Tumgik
rmplwordworld · 17 days
Text
Makikiraan lang, munti kong pahina
Napakaraming taon ang nagdaan nang huli akong usmulat sa mga pahinang ito. Muli ko ngang binalikan ang mga kahapong madalas akong balutin ng lungkot at ang pag-amba ng mga pagsuko. Ang dami ko nga pala talagang pinagdaanan at nandito ako ngayon- lumalaban parin.
Hindi ko itatanggi ang katotohanang marami nang nagbago dahil ultimo ako ay nagbago. Maraming mga dumaan at maraming mga nanatili. Nakakatawa nga lang dahil dapat ay gumagawa ako ng midterm exam at midterm quiz ngayon para sa educ 21 pero mukhang ang hindi parin nagbabago sa akin ay ang pagiging procrastinator.
Siguro ay kahit naman kaunti palang ang nalalakbay ko sa buhay ay maaari ko nang sabihin na kahit papaano'y subok na ako ng panahon. Ako nga ngayon ang adviser ng The Gazette (tingnan mo nga naman, mula sa palpak na EIC noong kolehiyo days), magiging part-owner na nga rin pala ako ng BCSE. Maraming mga bagay ang narating pero malayo layo pa ang dapat kong lakbayin.
Well, may isang bagay parin pala na hindi nagbabago sa akin maliban sa pagiging isang procrastinator, ako'y mangingibig parin. Well, hindi nga lang ng kaparehas na taong iniibig ko mula nang ako'y nagsulat sa mga pahinang ito.
Mayroon akong nakilalang babae sa isang phone application na bumble nitong Nobyembre taong 2023. Ilang araw bago ang kaarawan ng dating kinababaliwan (oa, gusto lang) kong babae na nakilala ko naman ng Pebrero ng kaparehas din na taon, si Shainah. Well, tapos na agad ang kabanatang Shai. Pumunta tayo sa exciting part- Jasmin.
Sa mga araw o panahon na muntikan ko nang piliin ang pag-iisa at hindi na sumugal sa pag-ibig, may naglakas loob na ako'y hamunin. Aba! Siyempre, natalo ako, hihindi pa ba ako sa isang mag-aawit? Hindi nga lang namand dahil sa boses niya kung bakit ko napiling sumugal.
Maraming pwedeng maging dahilan at baka abutin ako ng ilang taon kung iisa isahin ko yun dahil araw-araw ay nadaragdagan naman iyon. Pero pinakapumukaw sa akin upang tumaya ay ang kanyang lakas ng loob. Hindi lang basta lakas ng loob dahil hindi basta-basta ang sugal na ginawa niya. Yes po, opo. Isa na namang church ghourl ang kumatok sa pintuan ng buhay ni Rica. Tapos Iglesia ni Cristo, lider sa kapilya at nasa rangko ang buong pamilya.
Grabe na ang pagsugal. Dati'y hindi ko inaakala na susugal ako sa isang INC. Iniisip ko kasi noon na baka hindi kami magtagpo sa aming mga paniniwala't pananampalataya, kagulat gulat man, hindi pa kami nagtatalo patungkol doon.
Madalas lang talagang pagtalunan namin ay mga maliliit na bagay na pinalalaki. Ginawa na naming katauhan ang topakin madalas kapag nangungulila kami sa isa't isa. Ngayon nga ay may tampuhan kami at medyo may mga salita kaming nabitawan na maaaring nakasakit sa amin.
Hindi ko naman na masyadong iniisip ang aking pride (yung katauhan at hindi yung sabon). Pinipili kong mangulila habang natutulog siya ngayon sa kabilang linya ng aming tawagan sa messenger. "Mahal, kung naririnig mo ang utak ko, beke nemen. Patawarin mo na ako. Mwaaaaa" Marami pang pagsubok ang alam kong makakaharap namin. Hindi ko alam kung hanggang saan kami pahihintulutan ng langit ngunit laging dalangin ng puso't isip ko na sana'y walang dulo ang kung anong meron kami ni Hasmina.
Kung meron man, sana ay nagawa namin lahat ng mga plinano namin at mga pinangarap nang magkasama.
Sa ngayon, ito muna ang isusulat ko sa iyo, aking munting pahina. Update kita kapag mag-asawa or nagdivorce na kami. Emeeee.
APRIL 15, 2024 | 12:09 AM
0 notes
rmplwordworld · 2 years
Text
Scar
Hindi maitatangging makalipas ang ilang taon, nakikita ko parin ang sarili kong nalulugmok sa ginawa kong katangahan mula sa nakaraan, ito ay ang pakawalan ang pinakamatalik kong kaibigan. 
Siguro nga ay nararapat lang na maramdaman ko ngayon ang sakit na nararamdaman ko dahil nagawa kong saktan ang taong walang ibang ginawa kundi ang purihin ako at pagkatiwalaan. Ngayon ay masaya siyang bumubuo ng kanyang pamilya. 
Isang malaking kawalan para sa akin ang ginawa kong paglisan. Ni hindi ko na magawang ipagkatiwala ang sarili ko sa iba dahil na rin siguro ay naramdaman kong nagkatotoo na yung sinabi kong ako ay makakarma. Siguro nga ay nararapat lang sa akin ang sakit. Iniwan kita sa mga panahong kailangan mo ako. Hindi ko na rin magawang pagkatiwalaan ang sarili ko na pahalagahan ang iba dahil alam kong maaari akong makasakit muli. 
Tama na siguro na piliin kong mapag-isa. Tama naman siguro na ako’y nasasaktan ngayon. Marahil ito nga dapat siguro ang dapat kong maramdaman. Patawad, kaibigan. Huli na talaga ako at wala ng saysay itong aking pangungulila. 
Kung darating man ang panahong mababasa mo ito, malaman mo sanang sa bawat araw ng aking pagsisisi, ay ang bawat araw rin ng aking pangungulila sa kung ano ang nilisan ko. Laman ka ng bawat dalangin ko. Na sana ay lagi kang masaya at kailanma’y hindi ka na basta iiwan sa himpapawid.
Alam kong huli na ang lahat, ngunit hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa iyo, kahit na ngayon ay magagawa ko na lamang ito ng palihim.
Salamat sa lahat, poi ko. Kung tunay ang ang susunod na buhay, hinihiling kong sana ay hindi na kita magagawang iwan at saktan.
0 notes
rmplwordworld · 4 years
Quote
I wanted to die, but the world wanted me to live. Only for me to  keep wanting to die everyday
somebody save me from this torment | October 25, 2020 - 10:28 AM
0 notes
rmplwordworld · 4 years
Quote
I don't like it here. I hate how I don't know what would I like to do anymore. I have lost myself.
I hate issues about trust
0 notes
rmplwordworld · 4 years
Text
Shadows
I have been hiding from all these shadows... and I don’t know where and how to start with things. I don’t know when was the last time I had the biggest bravery in me. 
These past few days, I was never myself nor even someone else. I was a dead fish floating on the sea. Nowhere to go and don’t know where to go.
2:46 AM | February 23, 2020
0 notes
rmplwordworld · 5 years
Text
Gunita ✍️
Dumalaw na naman...
ang mga gunitang dati'y hatid ay kaluguran
ngunit ngayo'y dumalaw...
na ang baon ay gunitang pinagkaitan ng katotohanan
at nang magising ay natuklasan...
na ang katotohanan sa mga gunitang ito
ay ang mga gunitang ninais
ngunit hindi na nangyari pa dahil sa naganap na pag-alis
ngayo'y hindi na tiyak
kung alin sa mga gunita
ang nagbigay ng tunay na galak
kung bakit kasi pinipili ang mga gunitang nais maalala?
dumalaw na naman...
ang mga gunitang magbibigay kapaguran
sa isipang wala pa namang kahandaan
para na naman sa isang digmaan...
na pakiramdam ko'y wala namang katapusan 
03/01/2019 - 1:10 PM | "unang tula para sa taong ito"
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
Mahalaga ka kaibigan ngunit mahalaga rin ako.
rmpl
JULY 6, 2018 - 11:58 PM
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Para sa ala-ala ng muling pagsasama sama ng pamilya Alluad
                Iba ang ligaya na naidudulot ng muling pag-iisa ng mga pusong matagal nang nagkawalay-walay. May mga pusong tumanda at may mga pusong ilang taon o dekada na ring namahinga na tanging pag-alala na lamang sa mga naging tibok nito ang magagawa ng kasalukuyan.
                Sa mga pusong ngayo’y kasalukuyang tumitibok, ipinagpapasalamat ang muling pagtatagpo ng mga mata at pagkasilay sa mga matatamis na ngiti. Maaaring ang muling nating pagkikita ay may mga pusong mamamahinga o tumatanda. Isa lamang ang tanging hiling ng mga kamay na sumusulat ngayon- Nawa’y hindi mapaglayo ng ilang kilometrong distansya ang mga pusong muling napag-isa.
                Patuloy nawa nating pagtagpuin ang mga pusong minsang pinaghiwalay ng panahon. Panatilihin nating dinig ang bawat tibok ng mga pusong nagtagpo.
-rmpl | MARCH 30, 2018
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
Pwede bang kahit minsan lang... sarili ko muna isipin ko?
rmpl 12.19.17 12:51AM
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
I don't know why but I feel like I really need a break from all of this
rmpl | 12.19.17
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
I claim healing for my soul, mind, heart and body
blessed rmpl | 10:24PM | 12/14/17
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
I am hurting but He is battling for me
rmpl | 10:23PM | 12/14/17
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
Salamat Panginoon
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
ngiting pilit...
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
Patawad...
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
May nabibitawan tayo nang hindi natin sinasadya. May sasalo dun nang hindi natin inaasahan
rmpl | 12/14/17 | 10:16PM
0 notes
rmplwordworld · 6 years
Quote
Huwag mo sanang isisi sa iba ang naging pagkukulang mo. Nagkamali ka. Nagkamali ako. Nagkamali siya pero hindi yun sapat para isisi mo lang lahat sa amin. Huwag mong iparamdam sa akin na ako lang yung mali.
rmpl | 10:14pm | 12/14/17
0 notes