Tumgik
Text
Ang mahalaga, sama-sama
Marami ang nagrereklamo na mahirap sila kahit nakakakain ng 3 beses sa 1 araw.  Mayroon din namang nagsasabing mahirap sila, ‘yung halos wala nang makain pero sige pa rin sa hanapbuhay para may maipanlaman sa tiyan.  Mayroon ding mahirap pero hindi financially kundi sa ibang aspeto ng buhay.  Basta, andaming ibig sabihin ng salitang mahirap, pero lagi itong ginagamit.
Kanina, muntik nanaman akong pagalitan ng guard sa ibang branch naman ng NBS. Parang pinapahapyawan ko lang naman ang libro ni Chinkee Tan. Hindi naman ‘yon nobela na inuunti-unti ko hanggang sa matapos. Noong nakaraan, pinagalitan ako kasi kinokopya ko ‘yung pamagat ng mga librong gusto kong bilhin pero wala akong pera, kaya ang balak ko ay hanapin na lang sa library sa school. Bakit kaya bawal? Ang sabi pa nga sa ‘kin, “Ano ka ba dito?” Matapobre si manong.
Sa kasamaang-palad, wala rin sa library ang mga librong kating-kati na akong basahin. Hindi rin gumagana ang OPAC ng national library. Kaya siguro, matagal-tagal pa bago ko mabasa ang mga ‘yon, unless makahanap ako ng ganoon sa Booksale.  O ng mahihiraman.  Pero mukhang malabo, ang choice lang ay maghintay. Sayang naman, bakasyon pa naman ngayon.  Sabi ko nga, ayaw ko nang pumunta sa mga bookstore sa ngayon kasi nakakalungkot lang. Joke!
0 notes