramdam niya ang labis na panghininayang. Muling tinutusok ng karayom ang puso niyang desididong ipaglaban ang bukirin. Hindi pa man nakakatapak sa lupang sakahan, dinig niya ang umaalingawngaw na ungol ng baril. Dama niya ang ilang libong pesanteng dumanak ang dugo sa balang pumapantay ng paa ng kahit sinong masang api. Ang akala niyang peste na kaya lang pumatay sa kaniyang mga pananim, ay iba pa lang peste na magdadala sa kaniyang kamatayan.
10 notes · View notes
nkktrl · 2 years
Text
Beloved
Nikka
Wondering if you knew,
how much of significant you are,
your captivating existence
to this complex world
delivers contentment to this grief-stricken heart.
I love how you engage in rambling conversation,
and disclose the things you hold dearly,
including sarcastic quips or jokes
that drives me to laugh wholeheartedly.
You are the sweetest;
undoubtedly one of a kind.
I hope it wasn't just for the show
and expect you have it clear in mind.
I will adore you,
even on the days, you despise yourself
and until the moment I stop breathing
and living for myself.
Pardon my atrocious remarks
that might have caused you harm.
For I am too dumb and timid,
to exhibit my fondness and my everlasting admiration,
towards you, my beloved.
Even if you don't choose me,
even if it aches,
even if you find someone,
I still believe,
you deserve all the kind things in this world.
3 notes · View notes
nkktrl · 2 years
Text
Pit Stop
Nikka
Loathing the way you came; sudden,
abrupt, without telling beforehand of warning.
I allow you in my place.
You look dreary, with a scrape and bruise
from your past-- you feel despair.
You know I hate to see your heartbreak.
I provided you with tons of medicines,
a remedy for your heart that aches.
Weeks passed.
Time lapsed.
You became better.
Like a man in his lover's arms,
humming cradlesong near the ocean shore.
I felt the fluttery feeling in my stomach, again.
Along with sweaty palms and rise of adrenaline.
I know it's the feeling of being in love.
A death for someone who is frightened to be left 
unattended.
The day came.
You vamoosed without warning,
just like how you arrived.
For that moment, realization crashes.
I discover.
I am solely your pit stop.
Now.
I am the one whose heartaches.
3 notes · View notes
nkktrl · 2 years
Text
Piitan ng iyong Pag-ibig
Nikka
Kahit kailan hindi sumang-ayon
ang mundo, ang tadhana o ang
mga putang inang elemento, sa pag-iibigan
nating dalawa na ako lang ang may gusto.
Nakalimutan na kita, noong mga nakalipas na taon.
Bigla ka na lang sumulpot, nang walang pahintulot.
Nagliyab muli ang pag-ibig na tunay, tapat at totoo.
Sobrang init parang nasa impyerno.
Sumunod na araw, naglaho ka na lang basta.
Turan ko sa sarili, mamatay ka na sana tang ina.
Ngunit bigla-bigla ka na lang dumadapo sa isipan ko.
Walang araw, oras at segundo na hindi ka naaalala--
sa mga bagay na walang silbi sa buhay ko ngunit may kilig
na dala-dala.
Sa mga palabas at kanta na paborito mo.
Sa anime karakter na kasing bobo mo.
Sa samyo ng pabangong kasing kahalimuyak mo.
At sa mga senaryong kasama ka at halakhak mo lang ang
musika sa tainga ko.
Tunay ngang nakaka tanga ang umibig.
Samutsaring silakbo ang nadarama.
Bagkus, hindi ibig sabihin nito na habang buhay
na akong magpapaka alipin sa pag-ibig mong walang dala.
Oras na para humingi ng pahimakas. Ito na.
Hindi na muling lilingon sa mala anghel mong itsura at
gagawa ng kundiman, na para sa iyo lamang.
Bibigyang kalayaan ang sarili na umalpas mula sa piitan.
Na siyang nagbigay sa akin ng saya sa sandaling panahon.
At sa muli, paalam sa mapait na piitan ng iyong pag-ibig.
11 notes · View notes
nkktrl · 2 years
Text
Labyrinthine
Nikka
You are a cetirizine
to my allergy
a medicine
I need every night
a serotonin
for my dark soul
that lights up
when you are around
a tranquility
to this perplex world--
made up
of my mind
I wish I can
say these to you
but woefully
you are not mine
I know I'm opaque
fuzzy to be seen
but give me
a slight glimpse
for I will cherish
the small--
memorable things
undoubtedly
I am
in a one-sided love
frightened to disclose
the emotions
with morale
someday I might
have the guts
to confess
what I've got
but if that someday
is the last
I might say it
with enthusiast
for the moment
let us enjoy
our youth
oh, to see
you delighted
is what makes me
cool.
5 notes · View notes
nkktrl · 2 years
Text
Asul na may Mantsang Pula
Nikka
Nakita ko na naman si Toto
diyan sa may lansangan
palaboy-laboy wala kasing magandang tirahan
walang trabaho ang magulang kaya yung matandang anak
nalang ang inaasahan
trese anyos palang si Toto pero alam na ang kalakaran
pangarap niya raw maging pulis para makatulong sa bayan
minsan isang gabi naglakad-lakad kami ni Toto
patungong sementeryo para dalawin ang namatay
naming kaibigan
nang biglang may sirena kaming narinig
dali-dali kaming tumakbo patungo sa kung saan
turo kasi sa akin ni Nanay na tumakbo at magtago
kapag may narinig na wang wang
paano ba naman daw hindi ginawa ni Tatay iyon nung
siya pa ay nabubuhay
nasulyapan pala kami ng tila lasing na mama
humugot siya sa kaniyang bulsa at aakmang
magpapaputok
parehas kami ni Toto na natamaan ng bala
napahiga at napa tulala nalang dala ng takot at kirot
nilagyan kami bawat isa ng karatula
huling rinig ko na turan ng mama
tapos na raw ang kaniyang kota sa gabing iyon
huling sulyap ko rin sa kaniya bago ako mawalan ng malay
siya pala ay naka asul tulad ng pangarap ni Toto
naka asul ngunit may mantsa na pula ang kaniyang suot
5 notes · View notes
nkktrl · 3 years
Text
🧿
Tumblr media
5 notes · View notes
nkktrl · 3 years
Text
Facade
Nikka
Everything is just a facade;
appears as pleasing and wholesome
the merriness within her eyes
is just nothing but lonesome.
Look beyond her deceptiveness
you will see a rose full of thorns
each of them has names--
grief, anxiety, and sorrowful morns.
She is difficult to discern
for she is subtle and hard to explain
her masquerade seems so authentic
it's just the proficiency at hiding pain.
Hopefully, she finds her inner peace
that will give her a sense of validation
and to remove the facade that she build
is a great start of her own-self connection.
Tumblr media
7 notes · View notes
nkktrl · 3 years
Text
The Starry Night by Vincent van Gogh
Tumblr media Tumblr media
I made this art 2 months ago, and haven't made any art related stuff after this.
Reference:
The Starry Night by Vincent van Gogh
4 notes · View notes
nkktrl · 3 years
Text
Tumblr media
Koi fish pixel art
9 notes · View notes
nkktrl · 5 years
Text
Dilat na mga Mata ngunit Bulag kung Makakita
Nikka
Dalaga't maganda, 'yan nga pala ang maituturing sa akin dati ng aking mga kapitbahay na hayok na hayok na matikman ang birhen at masarap kong katawan. Dahil ba naman sa makinis at mala porselana kong balat, mapupulang pisngi at labi, matambok na puwet at hinaharap, ay sino ba namang tao ang hindi magkakagusto sa babaeng katulad ko? Kahit na maliit man ako ay bawing bawi naman sa hubog ng aking katawan, magandang postura, at hinding-hindi mawawala ang pinamana sa akin ng aking mga ninuno, ang kayamanan.
Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang mang ibang baryo at maghanap ng trabaho, sapagka't kaya ko namang tustusan ang sarili kong pangangailangan. Sa lawak at dami ba naman ng aking mga lupain, mga ilog, dagat o kahit sapa man na maari kong pagkuhaan ng isda at iba pang lamang tubig, ay hindi ko na kakailanganin pang magpakahirap at sirain ang malambot at makinis kong balat. Ang tanging ninanais ko lang naman ay magkaroon ng taong magmamahal sa akin ng tunay at tapat, ‘yung tipong bubuo kami ng isang malaki at masayang pamilya na dadalhin ko hanggang sa aking pagtanda.
Nagsimula nga pala ang k'wento ng aking pag-ibig noong taong 1521. "Sa wakas" turan ko sa aking sarili, naapuhap ko na ang lalaking magmamahal sa akin ng tunay kahit na kami'y abutin pa ng daantaon. At bukod pa roon ay siya lang ang isa sa mga lalaking naglakas ng loob upang ako'y ligawan at kilalanin. Sobrang galak ang naramdaman ko nang mga panahon na 'yon. Hindi na nga ako nag-atubili pang papasukin agad siya sa aking puso. Lubos kong inaakala sa kaniya na siya na ang lalaking pupuna ng puwang sa aking puso, at ang lalaking kasama't kasabay ko sa pagkamit ng aking mga pangarap.
Nakuha naman niya agad ang aking loob. Ang bilis ko ngang maniwala at mabuslot sa butas ng kaniyang mga patibong. Siguro nga't napakarupok ko para maniwala sa mga matitimyas at mapanlinlang niyang mga salita, dahil kahit sa kaniyang mga hiling ay hindi ko magawang umiring. Ilang taon din akong nagpa-alila't nagpasakop sa kaniya, simula nung mapagtanto ko at magising sa katotohanan na ako pala'y matagal ng nakagapos at nakakulong sa mga kasinungalingan niya. Pinaniwala niya ako sa relihiyon niya. Binago niya ang perspektibo at ang aking pananaw sa mga bagay-bagay. Binaboy at minaltrato niya ang aking pagkatao hanggang ako'y maging lumpo at kaawa-awa, at higit sa lahat ninakaw niya ang iba kong mga kayamanan at ari-arian. Kung wala lang mga tao at ibang mga dayuhan na tumulong sa 'kin upang ako'y maging malaya mula sa aking pagkakagapos, ay matagal pa rin akong naniniwala sa kaniyang mga kasinungalingan.
Paumanhin kung marami na akong na i-k'wento, nawa'y sana magkaroon ka ng aral sa mga kwentong naibahagi ko. Paumanhin ulit kung hindi ko agad nasabi ang aking pangalan, kaya't ako'y magpapakilala na...
Magandang araw. Pilipinas nga pala.
14 notes · View notes
nkktrl · 5 years
Text
Tumblr media
Withered and parched, just like your words and broken promises.
3 notes · View notes
nkktrl · 5 years
Photo
Tumblr media
one-sided love.
5 notes · View notes
nkktrl · 5 years
Photo
Tumblr media
everything is temporary. everything is bound to end.
5 notes · View notes