Tumgik
#parang ang bait yung isa na yoon
sseastar · 1 year
Text
best friend!juyeon who knows how bad your allergies are and falls in love with you more and more as spring rolls around because you insisted on playing basketball with him at the park
20 notes · View notes
speeddu30 · 5 years
Text
"KAMAG-ARAL/PAMILYA"
May Akda:Bullet Speed P. Mercado
Naaalala ko noong unang araw ng pasok ko sa sekondarya, nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming silid aralan sapagkat ni isa'y walang nangangahas na mag-ingay. Yung tipong nagpapakiramdaman ang isa't-isa sa amin, yung tila mga inosente kami at hindi makabasag pinggan, para nga kaming mga anghel ng panahong iyon. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting lumalabas ang aming mga kalokohan, yung pupuntahan kami ng aming punong guro para pagsabihan dahil hindi na makaya ng aming mga guro ang aming mga kalokohan. Minsan pa nga, napapaiyak pa namin ang aming mga guro dahil sa katigasan ng ulo.     Sa loob ng aming aming silid aralan ay makikita mo ang iba't-ibang klase ng mga estudyante. Nandiyan ang mga tinanatawag naming mga genius na may pagka wirdo (yung lahat ginagawang komplikato at dapat nakasunod sa mga formula, yung lahat dapat eksakto at kung ano-ano pa), meron ding mga pabebe o yung mahilig magpaganda (yung laging naka lip tint, makeup at kung ano-anong kolerete ang inilalagay), meron ding mga anghelito at anghelita (yung mga mababait, yung ayaw gumawa ng ingay at kalokohan), meron din yung mga lokoloko (yung puro kalokohan at ingay ang ginagawa pero kapag nagseryoso naman daig pa ang mga mababait, yung walang iwanan sa kanila, yung sama-sama silang gagawa ng kalokohan), meron din yung mga estrikto at seryoso (yung masunurin sa mga panuntunan at bawal yung gumawa ng kalokohan), meron din yung mga pabida (yung gusto sila yung magaling, sila dapat yung laging napapansin at bida), meron din yung joker (yung masaya lang palagi kahit may mga problema), meron ding mga alien(yung may sariling munod, yung takot atang makipagkaibigan), meron ding mga boyish(yung dalaga na pero dalaga rin ang gusto pero kahit boyish sila pabebe parin), meron ding mga pagirl(yung sa unang tingin mo palang alam mo na kaagad na ang hanap eh kapwa lalaki rin, yung mas babae pa sila),meron ding mga lovers(yung may sarili silang mundo, yung laging magkatabi tapos naghaharutan), meron ding mga naglalandian(yung hindi pa sila pero parang sila na, yung barkada daw pero may pahawak sa kamay), meron ding mga sawi(yung mga better na ayaw sa love at hindi naniniwala sa forever), siyempre hindi mawawala yung mga officer na pasaway at pasimuno rin ng kalokohan minsan, yung sakay lang ng sakay sa trip ng iba, para laging masaya lang.   Kami yung seksyon na laging napapagalitan pero solid yung pagsasama, yung turing naming sa isa't-isa ay parang pamilya na. Naalala ko nung sinabi namin nagagawa kami ng kasaysayan, at hindi nga kami nagkamali dahil marami na kaming nagawa. Hindi sa ipinagmamayabang naming yung kalokohan namin at hindi rin naming hinihikayat na gawin ng iba pero gusto lang naming ibahagi yung mga nagawa naming pambihira sa aming paaralan. Una naming nagawa yung mapaiyak namin yung mga guro naming, simula sa ika-pitong baiting hanggang ika-labindalawang baiting marami na kaming napaiyak na guro, mapa adviser at subject teachers, meron ding mga nagwalkout. Kami rin yung kaunaunahang walang naibigay sa ikatatlong counting ng Alay sa Belen na programa ng aming paaralan. At isa sa mga pinaka matinding nagawa namin yung buong klase kaming hindi pumasok pagkatapos ng retreat namin kahit na may pahindi marunong makisama na tatlo. Pagpasok namin noon galit na galit yung punong guro namin at binigyan kami ng parusa na hindi kami magkaklase ng buong araw at bawal kaming kausapin ng kahit na sinong guro at doon kami nanatili sa gymnasium. Para sa kanila parusa yoon sa amin pero isang malaking kaligayahan yoon. May mga pagkakataon din na pinapakiusapan namin ang aming mga guro na magpanood nalang ng pelikula para masaya lahat. Sa silid aralan namin maraming nagaganap na kalokohan. Merong naglalaro ng Uno Cards tapos yung iba naman nag Mobile Legend at Dragon War. Meron ding nag ma-my day, Facebook, Messenger, Twitter, at YouTube habang nagkaklase. Kung dati nakakahiya kapag malalaman ng iba na natatae ka pero ngayon normal na lang para sa amin kapag may natatae at ang magpasamang tumae. Kapag may bagong viral videos, may source kami kaagad kaya updated kami palagi sa mga nangyayari. Meron ding nagaganap na kopyahan kapag may pagsusulit, nariyan yung mga kaklase mong nagiging magnifying glass yung mga mata o kaya naman nagiging giraffe, meron din yung mga pasimpleng tingin o kaya yung sakit ulo pose, siyempre hindi naman ibig sabihin na topnochers di na mangongopya, yung iba may paopen notebooks pa. Hindi naman kasi maaalis na hindi ka maaawa sa katabi mo kaya pakokopyahin mo nalang dahil ang gusto naming sabay sabay kaming magtatapos at tatanggap ng diploma, alam naman naming mali na hayaan silang mangopya pero ang hirap kasing tiisin kapag nakikita mo silang nahihirapan na. Hindi rin maaalis ang hindi pagkakaunawaan na magdudulot ng away, pero hindi rin naman magtatagal ay magkakaayos din naman. Hindi kami magkakamag-anak pero ang turing nami sa isa't-isa ay isang pamilya na may pagkakaisa at handang tulungan ang bawat isa. Kami yung klase na sinasabing hindi magandang ihemplo sa iba pero nag-iwan kami ng mga marka na nakatatak na sa aming mga guro, magulo man kami at maingay pero may mga puso rin kami at damdamin. Gumagawa kami ng mga bagay na nakapagbigay ng kahit na simpleng ngiti at galak sa aming mga minamahal na mga guro at nagpapasalamat kami sa pagtitiyaga nila na turuan kami, dahil kung wala sila hindi kami matututo ng mga bagong kaalaman. Kami yung klase na maingay at magulo, laging napapagalitan pero may mga pangarap sa buhay at makakapagtapos na sa darating na Abril, malapit na yung hinihintay namin na araw. Hindi man kami nakasuot ng toga dahil barong ang isusuot namin, masaya parin kami dahil malapit na naming maabot ang aming mga minimithi sa buhay.
1 note · View note