Tumgik
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was 16 years old. I graduated with high honor in the school year 2021 - 2022. I didn’t expect that since I used to doubt my knowledge and ability. I always feel like I’m not doing enough in everything that I do. So maybe that was god’s sign for me that I’m doing a great job. Furthermore, our teacher assigned me for the graduation welcoming remarks. At first, I didn’t want to. I was afraid for the reason that I’m not good at public speaking. I can’t deal with embarassment if I got mental blocked. But eventually, I still agreed. I can’t lose the chance for me to step out of my comfort zone. Fast forward, my speech was successfully delivered. I realized that the biggest risk is not taking one. This is not yet the end of the journey, this is just a beginning.
She’s still learning and growing. And still in the process of becoming the best version of herself.
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was 15 years old. As you can see, short hair era ko pa 'to and sa totoo lang, hindi naman planado 'yang pagpapashort hair ko. Biglaan lang 'yon kasi sasamahan ko lang naman dapat ‘yung pinsan ko na magpagupit pero ang nangyari, pati ako nadamay. Pero okay lang kasi nagustuhan ko naman ‘yung haircut ko. Yung second picture naman, birthday ‘yan ng bestfriend ko. Her name is Jamella. Ininvite niya kami sa kanila kasi naghanda raw sila. Nakakamiss rin naman since ang last na pagkikita namin noon ay bago pa pumutok ang bulkan. Tanghali na kami nang makarating sa kanila. Sinalubong n’ya agad kami sa labas ng bahay nila. Binati at nagmano rin kami nina tita at tito. Sobrang welcome kami sa bahay nila na para bang part na kami ng family nila. Kumain kami at nag-usap, hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Hapon na kami nakauwi pero worth it naman kasi nag-enjoy kaming lahat. I’m so lucky to have such an amazing friends like them <33
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
It’s been 2 years since I took this photo of mine. Sa gilid 'to ng bahay namin. For sure bored ako n’yan kasi hindi naman talaga ako mag eeffort na pumunta d’yan para lang mag picture. Maraming nangyari sa taon na 'to at ang pinaka tumatak sa’kin ay ‘yung pandemic. Marami ang nag evacuate at isa na kami roon. Doon kami nag stay sa bahay ng kapatid ng lola ko. Mababait naman sila kaya madali akong naging comfy doon. Hindi naman puro negative things lang ang naranasan namin noong pandemic. It taught us not to live in fear but to live in faith. Almost a month ata kaming hindi pumasok noon. Sayang lang at wala kaming proper good bye ng mga kaklase ko bago natapos ang school year. Yung second picture naman, it was taken by me also. Everytime na makikita ko na maganda ang kulay ng langit, hindi ko maiwasang hindi picture-an. It helps me to lighten up my mood whenever I’m sad or tired.
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Hi
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was 13 years old. Silaw na silaw ako sa araw n’yan. Pinilit lang kasi ako d’yan since hindi naman ako mahilig mag picture dati. As far as I know, fiestahan ang pinuntahan namin n’yan. Hindi ko na tanda kung saan pero I know na sa relatives lang namin. Nag enjoy naman ako sa naging biyahe namin noon kahit may kalayuan. Tamang chill lang at kwentuhan. Pag dating namin, kumain na kami. While ‘yung iba, nag uusap-usap, nandoon lang ako sa loob at nakaupo. Then suddenly, may lumapit sa’king bata and may inabot na chips. I don’t really know why, pero baka naawa lang s’ya sa’kin kasi ang tahimik ko at halata n’ya siguro na bored ako. Ang amo ng mukha niya and mahahalata mo talaga na friendly s’ya kaya hindi ako nahirapang makipag-socialize. Anyway, mas mukha s’yang bata kaysa sa’kin. Maybe I’m 2 years older than her. I really hope she’s doing fine ;>
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was 12 years old. As you can see, I was wearing girl scout uniform. Let me tell you the story behind that. There was a time kasi na inatasan ako ng teacher namin na mag lead dito sa girl scout. Ayaw ko man pero hindi na ako tumanggi not only because may tiwala 'yung teacher sa’kin, kundi para na rin sa sarili ko. I wanna get out of my comfort zone. l should try new things so I could learn more. Whatever makes me uncomfy is my biggest opportunity for growth. Yes, takot ako sa public speaking pero ang mahalaga ay sinubukan ko. At dahil nga sinubukan ko, marami akong nakilala at nagkaroon ako ng new set of friends. Kapag nagkikita-kita kami ay hindi namin nakakalimutan na batiin ang isa’t isa na para bang walang nagbago sa closeness namin dati. I really miss them a lot <33
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was 11 years old. Una ko agad napansin yung relo ko na color pink. Gustong gusto ko 'yan dati e kasi touch screen tapos favorite color ko pa dati ang pink XD. Binili lang 'yon sa akin ni mama out of nowhere. Yung sa second picture, nandiyan naman 'yung mga pinsan ko. May occasion that time. Birthday kasi ni lola so pumunta 'yung relatives namin. Nagmano ako sa mga matatanda and of course nakita ko rin 'yung mga pinsan ko na ka-edad ko lang. Hiyang-hiya pa ako at first kasi madalang lang naman kami magsama-sama, pero noong makakain na, doon na kami nag start na mag usap-usap. Doon kami nag stay sa room ko dahil maingay sa labas. Nakita nila 'yung manika ko so nag decide kami na maglaro since wala naman kaming magawa at marami naman akong manika that time. Good thing na until now ay close pa rin kami. Sana makapag bond ulit soon <33
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
10 years old ako sa picture na 'to. Natatawa lang ako kasi para akong endorser ng tv T_T. May pinapanood kami that time but I can’t really remember what it is. Kasama ko diyan 'yung mga pinsan ko. Lagi kasi sila umuuwi dito sa batangas every weekend. Ang bonding talaga namin usually ay ang paglalaro ng minecraft, pero madalang lang ako sumasali dahil sumasakit ang ulo ko kapag sumobra ako sa paglalaro. Minsan naman gumagawa kami ng parang tent gamit ang mga unan at kumot tapos doon kami magsisiksikan sa loob. Magdadala kami ng foods at doon kami manonood ng movies. Kapag busy naman sila, lumalabas na lang ako ng bahay para makilaro sa mga kapitbahay namin na naglalaro ng volleyball or di kaya chinese garter. Sa laro namin, laging may deal. Ang matatalo ay manlilibre. Maswerte pa nga ako dahil madalas ay kami ang panalo kaya busog ako lagi tuwing uuwi sa bahay. I really miss our bond. Sana maulit :)
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was 9 years old. Ang weird lang ng smile ko diyan sa picture. Parang pilit yung ngiti. Anyways, grade 2 ako nito and I still remember na nakalimutan kong dalhin ‘yung output na ginawa ko na need ipasa sa araw na 'yon. While my other classmates were passing their output, I was just there, nakaupo and doesn’t even know what to do. I almost cry, but then, my tita went on our school dahil nabanggit ko nga pala sa kanila na may ipapasa kaming output on that day. So ayon, nakapagpasa ako. Alam n’yo ba, lagi rin akong dinadalhan ng food sa school tuwing lunch kasi alam nila na hindi ako ginaganahan kumain kapag hindi mainit 'yung kanin at ulam. They always make sure na mauubos ko 'yung pagkain ko. Bago naman umuwi, bibili muna ako ng pancake or di kaya mangga sa tindahan. Dahil nga palagi akong nabili, naging close ko na rin 'yung tindera at minsan pa nga kapag may natitirang palamig, binibigay na nila sa akin 'yon nang libre :DD
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was 8 years old. Nasilaw sa flash, sabay pose. Hindi ko na tanda kung anong nilalaro ko diyan. Anyways, fave tshirt ko 'yang suot ko d’yan. Kung hindi raw ba ako nagsasawa dahil madalas na 'yan ang suot ko. Nakikita n’yo ba ‘yung mga stuffed toys na nasa taas? Bigay ‘yan ng ninang ko noong 7th birthday ko, pero hindi ko naman nilalaro kaya nilagay na lang nila d’yan. Mas preffered ko ‘yung manika kasi puwede kong damitan, suklayan, at paliguan. Lagi ko rin sila isinasama kapag kakain ako para kunware kakain rin sila. Siyempre hindi ko makakalimutan na bigyan sila ng sari-sarili nilang pangalan at ginagawan ko pa sila ng sariling kwarto. Ganiyan ako kainvested sa manika before. Kapag bored ako, ‘yan lang ang madalas kong ginagawa. It’s either maglaro sa ipad or di kaya maglaro ng manika. Ang saya saya kapag naaalala ko hehe. Kung pwede lang talaga maging bata na lang habambuhay T_T
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
This is me when I was in grade 1. Dito na ako nag-aaral sa batangas noong time na 'yan. Halos hindi na makita ang mukha ko diyan sa picture sa sobrang liwanag. Lagi rin akong may dalang pamuyod kahit na hindi ko naman ginagamit. Umalis na noong mga panahon na 'yan si mama papuntang abroad para magtrabaho. Hawak ko diyan yung ipad na binili ni mama kasi naaawa raw sa akin since lagi lang ako nakikinood sa mga pinsan ko tuwing naglalaro sila sa ipad nila. Nilalaro ko lagi diyan yung temple run, talking angela, zombie tsunami, at iba pang pambatang laro. Sa school naman, lagi akong hatid sundo ni tatay. Sa baon kong 20 pesos, lagi pa akong may tirang limang piso. Ngayon ko lang narealize na sobrang tipid ko pala dati. Hindi na ako makarelate kasi sobrang gastador ko na ngayon T_T. Natatandaan ko pa na lagi akong nagmamadali para lang maabutan ko 'yung fave kong panoorin sa tv. I wanna go back to those good old days.
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
I was in kinder sa picture na 'to. This is one of my favorite childhood picture since i like the way I posed and also because of my double ponytail. Dito ako nagsimulang tamarin maligo sa umaga since malamig nga yung tubig. So ang ginagawa nila mama, nagpapakulo muna sila ng tubig para naman makaligo ako nang maayos. Sa Manila pa ako nag-aaral that time. Aaminin kong naging memorable ang experience ko sa school na 'yon. Hindi ko rin makakalimutan 'yung fave kong bilhin which is 'yung gulaman na may gatas. I don't know 'yung exact na tawag doon pero that’s how I describe it. Pag uwi ko naman, diretso na akong laro. One time nga, tuwang tuwa sa akin yung mga kapitbahay namin kasi nga rumampa ako sa harap nila. Minsan pa nga e sumasayaw na lang ako bigla kapag nakakarinig ng kanta. Natatawa na lang talaga ako sa sarili ko kapag naaalala ko 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong kahihiyan dati at ngayon lang nagsi-sink in lahat. Totoo ngang nasa huli ang pagsisisi XD
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
I was 5 years old sa picture na yan at parang ang kwela kwela kong tao. I mean, yes, kwela naman talaga ako pero it depends on who I am with. Lagi ako iniipitan ni mama everytime I go to school. She wants me to look decent and presentable as always. Pagkatapos magbihis, pumupunta muna kaming karinderya para pakainin ako. It’s either lugaw or champorado ang lagi naming binibili because that’s my comfort food. Pagpasok ko sa room, sasalubong na agad sa akin yung friend ko. Her name is Faye. I miss her so much and I really hope she’s doing well. Close na close kami kasi as far as I remember, she was the only one who approached me noong first day of school. Anyways, close ko rin yung teacher namin. Lagi niya kami nilalagyan ng star kapag active kami sa klase. Kahit umabot sa braso ko yung stars, wala akong pake. Binibigyan kasi ako nila lolo ng coins kapag may star ako sa kamay. Yung pera naman na nakukuha ko, ipinambibili ko ng stick-o or di kaya tinapay na may peanut butter. Tuwang tuwa na ako sa simpleng bagay na yon. Hays, good old days :))
0 notes
prcsclaire · 1 year
Text
Tumblr media
Hello there!
13 years ago, I was 4 years old that time, naglalaro kami ng mga pinsan ko nang tinanong ako nila mama kung gusto ko raw ba mag angel dahil malapit na ang tapusan. Umayaw ako siyempre, lalo na at hindi pa ako familiar noon sa mga tao dito sa barangay namin. Hindi ako pala-labas ng bahay kaya wala akong masyadong kilala. Pero dahil sobrang bata ko pa niyan at wala pa akong masyadong alam, sila mama at papa pa rin ang nagdesisyon. Isinali nila ako kahit na labag sa loob ko. Pero infairness, natuwa naman ako kahit papaano dahil nagandahan ako sa suot ko. Siguro dahil na rin sa pakpak na nasa likod ko. Iniimagine ko na lang na kaya kong lumipat kahit na hindi talaga. Pinalagyan pa nila ako ng bangs. Well, hindi na naman bago sa akin yon dahil lagi nila ako pinapagupitan ng ganiyan. Hindi ko bet pero sige #napilitan. Natatandaan ko pa na umiiyak ako habang naglalakad papuntang simbahan kasi nga shy type ako. Mabilis ata talaga magbago ang mood ko. Anyways, halata naman siguro sa mukha ko diyan sa picture na napilitan lang ako hehehe
1 note · View note