Tumgik
yllenalorelai · 5 years
Text
BLOG #10: KILUSANG PANLIPUNAN
(The Social Movements and the Current National Political Scene, Antonio Tujan Jr.)
Tumblr media
https://www.google.com/search?q=SOCIAL+MOVEMENT+BLACK+AND+WHITE+CLIP+ART&sxsrf=ACYBGNRfDOTQr6Ga0M8CEBMnXQDRXSAI7A:1571723918944&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjdnP7ul6_lAhVQ_GEKHcS9DAgQ_AUIEigB&biw=1647&bih=729#imgrc=tkbZoYqM9e0RhM:
Ang pakikilahok sa mga kilusang tumutukoy sa kolektibong pwersa ng mga aktibong mamamayan tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko, ay may mithiing maisakatuparan ang pag-unlad ng bansa. Ang pagmamahal sa bayan at pagkakaroon ng pakialam ang dahilan ng malawakang kilos protesta, resulta nang umiigting na katiwalian at paniniil. Ang partisipasyon ng mga tao upang tugunan ang mga suliranin ng lipunan ay epektibong nakapagdulot ng pagbabago, ito ay napatunayan ng kasaysayan. Sa paraan nang pagbuo ng malaking bilang ng grupo, nagagawang sigaw ang isang mahinang bulong.
Tumitindi ang mga isyu ng lipunan magmula sa nakaraang administrasyon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga kontemporaryong isyu naman ay patuloy sa paglala na parang isang sakit na nagiging sanhi sa pagkakaroon ng problematikong bansa. Maraming suliranin at hamon tungo sa pandaigdigang kapayapaan at kaunlaran kaya naman ang pagkakaroon ng boluntaryong pakikiisa sa sama-samang pagkilos ay nagiging bahagi ng mga hakbangin sa pagpapaayos ng lipunan.
Ang mga tumakbong kandidato noong eleksyon ay nagbuhos ng napakaraming mga pangako para sa kapakinabangan daw ng publiko ngunit ilang taon na ang lumipas, nagpatuloy ang kadumihan sa lumalalang isyung pampolitika. 
Bilang kasapi ng pamayanan na ganap na naaapektuhan ng mga maling kalarakan sa mga ahensya ng pamahalaan, may karapatan ang bawat indibidwal na lumaban sa mga mapang-aping lider ng bansa. Hindi maaaring itikom na lamang ang mga bibig at ipikit ang mga mata sa mga karahasan at pang-aabuso na ginagawa ng mga nakaupo sa puwesto.
Tumblr media
https://www.google.com/search?q=SOCIAL+MOVEMENT+BLACK+AND+WHITE+CLIP+ART&sxsrf=ACYBGNRfDOTQr6Ga0M8CEBMnXQDRXSAI7A:1571723918944&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjdnP7ul6_lAhVQ_GEKHcS9DAgQ_AUIEigB&biw=1647&bih=729#imgdii=in755ArPfGMENM:&imgrc=tkbZoYqM9e0RhM:
Ang Kilusang Panlipunan ay paraan nang pag-iingay upang mapakinggan ng mga mala-binging opisyal. Maraming organisasyon at kooperatiba na ang umuusbong kasabay nang pagdami ng bilang ng mga miyembro nito. Upang matiyak na naririnig ang mga hinaing ay gumagawa ng malakas na ingay na sapat upang makakuha ng atensyon. 
Ang rebolusyon ay isa lamang sa marami pang klase ng kilusan na may layuning baguhin ang mga maling sistema. Ang mga kilusan na nabuo ay may pagkakaisa sa prinsipyo, mga prinsipyong instrumento sa pagkakaroon ng tapang upang isulong ang mga adhikain. Malaki ang naging ambag nito sa pagkondena ng maraming abusado.
Ang mga grupong nakikibaka para sa karapatan ng mamamayan ay hindi nakaliligtas sa pambabatikos mula sa mga konserbatibong indibidwal na tumutuligsa sa ganitong sama-samang pagkilos. Maraming ipinupukol na mga salita lalo sa mga kabataang kasapi nito, ngunit hindi nito napipigilan ang misyon at tunguhin ng mga miyembro tungo sa inaasam-asam na reporma at pagbabago.
May ilang ulit nang sinaktan ang mga kasapi ng ganitong mga organisasyon, at ang malala pa’y may ilang ipinapatay. Sa kabila ng mga kaganapan na patuloy na hindi nabibigyan ng hustisya ay ang patuloy din na pakikibaka ng mga tao, upang hindi maging alaala nalang ang mga kinuhaan ng karapatan at buhay sa nagdaang maraming taon.
Tumblr media
https://www.google.com/search?q=1986+people+power+revolution&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=ScZxuNUi1zQ7aM%253A%252CVd16Oa8RFt2XKM%252C%252Fm%252F01q71m&vet=1&usg=AI4_-kTQB1eV4X9qs2HQ1sMlrgeGICmi8Q&sa=X&ved=2ahUKEwjZpM2Nm6_lAhVaQN4KHdBmBX4Q_B0wEnoECAoQAw#imgrc=UwfL_v7CbT8KBM:&vet=1
Ang larawan ng makasaysayang 1986 People Power Revolution ay nagbunsod sa pagpapatalsik ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, sa ilalim ng diktadurya ay nagawang manlaban ng mga tao para sa panunumbalik ng demokrasya ng bansa.  Noong idineklara ang Batas Militar, ay napigilan ang kalayaan ng bawat indibidwal sa lahat ng aspeto, kasama na rito ang karapatang magbigay ng opinyon sa mga isyung kinahaharap o ang karapatang magpahayag. Sa tindi nang pagkakagapos ng  mga Pilipino sa mapaniil na kasaysayang iyon, ay naghimok sa bawat isa na patunayan ang tunay na pagmamahal sa bayan. Nagtipun-tipon ang lahat at nag-umpisang mag-alsa laban sa diktador na dinaluhan ng milyong sangkatauhan. Saksi ang maraming tao mula sa loob at labas ng bansa sa matagumpay na kilusang panlipunan, na kung saan natuldukan na ang dalawang dekadang pamamayani ng rehimeng Marcos sa bansang Pilipinas. Ipinapakita lamang ng Rebolusyong naganap ang lakas ng taong-bayan.
Ang mga pag-aalsa gaya noon ay hindi pagiging suwail sa mga kautusang ibinababa ng gobyerno ngunit isa itong representasyon ng pagiging mulat at pagiging kapaki-pakinabang na mamamayan para sa kanyang bayan, dahil kung mariing bibigyan ng pansin hindi naman ito kilusan para lamang sa pansariling kapakanan, sa katunayan nga’y wala namang natatanggap na kahit ano ang mga kasapi ng kilusan ngunit patuloy nila itong ginagawa para sa kapakinabangan ng buong sambayanan. Nagkakaroon ng ganitong mga pangyayari sa tuwing may mga pang-aabuso sa kapangyarihan ng  kinauukulan. Hindi maaaring tanggap na lamang tayo nang tanggap ng mga ibinababang kautusan mula sa mataas na sektor ng bansa, bilang mga taong nakakatamasa ng edukasyon, tayo ang nararapat na lumaban para sa mga taong hindi ganap na nauunawaan ang tunay na kalagayan ng lipunan.
Hindi lamang isyung politikal ang nagiging sentro ng mga pagkilos at pakikibaka laban sa pamahalaan, iilan sa mga kontemporaryong isyu na hinihiling na masolusyunan ay ang masikip na Trapik sa Metro Manila, ang mga tulong na hindi naipapaabot sa mga biktima ng kalamidad at sakuna, ang problema sa makamandag na epekto ng Droga at Sistema ng Edukasyon. Bukod sa mga nabanggit ay ang lumalalang kalagayan ng ekonomiya ng bansa na kung saan mababa pa rin ang halaga ng piso kontra dolyar, isa sa dahilan ng pagkalugi ng mga lokal na mga negosyo at ang pagpapalala ng malawakang kahirapan.
Maituturing na katapangan ang mga ipinapamalas ng mga miyembro ng kilusan sapagkat anu’t anuman ang kahihinatnan ng mga pagtitipon ay buo ang loob at nagliliyab ang apoy na dahilan ng kani-kanilang paglaban sa marahas na pamumuno. Ito ay makabuluhang pakikiisa sa pagpapanatili ng karapatan ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino.
Ang sama-samang pagkilos ay nakalulutas ng mga suliraning matagal nang nagpapahirap sa mga Pilipino. Ang lakas ng taong-bayan ay larawan ng isang tagumpay patungo sa kaunlaran.
2 notes · View notes
yllenalorelai · 5 years
Text
BLOG #9: ISYUNG PANG-EDUKASYON
(Transformative Education, Antonio Tujan Jr.)
Tumblr media
https://www.google.com/search?biw=1647&bih=656&tbm=isch&sxsrf=ACYBGNQQ_MvLEeW7xlK3euwAOkiMfuz-rA%3A1571723921440&sa=1&ei=kZquXdHFGob7wQOm6rOoDA&q=ISYTUNG+PANG+EDUKASYON+BLACK+AND+WHITE+CLIP+ART&oq=ISYTUNG+PANG+EDUKASYON+BLACK+AND+WHITE+CLIP+ART&gs_l=img.3...199350.202650..202852...0.0..0.264.3424.0j21j1......0....1..gws-wiz-img.BHmYKjTIOhA&ved=0ahUKEwiR0pbwl6_lAhWGfXAKHSb1DMUQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=rNjc8nKbuAy7vM:
Ang edukasyon ay tinitignan ng lipunan bilang isang kasangkapan nang pag-unlad sa iba't ibang larangan, ngunit paano kung ang sistema ng edukasyon ay hindi umaayon sa dapat na maging istruktura nito? Ang mga kontemporaryong isyu na may kinalaman sa pang-edukasyon ay bagamat pinapabanguhan ng gobyerno upang hindi sumingaw ang mabahong saklaw sa lipunan, ay hindi pa rin kayang ganap na matakpan dahil sa sukdulan nitong kabulukan. 
Malaki ang gampanin ng edukasyon sa pagkakaroon ng kaayusang panlipunan at tungo sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa, ngunit aminin man na 'tin o hindi, kung tatalakayin ang kinakaharap ng mamamayan ng Pilipinas, hindi pa rin naisasakatuparan ng edukasyon ang mithiin at tunguhin nito. Ang mga paaralan bilang makapangyarihan institusyon na may kakayahang humubog ng kaisipan ng mga kabataan, ay mahalagang maiangkop nito ang mga ipinapatupad na pamantayan nang pagkatuto, upang maitampok ang impluwensiya nito sa pag-unlad ng lipunan. 
Kung bibigyang pansin ang sistema ng edukasyon na mayroon ang Pilipinas, nakalulungkot isipin na lumilikha ito ng mga manggagawa na tumutugon sa pangangailangan ng ibang mga bansa. Idinisenyo ito upang ihanda ang mga estudyante na maging kapaki-pakinabang sa mga dayuhang namumuhunan at ganap na mapagkakitaan, ito ay kaakibat ng isyung globalisasyon na kumakatawan naman sa tagumpay ng kapitalismo, dahil isa ang paaralan sa ilang institusyon na nakatutulong sa pagsulong ng globalisasyon. 
Sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan, ang mga guro ay may kakayahang magturo ng mga leksyon na nakapaloob sa bawat yunit ng libro. Iba't-ibang konsepto sa asignaturang matematika at agham ang paulit-ulit na ipinapasok sa utak ng mga estudyante, ngunit hindi nabibigyan nang pansin ang mga konseptong sumasalamin sa mga tunay na kalagayan ng lipunan. Ang pagsasaulo ng mga konseptong ito at mga terminilohiya ay nabibigyan ng diin sa pag-aaral at hindi ang tunay na pag-unawa. Hindi nabibigyan ng pansin ang pagtalakay sa mga isyung pang-ekonomiya, pang-kapaligiran, pang-edukasyon at isyung politikal. 
Ang layunin ng ating pamahalaan ay ang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa ngunit ang nabuong layunin ng edukasyon sa kasalukuyang panahon, ay ang mag replicate at magdevelop ng modern labor force na sinasabing makapagpapaunlad ng mga bansang kabilang sa Third World Countries gaya ng Pilipinas, dahil ang edukasyon ay gamot sa isang problematikong bansa tungo sa modernisasyon at industrialisasyon. Ang ganitong konsepto ng edukasyon ay nakapaloob sa konseptong mayroon ang PHILIPPINE 2000 ni dating pangulong Fidel V. Ramos. Isa sa layunin nito ay ang makabuo ng English-speaking at technically proficient labor force na nakasukat sa mga pangangailangan ng mga foreign investors, ngunit hindi para maging aktibong mamamayan na makapagpapaunlad ng bansa nito sa sariling paraan na hindi kaakibat ang mga dayuhang namumuhunan. 
Maaaring sabihin na ang mga problema na nararanasan ng bansa ay nag-uugat sa problematikong sistema nang pagkatuto, kaya naman ang pagbago ng sistemang ito ang nakikitang solusyon para sa malawakang pagpapaunlad din ng bansa. Sa kapangyarihang taglay ng edukasyong tagapagmulat ng kamalayan, naitatama nito ang mga maling kasanayan at kaalaman, bukod pa rito ay nalilinang ang mga kakayahan. Maraming isyu tungkol sa sistemang edukasyon, at upang malutas ang mga suliraning ito ay kailangan ng pagbabago at reporma. 
Tumblr media
https://www.google.com/search?biw=1647&bih=656&tbm=isch&sxsrf=ACYBGNQQ_MvLEeW7xlK3euwAOkiMfuz-rA%3A1571723921440&sa=1&ei=kZquXdHFGob7wQOm6rOoDA&q=ISYTUNG+PANG+EDUKASYON+BLACK+AND+WHITE+CLIP+ART&oq=ISYTUNG+PANG+EDUKASYON+BLACK+AND+WHITE+CLIP+ART&gs_l=img.3...199350.202650..202852...0.0..0.264.3424.0j21j1......0....1..gws-wiz-img.BHmYKjTIOhA&ved=0ahUKEwiR0pbwl6_lAhWGfXAKHSb1DMUQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=oo46Um7sE1vkaM:
Ang komplikadong usapin sa isyung pang-edukasyon ay walang duda na kinasasangkutan ng hindi lamang ng mga guro at paaralan kundi ng pamahalaan. Sa pagtugon sa pangangailangang pang-edukasyon, ang kolektibong tulong mula sa Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd), mga guro at ilang mga Non-Government Organization (NGO) ang kailangang makamit. 
 Ang edukasyon bilang tagahubog ng mapagpalayang kaisipan ay nakatutulong sa pagsagip nang nalulunod na kalupaan ng Pilipinas sa sarili nitong katubigan. Ang hamon na kinakaharap ng edukasyon ay ang paglutas ng suliranin tungkol sa kahirapan, kung paano magiging solusyon sa kakapusan at kung paano ang edukasyon ay tutugon sa social transformation.
1 note · View note
yllenalorelai · 5 years
Text
BLOG #8: MAPAGPALAYANG PANITIKAN
(Literatura ng Uring Anakpawis, Rogelio L. Ordoñez)
Tumblr media
q=literatura+clipart+black+and+white&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjhkOmfsaDlAhXwyosBHQyfAtYQ_AUIEigB&biw=1647&bih=656#imgdii=hIL5ORMllTL6rM:&imgrc=MAlGy-l9jgIQvM:
Ang Literatura ay isang instrumentong magpapalaya sa uring anakpawis. Prinsipyo nitong makapagturo ng totoong nangyayari sa lipunan at ang mga dapat gawin upang makabuo ng solusyon. Ang literaturang gaya ng "Mga Agos sa Disyerto" ay layong tuligsain ang mga mapang-aping uri sa ating lipunan at gisingin ang damdamin ng mga aping uri mula sa totoong kalagayan. 
Tumblr media
biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=g9KmXaHUFfTVmAWXsI-wBA&q=poverty+porn+&oq=poverty+porn+&gs_l=img.3...117409.123279..123951...0.0..0.97.1132.13......0....1..gws-wiz-img.......0j0i131j0i67j0i131i67j0i8i30j0i24.XFWsi_TpU38&ved=0ahUKEwjhobONrKDlAhX0KqYKHRfYA0YQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=wcI-Svp4ERkV6M:
Ang Poverty Porn ay ang banta sa literatura ng uring anakpawis. Ipinapakita nito ang kahirapan ngunit hindi nito binibigyan ng solusyon ang mga ipinapakitang pang-aabuso sa mga maralita, sa halip ay, humihingi lamang ito ng simpatya. Ibinibenta ang kahirapan bilang entertainment. 
Nakalulungkot isipin na napagkakakitaan ang kahirapan ng lipunan. Madaling naipapakita ang kalunus-lunos na kalagayan ng mahihirap na pamilya upang makapukaw ng pansin sa mga mayayamang madla, ngunit walang layunin na matulungan ang ganitong mga paghihirap. Tunguhin lamang nito na makakuha ng emosyunal na sagot mula sa publiko at makalikom ng malaking kita. Nakikita ang mga ito kadalasan sa mga komersyal at pelikula. Itinatampok ang mga paghihirap at kondisyon ng mga mahihirap upang maiangat ang kita sa pananalapi. Samakatuwid, ito ay umiikot lamang sa layunin na makabuo nang pagkakakitaan.
Maling nairerepresenta ng Poverty Porn ang tunay na kahirapan. Ang poverty porn din ang humihimok sa mga tao na magkaroon ng kawanggawa sa pagbibigay ng donasyon bilang tulong ngunit hindi para magkilos protesta para sa ganitong problema. Ang pagbibigay tulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng donasyon ay hindi makatutulong upang mabuhay ng matagal at matutong mabuhay ng hindi umaasa sa ibinibigay ng iba, gaya na lamang nang pagpapakain sa mga batang kabilang sa nakakaranas ng malnutrisyon, ang pagkain na iyon ay sapat lamang para mabusog ng ilang oras ngunit hindi nito mabubusog muli ang nagugutom na sikmura sa mga susunod pa na oras.  Hindi Donasyon ang kailangan upang masolusyunan ang kahirapan, ang nararapat ay mabigyan ang bawat pamilya nang mapagkakakitaan, upang hindi na muling umasa sa iba at magkaroon ng tunay na pagkatuto sa pagwakas ng sariling kahirapan sa loob ng tirahan.
Ang Cultural Capitalism naman ay ang mga aplikasyon mula sa mga teorya ng kapitalismo. Ang mga masasamang epekto nito ay, nagiging konsyumer tayo sa kapitalistang komunidad at nagkakaroon ng implikasyon. 
Sa ilalim ng Sistemang Kapitalismo, Pyudalismo at Imperyalismo ay mga manunulat na nakilala sa mga akdang sumasalamin sa mga isyung ito, na kinahaharap ng bawat indibidwal. 
Ang manunulat na si Itzok Isaac Granich o mas kilala bilang Mike Gold ay nagpatunay na kaya nitong magsulat at may kakayahang sumulat ng isang literatura kahit kabilang ito sa anakpawis. Sa piling ng kapwa nito maralita ay nakabuo siya ng isang malakas na sigaw sa pamamagitan ng kanyang akda na naghuhumiyaw para sa karapatan, kapakanan at dignidad ng uring api't anakpawis. Kumawala ito sa kahon na isinukat ng komunidad para sa mga hindi katulad ng mga panginoong may lupa. Si Lazaro Francisco ay sumulat ng literatura na nagpapakita ng Pyudalismo. Samantalang ang manunulat na si Amado Hernandez ay nakabuo ng literatura patungkol sa Sistemang Imperyalismo. Halimbawa nito ay ang Ang Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya. Sa panahon ng Martial Law, ang mga literatura na lumabas ay nagpapakita ng kalagayan ng sistema ng lipunan, kung paano ang sistemang ito ay pumapatay ng mga tao. Ang nakikitang solusyon ay ang demokratikong rebolusyong bayan na may layuning pabagsakin ang tatlong salut ng lipunan; Imperyalismo, Pyudalismo, Kapitalismo o Bureaucratic Democracy. 
Ang mga literaturang dinakakila ang anakpawis ay ang mga literaturang itinaas ang uring anakpawis at naglayong magmulat. Ang Pasyon ng Isang Manggagawa ni San Juan Jr. ay tungkol sa Class Struggle at karapatang pantao. Ang Kasama naman ni Bayani S. Abadilla ay tungkol sa Contributing Class Struggle at kalayaan ng Anakpawis, nakatuon ito sa pagmumulat ng mga tao. Ang Sigaw ng Anakpawis sa Naghaharing Uri ni Domingo Landicho ay puno ng galit sa mga Burgis.
Literatura ay maaaring maging kalasag sa isang mapaniil na lipunan. Mayroon itong kapangyarihang gumising ng kamalayan at magpakita ng totoong kondisyon ng bansa. Hindi lamang binubuo ng mga titik ang mga salitang nailalagay sa panitikan, ito rin ay kinabibilangan ng husay at talento upang maipamalas ang nag-aalab na puso para sa inaasam na pagbabago. Hindi lamang ito instrumento ng mga mamamahayag at manunulat, ito rin ay ang umpisa na ng rebolusyon tungo sa kaunlaran. 
0 notes
yllenalorelai · 5 years
Text
BLOG #7: ANG MGA KABABAIHAN SA ILALIM NG GAHUM NG KALALAKIHAN
 (Ang Kabastusan ng mga Filipino, Isagani Cruz) 
Tumblr media
biw=1647&bih=729&tbm=isch&sa=1&ei=BtGmXem0BaCLr7wP7siIgAQ&q=babae+clipart+black+and+white&oq=babae+clip&gs_l=img.3.1.0l2j0i5i30l6j0i8i30.10014.10948..13010...0.0..0.98.448.5......0....1..gws-wiz-img.......0i67j0i3.GaItY8-aOKQ#imgrc=eR3xRX3-2nwu2M:
Ang kababaihan sa de-kahong imaheng ibinibigay ng lipunan ay kinikilala bilang mahina at hindi nakatatayo sa sarili nitong mga paa. Samantala, ang istrukturang patriarkal sa lipunan ay bumuo ng isang makalalaking intelektuwal. Ang mapaniil na istrukturang hindi kumikilala sa karapatan ng mga babae ay sapilitang ipinalulunok. Maraming panahon na ang lumipas at kung sisipatin ang kasalukuyan, maaaring sabihin na unti-unti nang naitaas ng mga kababaihan ang estado nito sa lipunan, ngunit hindi maipagkakailang hindi pa rin ito tuluyang naisasakatuparan. 
Tumblr media
biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=uNOmXfmQGtGSr7wPrtaNwAQ&q=karahasan+sa+kababaihan&oq=karahasa&gs_l=img.3.1.0j0i67l2j0j0i67l2j0j0i67j0l2.20553.23855..25540...2.0..0.103.740.7j1......0....1..gws-wiz-img.CkhQiNVlvYc#imgrc=LUzgDemjo9yGPM:
Sa higit kumulang labing walong siglo na nagdaan, napasailalim ang katayuan ng babae sa diskriminasyon at opresyon. Sa likod ng mga batas laban dito ay nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakapantay-pantay, ngunit ang hindi pantay na pagtingin ay hindi natural, nangyayari ito dahil ginagawa ito ng lipunan. Ito ang mga isyu na tumutukoy sa kasarian o ang mga ginagampanang tungkulin ng babae at lalaki. Ang hegemonya o gahum ay bumubuo nang tinatanggaap na ideolohiya ng lipunan, gaya na lamang nang pagkakaroon ng kontrol ng mga elitista sa sistema ng pulitika ng Pilipinas. Binibigyang halaga ang mga panginoong may lupa na maluklok sa pwesto ng gobyerno, na kung saan ang natamong edukasyon at dami ng ginto ang kumikilala dito upang maging karapat-dapat na maging pinuno ng bansa. Ang maliit na grupo ng mga nasa mataas na uri ng lipunan ang siya lamang may kapangyarihan na mamuno ay patuloy na ipinapasa sa loob lamang ng kani-kanilang pamilya. Simula noon ay naging dominante ang ganitong pag-iisip. Sa kasamaang palad, ang mga tao na hindi kabilang sa grupo na ito ay walang mga karapatan at kung mayroon man ay hindi nalalapit sa natatamasang opurtunidad at prebilehiyo ng mga elite, tulad nang kinahaharap ng mga babae patungkol sa pamumuno.
Noong panahon ng mga Datu, Maharlika, Aliping Namamahay at Aliping Sagigilid, ang mga lalaki lamang na tinatawag na datu o rajah ang may kapangyarihan sa buong komunidad. May awtoridad at kapangyarihang magbaba ng utos, habang ang mga babae ay tagapagsilbi at hindi maaaring sumanib sa grupo ng mga kalalakihan na layong lumaban sa mga mananakop gamit ang armas dahil sa kaisipang ang mga babae ay para lamang sa mga gawaing bahay dahil sa mahihinang pangangatawan. Ang gahum ay may kakayahang manipulahin ang halaga ng isang lipunan tulad nang pagmanipula nito sa gampanin at ang mga dapat lamang na gawin ng isang babae sa ginagalawan nitong komunidad. Ayon sa mga nabanggit na mga halimbawa ng kwento sa akda ni Isagani, nagpakita ito ng matinding pagkahumaling ng babae sa isang lalaki, na kahit binastos siya nito ay may ilang ulit niya pa rin itong tinanggap. Sa ganitong mga usapin, kapansin-pansin ang paghahari ng gahum ng kalalakihan. Mayroong pag-iisip ang mga babae na sa lalaki lamang ito makakahanap ng ligaya, hindi nito kayang mabuhay kung wala ang lalaki at upang kumita ng pera ay kailangan nitong ipagbili ang sarili. Ang ganitong kaisipan ay nagpababa sa moral na dignidad ng mga kababaihan, tinitignan ang babae bilang kagamitan o palamuti na kung tutuusin ay higit pa rito ang halaga ng mga babae sa lipunan. Sa ganitong sistema ay namamarkahan ang pagkakaiba ng lalaki sa babae.
Tumblr media
biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=wtWmXfaHJo-Lr7wPhc2s6A0&q=kilusang+pemenismo+clip+art+black+and+whte&oq=kilusang+pemenismo+clip+art+black+and+whte&gs_l=img.3...21389.25212..25786...0.0..1.310.1737.17j3-1......0....1..gws-wiz-img.k9GKyWl88go&ved=0ahUKEwj28OOZr6DlAhWPxYsBHYUmC90Q4dUDCAc&uact=5#imgdii=dMJTKxGGMf8GkM:&imgrc=4rbNENLsgJJ82M:
Ang pagtrato at paglilimita sa tungkulin ng bawat kasarian na nabanggit ay humantong sa pag-usbong ng Kilusang Peminismo, na naglalayong labanan ang anumang diskriminasyon at pang-aabuso sa kababaihan at maisulong ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng larangan ng buhay.
Ang pagtataya ng walang paglilimita sa ginagampanan ng kasarian sa iba't ibang larangan at institusyong panlipunan tulad ng pamilya, relihiyon, edukasyon, trabahaho at pamahalaan ay makapagdudulot ng malawakang pagtanggap sa kakayahan ng babae kahalintulad sa mga kayang gawin ng mga lalaki. Marami ng tanyag na mga babae ang kinikilala dahil sa angkin nitong mga kakayahang pumapantay sa abilidad ng lalaki. Namayagpag at patuloy na namamayagpag sa iba't ibang larangan. Sa usapin ng trabaho, ang mga babae ay nakakatanggap na rin ng prebilehiyong magtrabaho sa iba't ibang sektor at sa usapin ng pamumuno, ang mga babaeng lider tulad ni Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo ay nakapagpatunay na kayang pamunuan ng babae ang malaking bilang ng tao sa isang bansa. Ang larawan ng estrukturang panlipunan ay nakalikha ng di-tuwirang diskriminasyon ngunit sa pag-alpas ng taon, unti-unti nang napasasakamay ng mga kababaihan ang karapatan nito sa lahat ng aspeto ng bagay. 
Tumblr media
biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=fNKmXZOdDpiLr7wPk-6cqA8&q=diskriminasyon+clipart&oq=diskrimin&gs_l=img.1.2.0i67l9j0.3993.3993..5488...0.0..0.101.101.0j1......0....1..gws-wiz-img.X7UNzVPzchM#imgdii=ihQ8snS0M6fwtM:&imgrc=B-Er4jvv_LPqXM:
Nagsisulpultan man ang mga institusyon na sumusporta sa pangangalingan nito, kung ang iilan pa rin sa ating mga babae ay patuloy pa rin sa pagkakaroon ng makalalaking intelektuwal, hindi pa rin tagumpay at ganap na maisasakatuparan ang inaasam na karapatan.
0 notes
yllenalorelai · 5 years
Text
BLOG #6: Mga Pelikula Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino
(Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang "Idolo" : Apat na pagpapahalaga sa Dula at Pelikulang Pilipino, Nicanor Tiangson)
Tumblr media
biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=x9mmXY-AJKq4mAXjyqmIAQ&q=pelikula+clip+art+black+and+white&oq=pelikula+clip+art+black+and+white&gs_l=img.3...3140.3140..4754...0.0..0.96.96.1......0....1..gws-wiz-img.1xu_VszM_oI&ved=0ahUKEwjP_7aEs6DlAhUqHKYKHWNlChEQ4dUDCAc&uact=5#imgdii=rxFwW-RzsdiL4M:&imgrc=lUrXg60LSF6mnM:
Noon pa man ay isa na sa paboritong libangan ng mga Pilipino ang panonood ng pelikula dahil nakapagbibigay ito ng aliw at malayang  nagagamit ng manonood ang kombinasyon ng dalawang uri ng pandama nito, ang paningin at pandinig. Ang mga gumagalaw na imahe ay nilalapatan ng iba't ibang ekspresyon tulad ng musika at tunog upang lalong makakuha ng atensyon. Sa pamamagitan ng mga salitang may kalayaang ipahiwatig ang depinisyon nito, ay nabubuo ang mga ideya na siya namang tinatanggap ng mga manonood, ito naman ay nakapagpapagana ng imahinasyon sa sunud-sunod na pangyayari sa isang pelikula. Ang patuloy na pagpapalabas ng mga pelikula ay nagpaigting sa kakayahan nito na magmanipula ng isip ng masa. Tinalakay ni Nicanor Tiongson ang apat na pagpapahalaga sa pelikula. 1) Maganda ang Maputi, 2) Masaya ang May Palabas, 3) Mabuti ang Inaapi at 4) Maganda Pa ang Daigdig. 
Maganda ang Maputi 
Kung susuriin ang mga pelikula na itinatampok sa publiko, kapansin-pansin ang mga nagbibigay buhay sa karakter ng isang magandang bida, ang mga artistang nagtataglay ng mapuputing balat ang gumaganap nito. Sa patuloy na paggamit sa mga mapuputi bilang tagapagganap sa karakter ng magandang bida ay unti-unting nabuo sa pagiisip ng mga manonood na ito ang huwaran ng salitang kagandahan. 
Ang mga Pilipino ay may mga katangian na sarat ang ilong, hindi katangkaran, itim ang mga mata at kayumanggi ang balat. Ibig sabihin ba nito'y hindi magagandang babae o lalaki ang mga Pilipino dahil sa kayumangging balat nito? 
Masaya ang May Palabas
Ang mga istorya o mga pangyayari na umiikot sa isang pelikula ay nakapaglalahad ng tema at paksa. Ito ang diwa at puso ng isang palabas na inilalabas sa publiko. Ang layunin ng isang pelikula ay magbigay aliw sa mga manonood. Naisasakatuparan ito sa malinaw na pagtatagpi tagpi ng mga sitwasyon. Upang maging kaaya-aya ang mga pelikula, binibigyan ng kalayaan ang isang istorya na makapukaw ng interes. Maaaring drama, komedya o katatakutan ang maging sentro ng atensyon ng isang palabas. 
 Mabuti ang Inaapi
Ang mga istorya gaya ng buhay ni Cinderella at si Sarah ang munting prinsesa ay parehong inapi at pinahirapan, ngunit ang papel na ginagampanan ng dalawang bida ay mabuting tauhan sa kwento. 
Maganda Pa ang Daigdig 
Sinasalamin ng pelikula ang larawan ng daigdig bilang isang maganda. Nagpapakita ng pag-asa at kapayapaan. Sa kabilang dako, ipinararating lamang nito na kung saan man ang kasaglakan ng mga gumaganap sa karakter, mayroong mga pangyayari ang makapagbabaliktad ng kani-kanilang kwento. 
Ang biswal at aural na batayan sa pagsusuri ng isang pelikula ay nakatutulong upang ganap na maintindihan ang ibig ipaabot ng mga istorya na itinatampok. Ang mga ito'y tumatatak sa kaisipan ng mga manonood at lumilikha ng ugali ng isang tao batay sa napanood.
0 notes
yllenalorelai · 5 years
Text
BLOG #5: Subsob sa Likuran ng Ibang Dimensyon
(Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet, U Eliserio)
Tumblr media
https://www.google.com/search?biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=zdmmXe_1KMLFmAWzq72QDw&q=internet+clip+art+black+and+white&oq=internet+clip+art+black+and+white&gs_l=img.3..0.1775999.1777830..1778105...0.0..0.96.693.8......0....1..gws-wiz-img.......0i7i30j0i7i5i30j0i8i30.Oqr7skeO5CY&ved=0ahUKEwivkKqHs6DlAhXCIqYKHbNVD_IQ4dUDCAc&uact=5#imgdii=-HTWW66fwRdApM:&imgrc=n-QS0miP9psSIM:
Ang Internet bilang kasangkapan sa pagpapanatili ng sirkular na pag-ikot ng kaalaman at mga ideya ay nagdudulot ng malawakang paghubad sa pagkakakilanlan ng indibidwal. Maaaring instrumento ito sa pagkonekta ng iisa sa masa ngunit sa kabila nito ay ang walang humpay na pagratsada ng mga reaksyon at komento ng mga taong makakakita ng mga salitang ipinapamahagi sa loob ng internet.
Ang kalayaang magbigay ng saloobin ay naipadarama ng mga kakayahan ng blog, kung saan hindi limitado ang mga galaw at ang mga nais ibahagi. Ang blog na naglalayong maging boses ng walang tinig ay nakapagbibigay ng kapangyarihang magpahayag ng kanya-kanyang sensibilidad, may lakas magbigay ng opinyon at humimok ng kamalayan. 
Tumblr media
biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=buGmXevjIeuGr7wP8JOQiAU&q=blog+clip+art+black+and+white&oq=blog+clip+art+black+and+white&gs_l=img.3...2354.2354..3190...0.0..0.88.88.1......0....1..gws-wiz-img.ytYEMDK1-QU&ved=0ahUKEwjr0sSquqDlAhVrw4sBHfAJBFEQ4dUDCAc&uact=5#imgdii=DR9qVTZjyf6Z1M:&imgrc=4YTyINlNe96wNM:
Ang blog ay talaan sa internet na may kakayahang paglaruan ang mga salita at ang kaisipan. Walang duda ang pakinabang ng mga website sa internet gaya na lamang ng blog, mabilis ang serbisyo ngunit kung ano ang ikinabilis nito ay ganoon din sa mga kritisismo na matatanggap mula sa iba't-ibang pananaw ng mga mambabasa. Maaaring negatibo o positibo ang pumukol sa iyo, ngunit parte lamang ito nang pagiging mamamahayag, sapagkat wala namang mangingialam kung hindi ito nakapagbigay ng rason para pakialaman. Ang mga inihahain sa publiko ay nagagawang pag-usapan ng marami, isang katunayan na kayang magwagi nang pagkilos sa paraan ng sining at mga likha, sa pamamagitan ng koneksyon sa internet. 
Ang pagpapalaganap ng mapagpalayang kaisipan ay nagbubunga ng malawakang paghahain ng mga saloobin patungkol sa isyung panlipunan at mga ordinaryong gawain sa araw-araw. Sa paraan nang paglalathala nito online ay naiaabot ito hindi lamang sa iilan kung hindi sa karamihan. Sa kabila ng magagandang naidudulot nito ay mistulang nagsasalsal sa publiko ang mga blogger. Sa paraan nang hubarang paglantad ng sarili sa publiko ay ganap na naisasakatuparan ng talaan ng internet ang tunguhin nito na gawing alipin ng ibang dimensyon ng mundo ang mga tao.
Ang labis na pagbababad sa internet ay nakapagdudulot ng masamang epekto, ang sobrang pagkawili sa paggamit ng blog ay lantarang naisisiwalat ang mga dapat ay pribadong napag-uusapan at hindi na nararapat pang isapubliko. Ang mga nailabas sa internet ay maaaring bawiin sa paraan ng pagbubura nito ngunit ano pa ang saysay nang pagbubura kung ang lahat ay nagawa na itong makita. Maaaring sabihin na kapaki-pakinabang nga ito ngunit isa ito sa mga salik na pinag-uugatan ng mga isyu at iba pa.
Ang mga taong tuwiran at di-tuwirang gumagamit nito ay binabansagang Public Figure, ang mga ito ay kayang mag-impluwensya ng maraming bilang ng taong tagapagsubaybay. Makapangyarihang ang blog, ang mga kakayahan nito ang nagpapatunay ng mga kaya nitong gawin para sa mga gumagamit at nagpapagamit.
0 notes
yllenalorelai · 5 years
Text
Blog #4: Ang Kakayahan nang Sinasalitang Tunog
(Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan, Conrado de Quiros)
Tumblr media
https://www.google.com/search?biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=v-SmXf6wI6GJmAXdzbjIBA&q=wika+clip+art+black+and+white&oq=wika+clip+art+black+and+white&gs_l=img.3...6775.6775..7021...0.0..0.95.95.1......0....1..gws-wiz-img.0rZ64hLj-Sk&ved=0ahUKEwi-jLG_vaDlAhWhBKYKHd0mDkkQ4dUDCAc&uact=5#imgdii=eZE6BjRCZZUTQM:&imgrc=--RjjxbsDV6C2M:
Mula sa Hilaga, Silangan, Timog at Kanluran o saan mang panig ng mundo, nakatanim sa bawat kultura at tradisyon ang sinasalita nitong lenggwahe.
Mandarin, Espanyol, Ingles o Filipino ay iilan lamang sa wikang sinasalita. Mga wikang may kapangyarihang kumonekta at magsalin ng impormasyon.
Ang wikang pambansa ay hiyas ng ating lahi. Hindi lamang ito kasangkapan ng ating pagkatao kundi isang pagwawangis ng mga Pilipino sa isang malayang paru-paro. May taglay na kalayaang tinatamasa sa paggamit ng sarili nitong pagkakakilanlan. Subalit sa paglipas ng panahon, tila ba'y humina ang kapangyarihan ng ating wika para sa mga taong may kolonyal na mentalidad.
Kung magbabalik tanaw sa kasaysayan, binigyan diin ng wika ang kakayahan nito. Kakayahang maghati ng estado sa lipunan. Ang mga gumagamit ng ingles ay nag aastang ‘superior’ at tingin sa mga hindi marurunong gumamit nito ay 'inferior’. Hindi maipagkakaila na wika ang siyang naging kalasag sa matagumpay na pananakop ng mga kolonyalistang bansa, tulad na lamang ng Amerika. Pinaniwala ang mga Pilipino sa tulong na ibinigay nito. Ang mga Amerikano na nagbigay ng edukasyon at itinuro ang kanilang wika na siya namang kabaliktaran ng mga Kastila sa pagkakait nito. Ngunit walang anu-ano'y paraan pala ito ng malawakang pagsakop sa sensibilidad nating mga Pilipino.
Unti-unti, ipinasok ang kulturang dayuhan sa bansang Pilipinas. Dumami ang gumagamit ng ingles at nabago ang mga gawi. Kakambal ng tulong para sa progresibong bansa na maituturing ay ang malaking kapalit na lumilimot sa kahalagan ng wikang bernakular. Ganap na nahuhubaran ng sasay ang wikang pambansa dahil sa sinasalita ng mga banyaga. Hindi lamang ito kalipunan ng mga salita, isa itong kamalayan.
Walang masama sa pagkakatuto ng iba’t ibang lenggwaheng nabanggit sa una pa lamang nitong akda, ang mali ay ang talikuran at limutin ang sariling wika. Isiping pangalawa lamang ito o pang ilan sa listahan ng iba pa. Nararapat na kasabay nang pagkatuto sa ibang wika ay napapalalim din ang atin, o mas napapayabong at nagiging tanyag. Mistulang umuugang bundok ang wikang atin para sa mga natututo pa lamang, dahil hindi pa nga ito matibay para sa iilan o karamihan, sinalinan na agad ng ibang wikang nakapaggugulo sa pagkaintindi ng tao, tulad na lamang ng mga libro at asignaturang itinuturo na nakalimbag sa wikang Ingles.
Nakapikit ang diwa sa usaping tulad nito, o sadyang hindi mulat at natuto sa itinuro ng kasaysayan patungkol sa kapangyarihan ng wika. Ang wika ay ang kasaysayan, kasalukuyan at hinaharap. Saklaw nito ang nakalipas. Ang pagyakap sa sariling atin ang tunay na kalayaan. Yakapin mo ang wikang atin.
0 notes
yllenalorelai · 5 years
Text
Blog #3: Hindi Mapanagutang Edukasyon sa Ilalim ng Kurikulum
(Edukasyon Para sa Iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita, Bienvenido Lumbera)
Sa panahon na kung saan buhay ang pag-aakalang ang mundo ay umiikot sa pera, kaliwa't kanan ding umuusbong at nananatili ang mga taong naniniwala sa ganitong mga kataga. Ang bawat isa'y walang humpay na gumagawa ng sari-sariling kwarta upang mabago ang mapait na buhay na siyang kinalalagyan. Ngunit lumipas man ang mga taon sa pagkakayod kalabaw ay hindi pa rin maiangat ni Pedro ang kanyang sarili sa putik na kinasasaglakan. 
Sino nga ba sa atin ang ayaw yumaman? Kung gagawa man ako ng surbey patungkol sa tanong na iyan sa mga Pilipino ay hindi maitatagong, walang sinuman ang gugustuhing maging mahirap. Ang pera bilang kapangyarihan ay nagpausbong sa kapitalismo ng bansa. Ang mga kapitalista ay lumaganap at patuloy na lumalaganap, nag-umpisang mamuhunan at nagtayo ng negosyo na tumutugon sa pangangailangan ng masa, at ito ay ang institusyong pang-edukasyon o ang pribadong paaralang pantangi bilang produkto nito. Hindi linggid sa ating kaalam na ang paaralang pantangi ay may pinapaboran. Hindi ka maaaring makapasok bilang estudyante kung walang pamalit bayad sa edukasyong ibinibigay ng institusyon. 
Bilang estudyante na sumubok mag-aral sa pribadong paaralan sa pamamagitan ng 'voucher' na ipinanukala't ibinigay ng gobyerno mula sa pondo para sa mga estudyante, napansin kong isang malaking suliranin ang mga gastusin sa loob nito, lalo na kung hindi kabilang sa gitna at mataas na uri ng lipunan. Marami ang tulad ko na galing sa pampublikong paaralan at sinubukan ang kapalaran sa pantangi. Sa pagooserba'y nalaman kong malaki ang kontribusyon ng pera upang mabayaran ang mataas na matrikula, at kung wala ka nito'y mag isip-isip kana. 
Kapansin-pansin ang pagkakaiba ng paraan nang pagtuturo rito kumpara sa mga pampubliko. Sa kagamitan pa lamang na malayang nagagamit ay magkalayong magkalayo na, idagdag pa ang magagandang pasilidad na hindi de-bentilador ang mga silid. Ito ay midyum nang pagkatuto ng mga estudyante dahil sa komportableng pakiramdam habang nag-aaral na nakakapagpabawas ng 'stress' sa diskusyon sa bawat leksyon at ang mga kagamitan na nakatutulong sa madaliang pagsagap ng impormasyon. Kaya naman, ang mga magulang kasama na ang mga anak ay tinitingala ang ganitong mga paaralan. Upang makapaghalubilo sa mga mayayamang estudyante ay kailangang umasal mayaman ni Pedro kahit maralita ito. 
Mariing isinasaad ng mga opisyal ng paaralang pantangi ang sistema ng edukasyon sa loob nito. Isinusubo ang pagtanggap sa kultura ng mga kolonyalista, dahil kung babalik tayo sa nakaraan, ang mga Amerikano ang naging kabalikat ng mga panginoong may lupa na nagtatag ng ganitong institusyon dahil sa ambisyon. Ambisyong mapalawak ang kapangyarihan at mapangalagaan ang pag-aari, kaya nama'y kumapit ito sa kolonyalistang bansa. Bilang kapalit, tinanggap ang kultura ng dayuhan at sinikap maging kamukha nito. Sa paraan ng, pagbababa ng kautusang naglalayong tangkilikin ang dayuhan tulad na lamang ng, "English Only Policy" na kung saan ang mga estudyante ay hindi makaliligtas sa pagsasalita ng wikang ingles.Bukod pa riyan ay ang pagsusulong ng kaisipang gustong pumantay sa kasanayan ng iba.
Nakalulungkot isipin na, ang mga pamilyang biniyayaan ng pera ang siya lamang kayang makapag-aral sa mga pribadong paaralang pantangi. Sila at sila lamang ang may kakayahang makaranas ng mga bagay na ibinibigay ng ganoong mga paaralan. Ngunit sa panahon ngayon, ang mga kursong kayang ibigay ng mga pantanging paaralan ay naibibigay na rin ng mga pampublikong paaralan ng walang bayad at libre para sa lahat. Puhunan ang talino at determinasyon upang makapasok. Salat man sa pasilidad ngunit hindi sa kaalamang kaya nitong ibigay, kaya't hindi na kailangang mag-asal mayaman ni Pedrong maralita upang makipagsabayan sa mga estudyante mula sa pantangi dahil may katulad siyang maralita na natutustusan ang pangangailangan sa edukasyon ng hindi namomoblema sa pantustos.
0 notes
yllenalorelai · 5 years
Text
BLOG #2: BIHAG NG KOLONYAL NA INSTITUSYONG PANG-EDUKASYON
(Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin, Bienvenido Lumbera)
Dayuhan, tahasang nang-angkin at kumamkam ng hindi pagmamay-aring kayamanan. Pilipinas, bansang binalot nang pananamantala. Pilipino, alipin! May ilang ulit nang sinubukang agawin ang kasarinlan ng mga Pilipino, at may ilang ulit na ring nagtagumpay ang mga dayuhan na gawing alipin ang mga Pilipino sa sarili nitong bansa. Lumipas ang mahabang panahon, ang kalayaang gustong makamtam noon na inaakalang kalayaang tinatamasa ngayon ay kalayaan nga bang maituturing?
Tumblr media
https://www.google.com/search?biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=HOemXe3LCPKGr7wP0saVyAg&q=voices+clip+art+black+and+white&oq=voices+clip+art+black+and+white&gs_l=img.3...3313.4401..5096...0.0..0.110.568.4j2......0....1..gws-wiz-img.......0i19j0i7i30i19j0i7i30.Kec0j1NZxrU&ved=0ahUKEwjtydTfv6DlAhVyw4sBHVJjBYkQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=NHZY9igJGBddnM:
Sa likod ng mga boses na nagsasabing: "Malaya ka!"  "Pilipino ka!" Ay ang katotohanang: "Hindi ka malaya" "Hindi ka tunay na Pilipino"
Ang mga boses na naririnig ng mga tainga mo, ay galing sa bibig ng mga dayuhang tuwirang sinasakop muli ang utak mo. Nakatago sa maskarang nakangiti ang katotohanang hindi ka talaga malaya. Sa kadahilanang, Nakakulong ka pa rin sa kolonyal na mentalidad.
 Ang Kaalaman na ibinibigay sayo ng mga pribado at pampublikong paaralan ay nasakop na ng mga imperyalismong bansa. Ang mga librong inilathala hinggil sa kasaysayan ng bansa ay nakalimbag sa wikang ingles at ito rin ang ginagamit bilang wikang panturo. Ang kahusayan sa paggamit ng Ingles ang nagiging batayan nang pagkatuto at tunay na edukasyon. Ang mga pinanukalang pulisiya't batas ay naka ayon sa kulturang dayuhan. Pilipino ang dugo ngunit asal dayuhan sa sarili nitong bansa. Mababa ang tingin sa mga lokal na produkto at talento.
Sa kasalukuyang sistemang pang-edukasyon, kapansin-pansin pa rin ang pagkakatulad nito sa nakaraan. Daang taon tayong pinagsamantalahan ng imperyalismong Estados Unidos at iba pang mga bansa ngunit sa hindi matukoy na dahilan ay nangangamoy pa rin ang sikretong pananakop nito sa kamalayan ng mga Pilipino. Paano nga ba mahuhuli sa aktong pananamantala kung nakatago ito sa aninong tumutugon sa pang-indibidwal na  interes at pangangailangan. 
Sa patuloy na pagkahumaling at pagtangkilik sa mga talento at produktong dayuhan ay ang patuloy din na pamamayagpag ng kolonyalismo sa bansa. Nakalulungkot isiping hindi pa tayo tuluyang nakakalaya. Hindi ganap na nakalaya sa posas na tayo rin ang gumawa. Hindi maitatanggi, ang sanhi at bunga ng mahabang pagkakaalipin ng mga Pilipino ay ang sarili rin nito. Ang tunay na kalaban ay Pilipino mismo. Mga Pilipinong nagpalamon sa gutom at uhaw na sistemang maka dayuhan. Kung ano tayo noon ay ganoon pa rin ngunit lumala ngayon.     
0 notes
yllenalorelai · 5 years
Text
MISEDUKASYON: Lulan ng Kaalaman
(Misedukasyon, Documentary IBON Foundation, 2001)
Tumblr media
https://www.google.com/search?biw=1647&bih=656&tbm=isch&sa=1&ei=x-SmXZzkMoCRr7wP6LWSoA8&q=misedukasyon+clip+art+black+and+white&oq=misedukasyon+clip+art+black+and+white&gs_l=img.3...413903.415804..416024...0.0..0.100.1059.10j2......0....1..gws-wiz-img.......0i19j0i7i30i19j0i7i30.LCYr8qbABnc&ved=0ahUKEwjc46jDvaDlAhWAyIsBHeiaBPQQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=L8CAwnQiqGRyRM:
Mula sa Tradisyunal at Modernong Panahon, nagpapalit-palit na ang mga nauusong kagamitan at patuloy na nagbago ang mga nakaugalian, ngunit ang Sistema ng pagkatuto ay nanatiling nakahanay sa linya nitong ginagalawan at nanatili ring kabilang sa hindi matapus-tapos na usaping pang-edukasyon. Kaliwa’t kanan ang walang tigil na mga paratang papukol sa institusyon ng paaralan.
Para sa karamihan, ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan. Ito ay kahalintulad sa mga sagot mula naman sa bibig ng mga estudyanteng ginugol ang mga taon sa paaralan, at ganito ang mga saad: “Upang magkaroon ng magandang hanap-buhay.” “Upang matuto.” “Upang magkaroon ng kinabukasan.”
Kung bibigyang boses ang mga magulang na nagpapaaral ay ganito ang kanilang saad: “Ito lamang ang yamang maibibigay na ‘min.”
At mula naman sa iilan, ang edukasyon ay sandata sa katiwalian at mapaglarong utak ng sangkatauhan.
Mapapansing mababaw ang depinisyon ng iba tungkol sa edukasyon. Kung bakit ko nasabi ay sa kadahilanang, ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi kasanayan at kaalaman na kailanma'y hindi mapagsasamantalahan ng ninuman. Isang armas na magagamit sa namumuong masasamang balak.
Ayon sa musikang inilapat sa dokumentaryong pinamagatang Misedukasyon, ang gobyerno raw ay may maliit lamang na badyet sa edukasyon. Kung susuriing maigi ay makabubuo ng suhestiyon patungkol dito. Hindi maitatangging, malaki ang kakulangan sa magandang pasilidad at mga kagamitan sa proseso nang pagbibigay kaalaman, sa mga nakaupo sa kani-kanilang sira-sira o kung hindi ma'y lumang upuan.
Totoong parang mga kabayong nagpapaligsahan sa pabilisan nang pagtakbo ang pagtaas ng mga bayarin. Habang tumataas ang presyo ng mga bilihin ay bumababa ang demand ng mga konsyumer dahil isa ito sa epekto ng mga salik. Isang leksyon na paulit-ulit na 'ting napag-aaralan sa asignaturang Ekonomiks. Maaaring ang mataas na presyo ng mga kagamitan ang nagiging dahilan nang pagkakaroon ng kakulangan sa mga silid-aralan, dahil maaaring hindi ito kayang bilhin ng pamahalaan para sa libu-libong estudyante ng pampublikong paaralan.
Sa musikang napakinggan ko sa dokumentaryo, isang linya sa liriko ng kanta ang nagpagising sa natutulog kong kamalayan. At ganito ito binigyan ng tono at tunog: “Hindi inilalako ang edukasyon, kaya tutulan ang komersyalisasyon.”
Sang-ayon akong hindi nararapat ibenta o pagkakitaan ang edukasyon, dahil dapat lamang na ibigay ito ng libre at hindi pinagigitnaan ng kwarta o anumang salapi. Patuloy ang pagtaas ng matrikula, at parang mga gulay at prutas kung itinda ang edukasyon sa madla. Isa itong pagpapatunay na tumitindi ang komersyalisayon sa bansa.
Ang bidyung may titulong Misedukasyon ay masasabi kong napapanahon, sapagkat magmula noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang problemang kinahaharap ng bansa. Maraming beses nang pinagusapan ngunit hindi pa rin payak na nasolusyunan.
Mayroong isang parirala na maaaring maging wakas nitong akda. Ito ay ang: “Kapag mulat kana sa katotohanan, kasalanan na ang pumikit.”
Ngayon na mulat kana at kapansin-pansin ang talamak na paggamit ng midya, maging mapanagutan sana ang paggamit mo ng teknolohiya. Magkaisa upang wakasan ang Misedukasyon.
0 notes