Tumgik
yyaannaahh-blog · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Nakakamiss rin pala yung mga panahon na palagi kayo magkausap. Yung mga tagpong kahit wala na kayo mapag usapan, hindi pa rin kayo nagsasawa. Nakakamiss yung mga kwento niya at mga joke niyang korni. Nakakamiss yung boses niyang sintunado sa tuwing kinakantahan ka niya bago matulog. Kung minsan hindi mo sinasadya, natutulugan mo siya.
Palagi kayong magkatext umaga hanggang gabi. Minsan nga inaabot pa ng madaling araw. kahit paulit ulit nalang yung pinaguusapan, paulit ulit pa rin yung nararamdaman niyong saya at kilig.
Hanggang sa nagbago ang lahat. Hanggang sa nawala na ang saya at tamis ng pag uusap. Kung dati wala kayo ibang pinoproblema, ngayon puro nalang away ang pinaguusapan niyo. Yung dating Masaya sa tuwing nagkukwentuhan kayo, bigla nalang tumamlay. 
Nakakamiss lang yung mga panahong yun. Hindi naman sa hindi ko naiintindihan na nagsawa siya, na napagod siya, alam ko naman un. Nakakalungkot lang naman isipin, syempre namimiss mo siya. yung kung ano kayo dati.
629 notes · View notes
yyaannaahh-blog · 8 years
Text
"I DESERVE AN EXPLANATION. I DESERVE AN ACCEPTABLE REASON" -NO, YOU DON'T!
Ang sweet nyo sa isa’t isa. Nag eexchange kayo ng sweet text messages, lagi kayo magkausap at ‘pag magkasama kayo parang kayo. PERO HINDI KAYO. HINDI KAILANMAN NAGING KAYO. Tapos isang araw, nawala na lang siya, na parang bula. Kung anong dahilan, hindi mo din malaman.
Wala ng mas sasakit pa sa katotohanang gumising ka isang araw, wala na ang lahat para sakanya. Iniwan ka ng walang paliwanag at sabi sabi. Ni hindi mo alam kung may nagawa kang mali o talagang ayaw na nya. Walang formality. Pero wala kang karapatan magreklamo at humingi ng formality na 'to dahil walang “kayo” at kahit kailan hindi naging pormal na “kayo.” Umasa ka lang sa lahat ng sinabi niya. Naniwala ka sa mga “sugar-coated” words niya. Bakit? Kasi gusto mo din. Pero, 'di umayon ang tadhana at anjan ka ngayon, nakanganga. Umaasa na magtetext sya ulit, umaasa na tatawag siya, umaasang magpaparamdam siya. UMAASA NA BABALIK PA SIYA. Umaasa sa lahat ng bagay na pwede pa, na lalong ikinababasag ng damdamin mo. Pwede nilang sabihin na ikaw lang ang nag assume, pero alam mo sa sarili mong hindi eh. Kaya mapapaisip ka na lang kung totoo ba talaga ang lahat ng 'yon o panaginip lang.
Pagkatapos ng lahat, heto ka ngayon, nakatanga, nag iisip kung joke lang lahat 'yon. At kung totoo ngang isa lang 'yong MALAKING JOKE, paano ka nya nauto ng ganon?! WHAT A NICE SHOW.
*Thanks for messing up.I am most pleasured.
7 notes · View notes
yyaannaahh-blog · 8 years
Text
Nasaktan eh
Iniwan kana ba? Iniwan kana ba ng taong mahal mo ng sobra?
Ang sakit no?
Lalo na kung minahal mo ng totoo at sineryoso mo ng todo. Ang sakit na maiwan sa ere . Ang sakit sakit kasi yung taong minahal mo ng sobra sobra iniwan kana! Ang ayos-ayos niyo pa lang magkausap/magkasama. Magugulat kana lang sumuko na pala siya sayo.
Minsan mapapaisip ka nalang bigla kung saan ka nagkulang. Minsan mapapaiyak ka nalang sa sakit na nararamdaman mo. Mas pinili niyang bitawan ka kesa ipaglaban ka hanggang sa huli.
Nasaktan ka kasi hindi mo inexpect na iiwan karin pala niya, kahit gusto mo pa siyang ipagpaban wala kang choice kailangan muna siyang bitawan. Dahil sinukuan kana niya.
Ginawa mo naman lahat ng makakaya mo para manatili siya pero hindi siguro sapat sa kanya yun. Mahal na mahal mo pa siya? Siya kaya mahal kapa? Lahat ng pangako niya sayo ay naglaho na.
Kung mahal ka niya talaga hindi ka niya iiwan kahit ano pa man mangyari. Iniwan ka na ng taong hindi mo maiwan -iwan. Ganyan talaga pag nagmahal ka ng totoo masasaktan at masasaktan ka sa ayaw at sa gusto mo.
Minsan umaasa ka na babalikan ka niya kahit alam mong malabong mangyari yun. Ang hirap tanggapin na wala ng kayo. Kailangan mo ng kalimutan ang lahat lahat kasi sa kanya wala na lahat ng pinagsamahan niyo.
Bakit ka pa aasa kung kinalimutan ka niya? Bakit ka pa iiyak kung masaya na siya na wala ka? At bakit mo ipaglalaban kung siya mismo ipinagtabuyan kana? Iiyak ka nalang ba? Tama na siguro. Tanggapin mo nalang kahit mahirap kakayanin naman kung gugustuhin.
Makakahanap karin ng tatanggap sayo at hindi ka iiwan hanggang sa huli kahit ang dami mong dahilan para iwan siya nanatili ka parin dahil mahal mo siya pero siya ang daming dahilan para manatili siya pero pinili niyang iwanan ka.
Sa sobrang tapang mo pati maling tao ipinaglaban mo sa halip na maging bitter ka mas piliin mo nalang na maging masaya para sa sarili mo at para narin sakanya.
Ganyan talaga pag nag mamahal, nasasaktan.
5 notes · View notes
yyaannaahh-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Selfie ng hindi pa nakakamove on. 😂💔
0 notes
yyaannaahh-blog · 8 years
Text
MISS NA MISS NA KITA! 😭 Sana miss mo na din ako. Pero alam kong malabong mangyare na mamiss mo rin ako kasi masaya ka na sa iba. 😭 Sorry ah kung hanggang ngayon MAHAL PA DIN KITA. 😭 Hindi ko alam kung bakit lagi ka nasa isip ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ka mawala sa puso ko. Ikaw pa din kasi yung MAHAL KO EH. 😭 Oo alam ko, Dapat nag momove on na ako sayo kasi iniwan mo na ako at bigla mo na lang ako hindi pinapansin. Pero bwiset MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA EH. 😭💔
0 notes