Tumgik
Quote
What hurts the most is having to pretend that none of this hurts at all.
“im perfectly fine” (via confessing-emotions)
I'm perfectly fine
16K notes · View notes
Quote
sadly i got caught but in reward i wasn’t here i was in an unworldly state free from my cares free from my demons free from everything i was scared of
a drunk teen remembering her 11:37pm mistakes (via brokenheartedpoems)
206 notes · View notes
Quote
And I am so proud of those people who don’t believe that love lasts, who sees hope as a beautiful stardust that fades easily, yet they still have the bravery to give everything a shot. They still have the courage and say “I’ll try. Until I found the best—one.”
ma.c.a // Differently (via vomitingwords)
3K notes · View notes
Photo
Tumblr media
HINDI IKAW, HINDI AKO, HINDI TAYO Ang sarap sigurong pakinggan ang kantang tadhana habang kasama kita dito sa ilalim ng buwan at ng mga tala Ang sarap siguro sa pakiramdam na magkahawak ang kamay natin at walang bakas ng anumang takot na maari itong bumitaw pag hindi na natin kaya Ang saya siguro sa pakiramdam na sabay nating pagmamasdan ang kalawan habang binabahagi ang ating plano sa isa't isa ng magkasama Ang saya siguro sa pakiramdam na pakinggan ang kantang perfect ni Ed Sheeran habang naglalakad tayong dalawa Sabay na tinatahak ang daan patungo sa magkakasal sa atin sa oras na itinakda At kasama natin ang mga taong saksi sa ating pagmamahalan, na nakasama natin mula sa simula Siguro nga ang sayang isipin na magkasama tayong haharap sa bawat bagyo na daraan Na magkasama nating masisilayan ang pagsikat ng araw sa bawat umagang paparating Na sabay nating ipipikit ang ating mga mata pagsapit ng dilim At mahimbing tayong matutulog ng sabay habang ikaw at ako ay magkapiling Pero bakit parang mapaglaro ang tadhana? Hindi umayon sa gusto nating dalawa Kaya't kahit na anong pilit natin na ayusin ang tayo, ay mukhang napakalabo na Hindi dahil sa baka lang naman hindi sumasang ayon ang panahon Kundi, dahil sa hindi ako ang inihanda sayo para sa bawat umagang darating At hindi ikaw ang yayakapin ko sa bawat gabing malalamig Pinagtagpo nga tayo ng mapaglarong tadhana na ito pero hindi tayo ang tinakda para magsama hanggang dulo Dahil hindi ako ang inihanda para sayo At hindi din ikaw ang tinakda para sakin ng mundo Hindi ikaw, hindi ako, hindi tayo Hindi ikaw ang makakasama kong pagmasdan ang kalawakan Hindi ikaw ang makakasama kong pakinggan ang kantang tadhana ng up-dharma-down Hindi sayo buong pusong ipagkakatiwalang ang puso ko Hindi sayo kakapit ang kamay na ito Dahil hindi ako ang babaeng liligawan mo at hihintaying mapa-OO Hindi ako ang kasama mong magdiriwang ng anibersayo Hindi ako yung babaeng babatiin no mg magandang umaga o yayain mong lumabas para makasama Hindi ako, dahil, hindi pa man nasisimulan ang ating kwento Natapos na ang minsan ay naging tayo na malabo Hindi ako ang magsisilbing bahaghari mo pagkatapos ng ulan Hindi ako ang kwekwentuhan mo ng mga nangyari sayo habang ako ay nasa maling tao pa lamang Hindi ako ang magiging sanhi ng pagngiti mo Hindi ako ang magiging rason ng pagtawa mo Hindi ikaw ang kakalma ng bagyo dito sa loob ko Hindi ikaw ang aasahan kong magsasabi ng "Okay lang yan MAHAL huwag kang mag-alala nandito lang naman ako" sa tuwing mararamdaman kong masyado ng mabigat ang dinadala nito Hindi ikaw ang magtatanggal ng lahat ng takot ko sa mundo Hindi ako ang nakatakdang magtimpla ng kape mo sa bawat umaga bago ka umalis para pumasok sa trabaho Hindi ako ang magsisilbing tamis sa mapait na kapeng inihanda ko para sayo Hindi ikaw ang magsisilbing sandalan ko sa mga problemang kakaharapin ko Hindi ikaw ang magiging lakas ko sa mga panahong magiging mahina ako Hindi ako ang magiging ina ng mga magiging anak mo At hindi ikaw ang tatawaging papa ng mga anak ko Hindi ikaw, hindi ako, hindi tayo Hindi tayo ang magsasama sa tahanang minsan ay sabay nating plinano Hindi tayo magkikita sa kalsada na inakala nating sabay na aabutin ang dulo Hindi ikaw, hindi ako, hindi tayo Dahil mahal matagal ng tapos ang ating kwento At batid kong magiging isa nalang itong alaala ng kahapon ko at kahapon mo Pero ganon pa man masaya pa rin ako Dahil kahit na sa maikling panahon ay naranasan ko ang "TAYO" at mahalin ng isang "TULAD MO"
0 notes
Text
Hindi man siya tulad ng mga babaeng una mong nakilala May sarili din naman siyang bersyon ng ganda At makikita mo ito sa bawat pahina ng mga piyesang sinusulat niya Buklatin ang kanyang kwento At mabighani sa lihim niyang ganda na iilan lang ang nakakakita.
1 note · View note
Quote
‘Wag mo nang alamin ang sagot sa tanong dahil 'di ka naman mahalaga. Akala mo walang papantay sayo? Nahigitan ka na.
(via bloggernasibatman)
12 notes · View notes
Quote
There are days I make myself believe that you never left.
Words, Unspoken. // 2 (via bloggernasibatman)
5 notes · View notes
Quote
But if he breaks your heart like lovers do, just know that I’ll be waiting here for you.
Happier // Ed Sheeran (via bloggernasibatman)
31 notes · View notes
Quote
Hindi na tayo katulad ng dati at hindi malabong baka hindi na rin tayo maibabalik pa sa dati.
0 notes
Text
KAPE
Ako yung tipo na hindi mahilig sa kape Hindi rin ako marunong magtimpla ng kape Totoo, hindi Hindi alam kung ilang kutsara ba ng asukal ang nararapat ilagay para makuha ang tamang tamis Hindi alam kung ilang kutsara ba ng kape ang nararapat ilagay para hindi mangibabaw ang pait Hindi alam kung ilang beses ba dapat paikot ikotin ang kutsara sa paghalo ng sangkap para makuha ang tamang templa Hindi ako magaling magtansa o magbalanse Dahil katulad kung paano ako magtimpla ng kape ay ganon ko din inihanda ang aking sarili Sumobra sa tamis Kinulang sa pait Dahilan kung bakit hindi tayo naging balanse Hindi alam kung kelan ititigil ang pagpapaikot ikot sa kutsara Hindi alam kung kelan ititigil ang pagiging tanga Habang ikaw sayang saya sa pagpapaikot ikot sa akin sinta Pinaikot ikot Pinaikot ikot Pinaikot ikot mo ako sayong mga pangako Ayoko sa kape Dahil ayokong mapaso sa mainit mong mga pangako Ayoko sa kape Dahil ayokong matulad tayo dito Na kapag tumagal nawawalan ng init Iiiwan, itatapon ang pagibig na nanlamig Tsaka hahanap at kukuha ng kapalit Pero isang umaga sa aking pag-iisa Nang magising ako sa isang malamig na umaga Kahit na ayoko kinailangan kung uminom ng isang tasa nito Nang sa ganon ay maramdaman ang init Panlaban sa pag-ibig na nanlamig Dahil hindi sapat ang kumot o jacket para tanggalin ang nginig Kailangan ko ng kape para pakalmahin ang aking sarili Kayat kahit na hindi ako eksperto sa pagtimpla nito sinubukan ko pa rin Nagtimpla ako sa paraang alam ko at kaya ko Hindi naman matabang Napasobra naman sa tapang At sa unang higop ko sa kape ko nakalimutan kung ihipan ito Dahilan kung bakit ako'y napaso Pero imbes na itigil ang pag inom sa mainit at mapait kung kape Mas lalo ko pang ginustong ipagpatuloy ito Dahil dito unti unting nagising ang diwa ko Dito ako nagising sa katotohanang wala ng tayo Wala na ang ikaw at ako Hindi ako mahilig sa kape Hindi rin ako marunong magtimpla ng kape Totoo hindi Pero sa ngayon kailangan ko ng kape Kailangan kong yakapin ang init Kailangan kong namnamin ang pait Kailangan kong gisingin ang sarili Na wala ng kami At kahit kailan hinding hindi na ito maibabalik pa sa dati
0 notes