Tumgik
yoimleigh · 4 years
Text
My Summer Love Story
Tumblr media
Yen Ocariza © 2018
It was the last day of school. Finally, makakapagpahinga muna ako sa mga projects and other school stuff. It had been a memorable semester. Masayang school trips, laughtrip with friends, brainstorming sessions na nauuwi sa slumber parties at higit sa lahat mga cramming projects and requirements na nauuwi pa rin sa A+.
Later that afternoon, Ella texted me. Pinapapunta ako sa tambayan. Haaay, magde-date na nga lang sila ni Francis, damay pa ‘ko. E pa’no, wala akong lovelife ngayon. “Haynako! Ang kulit talaga nitong si bestfriend. Makapagbihis na nga’t baka mangulit pa lalo ‘to,” sabi ko sa sarili ko sabay bangon mula sa kama. “Hello, Els? Oo, papunta na ‘ko. I’ll be driving. Sige, bye.” Tinawagan ko na para di na mangulit.
While I was driving my way to Outback Steakhouse, I saw a couple fighting along the street. “Tss. Kaya ayokong nagkaka-boyfriend e, aksaya sa oras. Dagdag stress pa,” naibulong ko na naman sa sarili. Few minutes passed, I arrived at my destination. I parked my car malapit sa entrance ng steakhouse. Pagkapasok ko, nakita ko kaagad sina Ella at Francis, as usual, nilalanggam na naman sa sobrang sweet. “Hoy! Tama na ‘yan, kakarating ko lang pero pinapapak na ‘ko kaagad ng mga langgam,” biro ko sa dalawa kong kaibigan. Sumabat si Francis, “Haynako Juls, palibhasa kasi wala kang boyfriend kaya kami ni Ella pinagtitripan mo.” “Oo nga Juls, maghanap ka na nga ng boyfriend. Tapos double date tayo,” sagot naman nitong kaibigan kong ewan na may pang-asar na ngiti. “Els, Frans, wala akong time sa mga ganyan. ‘Tsaka, nag-promise ako kina mom and dad na I’ll have to finish my studies first before settling down ‘no.” “Juls, boyfriend lang, ‘di asawa. Settle down ka dyan,” natatawang sagot naman ni Ella.
“Whatever. Ano, ‘di pa ba tayo oorder?” tanong ko. “Later na Juls, may hinihintay pa tayo,” sagot ni Ella. Maya-maya pa’y dumating na ‘yong taong hinihintay raw namin. Sinalubong sya ni Francis. “Uhmm, girls, this is Iñigo. Pinsan ko, kadarating nya lang kahapon from the States,” pakilala ni Francis sa kanya sa ‘min. “Hi, I’m Ella. Girlfriend ni Francis. And this is my bestfriend, Julia.” Sabat ng maganda kong bestfriend. Nakikipagkamay sya sabay sabing, “Hi, Julia,” with that pamatay-sa-kilig look from his cute, expressive eyes and his warm smile from that kissable lips. Nakipagkamay na rin ako, “H-hi,” nauutal kong sagot.
“Ah. Ahem-ahem.” Singit no’ng dalawa. “Guys, upo na tayo? Okay na, pwede na tayong um-order?” tanong ni Ella. Umupo na kami at nag-order. Tahimik lang akong kumakain nang bigla akong kinalabit ni Ella, “Huy, umimik ka naman, napapanis na ‘yong laway mo, o. Kanina pa kami nag-uusap-usap tatlo dito, ikaw panay lamon ka dyan. ‘Di ako sanay.” Napangiti lang ako sabay tayo, “I’ll just go to the comfort room. Excuse me.” Pagkapasok ko ng comfort room, I heaved a sigh. “Stay calm, Juls. ‘Wag kang magpapahalata na naku-cute-an ka sa kanya. Kaka-meet nyo palang,” bulong ko sa sarili. When I felt better, lumabas na ako at bumalik sa table namin. I was laughing with them already, may times nga lang na nakaw-tingin ako sa crush ko. Minsan nagpapang-abot pa nga mga mata namin e. Nahihiya tuloy ako.
Past 9PM when we decided to leave the steakhouse, we went to Francis’ place to hangout. The boys played PS while us girls decided to bake cupcakes for fun at para makapag-girltalk na rin. “Els, may sasabihin ako,” sabi ko kay Ella. She replied, “Ano ‘yon, Juls?” I heaved a sigh, saka ako nagsalita, “I think I’m liking Iñigo.” Kinilig naman ata si Ella sa sinabi ko, ang laki ng ngiti e. “Secret lang natin ‘yon ah?” pakiusap ko. Tumango lang sya with that smile assuring me I could trust her.
The next day, Ella and I are talking on the phone when she said that Francis had told her something about Iñigo. “O, what about him?” I asked out of curiosity. ‘Sabi ni Frans, Iñigo likes you din daw. Hinihingi pa nga raw number mo sa kanya e,’ sabi ni Ella mula sa kabilang linya. “So, did Francis give it to him?” ‘I don’t think binigay nya, baka kasi magalit ka raw e.’ “Ah,” is the only word I said. I don’t know but I felt a little disappointed when I heard Francis didn’t give him my number.
‘Uyy, nalungkot. Hahaha. Yeeee!’ saway ni Ella. “Anong nalungkot? ‘Di ‘no. Okay lang talaga.” ‘Sus! ‘Wag ka nang mag-deny, Juls. Kilala kita, nasa tyan pa lang tayo ng mga nanay natin, mag-bestfriends na tayo at sabay na tayong lumaki kaya wala kang maitatagong feelings sa ‘kin ‘no.’ “Okay, fine. I felt a little disappointed. Pero really, okay lang.” I assured her. ‘Okay, sige. Ganito nalang. Let’s meet nalang later sa steakhouse. Ano, game?’ pagyayaya ni Ella. “Okay, sure. Sige, bye.” As soon as our conversation ended, I took my time in the bathroom para mag-ayos. It was already 5PM, I’m on my way to the steakhouse to meet my friends.
“Hi,” bati ko kay Ella sabay beso, “sa’n sila?” “Wala pa e, on the way pa raw.” While we were waiting for the boys, I saw someone really familiar. “Juls, ‘di ba si Khalil ‘yon? ‘Yong ex mo?” Nakita rin pala sya ni Ella. “Yeah,” matamlay kong sagot. Hinawakan ni Ella ‘yong kamay ko, “Are you okay?” she asked. Tumango ako and smiled at her. Buti nalang, dumating na ‘yong boys. “Hi girls,” bati sa ‘min ni Francis. “Hi, Julia,” si Iñigo. ‘Eto na naman ‘tong pamatay nyang ngiti,’ sabi ng utak ko. “Hi,” balik-bati ko sa kanya.
Masaya kaming nagku-kwentuhan when somebody showed up beside me – si Khalil. “Hi, Juls,” bati no’ng mokong. “Go away, I don’t wanna talk to you,” pagsusuplada ko. Ayoko naman kasi talaga syang makausap. “C’mon, Juls. Para namang wala tayong pinagsamahan e.” Pang-iinis pa nya. “Pare, ayaw nga raw makipag-usap sa ‘yo e. So, back off!” depensa ni Iñigo. Nagulat ako do’n kaya napatingin ako sa kanya. He smiled at me as if his eyes are saying sya nang bahala. “Bakit, sino ka ba ha?” asar na tanong ni Khalil. “Boyfriend nya, bakit? May problema ka?” sagot ni Iñigo. “Is that true? Boyfriend mo ‘to?” Khalil asked me pointing at Iñigo. “Y-yes, h-he’s my boyfriend,” I replied. Everybody was quiet. I watched Khalil left and weird part is, I felt relieved. But wait, what’s gonna happen now between me and Iñigo? Now that we told Khalil that he’s my boyfriend.
Few days passed and I can still remember what had happened that night sa steakhouse. I don’t know pero parang ang sarap sa pakiramdam, and that moment when Iñigo defended me, it was.. amazing. My phone suddenly rang, ‘Unknown number calling’ sabi sa screen. “Sino naman kaya ‘to?” naitanong ko sa sarili. “Hello? Who’s this?” ‘Your boyfriend,’ sabi sa kabilang linya. “Ha? But I don’t have one,” pagtataka kong naisagot. ‘Oh, so you’re breaking up with me now? Haha. Ouch! That hurts ah,’ biro no’ng mokong sa kabilang linya. “Hey, sino ka ba talaga? Don’t mess with me, okay? Seriously, I’ll hung up.” ‘Okay, okay. I’m sorry. It’s me, si Iñigo.’ Natigilan ako when I heard his name. Gosh, ikaw ba naman tawagan ng crush mo at magpakilalang boyfriend mo sya tignan natin kung ‘di ka ba mapapanganga’t matutulala nyan.
‘Hey, still there?’ tanong nya. “Y-yeah. Sorry.” ‘It’s okay, wanna hangout? I really wanna see you, Juls.’ “Uhmm, ah. Sige, sige. What time, and where?” ‘Now na, baba ka. Andito ako sa labas ng house nyo.’ “WHAT?! SERIOUSLY?!” gulat na gulat kong tanong. ‘Yeah!’ natatawa nyang sagot. I looked at the window and he’s really there. Ohmy, what should I do? Dali-dali akong bumaba. “Pa’no mo nalaman ‘tong bahay namin?” tanong ko pagkabukas ng gate. “Actually, I was with Francis kanina but then he has to go fetch Ella so I decided to drop by here since malapit lang raw bahay nyo e,” paliwanag nya.
“Okay, let’s go?” sabi ko. “Sa’n mo ba gustong pumunta?” tanong nya. “Ikaw na bahala. Ay teka nga pala, ba’t ka nga pala biglang nagyayang lumabas? Wala ka bang girlfriend?” I asked him. “Meron,” sagot nya. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya na para bang tinatanong ng mga mata ko kung sino ‘yong girlfriend nya. And I saw him looking at me, smiling, then he said, “Ikaw!” My tears started falling. I don’t know what to say. “A-ako?” “Yes, ikaw!” he proudly said. “B-bakit ako? Pa’no?” wala na akong ibang naitanong. “Because I love you from the moment I saw you,” nakangiti pa rin sya when he said that. Grabe naman ‘tong taong ‘to, direct to the point sa sobrang honest.
“Y-you love me?” I’m really speechless. “Hey, c’mon. Don’t cry,” he said, wiping off my tears. “I love you from the moment I saw you, Juls. You’re different. You’re smart, you’re pretty, you’re awesome. You’re mysterious but I like that.” “Iñigo,” is all that I could say. Wala talaga akong masabi. Serioulsy, wala. Hindi ko alam kung tama pero right now, I know, I’ve completely fallen for him. “I love you too.”
Magkahawak-kamay kaming naglalakad sa mall. We ate and then we watched a movie. Officially, kami na nga. I still can’t believe. “Juls, okay lang ba kung sa bahay na muna tayo? I want you to meet my parents,” he was serious. I can feel sincerity when he said that. “Oo naman, tapos sa bahay tayo after?” pagyayaya ko naman. “Okay.” And then we went to his place, met his parents and they’re so cool. Nag-iisang anak pala ‘to kaya spoiled. I was happy, no, I AM happy. Never been this happy.
Hinatid nya ‘ko sa bahay, pinakilala ko sya kina Mom and Dad. I was prepared na pagalitan nila, but then walang nangyaring ganon. When Iñigo left, my parents were very happy. I saw happiness in their smiles. Hindi ko alam kung bakit kaya tinanong ko na, “Mom, Dad, what’s with those smiles? Hindi nyo po ba ‘ko pagagalitan?” Mom laughed, “Anak, why would we? Alam naming nangako ka na ‘di muna makikipagrelasyon. But I know, even if may boyfriend ka na, you would still be the same Julia. That achiever and responsible Julia. You know how to balance everything, and that’s why we’re so proud of you.” “And ‘nak, wala naman kaming pinagbabawal sa ‘yo as long as you know your limitations. Besides, I can see that Iñigo’s a good man so we trust you both,” Dad added, smiling. I hugged them both.
One week na kami but it seems like we’ve been together for a year. Ibang-iba sa pakiramdam compared to when I was with Khalil. I am always happy with Iñigo, always learning new things and we have a lot in common. Iñigo decided to organize a beach party at their resort in Batangas. Magkakasama kaming apat – ako, sya, tsaka sina Ella at Francis. We had a lot of fun. Bonfire. Jam. Foodtrip. Games. Horror stories. It’s 2AM and we decided to sleep. Ella and I shared the same room, so were the boys. I can’t sleep so I decided to go outside para magpahangin. “‘Di ka rin makatulog?” tanong no’ng lalaki sa likod ko. Napalingon ako, I smiled at him and said, “Hindi e. Ikaw rin?” “Yeah. You wanna watch the sunrise?” “Kita ba dito?” "Yes, of course. Here’s the best view if you really wanna see it.” We watched the sunrise together while he was hugging me fom behind.
I was looking for a gift para kay Iñigo sa mall and suddenly I bumped into someone. “Sorry,” sabi ko sa babaeng nabangga ko. “It’s okay, my bad. I wasn’t looking my way kasi e. Sorry ha,” sagot naman nya. “It’s okay,” sabi ko tapos umalis na ‘ko. I called Ella para makipag-lunch, while waiting for her sa steakhouse, I saw that girl again. This time, she’s with.. ‘IÑIGO?!’ tanong ng utak ko. Nilapitan ko sila, “Ñigs, what’re you doing here?” “Hey, Juls. Ah, uhmm..” I crossed my arms, waiting for what he’s gonna say. “Uhmm, this is Sofia. My ex-girlfriend. She just arrived from the States last night.” He explained.
“Oh, so you’re dating your ex here?” taas-kilay kong tanong sa kanya. “Hey, c’mon, miss. We’re just hangin’ out, like old times. You know..” singit no’ng babae sabay haplos sa braso ng Iñigo ko. Huhu. Inis na inis na ‘ko, sa sobrang inis ko nag-walkout na ‘ko. Nakasalubong ko si Ella. “Juls, anya–” di na natapos ni Ella ‘yong itatanong nya kasi hinatak ko na sya palabas ng steakhouse. Naabutan kami ni Iñigo sa labas. Hinila nya ‘yong kamay ko at pinaharap nya ‘ko sa kanya. I see sadness in his eyes, may namumuo nang mga luha. “Juls, you have nothing to worry about us. Nagbabakasyon lang sya dito. Nakiusap sya na magkita kami today and so pinagbigyan ko sya. That’s all,” pagpapaliwanag nya. “E ba’t di mo sinabi sa ‘kin?” naluluha kong tanong. He was quiet. Wala syang naisagot. “Wala kang maisagot? Then talk to me kapag wala na ‘yong babaeng ‘yon,” sabi ko sabay walkout.
A day before our first month, he went into our house. Pababa ako ng hagdan and I saw him standing there holding a bunch of flowers. Ang cute nya talaga, pero nagtatampo pa rin ako. “O, anong ginagawa mo dito?” salubong kong tanong sa kanya. He gave me the flowers and said, “Bati na tayo, please?” “Sige na nga, di naman kita matitiis e,” sagot ko sabay tanggap no’ng flowers. “Sorry, Juls. I should’ve told you,” apology nya. “Bumalik na ba sya ng States?” tanong ko. “Nope, she said she’s staying for a year dito.” “Oh, okay,” disappointment evident in my voice. “But don’t worry, sinabihan ko na syang wala na kaming pag-asang magkabalikan.” Napangiti nalang ako. Sinalubong namin ang aming first monthsary together and celebrated.
Two weeks bago ang pasukan, magkasama kami sa steakhouse. “Juls, are you okay with long distance relationships?” he randomly asked. “Aalis ka?” diretsa kong tanong. “In a month,” again, I can see sadness in his eyes. Wala akong naisagot. All the time na magkasama kami tahimik lang ako. I feel sad and disappointed at the same time. “Juls, please don’t do this. ‘Wag mo ‘kong pahirapan. Ayokong umalis nang may sama ka ng loob sa ‘kin. I want you to listen, okay?” sabi nya habang nasa mga pisngi ko ‘yong malalambot nyang mga palad. “Wait for me. I’ll be back after a year. I promise you,” sabi nyang naluluha na tapos hinalikan nya ‘ko sa noo. I hugged him tight, I was crying. That night ended with tears and fears.
Malapit na syang umalis kaya sinusulit na namin ‘yong oras na andito pa sya. We always go to beaches, minsan kaming dalawa lang, minsan naman kasama families namin, pati na sina Ella at Francis. Definitely a summer to remember. We’re in Palawan today, huling hirit na outing bago sya umalis. I feel happy, but there’s always a time I feel sad lalo na ‘pag naaalala kong aalis na sya at sa isang taon pa ang balik nya. I was watching him and my dad playing the guitar together. My mom said, “Magkasundong magkasundo ang mag-ama ah?” “Mag-ama agad, Mom?” natatawa kong sagot sa sinabi ni mom. I watched our families getting closer. I felt more happiness. “Ang saya ng ganito ‘no?” may nagtanong mula sa likod ko sabay yakap sa bewang ko. I just smiled, I felt his chin leaning on my shoulders. That day ended with smiles, laughters and fun.
Ngayon dapat ang alis nya pabalik ng States. Hindi ko sya ihahatid sa airport, baka ‘di ko sya mapapaalis. He called me, sabi nya we have to meet daw before he leaves. Pumayag ako since I wanna see him too. We met at the steakhouse. Nagtaka ako nang pagkapasok ko’y walang tao. And then I saw him, he was standing in front of me few steps away. May hawak syang rose at nakangiti pa. ‘Ano na namang paandar ‘to?’ tanong ko sa isip. Pagkalapit ko sa kanya, he asked, “Pwede bang ngumiti ka na?” “Anong gusto mo, matuwa ako na aalis ka?” mataray kong sagot. “Sino ba naman kasing maysabing matutuloy pa ‘ko?” “Wag mo ‘kong pinagtitripan!” “I’m not kidding, Juls. I’m staying for good. And nakapag-enroll na ‘ko sa school mo.” Nagulat ako do’n, but then again I’m happy. It was the best summer, the summer of my life. It was my summer love story.
0 notes
yoimleigh · 4 years
Text
Travel Buddies.
Tumblr media
Yen Ocariza © 2018
“Excited na ‘ko!” Sabi ko sa kaibigan ko. “Alam mo ‘yon? ‘Yong feeling na makakasama ko sila buong summer.”
“‘Wag masyadong ma-excite ‘te! Hahaha! Mamaya ‘di pa matuloy, ikaw rin,” pabirong sagot ni bespren.
“Ikaw naman! Panira ka rin ng moment e, ‘no?” sambit kong nakasimangot.
Pagkarating ko ng airport, nakita kong nagse-setup ang crew ng show kung saan ako nanalo ng all-expenses-paid trip to CamSur with two celebrities. Ang swerte ko lang dahil ako ang hina’Yaan nilang mag-decide kung sinong celebrities ang gusto kong maging travel buddies. At dahil napakakapal ng mukha ko, e sina Julie at Elmo lang naman ang pinili ko. Kebs!
“Eto na! Cam Sur, here I coooome!” Sabi kong sabay taas ng dalawa kong kamay na para bang gusto kong yakapin ang hangin. Chos!
Maya-maya pa’y may nakita akong pamilyar na sasakyan. “Kay Elmo ata ‘to ah?” Tanong ko sa sarili. “Hey bro!” sabi ni Drew pagdaan sa kinatatayuan ko habang sinasalubong si Elmo. “Hey bro!” sagot ni Elmo.
Napangiti ako. Sobrang cute pala ni Elmo sa personal. Eto na, maya-maya pa ay may lumabas mula sa passenger’s seat ng kotse ni Elmo. Si.. “Julie?!” Napasigaw ako sa sobrang tuwa. Napalingon ang tatlo sa ‘kin. Pulang-pula naman mukha ng lola nyo. Haha!
“Hihi! Sorry pooo.” Nasambit ko nalang paglingon nila. “Teka lang kuya, ba’t magkasabay na dumating sina Julie at Elmo?” naitanong ko sa isang crew. “‘Di ko po alam ma’am.” Sagot ni kuya. ‘‘Nak ng tokwa naman, may ‘di ba ako alam tungkol sa kanilang dalawa?’ tanong ko sa isip.
Naisipan kong tawagan si bespren. “Hello, bespren!”
‘Uy, bespren! Napatawag ka? ‘Di na tuloy ‘no? Hahaha!’ pang-asar na sagot nya mula sa kabilang linya.
“Tuloy na tuloy ‘no! Andito na nga kami sa airport e. Haha! At hulaan mo kung anong nakita kong nangyari kani-kanina lang.” Excited kong sagot kay bespren.
‘Ano?’
“Magkasabay na dumating sina Julie at Elmo.”
‘Ha? Lagi naman ‘di ba?’
“Hindi kaya! E sa magkaibang kotse naman sila lagi e. Ngayon, sa iisang sasakyan lang sila nanggaling.”
‘Hala! Kailan pa? Ba’t ‘di ko alam?’
“Aba malay ko. Kanina ko lang rin nalaman ‘no. O sige na, magbo-board na kami. Bye bespren. Usap nalang tayo pag-uwi ko ha? Hahaha!” paalam ko kay bespren.
“Okay everybody, let’s go!” narinig kong sigaw ni Direk Rico. Papasok na kami ng eroplanong nirentahan ng show. Medyo awkward. Wala akong kausap. Wala kasi si bespren. Hiamalang tahimik ako ngayong araw. Pagkaupo ko, tingin lang ako sa bintana. “Hey Yen!” nakangiting bati ni Drew pagkaupo sa tabi ko. “Hello po.” Awkward smile.
“‘Wag mo na ‘kong pinu-po. Excited ka na ba?” Tanong nya sa ‘kin. Akala mo naman close kami. “Sobrang excited, pero medyo kinakabahan,” sagot ko. “Bakit naman?” biglang singit ng isang lalaking papalapit sa pwesto namin. Sabay kaming napalingon ni Drew sa kanya – si Elmo lang naman ang nagtanong. Naks! May gano’n?!
“E kasi .. Ah, excited ako na k-kinakabahan kasi kasama ko kayo ni Julie buong summer.” Nauutal na sagot ko kay Elmo. Sobrang starstruck lang ang peg. Kebs! Sinagot nya lang ako ng isang pamatay na ngiti. Pulang-pula na naman ang lola nyo.
Sa likod ni Elmo ay nakasunod si Julie. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Sobrang ganda nya. Bagay talaga sila. Sino’ndan ko lang sila ng tingin sa pwesto nila. Ka-row lang namin. Pero may nakita akong hindi ko inaasahan. “Ohmygosh!” nasambit ko sabay palo sa braso ni Drew.
“Aray ko naman! Ba’t ka ba nanghahampas? Haha!” sagot ni Drew habang himas-himas ‘yong braso. “Ay sorry! Hihi! Ba’t sila magka-holding hands ng super tight?” tanong ko kay Drew sabay lipat ng tingin sa dalawa.
Ngiti lang ang naisagot sa ‘kin ni Drew. Ngiting akala kong may nalalaman. Hmm! I see and smell something sugary around here. Humanda! Boarding na. Nakatulog na ‘yong katabi ko. Ako naman nagbabasa lang ng magazine. ‘Yong dalawa sa kabilang sulok, ayon nilalanggam. Sobrang sweet, nakakainis kasi nakakakilig.
“Baby.” Narinig kong sabi ni Elmo. “Yes baby?” sagot naman ni Julie. Napakunot-noo lang ako. Anong meron? ‘Baby’? Hala! May hindi talaga ako alam, kaya nakinig nalang ako sa usapan no’ng dalawa pero kunwaring nagbabasa ako. “Pagdating natin do’n, wakeboard tayo,” sabi ni Elmo. “Sige ba. Pero turuan mo ‘ko?” Lambing ni Julie.
“Sure. Basta ba may kiss?” pabirong sambit ni Elmo. “Sapak, gusto mo? Hahaha!” sagot ni Julie. Hala! Ano ‘to? May kiss? Ang dami ko nang nalalamang ‘di ko kinakaya. Maya-maya pa, napansin kong tulog na rin ang dalawa. Tinignan ko at nakahilig ang ulo ni Julie sa balikat ni Elmo habang magkahawak ang mga kamay nila.
Kinuha ko ‘yong camera ko. Picture! Ayon, unang ebidensya. “Naku lagot! May flash!” pabulong kong nasambit. ‘Di naman nagising ‘yong dalawa. Buti nalang. Kinabahan ako do’n. Whew! Isang oras pa at magla-land na ang eroplano namin. Eto na! Adventure time time time. Lalala! Hehe.
Isa-isa nang nagising ang mga kasama ko. Ako lang ata ‘yong ‘di natulog sa sobrang excitement. Bumaba na kami ng eroplano at dumiretso sa hotel. Ako lang mag-isa sa kwarto ko. Nakakalungkot. Maya-maya pa, may narinig akong naghaharutan mula sa kabilang kwarto. Kinatok ko, pinagbuksan naman ako. Akalain mong sina Julie at Elmo ‘yon?
“H-hi?” Sabi ko sabay pa-cute na ngiti. “Come in.” Sabi naman ni Julie. “S-sige.” Nauutal na naman ako. Ano ba ‘yan. Hahaha! Sorry pooooo, nasa-starstruck lang sa dalawa. “Ba’t ka ba nauutal? Haha!” natatawang tanong ni Elmo. “E kasi.. ang gwapo mo at ang ganda nya. A-at.. kinikilig ako!” Sabi ko.
Natawa lang ‘yong dalawa. “Anong meron sa inyo?” Bigla kong naitanong sa kanila. ‘Di ko na talaga napigilan. Nagkatinginan muna sila bago sumagot, “Kami na.” Sabay nilang sabi.
Napanganga ako at napatulala sa nalaman ko. ‘Seryoso?!’ tanong ng isip ko. Pumitik si Elmo sa harap ng mukha ko, naalimpungatan ko. Mamula-mula ‘yong mukha ko sa kilig. “S-seryoso?! Kailan pa? Ba’t ‘di namin alam? Paano?” sunud-sunod kong tanong.
“Chill! Isa-isang tanong lang. Hehe.” Sabi ni Julie. “Five years na kaming mag-on ni Moe. ‘Di lang namin sinasabi sa press para ‘di kami pagpyestahan. Si Maqui at ‘yong family lang namin ‘yong nakakaalam at ngayon kasama ka na sa mga nakakaalam.” Paliwanag ni Julie. Hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie, “Sana secret lang natin ‘to? Please?” Pakiusap sa ‘kin ni Elmo. “Oo naman ‘no! You can trust me.” Sabi kong ngiting-ngiti.
“Thank you,” sabi nilang niyakap ako. Natulala na naman ang lola nyo o! Ikaw ba naman yakapin ng artista? Hahaha! “A-ahm, pwede bang magpa-picture?” sabi ko. “Sure,” sagot ni Julie. “Wait, kunin ko lang ‘yong cam ko sa kwarto.” Sabi kong nagmamadaling tumakbo palabas para kunin ‘yong camera ko sa kabilang kwarto.
“Goodmorning,” sabi ni Drew sa ‘kin pagkalabas ko ng hotel room. “Goodmorning,” sagot ko naman. “Sa’n sila Julie at Elmo?” “Nasa beach, nagwe-wakeboard.” Nakangiting sagot ni Drew. “Ganitong kaaga’t kainit? ‘Di ba sila mangingitim no’n?” Natatawa kong tanong. “‘‘Yaan mo na, nag-eenjoy e. Ikaw, ‘di ka pa ba maliligo?” sagot naman ni Drew sa ‘kin. “Mamayang konti,” nakangiti kong sagot.
“Drew, take na tayo.” Sabi ni Direk. “Okay Direk!” saka nagsimula nang mag-shoot ng show. Tinitignan lang namin si Drew sa isang monitor sa loob ng tent, waiting for our cue from Direk. Katabi ko sina Julie at Elmo na nagkukulitan na naman. Nakaka-out of place, pramis! Ang sweet nitong dalawa. Tse!
Ilang minuto pa, tinawag na kami para sa mga activities na isu-shoot. Naks! Hirap palang maging artista. Hahaha! Now I know. Charot!
“Okay.. and Cut!” sigaw ni Direk. Lumalalim na ang gabi no’ng natapos ang shoot. Grabe, sobrang nakakapagod pala talaga. May ilang araw at isang buwan pa ng shooting. First day palang, napagod na ‘ko. Pero buti nalang kasama ko ‘yong dalawang lagi kong gustong makita. Haha!
“Goodnight, Julie! Goodnight, Elmo.” Nakangiti kong bati sa dalawa bago pumasok sa kwarto. “Goodnight, Yen,” sabay nilang sabi.
Madaling araw, naalimpungatan ako sa ingay ng kabilang kwarto. “Grabe naman ‘tong dalawang ‘to. Madaling araw na, nagkukulitan pa rin?” Tanong ko sa sarili. Napapangiti lang ako. Ang saya lang sa feeling na assured ka sa kanila. You guys know what I mean? ‘Yong kahit ‘di na sila on-screen nagkakatambal, e alam mong ‘di na sila mawawala. Tiwala lang!
Maaga akong nagising kinabukasan. Picture-picture sa view ng CamSur. Himalang wala masyadong tao ngayong taon. Mabuti na ‘yon nang ‘di mapagpyestahan sila Julie at Elmo ‘no, ‘di ba? Hihi!
Alas-dyes na ng umaga nang magising sina Julie at Elmo. Nakita ko silang papalabas ng hotel na magkahawak-kamay. “Goodmorning,” bati ko. “Hi. Goodmorning,” nakangiting sagot naman nila. “Anong gagawin natin today?” ani Julie. “‘Di ko alam e, ‘di pa nagpapakita si Direk,” sagot ko sa tanong nya.
“Breakfast muna tayo, babe?” sabi naman ni Elmo. “Sige babe,” nakangiting sambit ni Julie. “Sama ka?” tanong ni Elmo sa ‘kin. I smiled, “‘Wag na, makakaistorbo pa ‘ko sa inyo e. Hahaha!” pabiro kong sagot. “No worries,” sambit ni Elmo. “‘Di, okay lang talaga. Kumain na ‘ko kanina sa room.” Sabi ko.
“You sure?” Tanong ni Julie. “Yeah,” sagot ko. “Sige na, baka nagugutom na kayo. Okay na ‘ko dito. Don’t worry.” “Sige, see you later.” At ayon, tinignan ko lang silang magkahawak-kamay na naglalakad sa white sand. Kinuhanan ko sila. Ang ganda. Ang saya. Naluluha na ‘ko sa tuwa at kilig. Charot!
Second week na namin sa CamSur. Activity for today – trecking. Hooray! Ang ganda ng rainforest dito. Bagay sa mag-jowa. Haha! Napaisip ako. Ting! Bright idea.. “Julie, Elmo, pose kayo do’n dali!” sabi ko, sabay turo sa isang magandang puno. “Dito?” Tanong ni Julie. “Oo, dyan, kukunan ko kayo.” Sabi kong excited. “Game!” sambit ni Elmo. Kinuhanan ko sila ng litrato. Tinignan ko isa-isa ang mga ‘yon.
“Ba’t ‘di kaya mag-photoshoot nalang tayo ng pre-nups nyo? Haha!” pabiro kong suggestion sa dalawa. Nagkatinginan sila, “Sure. Why not?” sabi ni Julie. “Okay lang po ba, Direk?” tanong ni Elmo kay Direk Rico. “Oo naman, ayos lang rin bang ipakita sa show?” balik-tanong ni Direk. “Is that okay, babe?” tanong ni Elmo sa nobya. “Sure, I think it’s time Moe.” Nakangiting sagot ni Julie.
“Awwe,” tanging nasambit ko sa mga nakikita ko. “Okay, take na tayo Direk!” sigaw ni Elmo na halatang sobrang saya. “Okay, Ready.. and Action!” sigaw ni Direk. Napadpad kami sa isang hot spring sa pusod ng rainforest. Naisipan kong kuhanan ulit ang dalawa sa magandang view. “Julie, Elmo, picture!” sigaw ko. “Sige,” ani Elmo.
Pagkatapos kong makuhanan sila ng napakaraming litrato, ipinakita ko kay Julie. “Ang galing mo naman palang photographer e,” natutuwang sabi ni Julie sa ‘kin. “Hehe. Thank you.” Nahihiyang sagot ko naman. “Sa’n si Moe?” tanong ko. “Ah, nasa kwarto. Nagpapahinga e. Napagod ata sa shooting. Hehe,” malambing na sagot ni Julie.
“Juls, masaya ka ba?” biglang tanong ko. “I mean – ” “Oo naman, sobra. No’ng sinabi pa lang sa ‘kin ni Elmo na gusto nya ‘ko, sobrang saya ko. ‘Di ko alam kung anong nangyayari sa ‘kin no’ng time na ‘yon. I felt like, as if I was in a fairytale. Do’n sa part na magkaka-happy ending na..” Kwento lang ng kwento si Julie, ‘di namin alam, kinukunan na pala kami ni Direk.
“..na darating si Prince Charming at magko-confess kay Cinderella. Tapos sabay silang tatakbo na magkahawak ang kamay. Ang saya lang. Lalo na no’ng sinabi nyang ipapakilala nya ‘ko kina tita Pia. I mean, I know them already, pero no’ng officially, natuwa ako.”
“Napaiyak pa nga ‘ko e. Haha! Iba kasi talaga ‘pag ipinakilala ka no’ng guy sa family nya. Alam naman nating lahat ‘di ba, na family guy si Moe? Tapos wala pang pinapakilalang girlfriend sa family nya, until me. Nakaka-touch. Gano’n din nga raw naramdaman nya no’ng ipinakilala ko sya kina mama. First boyfirend ko kasi si Moe. And I know and I’m sure, he’s the one for me.” Naluluhang pagtatapos ni Julie.
“Awwe, ang cute naman pala ng story nyo,” nakangiting sambit ko. “Himalang ‘di nasagap ng mga adiks ‘yan, pero thank you Julie ha?” “Hmm? For what?” tanong nya. “For trusting me your story,” sagot ko. “Sus! Ano ka ba, wala ‘yon. Ikaw pa, e close na tayo ‘di ba? Hehe,” sabi ni Julie. Shocks! Close na kami, as in CLOSE! Ang sarap pala sa feeling. Hihi!
Maya-maya pa’y nakita naming papalapit na sa ‘min si Elmo. “Hi baby,” sabi nyang nakangiti at pagkalapit kay Julie ay hinalikan ito sa noo. “Hi, babe. Slept well?” tanong ni Julie. Naka-roll pa rin pala ‘yong camera at pinapanood lang kami nila Direk sa monitor. Wais ka din Direk e, ‘no? Haha! Isa ka pa Drew! Lumapit sa ‘min si Drew, “Hey guys!” “Hey bro,” sagot ni Elmo. “So, surfing tayo?” Pagyayaya ni Drew. “Game!” sabay-sabay naming sagot. “Okay, let’s go.” Sabi ni Drew.
Whole day kaming nag-surfing. Ang sweet talaga ng JuliElmo, akalain mo ba namang pati sa surfing magkahawak-kamay pa rin. Naks naman! “‘Di na ba talaga maghihiwalay ‘yan?” tanong ni Drew no’ng mapansing nakatingin lang ako sa dalawa habang nakangiti. Nagkibit-balikat nalang ako.
“Okay, CUT!” biglang sigaw ni Direk. “Ang dami nang langgam, umabot na sa dagat. Haha!” Pabirong sabi ni Direk na kunwaring nagpapagpag ng langgam. “Direk talaga,” nasambit nalang ni Elmo sabay kamot sa ulo. “‘Yaan mo na babe, naiinggit lang si Direk. Haha!” pabirong sabi ni Julie. Natawa nalang kaming lahat.
Last dinner together. Grabe ‘tong mga nangyayari sa CamSur. Buti nalang kinakaya ko kahit wala ‘yong Medics. Haha! Eto na naman ‘tong dalawa, subu-subo ‘pag may time. Hmm, naiinggit tuloy ako. Bigla kong namiss si boyfie. Medyo sad, pero kebs! At least nag-enjoy ako kasama sila Julie at Elmo.
Maaga kaming nagising para magligpit ng gamit, may kumatok sa kwarto ko. “Yeeen!” sabi no’ng nasa labas. Binuksan ko. “Uy, Julie? Anong meron?” nagtataka kong tanong. Sobrang saya niya. Dali-daling tumakbo papasok si Julie hatak-hatak ako. “Aray ko naman Juls, ang sakit ah.” Sabi kong himas-himas ang pulso ko. “Sorry naman, ang saya ko lang. Hihi!”
“Bakit naman? An’yare? Spill!” sabi kong nakakunot-noo. “Kita mo ‘to?” Sabi ni Julie sabay taas ng kaliwang kamay, “Nag-propose na si Moe sa ‘kin kanina!” Napangiti ako. Ang saya ko. “Seriously?!” tanong ko habang tinitignan ‘yong singsing sa finger ni Julie. “Congrats!” bati ko sa kanya sabay yakap. “Thank you,” sabi nyang nakayakap na din sa ‘kin.
“Let’s go na?” Sabi ni Drew sa ‘kin pagsilip sa kwarto ko. “Yeah, susunod na ‘ko. Almost done.” Sagot ko. “Sige, see you nalang sa lobby,” sabi ni Drew. “Sige,” sambit ko. Pagkalabas ko ng kwarto, saktong kakalabas din nina Julie at Elmo. “Congrats!” bati ko kay Elmo. “Thanks,” nakangiting sagot ng binata.
“Grabe, mas masaya pa ata ako sa inyong dalawa e. Haha,” pabiro kong sabi. Natawa lang sila, halatang masayang-masaya. Bitbit ni Elmo ang mga gamit nila ni Julie sa kaliwang kamay, hawak naman nya sa kanan ang kamay ng nobya. Nakasunod lang ako sa kanila, nakangiti.
Kinuha ko ulit ‘yong camera ko, kinuhanan ko sila. Saktong pag-click ko, napalingon sila sa ‘kin. Ang ganda no’ng picture, kitang-kita na masaya sila. Haha! “Ksilan kaya ang kasal? Invited kaya ‘ko? Haha!” pabulong na naitanong ko sa sarili. “Punta ka sa kasal namin ha? Papadala ko nalang ‘yong invitation,” nakangiting sabi sa ‘kin ni Elmo.
“Totoo, invited ako?” natutuwa kong tanong. “Oo naman ‘no. Ikaw pa, ang lakas mo kaya sa ‘min. ‘Tsaka ikaw magiging photographer namin sa kasal,” sabi ni Julie sabay kindat sa ‘kin. Hala! Akalain mong may raket pa ‘ko sa future? Haha! Ako na, ako na talaga.
Pagkauwi ng Manila, nag-lunch kami sa isang Japanese restaurant. Last group picture at last picture ko with Julie and Elmo – so far. Hehe! E may wedding pa ‘di ba? Chos! Tinawagan ko na si bespren. “Hello, bespren!” sabi ko. ‘Hoy! ‘Nak ka ng tokwa, ba’t ngayon ka lang nagparamdam?’ Tanong ng lukaret kong bespren. “Basta, masyado lang kasi akong nag-enjoy sa CamSur. Sorry pooo,” sabi ko.
‘Ewan ko sa ‘yo. Kinalimutan mo ang bespren mo no’ng makarating ka lang ng CamSur kasama sila Julie at Elmo,’ pagtatampong sambit ni bespren.
“Tse! ‘Wag ka ngang magdrama dyan, ang dami ko kayang pasalubong sa ‘yo bruha ka!” sabi ko. ‘E ‘yon naman pala e, asan ka na? Pasundo kita, gusto mo?’ ani bespren. “Gaga ka talaga! Nakarinig lang ng pasalubong, bumalik na sigla mo. Haha! Sige na, uuwi na ‘ko. Magta-taxi nalang ako. Bye!”
“So, pa’no guys? Una na kami.” Paalam ni Drew. “Sige, bro. May date pa kami ni Julie babes ko e.” Sabi ni Elmo. “Naks! Sige, congrats nga pala. Ang galing nyong magtago ah? ‘Di namin agad nahalata. Buong akala ko walang meaning ‘yong babe nyo,” natatawang sambit ni Drew. “Hehe. Ayaw kasi naming pagkaguluhan,” sabi ni Julie.
“Kunsabagay, kahit naman ako. Haha! Pa’no see you both nalang sa work.” Paalam ni Drew sa dalawa. “Yen, I’ll go ahead,” paalam din nya sa ‘kin. “Sige, bye. Thank you.” Sagot ko. “Direk, thank you po!” sigaw ko kay Direk na sinagot ako ng ngiti at kaway. “So, pa’no Julie, Elmo, I heard may date pa kayo?” tanong ko sa dalawa.
“Yeah. Pa’no, we’ll go ahead na?” paalam ni Julie. “Sige, ingat. Call me nalang about sa wedding.” Nakangiti kong sabi. “Ay teka,” singit ni Elmo. “Bakit?” sabay naming tanong ni Julie. Tumingin si Elmo sa ‘kin, “Sa’n ka ba uuwi?” “Makati,” nagtataka kong sagot. Tumingin naman sya kay Julie, “Babe, on the way lang. Okay lang ba kung sumabay na sya sa ‘tin?” “Oo naman ‘no, bakit hindi,” nakangiting sagot ni Julie.
“Talaga?” sabi kong sobrang natuwa. “Let’s go. Do’n ka na sa likod.” Sabi ni Elmo. “Sige,” excited kong sagot sabay bukas ng pintuan ng kotse ni Elmo. Habang nasa byahe, tahimik lang akong nakatingin sa dalawa. “Yen, ba’t ang tahimik mo?” Nakangiting tanong ni Julie na lumingon sa pwesto ko.
“Wala, masaya lang ako. Masayang-masaya!” sagot ko. “Bakit?” sabay nilang tanong. “E kasi kayo e. Haha! Alam nyo na ibig kong sabihin.” At nagtawanan nalang kaming tatlo. “Ahmm, Moe, dito nalang. Ilang hakbang nalang naman e.” Sabi ko kay Elmo pagkarating ng Makati. “Sure ka?” Nag-aalalang tanong ni Julie.
“Yeah, baka kasi may makakita pa sa inyo. Pagpyestahan pa kayo, ‘di ba?” sabi kong nakangiti. “Sige, ikaw bahala,” sabi ni Elmo saka inihinto ang kotse sampung hakbang papunta sa condo ko. “Salamat ha? See you soon,” sabi kong pagkabukas ng pintuan para lumabas. “Welcome, wait for the invitation nalang ha?” nakangiting sagot ni Elmo. “Sige,” sambit ko at saka isinara ang pinto. Pinagmasdan ko lang ang kotse hanggang sa nawala na ito sa paningin ko bago ako pumasok sa building.
Pagkapasok ko sa unit, “Yeeen!” sigaw ni bespren na sinalubong akong ng mahigpit na yakap. “Aray ko naman ‘te, ‘di ako makahinga.” Sabi ko. Kumalas si bespren sa pagkakayakap, “Teka, ba’t parang ang bilis ng taxing sinakyan mo?” nakakunot-noong tanong nya. “Basta, mabilis magmaneho ‘yong driver e. Haha!” pabiro kong sagot.
“Ewan ko sa ‘yo. Baliw ka na. Nakasama mo lang sina Julie at Elmo sa CamSur, wala ka na sa matinong pag-iisip. Haha!” pang-aasar ni bespren. “‘Di kaya! O ayan, mga pasalubong mo,” sabi ko sabay abot kay bespren ng mga pasalubong. “Spill!” biglang sambit nya. “Ha?” sagot ko.
“Anong nangyari sa CamSur? May balita ba?” seryosong tanong nya sa ‘kin. Nginitian ko lang sya. “Uy bespren, chika naman. Sige naaa,” paglalambing ni bespren. “Wala nga. Basta, maghintay ka nalang.” Pang-asar kong sagot sabay belat kay bespren. Hindi ko kasi maikwento sa sobrang saya. Hahaha!
“Bespren! May mail ka,” sigaw ni bespren mula sa sala. “Kanino raw galing?” Sigaw ko mula sa kusina habang nagluluto ng breakfast. “‘Di ko alam e, basta sabi no’ng kartero para sa ‘yo daw.” Sagot nya. “Sige, pakilagay nalang dyan sa coffee table. ‘Lika na, kakain na,” sabi kong naghahanda ng lamesa.
Tinignan ko ‘yong mail. Pagbukas ko ng sobre, nakita kong may plane ticket at invitation para sa kasal. Naks! ‘‘Di nga talaga nagbibiro ‘yong dalawa. Invited nga talaga ako,’ sabi ng isip ko. Tinawagan ko si Julie, “Hello, Juls!” ‘O Yen, natanggap mo ba?’ sabi ni Julie sa kabilang linya. “Yeah, hawak-hawak ko. Seryoso pala talaga kayo na invited ako ah? Hehe.” Pabiro kong sabi.
‘Oo naman ‘no, isa ka sa naging witnesses namin ni Moe. Kaya ang laki ng pasasalamat at tiwala namin sa ‘yo.’
“Nga pala, ba’t may kasamang plane ticket ‘to papuntang Batangas?”
‘Sa Batangas kasi kami magpapakasal. Isa ‘yon sa favorite places namin ni Moe. Tsaka, dapat sabay tayong pumunta don ha.’
“Sige ba,” nakangiti kong sagot.
‘So, pa’no? I have to go Yen, may photoshoot pa kami ni Moe e.’
“Magkasama kayo? Pakisabi salamat din, pati sa ‘yo. Haha.”
‘Sure. You’re welcome,’ pagtatapos ni Julie sa usapan namin. “Grabe, ang saya naman. Magiging witness pa ulit ako sa isa na namang chapter sa buhay nilang dalawa.” Sabi ko sa sarili. “Hoy! Sinong kausap mo?” tanong ni bespren. Napalingon ako, “Ha? Wala.” Sagot ko. “Ano ‘yan?” tanong nyang nginuso ang hawak ko.
“Ah, invitation. Para sa isang party sa Batangas tsaka plane ticket.” Nakangiti kong sagot. “Ah, okay.” Sambit ni bespren.
Batangas bound – again with Julie and Elmo. Ang saya! Magkakatabi na kaming tatlo sa eroplano. Ako, si Julie, tapos si Elmo. Nasa may bintana ako, para daw ‘di ako mainip sa byahe. Days before the wedding, dinala nila ako sa isang magandang clubhouse. Kinuhanan ko sila ng mga litrato habang namamasyal.
Nag-online ako kinagabihan. Twitter ni Julie, twitter ni Elmo. Facebook ko. May nag-pop up. “Uy, notification,” sabi ko sa sarili. ‘Julie Anne tagged you and Elmo Moses Magalona in a post ..’ sabi no’ng notif. I clicked it then binasa ko, “Travel Buddies in Cam Sur and Batangas – feeling happy with Elmo Moses Magalona and Yen Cedeño Ocariza.” Tapos nakita ko may picture naming tatlo.
Click ng Like. Highlight sa Timeline. Boom! Ang sarap pala sa feeling. Grabe, akala ko hanggang faney nalang ‘yong peg ko. Naging travel buddy pa ako nitong dalawa. Achieve na achieve! Nga pala, after pa ng wedding naipalabas sa show ‘yong episodes namin sa CamSur.
1 note · View note