Tumgik
slikker25 · 3 years
Text
Explore and Chill in Baguio City
Tumblr media
Pag-sasapit na ang tag-init sa Pilipinas, mayroong lugar na laging lumalabas sa mga utak ng Filipino, Ito ang Baguio City. Sikat itong destinasyon na may taglay ng magagandang bulubundukin at mga iba’t ibang pagkain, at ang pangunahi nitong atraksyon na malamig na klima. Ito rin ay isa sa mga pinaka malinis at mataong lugar dito sa Pilipinas. Kahit na sobrang dami ng dumarayo dito, napakalinis at eco-friendly nito. Ang mayamang kultura at hindi mabilang na mga mapagkukunan ay nag-akit ng maraming pamumuhunan at mga pagkakataon sa negosyo sa lungsod. Dahil dito, mas lalong napapaganda o napapanatili ang kapaligiran at infrastraktura na umaakit sa mga nag-babakasyon at turista. Isa sa mga sikat na lugar sa Baguio City ay ang Burnham Park.
Tumblr media
Ang Burnham Park ay itinuturing na isa sa mga pinakatanyag na parke sa bansa. Ito ay matatagpuan sa Jose Abad Santos Drive, Baguio City 2600 Benguet Philippines. Ang parke ay ipinangalan kay Daniel Hudson Burnham, isang Amerikanong arkitekto. Siya rin ang nagbigay ng mga plano at disenyo para sa Baguio City. Ang parke ay isang paboritong lugar para sa kapwa mga lokal at turista. Ang lugar na ito ay madalas na puno ng mga tao maulan man o hindi. Ang pinakatanyag na aktibidad sa parke ay ang "pagbibisikleta". Mayroong mga bisikletang pwedeng upahan at makatwiran ang presyo ng mga ito. Ito ay isang magandang aktibidad para sa mga bata at matatanda. Isa rin sa mga sikat na pagkain dito ay ang strawberry.
Tumblr media
Ang strawberry ay isang matamis at malinamnam na prutas. Ang prutas na ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagpupunta ang mga tao sa Baguio City upang magbakasyon. Dahil narin sobrang dami ng nagbebenta rito, naihahalo rin ito sa mga iba't ibang pagkain. Madami ring nagagawang produkto dito katulad ng Strawberry Jam o Strawberry Taho. Maraming nagbebenta nito sa Burnham Park dahil malapit ang mga strawberry farm rito at mas madaming tao ang nagpupunta dito. Hindi rin nawawala sa isang bakasyon sa Baguio City ang isang aktividad na kung tawagin ay Strawberry Picking. Hindi kumpleto ang iyong bakasyon kung hindi mo man lamang ito nagawa.
Tumblr media
Pagdating sa sunod na distinasyon ay ang White Mansion ay opisyal na tirahan ng ng Pangulo ng Pilipinas kapag dumating na ang tag-init. Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng lungsod sa kahabaan ng C.P. Romulo Drive (dating bahagi ng Leonard Wood Road) at sa tapat mismo ng Wright Park. Mas matanda kaysa sa lungsod mismo, ang Mansion ay madaling isa sa pinakapasyal at nakuhanan ng litrato na mga landmark ng Baguio. Dito makikita ang isanng napakalaking may malaking lupa na naglalaman ng mga gawa na mga sikat na mga national artist.
Tumblr media
Ang mountain views ay lugar kung saan makikita ang isang napakagandang tanawin sa Baguio. Sa pag-lalakas lakad dito ay makikita ang mga napakadaming mga tindahan na merong tinitindang mga sculptura. Ang dami pwedeng gawin habang nasa lugar ka na ito meron teloscopo para rentahan at gamitin. Halos dito kumuha ng mga litrato ang mga turista upang maipakita sa social media and kagandahan ng Baguio.
Sa bawat araw na nagdadaan tayo'y naglalakbay madaming natutuklasana na lugar. Sa mga lugar natin na napupuntahan maraming memorya ang nabubuo na hindi makaklimutan. Saka ang masasayang alaala ay hindi makakalimutan at nag papatunay ang kagandahan ng mga lugar sa ating mundo. Lalo tayong sumasaya kapag kasama natin ang ating malalapit sa buhay upang mag pahinga saka lumayo sa maingay na mundo at sulitin ang bakasyon.
1 note · View note