Tumgik
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Sa Tabi ng Dagat: La Union
Michael Christopher V.  Alviar
Kada-taon tuwing Disyembre, bago kami lumalakbay papunta Baguio ng aking pamilya, kami ay dumadaan sa La Union. Kami ay nag-babakasyon ng dalawa hanggang tatlong araw kung saan kami ay gumagawa ng iba’t ibang aktibidad bago umakyat ng Baguio. Isa ito sa mga tradisiyon namin tuwing pasko. Ang biyahe namin papunta sa La Union galing sa aming bahay ay tumatagal ng isa o dalawang oras. Isa sa mga hindi malilimutan na parte ng aming bakasyon ay ang biyahe papunta sa destinasyon. Mga dinadaaanan na tanawin o kaya mga stop-over na kung saan kami ay kumakain ng mga piling pagkain na mahahanap lamang ito sa La Union. Tulad ng “kilawen” at mga putahe na ang pangunahing sangkap ay kambing. Ang mga bagay na hinahanap namin bago puntahan ang isang resort sa La Union ang mga puwedeng aktibidad na gawin, tulad ng surfing, swimming, o kaya ang puwedeng pang puntahan na mga tanawin. Ang pangalan na pinuntahan namin na resort ay ang “Final Option” kung saan napakaganda ang tanawin pati ng dagat. Ang huling punta namin, noong 2018, ang una naming ginawa pagkadating sa La Union ay kumain ng kambing sa isang karinderya, kahit maliit lamang ito, ang lasa ng kambing ay kakaiba at napakasarap. Pagkatapos, kami ay agad-agad nagpalit ng swimsuit namin para makalangoy sa beach at pool. Sunod, plano sana namin ay mag-surfing kaso nasabayan namin ang low tide kaya hindi natuloy. Panghuli, tinapos namin ang araw namin ng pagsasama ng buong pamilya habang naglalaro ng baraha (pusoy, pusoy dos, tong its) hanggang madaling araw. Isa ito sa mga hindi ko malilimutan na alaala dahil ito ay ang mga masasayang nangyari sa akin bago nagkaroon ng pandemiya.   Para sa akin, tatlo ang tinitignan ko para masaya at mabuo ang aking bakasyon. Ang biyahe, destinasyon, at ang mga kasama ko.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Hayo na’t sa Lucban Pumunta
Amiel Josh Evangelista
Lucban, Isa sa mga sikat na  lugar sa rehiyon ng Calabarzon. Kilala ito dahil sa Pahiyan, isang pagdiriwang na nagaganap tuwing ika 15 ng mayo taon taon. Kilala rin ito sa mga tanyag na lugar tulad ng Kamay ni Hesus at ang St. Louis Bishop church.Noong Feb 2021, pumunta kami dito ng aking pamilya para magpahinga. Madami kang pwedeng gawin na aktibidad sa lugar na ito. Isa na dito ang pag libot sa mga sikat na lugar pang turista o di naman kaya ang pag ligo sa mga Ilog na may sobrang linis na tubig. Sa sobrang linis ng mga ilog dito ay karaniwan ng mga naka tira dito ay sa ilog kumukuha ng tubig para inomin.  Sa daming pwedeng gawin dito, mas pinili ko pa rin magbisikleta na lang palibot sa buong Lucban, langhapin ang simoy ng hangin at pag masdan ang magagandang tanawin tulad ng mga matitingkad na bundok at malalawak na palayan.  Dito ay kinalimutan ko muna lahat ng problema ko at nagpahinga.  Dito ko lang naranasan na tipong pinagpapawisan na ako na kakapidal, hindi ko pa rin nararamdaman ang pagod. Pagktapos mag bisekleta ay kakain ka ng mga lokal na pagkain tulad na lamang ng Pancit hab hab at longganisnang lucban.  Masasabi ko talaga na sulit ang bakasyon dito dahil kahit sa kaonting oras lamang na nadito ako ay nakalimutan ko ang mga problema ko at nakapag pahinga.  Masasarap na pagkain, magandang tanawin at sariwang hangin, lahat ng ito ay nandito lamang sa iisang lugar. Ang pinaka tumatak sa akin sa lugar na ito ay ang mababait at masayahing mga tao. Ikaw ay sasalubungin  na may ngiti sa mga mukha at tratratuhin kang kabayan.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Rumarahuyong mga Presa
Carlo Jose O. Reyes
Isa sa mga napuntahan namin bago’ng mag-pandemiya’y ang Strawberry Farms sa La Trinidad, Benguet. Kung ikaw ay madalas magplanong pumunta sa Baguio, duda akong wala ito sa itineraryo ninyo, ‘pagkat iilang kilometro lamang ang layo mula dito, siguradong sulit ang pagbisita dito. Isa sa mga dahilan kung bakit ito’y laging darayuhin ng mga turista ay sa kung gaano kalaki ang sakop nitong lupa, ito’y binubuo ng mahigit 20 na hektarya ng strawberry farms. Hinding hindi mawawala ang pangunahing nakaka-akit sa mga dayuhan dito, ang makapagpitas, maka-ikot, at makakuha ng mga pasalubong. Buong pamilya kaming nagpunta’t namitas ng kanya-kanyang mga strawberry. Natatandaan ko pa noo’y palakihan pa kami ng mamitas. Siyam kaming nagpunta ngunit sa laki ng luga halos hindi mo makita ang isa’t isa. Isa ito sa mga panahon na hindi na madalas magkita ang buong pamilya at, siguro, kaya kami nagpunta rito ay para magsama-sama ulit kami at sa kabutihang palad, tuloy-tuloy na kaming nagsasama mula noon. Siguro ninais kong balikan ang mga araw na malapit-lapit kami sa isa’t isa, yung tipong linggo-linggo nagkikita o ‘di kaya’y linggo-linggo kaming dadayo sa bahay ng isa naming kamag-anak. Mabuti na lang na hanggang ngayon, na kahit may pandemiyang nagaganap, patuloy pa rin kaming nagsasama sa pamamagitan ng pagtawag o pagvideo chat.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Makapukaw Damdaming Paglalakbay sa Baguio
Gabriel B. Majul
Naengganyo ang aking pamilya na pumunta ng Baguio noong 2018 dahil kakatapos lamang ng klase namin noon at tag-init nanaman, kaya naman ay naghanda na kami para sa aming paglalakbay. Ang Baguio ay tinaguriang "Summer Capital of the Philippines" at kilala sa natatangi nitong malamig na klima sa buong taon na nakakakuha at nakakapukaw ng atensyon sa mga turista at manlalakbay. Ang aming paglalakbay patungo ng Baguio ay nagtagal din ng limang oras at habang papasok na kami ng lungsod, kita ang magagandang tanawin, luntiang mga bulubundukin, at mala kristal sa kinang at linaw ng mga anyong tubig na nakapaligid sa amin. Nang makarating kami sa lungsod at bumaba ng bus, bungad samin ang sariwang hangin na kay sarap langhapin at ang malamig na klima ng lugar. Eksakto namang sumalubong ang isang mangtataho na nagbebenta ng mainit na strawberry taho na makikita lamang sa Baguio. Agad na kaming nagpunta sa una naming destinasyon, ang Burnham park kung saan tanaw dito ang burnham lagoon, makukulay na mga bulaklak at iba't-ibang mga aktibidad na pwedeng gawin sa parke. Kabilang na dito ang pagbabangka, pagbibisikleta, pagtakbo, at marami pang iba. Tumungo naman kami sa isang strawberry Farm, kung saan kita namin dito ang ekta-ektaryang matatabang lupain na puno ng presa na puwedeng mo mismong pitasin. Tunay ngang masaya ang pagpitas ng presa dahil tila may kaakibat itong kapayapaan na maaari mong matamo sa karanasang ito. Dagdag pa dito, ang karanasang ito ay paalala na pahalagahan ang ganda ng ating kalikasan. Nang kinagabihan, natuklasan naming malapit ang night market sa aming tinutuluyan, kaya naman hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at kalaunan ay nagpunta at namili ng murang mga damit. Sa pagkawili namin sa mura ng mga damit at paninda doon, napadami ang aming nabili at napatagal kami ng apat na oras sa paglilibot.
Ang paglalakabay namin sa Baguio ay nagsilbing pang-bukas mata at pang-hikayat sa ating mga Pilipino na maraming magagandang tanawin sa Pilipinas na pwede natin puntahan at bisitahin. Sa pagpunta natin sa mga lugar na ito, ay hindi lamang natin matutulungang umunlad ang kapwa nating mga Pilipino kung hindi pati na rin ang pagyabong ng ekonomiya ng ating bansa. Sa kabuuan, ang Pilipinas ay tunay ngang mayaman sa likas na yaman at kamangha-manghang mga lugar na makikita lamang sa bansa. Ika nga nila, “It’s more fun in the Philippines”. Kaya naman halika na at tumungo sa mga kagila-gilalas at makapukaw damdaming mga destinasyon dito lamang sa Pilipinas,
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Daragang Magayon
Gio Paolo A. Tan
Tuwing pinyahan festival kami ng aking pamilya ay bumibisita sa probinsya ng aking ama sa Legazpi. Huling bisita namin ay noong Septyembre 2019 kung saan sabay naming ipinagdiwang ang kaarawan ng aking ama at lola. Kapag nabanggit ang lugar na “Bicol”, marahil ang unang papasok sa isipan ay walang iba kung hindi ang katangi-tanging bulkan Mayon na kilala dahil sa kanyang halos perpektong hugis. Kaya naman nang naisipan ng aking pamilya na umuwi sa aming probinsya na Caramoan sa Camarines Sur, aming napagtanto na hindi dapat mapalagpas ang pagkakataon na dumaan muna sa lungsod ng Legazpi upang masilayan ang kilalang bulkan. Bago makarating ng Legazpi, inabot kami ng gutom kaya naisipan munang mag tanghalian sa lungsod ng Naga. Kami ay kumain sa isang restaurant na tinatawag na Bob Marlin, kung saan masarap ang kanilang crispy pata, laing at pinangat. Matapos niyan, kami ay nagpatuloy na patungo sa Legazpi. Ikaunang beses ko pa lamang makauwi sa Albay, kaya nang makarating sa Legazpi at nakita ang bulkan ng harapan, ito ay aking ikinasaya sapagkat tunay na mas maganda ito kumpara sa mga larawan masisilayan lamang sa Internet o kaya sa mga postcards. Matapos namin puntahan ang bulkan, kami ay nagpatuloy na sa aming paglalakbay patungong Camarines Sur.  Gabi na nang kami ay makarating sa tahanan ng aming mga kamag-anak, kaya hindi na gaanong nakapaglibot.  Kumain na lamang ng hapunan, at dumiretso tulog na sapagkat nahapo mula sa byahe. Natapos ang araw na may ngiti ang lahat sa kanilang mga mukha. Isa pang isla naman sa aming listahan ay ang Lahos Island. Tulad ng isla ng Matukad, ito ay madalas na dinarayo rin ng mga turista. Sa islang ito, medyo nagtagal kami sapagkat dito ay magandang magtampisaw at lumangoy. Malinaw ang tubig at matataas ang alon, kaya lubusan naman kaming natuwa sa pagbisita dito. Matapos ang island hopping, kami ay umuwi na sa aming tahanan sapagkat sa susunod na araw, lilisanin na namin ang Caramoan upang pumunta naman sa Cagaray at manatili sa Misibis Bay resort ng dalawang araw. Sa aming panghuling araw sa lalawigan ng Albay, dumayo muna ulit kami sa lungsod ng Naga upang bumisita sa Naga Cathedral at Penafrancia Basilica Minore. Dito kami ay nag-alay ng pasasalamat para sa aming masayang bakasyon. Humingi na rin kami ng gabay upang kami ay maging ligtas sa pagbalik namin ng Manila. Sana’y matapos na ang pandemyang ito at magsama sama na ulit ang mga pamilyang magkakalayo sa isa’t isa.
3 notes · View notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Ang Hiyas ng Dagat: Alaminos, Pangasinan
Yvonne Juliana C. Edralin
Ang Alaminos, Pangasinan ay kilala bilang “Home of the Hundred Islands National Park” ito ay binubuo ng halos isang daan at dalawangpu't apat na isla na nakakalat kasama ang Lingayen Gulf.
Bago pa magsimula ang pandemya noong Marso 2020, umuwi kami ng aking pamilya sa aming probinsya noong Nobyembre 2019 sa Alaminos, Pangasinan. Mas marami ang bumibisita sa Alaminos, Pangasinan tuwing mga buwan ng tag-init para sa mga magagandang lokal na beach na pumupukaw ng atensyon sa mga turista. Ang aming paglalakbay pauwi ng Alaminos ay magsisimula ng 4 ng madaling araw at nagtatagal ng halos tatlo hanggang apat na oras, depende kung walang trapiko, ang mga daan patungo sa lungsod ay derederetso lamang sa simula. Marami ang aming nadadaanan patungo sa lungsod tulad ng mga tanawin, malago na bukirin, panig ng mga malalaking kabundukan, at mga gilid ng kumikinang na karagatan. Nang kami ay nakarating sa ay agad bumungad ang mahangin na mukha ng dalampasigan sabay ng mga paglanghap ng nilulutong mga pagkain sa kalye sa tabi ng mga paradahan ng mga bangka. Agad kaming nag pahinga sa aming pinatutunguhan na bahay na malapit lamang sa dalampasigan para hindi na bumiyahe muli. Pagkatapos mag impake ng kailangan dalhin, kami ay tumungo na sa bangka na aming rerentahan papunta sa mga isla ng Hundred Islands upang mag island hopping; inuna namin ang Quezon Island, ito ay isang pambatang beach dahil hindi mabato at mababaw lamang ang tubig. Sunod naming pinuntahan ang Marcos Island, doon ay may malaking kuweba sa gitna kung saan pwedeng mag “cliff diving” at ikaw ay lalabas patungo sa Imelda Beach pagkatapos sumisid. Marami pa kaming pinuntahan na iba’t ibang mga isla, isa dun ay ang Governors Island kung saan kami laging kumakain ng pangtanghalian bago lumangoy ulit. Bago man mag alas singko ng hapon ay kailangan na namin sumakay ulit ng bangka pauwi dahil sa oras na iyon ay simula na ang pagtaas ng tubig. Sa pagpunta at sa pag uwi namin sa Alaminos ay masasabi ko lang na ito ay isang lugar na sulit at hindi nakakasawang balik balikan kahit na umitim ang aking balat. Dadalhin ko ang lahat ng aking nararamdaman mula sa lugar na iyon hanggang sa pagtanda ko at hihikayatin ko ang aking mga kapwa Pilipino ko na huwag nila sayangin ang pagkakataon na bisitahin ang Alaminos, Pangasinan.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Ang Kariligan sa Davao
Moriel Andrei P. Tahimic
Noong 2019, na bigyan ako ng pagkakataon upang bumiyahe patungong Davao kasama ang aking buong pamilya. At dahil kilala ang Davao sa kanilang kalikasan ay pumunta kaming mag-pamilya sa tinatawag na Eden Nature Park na kung saan isang tourist spot na maaaring mabigyan halaga ang kagandahan ng kalikasan. Mayroon ding mga aktibidad na pwedeng gawin sa loob ng Eden Park. Dahil sa napakaraming maaaring gawin sa Eden park ay narito kami ng isang buong araw na kung saan itinesting namin isa-isa ang mga outdoor aktibidad tulad ng skycycle,skyswing, atbp. May cultural village na ipinapakita ang kanilang kultura sa mga turista upang maipagmalaki at bigyan pansin ang iba-ibang kultura na mayroon ang Pilipinas. Pagkatapos namin tumungo ng Eden park ay sa Davao Crocodile Park at People’s park ang aming mga sunod na destinasyon  na kung saan ito ay mga kilalang top tourist spots na matatagpuan sa Davao. Pumunta din kami sa Jack’s Ridge na makikita sa larawan upang makita ang buong davao at kumain ng masasarap na pagkain.Hinding hindi kumpleto ang pagpunta sa davao kung hindi matitikman ang prutas na durian na pinakasikat at nag-originate dito. Kahit na hindi kaakit-akit ang amoy nito, ay masarap at kakaiba ang lasa ng durian. Masasabi kong mababait ang lahat ng tao sa Davao. Itong biyahe ay naging pamparelax namin dahil bakasyon at kami ay nakakuha din ng mga bagong kaalaman ukol sa iba’t ibang tanawin ng bansa at iba’t ibang kultura na mayroon tayo.Panigurado pagkatapos ng pandemya, ay babalik kami dito.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Lamig at Kagandahan
Miguel Andre E. Montesa
Noong Disyembre 2018, kami ay pumunta ng tagaytay pagkatapos ng araw ng pasko para kami ay kumain sa umaga. Ang tagaytay ay isa sa mga pinakasikat na lugar dito sa pilipinas dahil kilala ang lugar na ito dahil sa mga magagandang mga tanawin na nandito. Ang lugar din na ito ay maganda puntahan dahil sa malamig na panahon na madalas na tinatamaan ng tagaytay. Sikat din ang tagaytay dahil kanyang mga kainan na nandito katulad ng Balay Dako, Cafe Voi la Crosswinds, at iba pa. Sa tagaytay dito mo din makikita ang bulkang Taal isa sa mga aktibong mga bulkan dito sa pilipinas at hinahangaan ka dahil sa tingnan ng eto or dahil sa kanyang tanawin ay sobrang maganda. Noong Disyembre 2018, kami ay pumunta ng tagaytay pagkatapos ng araw ng pasko para kami ay kumain sa umaga dahil gusto ng mga magulang ko pumunta ng tagaytay. Kasama ko ang aking mga kapatid, mga magulang ko, at aking mga pinsan. Kami ay sumakay na sa kotse at pumunta na ng tagaytay at noong una ayoko pumunta dahil tinatamad ako pero pagdating namin doon ako ay napahanga dahil sa ganda ng lugar na eto. Nabukas ang aking mata at ang aking isip ay umiba dahil sa Tagaytay. Pagdating namin sa Tagaytay kami ay pumunta sa isang kainan tawag na “Balay Dako” para mag almusal. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa ferris wheel sa Skyranch para kumuha ng mga Litrato. Pagkatapos noon ay naghahanap kami ng magandang view para mapakuha kami ng litrato. Pagkatapos namin mag ikot ikot ay kami nag uwian na. Hindi ko makakalimutan ang lugar na ito dahil sa sobrang ganda ng eto. Mali ang nasa isip ko na hindi maganda pumunta sa tagaytay pero pagkatapos ko pumunta sa lugar na iyon. Gusto ko nam palagi kumain doon ng almusal.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Dakilang paglaya patungong Siargao
Jordan Henry A. Gonzaga
noong 2019,  kami ng pamilya ko ay pumunta sa Siargao dahil nagsimula ang bakasyon namin, kaya naghanda kami para sa biyahe. Ang Siargao ay kilala sa magandang tanawin at surfing. Ang aming paglalakbay sa Siargao ay hindi masyadong nagtagal dahil sumakay kami sa eroplano. Nang papasok na kami sa mga isla, nakikita namin ang magandang tanawin, ang ningning na tubig at ang kalinawan at sikat ng araw. Pagdating namin sa island at pagbaba ng eroplano, naaakit kami ng sariwang hangin at mainit na klima  ng lugar na ito. Sa pagbaba namin ng eroplano kinuha namin ang aming bagahe at kami ay kumuha ng taxi papunta sa resort na pupuntahan namin. Habang kami ay nag biyahe ako ay tumitingin sa labas ng bintana dahil ako ay na amaze sa mga tanawin at mga tao na naninirahan sa siargao. Bago kami nagpunta sa aming unang patutunguhan kami ay kumain at nagpahinga sa aming resort na pinuntahan. Nakikita sa litrato ay isang isla na pinuntahan namin dahil sa magandang tubig at puting sand, napakaganda nito at hindi mo maikukumpara sa ibang tubig. Isang araw ay naglipas at kami ay gumising ng maaga at sumakay kami sa bangka para mag island hopping at sa unang isla na pinuntahan namin kami ay nagulat sa tubig na kumikinang at sa simoy ng hangin na sobrang sariwa kompara sa maynila. Sa pangalawang isla na pinuntahan namin kami ay uninom at kumain ng coconut at naglaro ng volleyball, nung naglalaro kami ng volleyball nakita namin na madaming mga tao na nagmumula sa mga iba’t ibang parte ng mundo at madami rin kaming nakita na mga celebrities nung naglalaro kami. At sa huling destinasyon na aming pinuntahan kami ay pumunta sa “cloud 9” at ito ang popular na surfing spot sa siargao, kami ay nag surfing at sa una medyo mahirap pero naging madali na nung nasanay na kami mag balance at pano mag lumiko gamit ang aming paa at aming bigat. Ang aming pag bisita sa siargao ay binuksan ang aming mata dahil sa mga magandang tanawin at hindi mo aakalaing na nasa pilipinas ka. Lahat ng tao sa siargao ay sobrang bait at matulungin sa isa’t isa at hinding hindi ko makakalimutan ang karanasan na nangyari habang nandoon kami.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Byahe ni JM
Josemaria Bien A. Salvador
Noong 2019, Nakapunta ako sa Baler, Aurora kung saan nagbakasyon kami ng mga pinsan ko pagkatapos ng aming mga graduation. Bago mag simula ang panibagong akademikong taon. Para sa maikling deskription ang baler ay sikat sa isport na surfing at madalas itong dinarayo ng mga turistang lokal at pati na din mga dayuhan. Ang aming biyahe ay tumagal ng 7 oras simula sa aming probinsya ng batangas. Pumunta kami dito para mag bakasyon at magkaroon din ng konting oras na kami kami lang ng mga pinsan ko. Kami ay tumigil sa isang airbnb ng 3 araw at 2 gabi. May mga lokal din kaming naka-usap pero di gaano katagal kasi sinulit namin ang oras upang lumangoy at matuto mag surfing. Napaka ganda sa Baler dahil napaka pino ng buhangin doon. Ang mga lokal din ay sobrang bait at matulungin sa mga turista. Ang aking karanasan dito ay sobrang kakaiba dahil unang beses ito na kami ay pumunta sa malayo na lugar na kami kami lamang. Ang aming bakasyon na ito ay isa sa mga alaala na hinding hindi ko makakalimutan dahil sa aming mga pambihirang karanasan. Ang biyahe papunta sa baler ay mahaba man pero ang nag aantay sayo na paraiso sa dulo ay walang katumbas. Dahil mapapawi lahat ng pagod mo kapag nakita mo ang ganda ng dagat. Lalo na sa pagsikat ng araw at paglubog nito.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Nourishing Nasugbu
Jesus Raphael Bundoc
Noong 2018, ako at ang aking pamilya ay naglakbay patungo ng Nasugbu, Batangas. Kami ay tumagal ng dalawang oras sa paglalakbay gamit ang aming sasakyan papuntang Nasugbu. Pagdating ng Nasugbu ay makikita mo ang napakaraming beach resorts at mahihirapan kang pumili ng isa dahil lahat ay napakaganda. Nakakaaliw lumangoy sa dalampasigan dahil malinis ang tubig. Makikita sa aking litrato ang isang malaking floating obstacle course, kami ng pamilya ko ay sobrang natuwa dahil kawili-wili ang paglaro dito. Ako ay nagkaroon ng magandang oras sa paglaro dahil kasama ko ang aking pamilya. Kung mahilig kayong kumuha ng litrato ay swak itong lugar para sa inyo dahil sa napakagandang tanawin, at asul na langit na makikita. Nakakilala kami ng mga kasabay na nag babakasyon, sila ay nanggaling din sa Maynila. Sobrang bait nila at sumama sila sa pakikipaglaro sa floating obstacle course. Ang serbisyo ng resort ay walang palya, mababait ang mga taga-serbisyo sa resort. Ang pagkain ay napakasarap, syempre talagang masarap magluto ang mga taga Batangas. Sisiguruhin nila na ikaw ay komportable sa iyong pananatili sa resort. Wala kang magiging problema sa kaligtasan mo dahil mayroon ditong lifeguard on-duty na magsisiguro na ligtas ang iyong pag bisita. Tiyak na sulit ang iyong pagpunta dahil maraming aktibidad na pwedeng gawin. Mayroong banana boat ride, at iba pang rides. Sa gabi naman ay mayroong night concert, pwede rin kayong kumanta sa stage at ipakita ang inyong talento. Lahat ng tao doon ay masayahin, talagang hindi ka maiinip. Kaya pagkatapos ng pandemiya ay pumunta ka na sa Nasugbu, Batangas.  
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Sa Takas at Kalimot
Carlos Nikko I. Galvan
Boracay, isa sa pinakatanyag na patutunguhan ng mga turista sa Pilipinas, ay kinikilala bilang isa sa mga marilag na karagatan, at ang dala nitong mga pagdiriwang o parties. Ika-10 ng Nobyembre 2019 nakuha ang aking litrato. Kitang-kita ang mangha ko sa malalaking alon na gawa ng speedboat sa bawat hampas nito sa katubigan. May ilang aktibidad na maaaring gawin dito tulad ng island hopping, pagsakay sa banana boat, at iba pa. Ngunit, mas pinili kong manatili sa dalampasigan, magpahinga, at pansamantala ko munang kinalimutan ang mga responsibilidad sa buhay. Tila bang pagbangon sa umaga ay diretso kain ng agahan kasabay ang pagdinig sa tunog ng mga humahampas na alon. Paglilim ay nagtampisaw, at matapos ay kumain ng masarap na seafood, tulad ng hipon, at alimasag. Samahan na rin natin ng beer. Ang tanawin ay napakaganda, ang tubig ay turkesa- wala na talaga akong ibang pipiliing gawin pa kundi ang magpahinga. Sa kabila ng mga katunayan sa mundo, ugaliin nating sakyan ang mga along dala nito. Oras-oras ay maglaan ng oras ng pahinga, nang matakasang sandali ang mga responsibilidad. Sa totoo lang, unang-una sa listahan ng mga plano ko matapos ang pandemiya ay ang magpunta sa Boracay. Ikalawang tahanan na ang turing ko dito.
0 notes
tagpo · 3 years
Photo
Tumblr media
Camp Braga: Cagbalete, Quezon province
Zeus N. Cruz
Noong 2019, Nakapunta ako sa Cagbalete, Quezon province kung saan ginanap ang pinakahuli kong Camp Braga bago nagkaroon ng pandemya. Para may maikling deskripsyon, ang Camp Braga ay isang aktibidad para maihanda ang mga estudyanteng-lider sa darating na  bagong taong-akademiya. Ang Cagbalete ay isang isla sa gitna ang maalat na tubig kung saan may puti ang purong buhangin sa dalampasigan nito. Medyo malayo ito para sa mga taong hindi sanay mag-bus at mag-barko kung saan kinakailangang gumising ng madaling araw. Pumunta ako rito para sa isang aktibidad ng eskwelahan, kaya marami rin akong kasamang Bosconian. Lahat ng mga kasama ko rito ay galing o di kaya hahantong sa Senior High School sa darating na taon. Sa mga taong kasama ko, nilagay ako sa isang grupo na may halong estudyante na kasing baiting at mas mataas na baiting. May kasama rin akong mga facilitator na ang baitang nang naka-graduate at mga guro. May mga taong lokal din, ngunit hindi ko masyado nakausap sila dahil nakatuon kami sa mga gawain ng Camp Braga. Muli, hindi ako rito para magpahinga kundi para matutunan ang mga kasanayan para maging isang lider. Maraming akong nagawang team-building exercises dito kasama ang grupo ko kung saan saktong-sakto ang malawak na espasyo ng lugar mas lalo na sa dalampasigan. Ang pagkain dito ay simple na bumubuo ng gulay, isda, ang mga de-latang karne na dala naming galing Metro Manila. Walang taga-laba rito kaya kami mismo ang naglalaba ng mga damit namin. Isa rin na hindi mararanasan sa Maynila ay ang pagtira sa loob ng isang kubo na walang aircon o sariling kwarto. Kahit hindi ako nagbakasyon dito, hinihikayat ko na pumunta sa Cagbalete mas lalo na para sa mga malalaking grupo na nais magkaroon ng magalaw at aktibong kaganapan.
1 note · View note