Tumgik
Text
Tumblr media
Nakaaakit na Kulay ng Boracay Ang paglalakbay sa iba’t-ibang lugar ay isang magandang pagkakataon upang makakuha ng mga bagong karanasan at makasaksi ng maraming magagandang bagay.
Noong Disyembre, 2019, ay pumunta kami ng pamilya ko sa Boracay upang makapag-bakasyon, at para narin magdiwang ng ika-18 kaarawan ng aking nakatatandang kapatid na babae.
Bago kami nakasakay ng barko papunta sa isla na mismo ng Boracay, minalasan kami at naabutan kami ng bagyo, kaya naman sa sumunod na araw na kami nakaabot sa aming patutunguhan. Pagdating naming doon ay Nakita naming ang epekto ng bagyo sa lugar. Maraming mga gusali at ibang bahagi ng kalikasan ang nawasak, at dahil bago lang talaga dumaan ang bagyo ay hindi pa gaanong naayos at nalinisan ang malaking bahagi ng lugar.
Sa kabila ng lahat, kahit na kitang-kita pa rin ang epekto ng bagyo, nasaksihan pa rin natin ang kagandahan ng lugar, mula sa nakaaakit nitong mga dalampasigan, hanggang sa mga magagalang mabubuting mga residente, sa totoo lang marami paring mga turista ang makikita mo sa kabila ng nangyari.
Medyo matagal-tagal na iyon kaya hindi ko na maalala lahat ng mga pinagdaanan ko doon, ngunit alam na alam ko parin ang pakiramdam ng pagkamangha at pagkahinahon habang lumalakad ako sa buhangin sa tabi ng mga alon habang dahan-dahang lumulubog ang araw sa abot-tanaw at nagibibigay kulay sa kalangitan. Ang mga pagkaing kay sarap, lalo na pag napakaganda ng tanawing iyong nakikita. Ang mga souvenir at mga trinket na gusto mong ibalik pauwi bilang pag-alala sa iyong paglalakbay at bilang regalo na rin sa mga naghihintay sa iyong pag-uwi. -Mondejar, Marlou Antonio
0 notes
Text
Tumblr media
Walang nang mas espesyal kaysa sa paglalakbay kasama ang iyong mga mahal sa buhay.
Noong nakaraang linggo lamang, Abril 6, 2023, nagsama-sama ang pamilyang Dedase para sa kanilang family outing patungo sa Bansada Agri-eco Adventure Park na matatagpuan sa Titulok, Bagumbayan, Sultan Kudarat. Hindi ko makakalimutan ang karanasan iyon, lalong-lalo na dahil kasama ko ang aking buong pamilya. 
Alas-singko ng umaga nang kaming lahat ay nagising at kaagad nang naghanda para sa paglalakbay namin. Kami ay marami-rami dahil anim na mag-asawa at may dalawa hanggang tatlong anak ang bumubuo sa pamilya. At kaya naman bawat pamilya ay nagdala ng kanya-kanyang bahagi para sa dadalhin naming pagkain patungo sa patutunguhan. Pagkatapos naming maghanda para sa biyahe, kami ay agadad-agad ng lumisan. Apat na sasakyan ang nagsilbing transportasyon. Kami ay nag-convoy upang hindi kami maghihiwalay-hiwalay sa paglakbay dahil hindi pa naming kabisado ang daan patungo sa Bansada Park. Mahaba-haba ang oras ng aming biyahe at kaya naman ako ay nainip, naisipan kong mag-patugtog ng kanta sa aking earphones habang naglalaro sa games ng cellphone ko. Ako ay nakaramdam ng pagka-antok at napilitang matulog. Nagising ako maya-maya dahil ang dinadaan namin ay pataas at mabatong daan. Para lang kaming hinahampas sa hanging habang sumsakay sa roller coaster. Ang saya noon. Naglipas ang dalawang oras, at sa wakas, kami ay nakarating na.
Nanibago ako sa paligid dahil malinis at maaliwalas ang park, hindi ko inaasahan na ganon ka pansin-pansin ang aming pupuntahan. Ang una naming ginawa ay kumain muna dahil nagutom na kami mula sa biyahe. Espesyal na pastil ng aking tatay ang aming kinain. Ang sarap talaga ng kaniyang specialty, yum! Pagkatapos ay agad na kaming naglibot sa paligid at kumuha ng litrato sa mga magandang tanawin kahit na ang init ng panahon. Pero dahil nakakamangha nga ang lugar, hindi kami napigilan ng init sa pag-kuha ng mga litrato. Una naming kinunan ang magandang view na may nakasunod-sunod na bulubunduking kulay berde na umaagaw pansin sa mga turista. Ikalawa naming kinunan yung nakita naming upuan na hugis bilog na parang pugad ng ibon. Isa-isa kaming nag pose doon. At pagkatapos ng maraming click, click, click sa camera nagpasya ang aking pamilya na magkuha ng litrato na magkasama kaming lahat. At sa wakas tapos na ang aming picture taking session.
Sa init ng panahon, kami ay nakaramdam ng init sa katawan. Binilhan kaming magpinsan ng ice cream ng aking tito. Agad kaming pumili ng aming paborito na flavor. Ang pinili ko ay ube cheese pastillas. Hay, naging maginhawa ang aming pakiramdam dahil sa malamig na dessert. Pagkatapos noon ay naglakbay na kami pabalik sa Koronadal City. Sa awa ng Diyos kami ay nakadating nang ligtas at maayos.
Sa pangkalahatan, ang paglalakbay na ito ay isa sa mga hindi ko malilimutan dahil maganda ang karanasan ko. Matagal-tagal nang di ako nakapagtakas sa realidad ng buhay ngunit ginawa itong posible ng paglalakbay na ito. Isang malaking oportunidad din na nakasama ko ang aking pamilya na buo dahil minsan lang kaming magtipon na magkasama lahat. Talagang inirerekumenda ko ang destinasyong ito dahil hindi lang maganda ang kapaligiran nito ngunit hinuhubog nito ang isang alaala na hinding-hindi malilimutan.
-Piad, Renee Louise Gabrielle D.
0 notes
Text
Tumblr media
Semana Santa 2023: Bakasyon sa iba’t-ibang destinasyon kasama ang buong pamilya
Ang Semana Santa ay panahon na kung saan tunay na ipinakita ni Hesus ang Kanyang pag-ibig para sa atin sa pamamagitan ng kanyang kusang loob na pagtanggap ng parusa na dapat sana ay para sa atin. Sa panahong ito ang PAG-KAKAISA at  PAGMAMAHALAN ang dapat na nananaig sa bawat puso ng tao.
Ito ang panahon kung saan nabibigyan ang mga tao ng pagkakataong makapagpahinga kasama ang pamilya at panginoon. Kaya naman ang aking Pamilya ay napag-isipang mag bakasyon sa iba’t ibang destinasyon sa loob lamang ng tatlong araw, sa loob ng maikling panahon na iyon ay naging masaya ang aming paglalakbay sa iba’t ibang destinasyon lalong lalo na dahil kasama ang buong pamilya at ang Panginoon.
Sa aming bakasyon, ang una naming destinasyon ay sa Marguez Hot and Cold Spring Resort, Esperanza, Sultan Kudarat noong Abril 6, 2023. Kami ay nag swimming at matagal na bumabad sa mainit na tubig na kung saan ay nagbibigay ng benepisyo sa aming kalusugan. Sa resort na ito ay may apat na swimming pool, dalawa ang para sa mga bata na mainit at malamig, at dalawa din para sa mga matatanda na mainit at malamig. Masasabi kong ang kanilang CR ay hindi naging komportable sa amin dahil sira ang mga pintuan at walang ilaw. Nagkaroon din ng kakapusan sa mga lamesang kanilang pinapa-rentahan dahil sa dami ng turista. Pagkatapos naming maligo ay umuwi na kami dito sa Koronadal.
Pagsapit nang umaga, Abril 7, 2023 bumyahe kami papunta sa aming ikalawang destinasyon na kung saan ay maraming dumadagsang turista sa panahon na semana santa dito, sa Divine Mercy Shrine, Lake Sebu, South Cotabato. Nang dumating kami sa Divine Mercy Shrine ay napagpasyahan naming kumain muna ng pananghalian sa kanilang cafeteria bago umakyat sa taas at mag-alay ng panalangin.
Habang paakyat kami sa hagdan maraming turista ang kumukuha ng litrato sa mga santong naka palibot doon habang sinusunod ang mga alituntunin ng Divine Mercy Shrine na kung saan habang kumukuha ng litrato ay dapat maging pormal at bawal gumamit ng mga wacky poses. Bago rin umakyat sa hagdan papunta sa shrine ay dapat ang mga kababaihan ay naka palda o bestida na hindi maikli. Nang makarating kami sa tuktok ay isa-isa kaming kumuha ng mga kandilang may kulay na may kahulagan at nag-umpisang sindihan ito at mag-alay ng panalangin sa Panginoon. Bago kami bumaba ay kumuha kami ng Healing Water sa ilalim ng imahe ni Hesus.
Pagsapit ng hapon ay bumyahe kami patungo sa aming pangatlong destinasyon, sa Pacman Beach Resort Complex, Maasim, Sarangani. Magdadapit-hapon na nang kami ay makarating doon. Kami ay nag night swimming at naglaro ng beach volleyball. Pagsapit ng umaga, Abril 8, 2023 ay doon na nagsimula ang highlights ng aming bakasyon kung saan kami ay sumakay sa Banana Boat at Butterfly Boat. Marami pa silang beach activity tulad ng Kayaking, Snorkeling, Underwater Helmet, Scuba Diving, at Fish feeding, na siguradong mag eenjoy ka, subalit hindi namin ito na subukan lahat dahil maraming mga turista and dumayo at limitado lamang ang kanilang mga equipment. Pagdating naman sa kanilang mga CR ay walang sapat na tubig at sa liguan ay hindi ka komportable dahil naka shower curtain lamang ito at marumi pa. Bago sumapit ang tanghali ay umuwi na kami.
Habang kami ay pauwi napagpasyahan naming dumaan sa SG Farm, Tupi, South Cotabato, ang aming pang-apat at panghuling destinasyong dinayo. Sa labas pa lamang ng Farm ay masasabi mo nang maraming mga tao ang dumayo sa araw na iyon dahil sa traffic at pahirapan ng pag-parking ng sasakyan. Nang makapasok kami sa loob ay di maiwasang mamangha sa ganda ng mga bulaklak at mga estraktura doon, ang mga camera ay nagsisilabasan. Picture doon, picture dito. Maraming tao ang nasa loob na kung saan ay mga nagsisik-sikan sa mga food stall. Pagkatapos naming maglibot at kumuha ng mga litrato ay kumain kami at pagkatapos naming kumain ay biglang umulan. Nang humina na ang ulan ay napagpasyahan namin na umuwi na. At dito nagtatapos ang aking karanasan sa paglalakbay sa panahon ng semana santa.
Masasabi kong mas masayang gumala kung kasama mo ang iyong pamilya at may gabay ng Panginoon sa lahat ng inyong lakad.
-Gaspar, Angel Kate M.
0 notes
Text
Tumblr media
Dahilayan Adventure Park for Families: Fun for All Ages
Ang pamilya ng aking ama ay nakatira sa lungsod ng Valencia, Bukidnon. Sa kaarawan ng aking lolo napagdesisyonan nilang magkakapatid na kompleto sila sa pagdiwang ng kanyang ika-87 na kaarawan. Kaya mula Surallah, South Cotabato kami ay nag lakbay papuntang Valencia Bukidnon at ito ay tumagal ng humigit-kumulang limang oras na paglalakbay. Sa pagpunta sa lugar na ito, masasaksihan mo ang matatayog na bundok na siya ring pinagmulan ng pangalan nito.“Bukidnon” Bukid o bundok sa wikang Filipino. Kaya naman ako ay namangha at na-aliw sa panonood habang naglalakbay. Sa pagdating namin sa lungsod ng Valencia kami ay malugod na binati at inalokan ng makakain. Kinabukasan ay idiniwang ang kaarawan ng aking lolo sa Dahilayan Adventure Park. Kami ay namasyal, kumain, at sumakay sa mga rides doon. Sa Forest Café talaga ako nagtagal dahil ako ay namangha sa istelo at disensyo na ang tema ay retro. Sa harap ng café marami kang makikita na mga vintage cars at maaari mo itong mahawakan at kumuha ng mga litrato.
Ang Dahilayan Adventure Park ay isang lugar na dinadayo ng mga turista na matatagpuan sa Barangay Dahilayan, Manolo Fortich Bukidnon at matatagpuan sa sa ibabang bahagi ng Mt. Kitangkad na may taas na 4,700 mula sa lebel ng tubig.  Kilala ito dahil sa mga magagandang tanawin, masasarap na pagkain, at maraming mga nakaka-aliw na mga aktibidad na maaaring gawin ng mag-pamilya, mag-kaibigan at mag-kasintahan. May mga room accommodations  din dito na swak sa iyong badyet at maaaring magkasya ang isa hanggang dalawampung tao. Tiyak na hindi sapat ang isang araw para masubukan mo at maranasan ang lahat ng amenities dito. Bukod sa oras, tiyak na mauubusan ka ng enerhiya sa pamamagitan lamang ng pagsubok sa ilan sa mga rides at kung sakaling pakiramdam mo ay kailangan mo ng magpahinga maaaring huminto sa Forest Cafe na matatagpuan sa parke. Inirerekomenda ko sa lahat na pumunta sa lugar na ito upang magpahinga kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan at subukan ang kanilang mga masasarap na pagkain at inumin.
-Casulatan, Frenchie
0 notes
Text
Tumblr media
Mga Innfrastraktura na nag Bigay Saya: Lakbayin ang Lungsod ng Maynila
Sa wakas ay makapaglalakbay na ulit kami. Matapos ang striktong ipinamahala ng pamhalaan dahil sa Covid 19 sa wakas ay makapag travel na ulit kami. Nalaman kong pupunta kami sa Maynila para manuod ng concert ni Kim Seon Ho ang aming paboritong Korean aktor ng aking mga tyahin.
Tatlong araw kami sa Maynila ngunit ang tatlong araw na iyon ay mga araw na hindi ko malilimutan. Sa pagpadpad ng aking mga paa sa lupain sa lungsod ng Maynila ang unang bumungad agad sa akin ay ang maingay at maraming mga tao. Sa paglabas namin sa NAIA terminal, mga nagtataasang infrastraktura agad ang aking nakita, ang mahabang linya ng mga sasakyan, at ang napakaraming tao. Sa pagpunta mo doon gamit na gamit ang Grab application yan ang turo ng aking pinsan na taga roon na gamitin namin para hindi na naming kailanagn pumara pa ng taxi. Kaya kung may balak kang pumunta sa Maynila ay dapat idownload mo ang Grab na app, ang app na ito ay labis na nakatulong sa amin sa Maynila. Sa pagbabalik ko sa Maynila marami na ang nagbago, mas maramaing sky way na maaring daanan ng mga sasakyan ngunit kahit napakarami na, di parin maiiwasan ang trapik. At naranasan ko nga ang hinaing ng mga tumitira doon na napakabagal umusad kapag trapik, kaya ang aking payo sa iyo ay habaan ninyo ang inyong pasensiya kung gusto mong bumiyahe sa Maynila. Ngunit kahit ganoon ay binusod ko ang aking mga mata ang mga bagay na nasa paligid dahil minsan lang ako makapunta ng Maynila, ang capitol ng Pilipinas. Sa aking pagtingin-tingin lahat ng nadadaanan ko ay mga mataas na mga istraktura. Kaya kahit papaano ay hindi ako nabagot sa trapik.
Sa aming pagtira sa Maynila sa Shell Residence kami tumira dahil malapit lang ito Sa Mall of Asia (MOA) na kung saan tinagurian itong pinakamalaking mall sa buong Asia. Diyan kami nanatili kasi sa MOA gaganapin ang concert. Sa unang araw namin sa Maynila kinuha namin ang ticket, para sa concert sa customer service sa MOA. Nilakad lang namin papuntang MOA, sa paglalakad namin Nakita namin na malapit lang ang IKEA sa MOA ang pinakaunang IKEA sa Pilipinas. Dagdag pa riyan, nakita ko rin ang malaking Globe ng MOA. Mataas na mga infrastraktura ang naroon sa klaye. Habang narron kami ay nalibot naming ang mall at sobrang lawak nito mapapagaod ka at mabubusog ang inyong mga mata sa mga paninda na nakapaloob doon. Maraming mga kainan sa loob at siguradong mabubusog ka sa mga paninda doon. Tamang tama Chinese New Year ang unang araw namin sa Maynila. Marami akong nakitang Chinese at kahit saan akong lumingon mayroong Chinese. Pagkatapos naming nilibot ang MOA ay pumunta kami sa Okada. Namsyal masyal kami doon at nanood ng fountain dance. Namangha ako sa mga istraktura na nasa loob at ang casino na naroon. Kaya masasabi kong maganadang puntahan ang Okada dahil sa istraktura na nasa loob. Hindi kami pumasok sa loob ng casino dahil may kasama kaming minor de edad. Sunod naming pinuntahan ay ang Solaire, ngunit hindi kami pinapasok dahil ang pinsan ko ay naka tsinelas lamang at may kasama kaming minor de edad, kaya kung may balak kayong pumuta doon ay siguraduhin ninyong nakasapatos kayo at wala kayong kasamang minor de edad.  Naglakad lakad kami papunta sa tinirahan naming at labis akong namaangha dahil 11:00pm hanggang 1:00 am o higit pa ang walang tigil na paputok ng fireworks sa kalangitan. Kaya maganda magdiwang ng Chinese New Year din sa Maynila.
Sa ikalawa naming araw ay namasyal kami sa IKEA, Napakalawak ng IKEA at nalito kami kung saan ang exit. Naikot naming ang buong IKEA dahil hindi naming makita ang exit, kaya kung pupunta kayo doon ay siguradong mabubudol kayo at mahihirapan kayong makita ang labasan. Wag niyo din palamapasin ang masasarap na pagkain na nandoon. Nang sumapit na ang hapon ay pumila na kami para manood ng concert. Sa panonood ng concert ay mas mabuti na mas maaga para mas maenjoy ninyo ang mga inihanda ng management para sa mga fans. Sobrang nakakapagaod ang ikalawang araw. Ngunit kahit ganon ay masayang marka ang ibinilin na iyon sa akin. Siguradong lahat ng lugar na nabanggit ko ay masisiyahan kayong pasyalin. Kaya kung baka sakaling mapadpad kayo sa kalye ng MOA, Okada, at IKEA wag niyong palampasin ito at bisithain ang mga masasayang lugar na mga ito.
Sa ikatlong araw ay nag handa na kaming umuwi, sa tatlong araw na nandoon ako sa Maynila ay marami akong natanaw, nakasalamuha, at naexperience na sigurado akong kung kayo din pupunta doon ay mamamnagha kayo sa ganda na dulot ng Maynila kapitolyo ng Pilipinas. -Fusingan, Roi Kristen
0 notes
Text
Tumblr media
Ang Iloilo ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Kanlurang Visayas (Region VI). Napakaraming magagandang lugar sa lalawigang ito – napakaraming magagandang dalampasigan, kahanga-hangang mga lumang istruktura tulad ng mga simbahan at ba’t-ibang klase ng pagkain.
Ang Bayan ng Guimbal ang isa sa pinakamatandang bayan sa Lalawigan ng Iloilo. Humigit kumulang 29-kilomentro o 40 minutong paglalakbay ang kailangan upang makarating sa bayang ito mula sa lungsod ng Ilo-ilo. Ito ay isang maliit, ngunit maunlad na bayan sa timog kung saan makikita ang ilan sa mayayamang kasaysayan at kultura ng bansa. Noong pumunta kami sa Ilo-Ilo noong April 2018, isa ang bayan ng guimbal sa aming binisita. Sakto noong aming pagpunta ay ipinagdiriwang nila ang Bantayan Festival. Kung saan aming nasaksihan ang pagpapakitang gilas ng mga Guimbalano sa larangan ng sayaw, musika, at sining. Ngunit, ang tumatak sa akin ay ang sayaw sa kalye. Ang mga kasuotan ng mga kalahok ay makukulay habang sumasayaw sa  tradisyonal na musika. Dito naipapakita ng mga kalahok ang kanilang husay at pagkamalikhain. Binisita din namin ang Guimbal Riverside Park, Bucari Pine Forest,  Garin Farm Divine Mercy at iba’t ibang makasaysayang simbahan.
Umaabot din ang aming paglalakbay sa Western Visayas Region ng Philippines, ito ay ang lalawigan ng Guimaras. Ngunit, bago kami makarating dito sumakay muna kami sa Ferry Boat. Pagkadating namin doon kumakain agad kami ng ipinagmamalaki nilang mangga. Doon lang ako nakatikim ng manggang ubod ng tamis. Nabigla din ako dahil inilalagay nila ang mangga sa ibabaw ng pizza. Nung una, ayaw ko pa itong tikman dahil ito ay kakaiba sa aking pananaw ngunit, noong akin itong nasubukan, nakaka-adik ang kaniyang lasa at gusto ko itong balik-balikan. Pumunta din kami sa Guisi Beach, ito din ang isa sa sikat na puntahan ng mga turista. Ang dagat dito ay napakalinaw na kung saan ang mga bato sa ilalim ay iyong makikita at ang kulay ng tubig ay parang naghahalo ang kulay berde at asul. Puti din ang buhangin, at kawili-wiling pagmasdan ang pormasyon ng mga bato sa paligid. Binisita din namin ang Guisi Lighthouse. Ang parolang ito ay pangalawa sa pinakamatandang parola sa bansa. Ito ang lumang Parola ng mga espanyol na nagsilbing tulong sa paglalayag ng mga mandaragat sa Guimaras Strait. Pagkatapos namin sa Guisi Lighthouse ay bumyahe agad kami papuntang San Lorenzo Wind Farm. Ito ang unang beses kong makakita ng Windmill at gustong-gusto ko itong balikbalikan. Napakada ng tanawin dito, masarap din sa pakiramdam ang simoy ng hangin na gugustuhin mo nalang dito tumira. Pumunta din kami sa Roca Encantada at Camp Alfredo. Bumili din kami ng mga pasalubong tulad ng baso, stickers, t-shirt at refrigirator magnets.
Nakakapagod man ang aming naging byahe at paglalakbay, napuno naman ang aming mata sa mga tanawin at puso sa kabutihan ng mga ilongga/ ilonggo. Maraming magagandang karagatan, makasaysayang lugar, masasarap na pagkain, at presko ang hangin. Isa pa din ang lalawigan ng Ilo-ilo sa pinagmamalaking yaman ng bansa. -Osano, Grizel
0 notes
Text
Tumblr media
Wala nang mas hihigit pa sa katahimikan ng Lake Holon, isang kahanga-hangang tanawin at napakahalaga 💚
Tuklasin ang Lake Holon 🌿. Ang Lawa ng Holon ay isang lawa ng bunganga ng bulkan na matatagpuan sa munisipalidad ng  T'boli sa Timog Cotabato, Pilipinas. Ito ay itinuturing na isang sagradong lugar ng mga T'boli, na naniniwala na ang lawa ay tahanan ng kanilang mga ninuno at mga diyos. Ang lawa ay napapalibutan ng malalagong kagubatan at nag-aalok ng mga nakamamanghang tanawin ng nakapalibot na mga bundok. Isa rin itong sikat na destinasyon para sa mga mahilig sa kalikasan na nag-e-enjoy sa hiking, camping, at swimming sa mala-kristal na tubig na kung saan ligtas itong gawin dahil ito ay isang protektadong lugar.
Dahil sa mahaba habang lalakarin na aming inaasahan 5 ng umaga pa lamang ay umalis na kami sa aming tahanan upang hindi mahuli sa biyahe at hindi magiging mainit ang panahon kapag kami ay maglalakad. Mula sa receiving area sumakay kami sa motorsiklo o mas kilala sa mga T'boli na habal- habal halos umabot ng 15 minuto ang biyahe at kami ay nakarating na sa Sitio Kule kung saan magsisimula ang aming trail o hiking pero bago kami nagsimula kami ay nagtipon- tipon para sa mahahalagang anunsyo. Hinati kami ng trail leader sa 5 grupo at ang bawat grupo ay may kanya kanyang tour guide at amin na ngang sinimulan ang trail. Pagkalipas ng higit 30 minutes amin ng narating ang 1st station kung saan aming madadaanan ang mga corn fields ng my residente ng mismong barangay.Ang susunod na station ay ang hot spring kung saan puwede kang uminom kaya tamang tama ito dahil sa station pa lamang na ito mauubos na ang inumin mo sa sobrang tataas ng mga bundok na lalakarin. Marami ring flowing water ang iyong madadaanan sa paglalakbay kaya hindi ka talaga mag-aalala na mauubusan ka ng tubig dahil ang mga flowing water na ito ay malilinis rin mula mismo sa mga bundok.
Ang ikatlong station ay ang view deck dito makikita mo na ang buong lawa ng Holon ma mamangha ka talaga sa kakaibang ganda ng lawang ito, nakakapagod man ang paglalakbay ngunit ng naabot ko ang tuktok nawala ang aking pagod dahil masasabi ko talagang worth it ang aking pinaghirapan. Nang kami ay nakapag pahinga na at nakapag muni-muni sa magandang lawa kami ay naglakad ulit para makarating sa camp site kung saan kailangan naming bumaba papunta sa mismong lawa at bago pa makarating sa lawa kailangan mo munang sumakay ng bangka papuntang camp site. Umabot ng mahigit 4 na oras amin na ngang narating ang mismong camp site. Pagdating namin nag set-up na kami ng aming mga tents na tutuluyan namin sa isang gabi naming pananatili sa lugar. Nang sumapit na ang gabi kami ay naghapunan sa harap ng lawa dito mo natikman ang pinaka masarap na bulalo na magandang pares sa malamig na panahon doon. Pagkatapos naming maghapunan kami ay nag set- up ng camp fire upang mabawasan ang lamig sa aming mga katawan na sinabayan din ng masasayang kwento at mainit na noodles.
Kinaumagahan manginginig ka talaga sa malamig na panahon kahit ilang damit na ang suotin ko malamig pa din kaya masarap sabayan ng kape ang umaga sa Lake Holon may kasama pang tuyong isda at nilagang talong at okra sa almusal. Pagkatapos ng agahan kami ay sumakay ng bangka papunta sa outlet ng mismong lawa kung saan dito lumalabas ang tubig ng lawa at napupunta sa mga ilog tulad ng ilog Allah. Amin na ngang napansin na magtatahali na kaya napag desisyonan namin na magligpit na at maghike ulit para hindi kami abutin ng dilim sa aming pag uwi. Sa madaling oras kong pananatili sa Lake Holon marami akong napagtanto na kahit minsan dapat bigyan natin ang ating sarili ng oras na mag unwind at makapag pahinga kaya ang trip na ito ay mahalaga sa akin dahil mas lalo kong nakilala ang aking sarili at natuklasan ang aking kakayahan na labanan ang mga pagsubok hindi lamang sa trip na ito kundi sa aking buhay.
Tuklasin ang sarili,Tuklasin ang Lake Holon.💚 -Faciolan, Janniah Maureece
0 notes
Text
Tumblr media
Enero 11, 2016 - Namulat ang aking mga mata sa madilim na kalangitang unti-unting nagiging kulay asul dulot ng paparating na umaga. Aking pinagmasdan ang tanawin mula sa bintana ng sasakyang nakaparada sa daungan ng dagat. Nasa tabi ko ang aking inang nagbigay-kaalaman sa aking ilang oras na lamang ay sasakay na kami sa bangka na maghahatid sa amin sa iba’t-ibang isla patungo sa resort kung saan kami ay mananatili hanggang sa susunod na araw. Hindi ko na nga maalala ang pangalan ng resort na iyon ngunit tanda ko pa ring sa Samal nagganap ang lahat.
Malakas na ang sikat ng araw at nasa paglalakbay na nga kami patungo sa iba’t-ibang isla. Sa unang islang aming pinuntahan, wala ako masyadong makitang mga tao, kaya naman, agad ko nang yinaya ang aking mga kaibigang mangolekta ng mga sea shells at maya-maya ay maligo sa dagat.
Habang kami ay masayang naliligo, hindi ko namalayang pumapalapit na pala ako sa banda kung saan ang malaking bangkang aming sinakyan ay naka-angkala. At dahil nga doon naka-angkala ang bangka, tiyak na ang ibabaw nito ay masyadong malalim upang maabot ng aking mga talampakan. Naramdaman kong tila nahihirapan na akong abutin ang lupa kaya naman agad kung sinubukang lumangoy papalayo at pabalik sa tabing dagat.
Sa kasamaang palad ay napag-alaman kong sinundan nga pala ako ng aking dalawang kaibigan gayunpaman, sila rin ay hirap na hirap na umalis sa bandang iyon. Kaya naman binalikan ko silang dalawa upang tulungang maka-ahon subalit kahit ako ay nahihirapan na ding lumangoy. Agad dumaan sa isip kong hindi pa ako pwede mamatay dahil maliligo pa kami mamayang pagsapit ng gabi kaya naman, pinagsikapan ko na lamang maiahon kaming tatlo sa malalim na bandang iyon at sa awa ng Diyos, ligtas kaming naka-abot sa tabing dagat habang ang aking mga paa ay dumaranas ng cramps. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng aming mga magulang ang tungkol dito.
Iyan ang isa sa mga kaganapang tumatak sa petsang iyon ng aking buhay kaya naman maikokonsidera ko ang araw at lugar na iyon bilang isa sa aking mga unforgettable memories. -Batara, Joallen
0 notes
Text
Tumblr media
Bacolod: Lugar ng Maraming Nakangiting Mukha (City of Smiles)
Ang Bacolod City ay isang 1st class highly urbanized na lungsod sa rehiyon ng Kanlurang Visayas. Ito ang capital ng probinsya ng Negros Occidental. Maraming mga magagandang lugar na maaaring puntahan sa lungsod na ito, isa na rito ang The Ruins kung saan ito ay isa sa mga patok na pasyalan sa Lungsod ng Bacolod.
Noong 2017, ang aming pamilya ay nagbakasyon sa iilang parte ng Visayas upang bisitahin ang aming mga kamag-anak at magbakasyon na rin. Kami ay mayroong isang linggo upang libutin at pasyalan ang mga lugar sa Visayas.
Abril 27, 2017, kami ay lumipad patungo sa Iloilo International Airport. Kami ay nagpalipas ng gabi sa aming kamag-anak sa Barotac Nuevo, Iloilo. Kinabukasan, sa hindi inaasahang pangyayari, ang aking mga magulang ay nagpasya na puntahan ang Lungsod ng Bacolod. Kami ay bumyahe ng dalawang oras sa barko mula sa Iloilo City Port papunta sa Bacolod City Port.
Pagdating naming sa Lungsod ng Bacolod, kami ay nag renta ng isang taxi upang maging gabay namin sa pagpasyal sa nasabing lungsod. Una naming pinuntahan ang Campuestuhan Highland Resort, pagkatapos kami ay pumunta sa pinakasikat na pasyalan sa lungsod, ang The Ruins.
Marami akong naging karanasan at mga alaala sa lugar na ito na kahit kalian hinding-hindi ko makakalimutan. Isa ito sa mga pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko.
Ang Lungsod ng Bacolod ay isa sa may mga magagandang tanawin at tourist spot sa Pilipinas, hinding-hindi kayo magsisisi kung kayo ay pupunta rito. Ito ang lugar kung saan walang taong malungkot, dahil literal na masasaya ang mga tao rito. -Pitiquen, Julleus Marsean
0 notes
Text
Tumblr media
Mga Alaala sa Isla: Isang Paglalakbay sa Panahon
Kung may alaala na gusto kong maranasan muli. Ito yung panahon na may field trip ako kasama ang mga kaklase ko. Ito ay isang sandali na labis kong pinahahalagahan at nais na maulit muli. Dahil malayo ang lugar na pupuntahan namin, 6:00 am ang calling time ng lahat at ang mahuhuli ay iiwanan. Ang aming biyahe papunta Davao na galing sa Isulan ay tinatayang na tatlong oras at tatlumpung minute. Nung nakarating na, kinakailangan pa sumakay sa bangka papunta sa Paradise Island, pero bago kami tumuloy roon. Pumunta muna kami sa SM Mall at naglakad-lakad sa paligid. Doon na kami kumain ng tanghalian at pagkatapos non ay bumili ng damit at pasalubong sa aming pamilya.  Pagkatapos kumain, kami naman ay sumakay ng bangka patungo sa Paradise Island na kung saan sa loob lamang ng labinlimang minutong biyahe ay makakarating ka sa maginhawang beach resort na ito. Matatagpuan ang Paradise Island Park Beach Resort sa Island Garden City ng Samal. Ang isla ng Samal ay isa sa mga isla na direktang tapat ng Davao City. Noong nakarating kami, namangha kami sa lugar dahil ang resort ay may malinis na dagat at magandang tanawin. Ang dagat naman ay napakalinaw ng tubig kung saan makikita mo ang maraming isda malapit sa dalampasigan. Nag-aalok ang resort ng lahat ng uri ng aktibidad tulad ng diving, jet skis, snorkelling, table tennis at billiard pool. Gayundin, mayroon silang restaurant bar na naghahain ng almusal, tanghalian, hapunan, prutas, inumin, at maging ang sikat na durian ice cream.
Sa aming maikling pagliliwaliw ang naramdaman ko lamang ay saya sapagkat kasama ko ang aking kaklase na kung saan naglaro kami at napapalalim ang aming pagsasama. Lahat ng eskursyon ay may dalang saya, ibang antas lamang kapag kasama mo ang mga taong na malapit sa iyong puso. Para sa mga gustong magpahinga mula sa trabaho at stress sa buhay, ang Paradise Island Park and Beach Resort ay isang sariwa at perpektong get-away. Tamang-tama ang dagat para sa snorkeling at pagpapakain ng isda. Angkop din ito para sa mga pamilyang may mga anak at maging sa mga lolo't lola na lumangoy sa makinis at pinong buhangin. Ang resort ay isang magandang isla na magpahinga at ito ay isang perpektong lugar upang magsaya kasama ang pamilya at mga kaibigan at tamasahin ang kalikasan. Ito ay lubos na inirerekomendang bisitahin kung sakaling pumunta ka sa Davao.
0 notes
Text
Tumblr media
Isang Kapana-panabik na Pakikipagsapalaran sa Hong Kong Disneyland
Hong Kong Disneyland ay isa sa mga pinakasikat na destinasyon sa Hong Kong para sa mga turista, lalo na sa mga pamilya na nais magkaroon ng kasiyahan at pakikipagsapalaran sa isang kamangha-manghang mundo ng Disney. Bilang isang fan ng mga Disney character mula pa noong ako'y bata, ako ay sobrang tuwang-tuwa na maipasyal ang aking sarili at ang aking pamilya sa pamosong theme park na ito.
Ang aming karanasan sa Hong Kong Disneyland ay nag-umpisa sa pagpasok namin sa enchanted na mundo ng Disneyland. Mula sa mismong pintuan ng parke, kami ay bumati ng mga Disney character na nagbigay sa amin ng mainit na pagtanggap. Agad naming napansin ang mga makukulay at malilinis na lugar na pinaayos na tila tunay na prinsipyo ng mga palasyo sa Disney. Naramdaman namin ang sobrang saya at saya na tila ba kami ay bumalik sa aming kabataan.
Isa sa mga highlights ng aming pagbisita ay ang mga palabas sa palasyo ng Disneyland. Nakatanghal ang mga paborito naming mga karakter tulad ni Mickey Mouse, Minnie Mouse, Donald Duck, Goofy, at marami pang iba sa mga malalaking palabas na puno ng kasiyahan at tawanan.
-Naingue, John Rey
0 notes
Text
Tumblr media
Bumiyahe kami ng mga pinsan ko sa Cebu City Philippines. Dumating kami ng hapon na. Nagpahinga kami ng konti sa hotel namin at pumunta sa unang tourist spot sa cebu which is Azul. Ang Azul ay kung saan kumakain ang mga tao sa tiktok ng tuslob buwa, isang sikat na pagkain sa cebu. After namin kumain sa Azul ay niyaya kami ng kaibigan ng pinsan ko na bumisita sa Asmara Urban Resort. Hindi lang mukhang mahal ang kundi pati na rin ang ibinebenta nila ay mahal din. Pagkatapos naming kumain at bumisita sa resort ay bumalik na kami sa aming hotel at natulog magdamag. Nagising kami sa isang makulimlim at maulan na araw ngunit nagpasya pa rin kaming lumabas. Pumunta muna kami sa Taoist Temple pero dahil lumakas ang ulan pagdating namin doon bumalik na lang kami sa main city at pumunta sa isa sa mga sikat na cafe sa Cebu na Miau Cafe. Ang ganda ng vibe at ang cute talaga ng mga pusa sa loob at nakakatuwang paglaruan. Dumiretso kami sa lechon ni Rico para kumain ng tanghalian at ang lechon nila ang isa sa pinakamasarap na natikman ko. Ang karne at balat ay napakasarap. Pagkatapos naming kumain ng tanghalian pumunta kami sa SM para subukan ang skating rink nila. Hindi ako sigurado kung uulitin ko pa mag skate dahil palagi akong natutumba at nadudulas pero masaya naman. Dahil pagod kami sa skating naglibot-libot kami at bumili ako ng libro na A Little Life ni Hanya Yanagihara. Tinapos namin ang gabi sa pamamagitan ng pagkain sa Top of Cebu Restaurant. Napakaganda ng tanawin at napakalamig ng hangin. Mabaluktot at nakakatakot ang daan papunta doon pero sulit naman talaga ang pagkain. Kinabukasan ay maaraw ang panahon kaya nagpasya kaming pumunta sa Sirao Garden. Ganoon pa rin ang lugar noong una akong pumunta sa Cebu at sa totoo lang ay hindi gaanong kahanga-hanga ang lugar gaya ng inaakala nila. Matapos bisitahin ang Sirao ay binisita din namin ang sikat na Templo ni Leah at ang lugar ay napabuti mula sa huling pagkakataon na nakita ko ito. Kumain kami ng tanghalian sa Pungko-pungko sa Fuente na isa rin sa mga sikat na tourist spot sa Cebu. Sumakit ang panga ko sa pagkain at ang sikip ng lugar. Pagkatapos ng nakakapagod na araw, pumunta na lang kami sa mall at kumain ng hapunan sa isang restaurant naglibot-libot muna kami at bumili ako ng isa pang libro na One of us is lying ni Karen M. Mcmanus. Kinabukasan ay umuwi na kami at isa ito sa mga trip na maaalala at mamahalin ko. Naka punta na ako sa Cebu ng maraming beses ngunit ang trip na ito ay iba dahil nagkaraoon ako ng pagkataon makipag banding sa mga pinsan ko na ​​walang mga matatandang magsasabi kung ano ang dapat gawin at kung ano ang hindi dapat gawin at ito ay isang masayang karanasan na aking nakuha para ibahagi kasama ang aking mga pinsan. -Escoto, Chelsea Nicole
0 notes
Text
Tumblr media
Ang Pamanang Landas ng Norte: Calle Crisologo
Bata pa lamang ay nais ko nang malibot ang buong kapuluan ng Pilipinas. Mahilig akong tumuklas ng iba’t-ibang lugar maging matatas na gusali, mabuhanging isla, matataas na bundok, at marami pang iba. Kaya naman, Ayaventurous ang bansag saakin. Subalit sa dinami-dami ko nang napuntahan sa ‘ting bansa maging saan mang pulo ng Luzon, Visayas, at Mindanao, isa sa mga lugar na nagpatindig ng aking balahibo ay ang Calle Crisologo ng Ilocos Norte. Noong nakaraang taon buwan ng Hulyo, sinuyod ko ang rahuyo ng kapuluan sa Pilipinas, tara na at samahan niyo akong lakbayin ang kahila-hilagaan ng lupalop ng Luzon - Sa Vigan City, Ilocos Sur.
Nakaapak kami sa Ilocos ng palubog na ang araw. Mula kami sa Summer Capital of the Philippines, sa lungsod ng Baguio. Nanibago ang aking katawan sa papalit-palit na klima mula sa maulap at malamig na Baguio tungo sa Norte kung saan binungad ang aking mga mata ng napakataas ng araw. Natatandaan ko pa nga na ang aking suot mula sa Baguio ay makapal na tsaketa at makapal na maong. Pagdako naman namin sa Norte ay agad akong pumalit sa preskong damit. Huwag na nating patagalin pa, tara na at unti-unti nating tuklasan ang pahina ng aking lakbay sa Vigan!
Ang Ilocos Sur ay matatagpuan sa bukana ng Ilog Mestizo ang kabisera ng Vigan. Kung ikaw ay mula sa Maynila, tatakbo ito ng mahigit 200 kilometers tungong Ilocos. Bilang isa sa mga pinakamahusay na napreserbang heritage site sa Vigan, ipinagmamalaki ng Calle Crisologo ang kakaibang kapaligiran na magdadala sa iyo pabalik sa nakaraan.Kilala sa arkitektura nitong siglong gulang, ang Ilocos Sur ay ang perpektong destinasyon para sa mga mahilig sa kasaysayan at mausisa na manlalakbay. Ang Ilocos Sur ay sikat sa mundo hindi sa isa, kundi sa dalawang UNESCO World Heritage Site na nagbibigay-daan sa iyong maglakbay pabalik sa nakaraan. Ang pangunahing atraksyon ng Vigan ay ang mestizo nitong distrito na puno ng mga istilong Espanyol na mga bahay na pumukaw sa nakalipas na panahon kung saan ang mga tao nito ay namumuhay nang masagana dahil sa kalakalang pandagat ng Maynila-Acapulco. Ang mga bahay ay simple ngunit kaibig-ibig na mga paksa na handang-handa para sa mga larawan-perpektong mga kuha sa kanilang mga pulang bubong, makapal na pader, malalaking pinto at hagdanan na humahantong sa mga silid na may matataas na kisame at mga bintana na yari sa capiz shell. Palibhasa'y nakaligtas sa maraming natural at gawa ng tao na mga kalamidad sa loob ng maraming siglo, ang mga pamilyang nagmamay-ari ng mga kayamanang ito ay nagsikap na mapanatili ang mga ito. Maging ang mga fast food chains at restawran sa Calle Crisologo ay tila bang ibinabalik ka noong dating panahon kasabay nito ang mga kalesa na naglalakaran sa kalye, ang mga ilaw na nagpapasigla sa mga luma at biyak na daan, lumang gusali, at napakarami pang iba. Talaga namang nakakapanindig balahibo sa Vigan! Walang duda na ang Calle Crisologo ay isa sa mga Seven Wonders of the World.
Pagkatapos naming maghapunan sa isang sikat na restawran sa Calle Crisolo, agad na naming tinikman ang Beef Pares at Sorbetes dito. Sabi ng isang nakasabayan naming sa pagbili ng sorbetes ay sa taglay na arkitektura ng Calle Crisologo at makasaysayang kagandahan, mayroon daw isang dramatikong kuwento ng pag-ibig sa likod nito upang idagdag sa kanyang likas na talino. Ang isang karaniwang kuwento ng mga lokal na tour guide ay ang isang heneral ng Hapon ay umibig sa isang lokal na Pilipina, at ang relasyong ito ang nagligtas sa Calle Crisologo, at sa lungsod ng Vigan sa kabuuan, mula sa mga pambobomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bagama't hindi alam kung ano ang nangyari sa heneral at sa kanyang magkasintahan, ang kanilang kuwento ng pag-iibigan ay patuloy na nabubuhay sa matatayog na istruktura ng Calle Crisologo!
Hindi pa tayo dito nagtatapos! Hindi magiging buo at kumpleto ang lakbay sa kahila-hilagaan ng lupalop ng Luzon nang hindi tayo nakaka-apak sa Norte! Samahan niyo akong muli lakbayin at tunghayan ang byahe ni Ayaventurous tungong ang Ilocos Norte. Sakay na sa’ting kalesa tungong Norte!
-Sedik, Ayessa Leigh B.
0 notes
Text
Tumblr media
Siargao: Nakaukit sa Alaala at Puso. 
Matagal na akong nangangarap na bisitahin ang isla ng Siargao matapos ko itong makita sa magagandang larawan at mga bidyo sa YouTube, dahil sa mga sikat nitong surfing spot at ang kagandahan ng kalikasan. Sa wakas, nagawa na naming makapagbiyahe patungo sa paradisong ito. Nanatili kami sa Siargao Bleu Resort, na matatagpuan mismo sa tabi ng dagat at may nakamamanghang tanawin ng karagatan.
 Nag-surfing kami sa Cloud 9, na kilala bilang isa sa mga pinakamahusay na lugar para mag-surf sa buong mundo. Umiarkila kami ng mga surfboard at nagpalipas ng araw sa pagsakay sa alon, ito ay isang karanasang walang kaparis. Ang mga alon ay nakakapaghamon ngunit kapana-panabik, at naramdaman ko ang tindi ng adrenalin sa bawat sakay. Sa isang pagkakataon, ako ay sumablay at nahulog mula sa aking surfboard, ngunit hindi ito naging hadlang sa saya na aking naranas. 
Sa panahon ng aming paglagi, nagpasiya kami na mag-island hopping sa tatlong malapit na isla: Daku Island, Naked Island, at Guyam Island. Ang bawat isla ay may kani-kanyang katangi-tanging anyo, ngunit lahat sila ay may malinaw na mga tubig at mga puting buhangin na talagang nakamangha.
Para sa akin, isa sa mga pinaka hindi malilimutan na bahagi ng aming biyahe ay ang pagbisita namin sa Naked Island. Noong araw na plano namin ang pagpunta, hindi mukhang maganda ang panahon. Kabado ako na hindi namin ito matutuloy, ngunit siniguro ng aming gabay na matutuloy pa rin kami sa aming plano. Habang papunta kami sa daungan, bigla namang nag-isip ang aking mga pinsan na masaya itong gawin sa pamamagitan ng pagsakay sa banana boat papunta sa isla. Sumang-ayon at pumayag ang lahat maliban sa akin, ngunit hindi ko na lang sinabi ang aking saloobin. Akala ko nga biro lang ito hanggang sa pumayag ang gabay namin at operator ng bangka na ito ay posible. Hindi ko maiwasang magduda at matakot dahil hindi mukhang secure ang banana boat. Sa aming pag-alis, nagsimula nang umulan at hindi ko mawala ang kaba sa loob ko. Umaalon-alon ang bangka at nangangamba ako na baka mag-ipon ang tubig ulan at maging sobrang bigat na para malagyan pa ng sakay. Paano kung may mangyari? Paano kung ma-stranded kami sa gitna ng karagatan? Kahit na kinakabahan, nagpumilit akong maging matapang at magpokus sa magandang tanawin sa paligid namin. Ang kulay-turkesa ng mga batis at ang sariwang luntiang kagubatan ay nakakamangha—hindi ko nais na makaligtaan ang karanasan. Gayunpaman, sa bawat oras na ang bangka ay humampas sa isang alon, pakiramdam ko ang aking puso ay lumalampas sa isang tibok. Ang posibilidad na ma-stranded sa gitna ng dagat ay nakakabahala, lalo na dahil hindi naman ganun kagaling ang aking paglangoy noon, at meron akong takot sa malalim na bahagi ng karagatan.
Habang lumalapit kami sa isla, unti-unting humihina ang ulan habang ang aking pananabik ay lumalakas. Isang ginhawa ang bumalot sa akin. Nakita ko ang isla mula sa malayo at tunay nga, ito ay napakaganda. Dumating na kami sa daungan at nakatuntong na kami sa isla, at ito ay kasing-ganda ng aking imahinasyon. May dalampasigang buhangin na napakapino at mga kristal na malinaw na tubig. Napahanga ako sa mga kulay ng dagat, mula sa bughaw hanggang luntian. Unti-unting lumilitaw ang rosas at kahel na kulay sa mga ulap dahil sa liwanag ng araw, nagsisimula na itong lumubog. Ang mga tubig sa dalampasigan ay napakalinaw na nakikita ko ang mga maliliit na isda na lumiligid sa aking mga paa. Nag-snorkel, at naglaro ako kasama ang aking mga pinsan.
Nakatungo ako sa buhangin, at natulala sa napakalinaw na tubig sa paligid ng isla. Hindi ko mapigilang maramdaman ang panghihinayang. Iniwan ko ang aking selpon sa pier, dahil natatakot ako na mawala, mabasa o mahulog ito sa dagat. Habang tinitingnan ko ang mga alon na nagbabanggaan sa baybayin, at ang paglubog ng araw na may magandang kulay sa malayo, nais ko sana na dinala ko ito at kumuha ng mga litrato. Ngunit biglang may pumasok sa isip ko: Hindi ibig sabihin na hindi ko nakuha ang litrato ay hindi na nangyari ang momentong ito. Nilunok ko ang isang malalim na hininga at isinara ang mga mata ko, pinapayagan ang aking sarili na makapagpakasigla sa kagandahan ng aking paligid. Ang tunog ng mga alon, ang init ng araw sa aking balat, at ang pakiramdam ng buhangin sa aking mga daliri - ito ay mga bagay na maipaparamdam kahit walang kamera. Habang nakaupo ako roon, buong atensyon sa kasalukuyan, napagtanto ko na kung minsan, ang pinakamagandang alaala ay hindi nakuha sa larawan. Ito ay mga alaala na nakabaon sa ating isipan at puso, naghihintay na maalala at pahalagahan. At sa gayon, binigyan ko ng pagpapahalaga ang aking oras sa isla, at hinayaan ko ang aking panghihinayang mawala.
Nang sumakay kami sa bangka para bumalik, sa isang maayos na bangka ngayong pagkakataon, sa aking kaluwagan hindi na banana boat, sa pangunahing resort kung saan kami nanatili, naramdaman ko ang isang pakiramdam ng kasiyahan na sumalubong sa akin. Kahit na sa simula ay kinakabahan ako dahil sa ulan at may kaunting pagsisisi na hindi ko dinala ang aking selpon, nagpapasalamat ako na nagpatuloy kami at nakarating kami. Parang liwanag sa dulo ng kweba, isang silver lining. Nagpaalala ito sa akin na okay lang na matakot, ngunit mahalaga na hindi ipahintulot sa takot na kontrolin ang iyong buhay. 
Ito ay nagpapaalala sa akin na okay lang matakot sa ilang pagkakataon, ngunit mahalaga na hindi pahintulutan ang takot na kontrolin ang iyong buhay. Ang paglabas sa iyong comfort zone ay maaaring magdulot ng mga kahanga-hangang karanasan at mga alaala na iyong laging tatawirin. Tunay na sulit ang pagsisikap, at isang karanasan na aking tatahimikin magpakailanman.
Ang Isla ng Siargao ay laging magkakaroon ng espesyal na lugar sa aking puso. Laging aalalahanin ko ang biyahe na ito kasama ng mga magagandang alaala ng kanyang likas na kagandahan, at mga aral tumatak sa aking isipan at puso.
-Mortejo, Vinge Sophia
0 notes
Text
Tumblr media
LAKBAY TUNGO SA IBA’T IBANG HIYAS NG PILIPINAS
Noong buwan ng Mayo 2017 ang aming pamilya kasama ng aming mga kamag anak ay nagbakasyon sa lugar ng aming mga ninuno sa Ilo-ilo. Pumunta kami sa pamamagitan ng by land sa Ilo-ilo. Dumaan muna kami sa mga magagandang pasylan sa Negros occidental katulad ng Campuestohan kung saan maraming mga adventurous activity aming na tunghayan tulad ng zip line, hanging bridge, wall climbing at marami pang iba. Dumaan rin kami sa Silay kung saan matatagpuan ang mga makalumang bahay ng sinaunang tao. Sa Bacolod naman dumaan kami sa The Ruins kung saan maraming taong pumupunta at kumukuha ng larawan dahil sa nakakaibang ganda ng tanawin. Kumain rin kami sa tanyag na kainan ng inihaw na manok sa Bacolod. Pagkatapos nito kami ay sumakay ng barge patungo ng Ilo-ilo. Sumakay kami ng bangkang de motor papunta sa Isla Gigantes.
Maraming bayan ang aming pinuntahan ngunit sa Isla Gigantes ako’y na mangha sa aking mga nakikita. Ang daming magagandang isla ang aming nilibot at kami ay tuwang tuwa sa aming mga nakita sa mga tubig, bundok, at mga tanawing kamangha mangha sa ganda at kalinisan mistula paraiso sa aming paningin . Sa lugar na ito kami nakatikim ng mga sariwang pagkaing dagat, tulad ng isda, hipon, talaba, alimasag at iba pa. Ang Isla Gigantes ay isang mapayapa at nakakawiling isla dahil ang mga mamamayan dito ay  mababait at madaling lapitan. Higit pa rito, lahat ng bagay sa isla ay abot-kaya ang halaga. Maaari mo ring tangkilikin at tuklasin ang iba't ibang aquatic sports sa lugar na ito. Sa tatlong araw naming pamamalagi sa Isla Gigantes kami ay masayang masaya dahil sa lugar na mistula paraiso, ito ay nakakaaliw at nakakamangha, hinding hindi namin makakalimutan karanasang ito sa amin buhay. Isla Gigantes ang isla na gusto kung balik balikan hindi mag sasawa ang aking paningin sa kaakit-akit nitong kagandahan. Pagkatapos sa Isla Gigantes kami naman ay pumunta sa makalumang simbahan ng Miagao at nagtungo kami sa Garin Farm na isa sa tanyag na pasylan. Ang lugar na ito ay may malawak na lupain, makulay na mga bulaklak, at kaayaayang mga tanawin. Ito ang lugar na akala mo ay ikaw sa itaas na kalangitan.
Sa aking paglalakbay ito’y aking karanasan na hindi ko makakalimutan magpakaylan man. -Rogel, Darlene Nicole
0 notes
Text
Tumblr media
Islang Hardin
ni Mary Allyssa Cameloza
            Ika-18 ng Disyembre, taong 2022, alas tres ng kinaumagahan. Nagising ako sa alingawngaw ng kampana na nanggaling sa simbahan na nagpawindang sa aking mga tenga. Ayaw ko pang bumangon noon at puyat ako dahil sa mga sunod sunod na kaganapan sa eskwelahan pati narin sa mga magbabarkadang galaan. Buwan ng Disyembre at nalalapit na ang pasko kaya’t tumutunog ang kampana ng simbahan kada alas tres ng madaling araw. Hindi na rin ako puwedeng bumalik sa tulog dahil utos ni mommy na ihanda na ang sarili dahil babyahe pa kami papuntang Davao City at Samal Island.
            Natapos na ang paghahanda at ready na kaming bumyahe. Magkokomyut lamang kami sakay ang bus papunta roon at tanging kami lamang ni mommy ang pupunta, ika nga’y “Girl’s Bonding.” Tamang tama, sumikat ang bukang liwayway kasabay ng pagpapakita ng mga magagagandang tanawin na aming nadaanan. Habang umaaandar ang bus, tila dinuduyan ako sa indayog nito, hanggang sa ako’y nakatulog. Hindi ko namalayan ang oras na lumipas at malapit na kami sa syudad ng Davao bandang alas nueba ng umaga at napagkasunduan namin ni mommy na bumaba na lamang sa SM Ecoland upang kumain ng matinong umagahan. Pumasok kami roon at agarang pumunta sa Mandarin Restaurant. Hiling ko kay mommy na dito na lamang kami kumain dahil nagke-crave ako sa mga pagkaing sine-serve nila. Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa Watsons upang bumili ng skincare at mga pampaganda ‘nang tumawag ang kliyente ng kumpanya nila at sinabing susunduin na raw kami papunta sa Samal Island. Handog ng kliyente ng kumpanya nila mommy ay bigyan siya ng “Trip to Samal with Family” upang pasasalamat sa kaniya sa pag-uugnay nito sa kumpanya.
Bumaba kami sa isang pribadong pier na pagmamay-ari lamang ng Paradise Island: Resort and Restaurantna pupuntahan namin. Katapat lamang nito ang resort at doon sinasakay papunta at pabalik ang mga turistang dumadalo roon. Gamit ang maliit na bangka, sakay nito ang 20 ka-tao at tinuruan kami ng iba’t ibang safety protocols kung sakaling may sakunang magaganap. Naglayag ito ng dalawampu’t minuto at sa wakas, nakarating na kami sa mismong resort. Pagbaba na pagbaba, kitang kita mo agad ang marine life na nakapaloob sa islang ito. Sandamakmak na mga koral, isda, at iba’t ibang hayop pandagat ang makikita at nagsisilbi itong hardin kaya tinawag na Islang Hardin ang lungsod na ito.
            Nag-check in na kami ng aking ina at sinabi ng mga staff na maghintay lamang sandali dahil linilinisan pa ‘raw ang kuwarto. Tamang tama, kami ay nagutom sa paghihintay, kumain na lamang muna kami. Nag-order ako ng Baked Seafood upang malasap ang pakiramdam na kami ay nasa mala-paraisong isla at kare-kare naman ang pinili ni Mommy. Pagkatapos kumain, kami ay dumiretso sa kwartong itinalaga sa amin. Pagpasok sa kuwarto, kitang kita parin ang paraan ng pamumuhay ng lungsod dahil ang kuwarto ay binubuo ng mga kawayan at ang kabuuang interior nito ay umiikot lamang sa wood style na may kulay kahel at kayumanggi na mga dingding at kisame. Kami ay nagpahinga saglit at lumabas para kumuha ng mga litrato sa paligid, napagpasiyahan din naming maligo bago sumapit ang dilim at namnamin ang mala-kristal na tubig at puting mga buhangin. Pagkatapos maligo, nagbihis kaagad kami upang makapaghapunan sa restaurant. Liempo lamang ang aming kinain, kasama ang kanin dahil tila’y busog kami’y busog pa.
            Kinabukasan, ganoon parin ang gawi naming mag-ina. Nagtampisaw sa dagat, kumain, nagbihis, at kumuha ng sandamakmak na litrato ng isla, mga tanawin, at maliit na sanctuary na naglalaman ng iba’t ibang mga ibon upang magsilbing pabaon sa kapatid ko. Isang gabi lamang ang aming stay roon dahil may mga kinailangan pang gawin si mommy sa Davao City kaya’t bumalik na kami sakay ang bangka. Habang ako, tinatamasa ang pagkaganda-gandang karanasan na ibigay sa akin ng Islang Hardin.
            Maliit lamang na oras kung ituturing ngunit ako ay nag-enjoy sa karanasang iyon. Binigyan ako ng isla ng karanasang may kaakibat na kapayapaan sa isip. Nagsilbi itong pahinga ko matapos ang sangkatutak na workload na ipinapagawa ng eskwelahan. Sana’y magabayan kayo ng aking lakbay sanaysay at magsilbi din ang lugar na ito bilang inyong pahinga. Hanggang sa susunod na paglalakbay, paalam!
0 notes
Text
Tumblr media
Lawang Hitik Sa Kultura
Ako ay nakarating sa isang lawa sa Mindanao, lawa na hitik sa kultura – Lake Sebu. Nakakamanghang isipin na nasaang parte man ako sa lugar ay matatanaw ko ang mga magagandang tanawin na bukod sa nakakabighaning lawa ay mapapalibutan ka ng mga burol at luntiang kapatagan, na tila ba parte ka ng kalikasan. May mga lugar din sa paligid ng Lake Sebu na maganda para sa mga tao na gustong magtrek at magbikil. Makakapag-enjoy ka sa kagandahan ng kapatagan at mga tanawin sa paligid ng lawa. At sa ganitong paraan, mas makikilala mo rin ang lugar at ang kultura ng mga T'boli tribe.
Ang pagbisita sa Lake Sebu ay hindi lamang tungkol sa mga magagandang tanawin kundi rin sa pagkilala sa mga taong naninirahan sa lugar na ito. Matututunan mo ang kakaibang kultura ng mga T'boli tribe at ang kanilang mga tradisyon. Hindi mo rin dapat palampasin ang pagkakataon na makabili ng mga produkto na gawa ng mga T'boli tulad ng mga t'nalak. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa mga lokal, dapat mong subukan ang kanilang mga delicacy at bumili ng kanilang mga produkto. Sa ganitong paraan, mas makikilala mo ang lugar at mas makikilala mo rin ang mga tao at kanilang kultura.
Maraming masasarap na pagkain na maaaring sa Lake Sebu  mo lang tunay na malalasap at ito naririto ang ilan sa mga paborito ko! Ang tinap't, isang lutong tilapia na niluto sa apoy at binudburan ng asin, paminta at iba pang mga pampalasa. Ito ay pwedeng ihawin o iprito upang lalo pang lumalim ang lasa. Isa pang kakanin na makikita sa lugar ay ang pangih, isang pagkaing gawa sa giling na cassava at gata ng niyog na nilalagyan ng asukal at naglalaman ng mga sangkap na nakabalot sa dahon ng saging at isinasaing. Ang pagkaing ito ay may malagkit at malutong na texture. Ang ginataang manok naman ay isang masarap na ulam na maaari mong matikman sa Lake Sebu. Ito ay hinahalo sa gata ng niyog at iba pang mga sangkap na nagbibigay ng malinamnam na lasa sa manok.
Sa karagdagan, marami rin ang mga nagsulputang mga resort sa lugar. Ang mga konsepto ng mga resort na ito ay yumayakap sa kalikasan, kung saan ang mga panauhin ay mas nakatuon sa kagandahan ng kalikasan at malayo sa polusyon at stress na dala ng paninirahan sa lungsod. Makakapagrelax ka rin sa mga nakakamanghang talon at mag-enjoy sa iba't-ibang activities tulad ng zipline, horseback riding, at kayaking. Sa tulong ng mga resort na ito, ay mas napapadali at maging ligtas kayo sa inyong pagbisita sa lugar. Kaya kung ikaw man ay nagbabalak na bumisita sa Lake Sebu, iminumungkahe ko na maghanap ka ng resort na sakto sa inyong budget at natitiyak ang inyong kaginhawaan. Masasabi ko rin na mas mainam na puntahan ninyo ang higit sa tatlong resort o landmark sa lugar kung maaari kang mag-enjoy ng mga aktibidad, kainan, at iba pang mga serbisyo para sa mas kumpletong Lake Sebu experience.
Ito ang iilan sa mga landmark o resort na nais kong balik-balikan sa Lake Sebu Una sa lahat, ang Seven Falls Eco-Tourism Park ay isa sa mga pinakapopular na atraksiyon sa lugar. Dito makikita mo ang pitong talon na nakapaligid sa lawa. Maaari kang mag-enjoy sa mga aktibidad tulad ng zipline, kayaking, at trekking. Hindi rin dapat palampasin ang pagkakataon na sumakay sa SkyCycle, isang bike na nakakabit sa isang cable na naglalakbay sa itaas ng talon.
Isa pa sa mga landmark na dapat bisitahin ay ang St. Paul Novitiate Park. Ito ay isang malawak na lupain na mayroong mga kakaibang halaman at puno. Dito rin matatagpuan ang Our Lady of Manaoag at St. Paul Chapel, dalawang simbahan na may magandang arkitektura. Kung nais mo namang mag-relax at mag-enjoy sa mga serbisyo ng resort, mayroong ilang mga magagandang resort sa lugar. Una sa lahat, mayroong Lake Sebu Floating Restaurant, isang restaurant sa gitna ng lawa na nag-aalok ng masarap na pagkain at magandang tanawin. Mayroon ding Punta Isla Lake Resort, isang resort na matatagpuan sa isang malawak na lupain na mayroong malinis na lawa. Dito, maaari kang mag-enjoy sa mga serbisyong tulad ng spa at massage, at maaari rin kang sumali sa mga cultural tour para mas makilala ang mga kultura ng mga tribong T'boli.
Bukod pa rito, dapat ka rin magdala ng jacket dahil sa gabi ay malamig sa lugar na ito. Batay sa sarili kong karanasan mas mainam din na mag suot ng komportableng damit at iwasan ang pag susuot ng heels dahil matirik ang daanan, maaari namang magsuot ng shorts pero kailangan mong maging maingat para hindi ka masugatan. Tandaan na mas mainam na maging komportable ka lalo na sa byahe at sa pagha-hike para maiwasan ang mga aksidente.
Sa kabuuan, ang Lake Sebu ay magandang destinasyon destinasyon para sa mga taong gustong mag-relax at mag-enjoy sa kagandahan ng kalikasan. Hindi lamang ito tungkol sa mga magagandang tanawin kundi rin sa pagkilala sa mga taong naninirahan sa lugar na ito. Upang mas mapadali ang inyong pagbisita, mas mainam din na magpa-reserve sa mga resorts na nais niyong bisitahin at dapat tandaan na ang mga damit na dadalhin at isusuot sa lugar ay dapat naaayon sa mga aktibidad na nais ninyong gawin upang maiwasan ang mga aksidente. At higit sa lahat ay hayaan ang sariling mag-enjoy, makapagpahinga at lumayo sa mga isipin sa trabaho o paaralan. -Mondejar, Aileen
0 notes